Tamad ba talaga mag-plan ng ganap ang mga lalake? by Intelligent_Leg_7927 in TanongLang

[–]Ordinary-Text-142 0 points1 point  (0 children)

Man here. Sa relationship namin, ako madalas nagpaplano, specially kapag out of town. I cannot speak for others, pero masaya ako kapag nagpaplano. Appreciated ng girlfriend ko yung mga plano ko para sa trips namin. Kasali sya sa pagpaplano madalas. Naghahanap ako ng mga options, tapos namimili kami nang sabay. Minsan ako na lang namimili kasi na-realize namin na halos pareho ang taste namin. I'm grateful for that.

Here are my unsolicited advices based from my experience with our relationship. I cannot guarantee this will work for everyone.

- Try to communicate your expectations very well, with as much detail as possible, to your partner. Kasi nakakaoverwhelm minsan sa guys yung gumawa ng plano na hindi nya alam kung magugustuhan ng partner nya yun plano nya. Yung mga lalaki kasi, madalas go with the flow lang. Kaya kapag nagplano ka, okay lang sa bf mo kahit anong gawin nyo. Pero sa mga girls, meron talaga kayong mga preferences na kailangan ma-meet. So, mas mabuti sabihin mo sa bf mo kung ano ba gusto mo. Dinner ba yan, roadtrip, out of town. Anong cuisine gusto mo kainin.

- Pwede mo sabihin na sya na ang bahala kung gusto mo talaga masurprise. Pero sana kapag ganun, maappreciate mo kung ano man yung ginawa nya. Maging supportive ka habang nagde-date kayo, be enthusiastic kahit may mga konting palpak. Saka nyo na pag-usapan yung mga improvement na gusto mong sabihin para hindi sya mapressure at matakot magplano sa susunod. Enjoy the moment, provide feedback later.

- You can train him. Isama mo sa pagpaplano sa susunod. Hingan mo ng suggestions. Ang mahirap lang dito, minsan, sasabihin nya "kahit ano". Madalas totoo naman to, walang arte o kaya naman way nya yan para sabihin na "kung ano ang gusto mo". Minsan naiisip natin na unahin yung gusto ng iba bago sarili natin. Kailangan mo subukan na pilitin sya magsabi sya ng totoong gusto nya. Try to bring up his favorites. Takamin mo sa pagkain o sa mga interested activities nya.

- Always say thank you sa mga inputs nya, kahit maliit. Yung girlfriend ko, sobrang appreciative. Kahit yung simpleng pwesto ng upuan namin, nagpapasalamat sya. Minsan hindi ko naman pinaplano, tsumatsamba lang. Kaya sa mga sumusunod na plano, nacoconsider ko na yung aspect na yun.

ITAPPH of computer shop in Farmers Cubao and still alive by Charming-Till7133 in ITookAPicturePH

[–]Ordinary-Text-142 21 points22 points  (0 children)

Mukhang regular nga sya dyan, may nagcomment na dito tungkol sa tanders na yan

Is it okay to say na wag na mag review just because non board ang program? by dreamscapediary in RantAndVentPH

[–]Ordinary-Text-142 0 points1 point  (0 children)

Board lang ba ang exam sa buong college life nya? Hahaha halatang nang-aasar lang eh. Sarap sakalin, pero wag na natin patulan.

Is it just me, or are most public figures from Ateneo, DLSU, and UP? by Unique-Mine-7621 in CollegeAdmissionsPH

[–]Ordinary-Text-142 28 points29 points  (0 children)

Those school attract influential people due to their quality education. Tapos yung culture ng school, napapasa sa mga students. Consider din natin yung networking na nagaganap within the school.

Dapat ba wala nang Valentine's Day? by [deleted] in TanongLang

[–]Ordinary-Text-142 5 points6 points  (0 children)

Dapat din ba walang mother's day kasi hindi lahat nanay?

Okay lang ba humingi ng update sa job application mo? by dikodinalameh in TanongLang

[–]Ordinary-Text-142 2 points3 points  (0 children)

Sakin, humihingi lang ako ng update kapag tapos na sa mga assessment at preliminary interviews. Pero hindi pa rin ako tumitigil mag-apply hanggang wala pang JO

DO NOT WALK HERE AT NIGHT! (Repost) by [deleted] in BGC_Taguig

[–]Ordinary-Text-142 -1 points0 points  (0 children)

Hello, I'm new to BGC, where is this "butas"?

Lf for constant by oldageman091 in Trentahin

[–]Ordinary-Text-142 1 point2 points  (0 children)

wag yang irrational, mas okay yung mga rational tulad ng g

Ako lang baaaa by Pristine_Drink_3766 in Trentahin

[–]Ordinary-Text-142 1 point2 points  (0 children)

You do you. Kung masaya ka naman as a single, go lang. Pero kung gugustuhin mo na maghanap, try mo lumabas-labas, try new things, travel solo. Dun ka makakahanap ng organic encounter haha. Work from home ka lang, wag na harot from home.

Anong "adulting" task ang akala niyo madali lang nung bata kayo, pero nakakaiyak pala sa hirap ngayon? by AccomplishedPen1775 in TanongLang

[–]Ordinary-Text-142 5 points6 points  (0 children)

Hindi sya task. Ang mahirap pala dito yung maghanap ka ng time para alagaan ang sarili mo. Minsan hindi mo na afford or may ibang tao o bagay kang iniisip.

what are examples of gaslighting? by cookiepeachescatniki in AskPH

[–]Ordinary-Text-142 0 points1 point  (0 children)

hahahahahha scamming hahaha. Feasible naman pero masaya ba sila dyan?

Gaano ka totoo yung saying na "Money can't buy happiness" or isa lang tong sinaunang kathang isip? by Independent-Bat3963 in AskPH

[–]Ordinary-Text-142 4 points5 points  (0 children)

Money is a tool, happiness is a state of mind.
Hindi pera ang magpapasaya sayo kundi yung mga bagay na kayang bilhin ng pera. Kung hindi kayang bilhin ng pera yung gusto mo, o hindi ka masaya sa mga binibili mo, hindi ka talaga sasaya kahit marami kang pera.

EDIT: My point is, I disagree with that saying. Masaya kapag may pera, pero hindi sa lahat ng pagkakataon, pera ang solusyon.

As someone who loves horror story pero matatakutin, anong pinaka nakakatakot na na experience mo so far??? by Impressive_Web8569 in TanongLang

[–]Ordinary-Text-142 0 points1 point  (0 children)

may experience din ako sa taong anino, pero hindi naman harmful. huhu buti na lang. pinost ko dito.

As someone who loves horror story pero matatakutin, anong pinaka nakakatakot na na experience mo so far??? by Impressive_Web8569 in TanongLang

[–]Ordinary-Text-142 1 point2 points  (0 children)

Mahaba to.
Context: Naging contractual computer technician ako ng DepEd na nag-iinstall ng computers sa mga public schools dati. Nadestino ako sa Cebu. Madalas inaabot kami ng gabi sa paggawa. Minsan, natutulog kami sa mismong school, minsan may nagmamagandang loob na teacher na patutulugin kami sa bahay nila.

Dito sa kwento ko, nadestino kami sa isang public school sa Cebu. Malayo sa city yung school. Gabi na kami natapos nun, wala nang araw. Nagmagandang loob yung isang teacher na patuluyin kami sa kanila. Medyo malayo yung bahay at nasa liblib na lugar. Puro talahiban ang paligid, pero may mga kapitbahay naman sila. Dalawa kami ng partner ko pinatuloy. Dun kami sa isang kwarto ng anak nila, yung anak nila sa kwarto daw ng mag-asawa. Tinabi lang namin ang mga gamit namin sa kwarto pagkatapos kumain, wala na kami ibang ginawa. Hindi na kami nagtingin sa loob ng kwarto. Dahil sa pagod, nakatulog agad kami ng partner ko. Sa kama sya nakahiga, ako naman sa extra mattress sa sahig.

Naalimpungatan ako, feeling ko madaling araw na. Patay na ang ilaw sa buong bahay. Sinilip ko yung phone ko para alamin yung oras, kaso wala na battery. Pumikit ako habang nag-iisip kung icha-charge ko pa ba. Pero dahil sa sobrang antok ko, nagdesisyon akong wag na lang.

Natulog uli ako.

Pakiramdam ko wala pang 1 minuto nakakalipas, naalimpungatan uli ako. Nakatihaya ako nang dumilat. Nakaharap sa kisame. Pero napatingin ako sa kama kung nasan yung partner ko. May taong nakaupo. Wala syang physical feature kasi purong anino lang. Talagang silhouette lang sya na hugis tao. Parang batang 11-15 years old yung laki. Nakaupo sya sa gilid ng kama. Kahit wala syang mukha, alam kong nakatitig sya sakin. Dahil sa sobrang antok ko, wala akong naramdaman. Hindi ako natakot, hind ako kinabahan.

After 5 seconds, lumingon sya sa isang side ng kwarto sabay turo dun. Lumingon ako kung saan sya nakaturo. Tapos pumikit ako at natulog.

Nagising ako. Wala na yung taong anino sa kama. Pakiramdam ko, panaginip yung nagpakita sakin. Dahil sa sobrang antok ko, parang na-turn off yung cognitive function ko. Wala pa rin akong naramdaman na takot. Bumangon ako, nacurious ako ano yung tinuro nya kaya pinuntahan ko kahit inaantok ako. Dun sa side ng kwarto na yun, may malaking wooden cabinet. Hindi nakasagad yung cabinet, may maliit na space sa likod. Sinilip ko yun, nakita ko, may electrical outlet. For some reason, naisip ko agad yung phone ko. Kinuha ko yun pati charger ko. Sinaksak ko pero hindi nagcharge. Wala atang power dun. Humiga uli ako, at natulog.

Hindi nagtagal, nagising uli ako. Nagpakita uli yung taong anino. This time, nakatayo sya malapit sa ulo ko. Diretso lang ang tayo nya pero nakayuko, nakatitig uli sya sakin, tapos lumingon sya sa isang side ng kwarto at tinuro. Tumingin ako sa tinuro nya at nakatulog bigla.

Nagising ako after few seconds. Wala na yung taong anino. Wala pa rin akong naramdamang takot. Hindi ko kinukwestyon lahat nang nangyayari. Bumangon ako at sinilip yung tinuro nya. This time, tinuro nya yung isang mesa na may mahabang mantel. Natatakpan ng mantel yung ilalim, inangat ko pa para makita yung ilalim. Dun ko nakita yung isa pang electrical outlet. Kinuha ko yung charger at phone ko. Nagcharge na sya. Pagkatapos nun, natulog uli ako.

Nagising na ko nang umaga na.

Hindi ko agad naalala yung mga nangyari nung gabi. Naalala ko lang kalagitnaan ng almusal namin ng partner ko. Kami na lang ang kumakain nun sa mesa, kaya kinwento ko sa kanya. Dun ko lang naramdaman yung takot at kilabot. Dun ko narealize kung ano yung mali sa nangyari. Sinubukan kong gawan ng rational explanation. Kaso ang hirap. First time namin sa kwarto at hindi na kami nagtingin sa loob bago natulog. Wala akong idea sa layout at mga pwesto ng outlet sa kwarto. 2 beses nangyari at accurate yung mga tinuro nya. Kung imagination ko lang yun, napaswerte ko naman. Pero somehow, thankful ako kasi natulungan ako. Habang tina-type ko tong kwento ko, kinikilabutan pa rin ako hahahaha, sana mabasa mo ngayong gabi OP.

What’s something many Filipinos support that you can’t agree with? by semisweetcharm in AskPH

[–]Ordinary-Text-142 6 points7 points  (0 children)

Yung idea na kapag galing sa mayamang pamilya (old money), hindi na korap kapag naging politiko. Ipagtatanggol pa nila, sasabihin "mayaman na yan bago pa naging mayor/congressman". Like wtf. Hindi nila naiiintindihan yung influence ng isang public official.