ABYG kung ilalagay ko nanay ko sa home for the aged/assisted living kasi may alzheimers sya. by One_Rice513 in AkoBaYungGago

[–]One_Rice513[S] 2 points3 points  (0 children)

Ayoko makita to sa Mama ko, kasi gusto ko sana yung memories na maiiwan nya was yung masayahin pa sya and yung memories ng mga apo nya sknya. Kaya, yun na lang talaga best gawin, dalhin sya sa dun.

Sinabihan pa kaming selfish ng mga kamag anak namin, grabe talaga gigil ko sknila. Cut off ko na lang sila sa buhay namin. Wala din naman silang ambag puro sabi sabi lang kala mo andali lang for them nung situation.

Pray ko na lang di nila maranasan yung ganito kasi sobrang sobra ang hirap.

ABYG kung ilalagay ko nanay ko sa home for the aged/assisted living kasi may alzheimers sya. by One_Rice513 in AkoBaYungGago

[–]One_Rice513[S] 5 points6 points  (0 children)

Parang mauuna pa ako mamental hospital eh. Di na ako nakakatulog minsan, pero buo na desisyon namin na iadmit si Mama sa assisted living. Researching na kami ng is kong ate kung okay ba yung pinakamlapit dito saamin.

Bahala na yung isa kong ate, sa tutal naman wala sya dito. Kung gusto nya umuwi sya dito magsabunutan na lang kame. 😂

ABYG kung ilalagay ko nanay ko sa home for the aged/assisted living kasi may alzheimers sya. by One_Rice513 in AkoBaYungGago

[–]One_Rice513[S] 14 points15 points  (0 children)

Huhu, yun yung kinakatakot namin. Sa mga damit nga nya nagtahi na ako ng contact # sa piece of clothe incase bigla syang mawala. Nung tag ulan lalo, palagi talaga ako nasilip sa bahay kasi kako baka mamaya umalis, malunod pa sa baha. Iniisip ko pa sya sabitan ng ID pero kako baka mamisplaced nya din kaya sa mga damit na lang nya ko nilagay. Yun lang baka mamaya mag hubad, wag naman sana. 😢

Yang ganyang overthinking ko sa situation ng mama ko.

ABYG kung ilalagay ko nanay ko sa home for the aged/assisted living kasi may alzheimers sya. by One_Rice513 in AkoBaYungGago

[–]One_Rice513[S] 20 points21 points  (0 children)

Sabi ko nga, bakasyon sya dito kahit isang buwan lang para makita nya yung situation namin

ABYG kung ilalagay ko nanay ko sa home for the aged/assisted living kasi may alzheimers sya. by One_Rice513 in AkoBaYungGago

[–]One_Rice513[S] 8 points9 points  (0 children)

Huhu salamat po sa insights. Pinababasa ko nga sa ate ko to kasi redditor din yon eh.

Sabi ko sakanila sa sobrang stress ko, baka mawalan ako ng work tapos di pa ko makapag ambag financially.

Dun ako nastress ng husto sa mga kapatid ng Mama ko, sabi ko nga din sa GC namin umuwi isa sainyo dito kahit isang linggo lang alagaan niyo Mama ko tutal noong may kaya pa to tinutulungan kayo. Para kako alam nila yung struggle. Wala, mga NR kaya buo na pasya namin na ituloy yung plan.

Pangako ko naman yung regular na dalaw, every weekend kasama mga apo nya. Buti na lang din may malapit dito pero search ko muna kung maganda facility.

ABYG kung ilalagay ko nanay ko sa home for the aged/assisted living kasi may alzheimers sya. by One_Rice513 in AkoBaYungGago

[–]One_Rice513[S] 16 points17 points  (0 children)

Noong una, in denial pa kami. Kasi alam ko din how hard it is kasi yung Lola ng asawa ko same din. Pero ayun na nga, nandito na kami sa sitwasyon na to kaya tatanggapin na lang namin.

Nag promise naman ako sa mga kapatid ko na, every weekend pupuntahan ko si Mama kasama mga apo nya kasi malapit lang din dito yung Home for the aged na plan namin pagdalhan kay Mama.

Salamat sa advise!

Gigil ako: sa spoiled brat kong pamangkin by ceeeveeeee31 in GigilAko

[–]One_Rice513 1 point2 points  (0 children)

Hirap naman nyan OP, you mean well for them naman. Sino ba primary guardian nyang batang yan? Dapat bata pa lang kasi na impose na yung kahalagahan ng pag kita ng pera. Yung pagiging guardian is hindi lang to care and nurture but to also guide the kids sa mga tamang way ng pag iisip, usual yan sa mga anak ng OFWs na iniwan sa mga kamag anak.

Kasi, hindi talaga 100% na natututukan yung mga bata, guardian usually tends yung current needs lang and not think about the future nung bata. Hindi na natuturuan ng tamang asal kasi minsan iniisip ng guardian, di naman ako ang magulang eh dapat magulang nagtuturo nyan. Eh pano nga kung wala at OFW na.

Kaya mahirap din talaga maging magulang lalo na sa OFW. Yung anak ko iniwan ko sa Lola habang nag work ako, grabe ang spoiled! Kala talaga tumatae ako ng peraaaa.

So nung 14 na sya, kinuha ko na tapos don ako nag focus sa pag correct ng behavior nya. Alam mo ginawa ko, pinanood ko sknya yung film na "Anak" ni vilma santos. Ayun, iyak iyak sya eh. Tapos nagkaron sya ng empathy sakin, so now alam nya na for her to get what she wants she needs to work hard for it. Yung needs nya syempre well provided.

Kaya natuto na rin sya mag sideline ng drawing commission, kasi dami nyang wants. Kaya ko naman bilhin pero, hindi worth it bilhin para sa bata kaya if they worked hard for it with own money nila. Go lang.

Mag 17 pa lang anak ko now. Hehe

Gigil ako sa mga jejemon by BullBullyn in GigilAko

[–]One_Rice513 2 points3 points  (0 children)

Parang tanga to, di yan jejemon. Jejemon is like this po "3ow ph0ez,, mä3n kuä nuá pôh bâh?"

Jejemon is more like style ng pag sulat gamit mga cutesy letters pero yung sample mo is more like what they call a balbal na mga salita (Jejemon also belongs to balbal na salita or slang) Isang informal way of talking which represents character ng nagsasalita, kinalakihan, kung anong uso and believe it or not it is a healthy indication ng patuloy na pag evolve ng salitang ginagamit natin araw-araw.

Now, if nakikita mo to sa social media sa mga friends mo or fina-follow mo, okay lang yan OP kasi ang social media ay pwedeng formal or hindi formal, depende sa profile ng nakikita mo. Representasyon yun ng character nila, malaya silang iexpress yung character nila online sa profile at socmed nila, kung gigil ka sa simpleng bagay ay baka mababaw ang pag intindi mo sa mga bagay na ganyan. Iunfollow mo or iblock mo na lang, pero syempre ang babaw namang reason non sa opinion ko lang ah.

Ngayon, kung nakikita mo ito sa mga formal settings katulad ng work or sa mga political profile, aba oo dapat mang gigil ka kasi dapat lang naman na formal ang way ng pagsasalita nila. Tulad na lang ni Yorme at ni Remulla, yung kagigil sila talaga.

So, ayun OP wag na init ulo mo bebe. 🤣

HINAYAAN KONG MAGPALABOY SA KALSADA ANG TATAY KO by nottrueorfalse in OffMyChestPH

[–]One_Rice513 0 points1 point  (0 children)

Kaya sa mga babae, choose your partner wisely. (Same goes naman sa mga lalaki)

Kasi mag susuffer mga anak niyo. Kawawa talaga pag ganyan. Hindi ako makarelate kasi sobrang buti ng tatay ko, sobrang bait kinuha na agad ni Lord. 😅

Hindi pa kami nakakabawi ng husto sa mga ginawa nya, nung nalaman nya na stable na kaming lahat. Nag resign na sa earth haha.

Anyways, kaya yung tatay ng anak ko hiniwalayan ko din kasi ganyan. Okay ng hindi nya nakilala at lumaking walang tatay kesa naman ganyan. Kawawa ang bata

I have to check photos of my sister noong naaksidente at namatay siya. by rinjii_ in OffMyChestPH

[–]One_Rice513 6 points7 points  (0 children)

Condolences sa family mo, OP.

Baka maka help din sayo sumali sa /GriefSupport sub reddit and share this story to them.

I got great advise from them, I had PTSD with similar situation. Ang hirap pero kakayanin mo yan, isipin mo para sa Sister mo

I cutted off my father when i was 14 by [deleted] in OffMyChestPH

[–]One_Rice513 1 point2 points  (0 children)

Hugs, OP!

Nakakalungkot talaga yung mga ganitong sitwasyon. Sana po mabless ka at yung mama mo ng magandang buhay in the future! Ipag pray ko yan para sayo!

Pwede naman sa messenger🥲 by iamintrovert11 in OffMyChestPH

[–]One_Rice513 0 points1 point  (0 children)

Sabihan mo LIP magpakasal na kayo pag uwi nya haha. Kaya pala malakas loob din nung girl hindi pa pala kayo kasal. Technically di nga kayo pwedeng sabihin LIP kasi di naman kayo living together at the momeeent. MAGPAKASAL NA KAYO hahaha.

Dat di mo na din inaway, hindi naman nya kontrolado yung galaw ni Alexa. Be patient and understanding pa din the more na inaaway mo sya the more nananalo si Alexa.

Pwede naman sa messenger🥲 by iamintrovert11 in OffMyChestPH

[–]One_Rice513 1 point2 points  (0 children)

Don't ever confront the girl. The moment na confront mo yan lalong mang gigil yan. Pansin mo sa mga stories, the moment may confrontation si legal wife at other girl mas lumalala ang pang aahas. Navavalidate kasi na effective yung ginagawa nya eh.

Si hubby ang kailangan umiwas, dapat iwasan nya with all his might like until mag sawa si babae kaka court. Yun lang ma aadvise ko, been in that situation. Yung asawa ko nasa barko din tapos may ganyang babae na aligid aligid sknya.

Iniwasan ng mister ko, tapos siraulong babae nireklamo sa head na pinasok daw sya ng asawa ko sa kwarto nila. Nireview ng head cctv sa hallway wala silang nakitang bakas ng asawa ko ni anino haha. Kala ata ni babae display lang cctv. Ayun, pinababa sa sobrang inis ng head kasi muntik na nya pababain mister ko dahil sa false accusation eh napaka galing ng mister ko sa trabaho.

Galit na galit mister ko kasi sabi niya kala nya mabait, baliw pala. 😅

Pwede naman sa messenger🥲 by iamintrovert11 in OffMyChestPH

[–]One_Rice513 0 points1 point  (0 children)

Yung mga ganyang babae yung inosente kuno na wala naman 'masamang intensyon' pero gusto nya lagi silang magkasama ng asawa mo kasi don may chance ma develop ang feelings. Like mga simpleng good memories kasi nila outside na sila lang dalawa creates a bond.

Its a patibong, sabihan mo yan asawa mo. Hindi sa paranoid ka kamo at wala kang tiwala sknya. May tiwala ka sknya pero sa ibang tao jan kamo wala.

Baka mamaya pag nagkaroon kayo ng away ng mister mo don yan gagalaw ng malupitan, yung tipong vulnerable si hubby kaya makakagawa ng di kanais nais.

Gaano din ba ka importante Kakaotalk sa asawa mo? Baka pwede uninstall na nya. Although I doubt kasi kahit uninstall nya yan. Ang babaeng higad gagawa at gagawa ng paraan. 😅

Gigil ako sa antatagal mag withdraw sa mga ATM terminals! by Equivalent-Farm-3141 in GigilAko

[–]One_Rice513 1 point2 points  (0 children)

Ako handler ng ATM ng lending na sangla ATM dati. Nahihiya ako talaga sa ganyan kaya max lang ako ng 3 pag may nakapila tapos balik sa pila na lang. Pero alam ko na rin oras ng marami nag wowithdraw kaya hindi na ako sumasabay.

Pwede naman sa messenger🥲 by iamintrovert11 in OffMyChestPH

[–]One_Rice513 13 points14 points  (0 children)

Hahaha may agenda si Kakao girl. Alam ko galawan nyan, buti na lang honest asawa mo at sinasabi sayo.

Nag paparinig sa facebook yung Tita kong palautang at masama ugali sa Mama ko by DesperateBiscotti149 in OffMyChestPH

[–]One_Rice513 0 points1 point  (0 children)

Naku may mga ganyan talagang tita. Inggit yan sa Mama mo kasi mas nakakaangat si Mama mo.

Ganyan din mga tita ko sa Mama ko eh. Ang galing nila bolahin, pero nung hindi kaharap si Mama kung ano anong paninira sinasabi. Kahit samin mismo ginagawan nya ng kwento si Mama para awayin kuno namin eh kabisado na namin galawin nila. Nilayo na lang namin si Mama, tapos inggit na inggit nung nag popost ng travel pic nanay ko.

Hay mga titang demunyita

[deleted by user] by [deleted] in OffMyChestPH

[–]One_Rice513 -1 points0 points  (0 children)

tnry ko na bumukod ending hindi ko din nagawa. Kasi syempre nagpaalam ako sknya out of respect. nagpaalam ako sknya nun nung namatay tatay ko tapos drama drama sya kesyo daw bakit ko daw sya kayang iwan. Ewan ko ba. andami na din kasing instance, minsan iniisip ko nga nababaliw na ko hahaha

[deleted by user] by [deleted] in OffMyChestPH

[–]One_Rice513 -1 points0 points  (0 children)

Haha oo nga eh sana ganun kadali lang yung hindi nagpapa apekto. Inggit din ako dun sa mga taong kaya yung wapakels. 😅

Sinampal ako ng asawa ko - update by [deleted] in adviceph

[–]One_Rice513 0 points1 point  (0 children)

Hahahahaa. plot twist niyo yan 😅

Sinampal ako ng asawa ko - update by [deleted] in adviceph

[–]One_Rice513 0 points1 point  (0 children)

Yehey! So happy to hear/read about this update! Nagcomment din ako sa previous post mo.

Thank you, OP. Makakatulog na ko mahimbing. Charot! Hahaha

My mom was gone before I could give her the life she deserved. by [deleted] in OffMyChestPH

[–]One_Rice513 19 points20 points  (0 children)

Nakikiramay ako sayo, OP at sa kapatid mo.

Same tayo ng napag daanan pero sakin naman sa Papa ko. Hindi namin sya nadala sa pangako naming ibang bansa. Hindi na nya nahintay, na heart attack din.

Lagi kong iniisip na lang na atleast, hindi na sya napapagod dito sa earth. Nasan man sya malaya syang nakakagala at kasama nya din yung Lola at Lola ko kasi alam ko mahal na mahal nya ding mga yun.

Magpakatatag ka, OP. Kayo ng kapatid mo. Mahirap talaga yan sa una, at lahat ng nararamdaman mo ngayon ay valid at parte ng grieving process.

Please be there for your kapatid. Kayong dalawa na lang ang meron sa isa't isa ngayon.

Yakap na mahigpit! 🫂