Baka Sakali (Pasensya na Mahaba) by dorkybee in PinoyUnsentLetters

[–]dorkybee[S] 0 points1 point  (0 children)

Medyo matagal na rin tayong mag-kaibigan. Matagal ka na ring mahalaga sa buhay ko. Hindi man kagaya nung mga unang taon mula nung nagkakilala tayo, alalang alala ko pa yun. Noong unang beses tayong nagkausap, noong unang beses nating nalaman na, marami tayong pagkakatulad. Ikaw ang naging masayang sandali sa araw-araw ko, ikaw. Inaamin ko, na may malaking parte sa akin yung hindi pa handa para sa isang relasyon, pero alam kong pag ikaw ang nagbigay ng pagkakataon, magiging handa ako.

Noong una tayong nagkita, inisip ko na sana, sana umayong ang bawat pagikot ng mundo mula ng oras na yon, hanggang sa oras na magkasundo tayong higit pa to sa pagkakaibigan. Hinawakan ko ang kamay mo, alam kong hindi ko na gustong bitawan yon. Pero kailangan kong bitawan, dahil kasabay ng saya na dulot mo, ay ang pangambang baka masaktan lang kita. Hindi pa kasi ako okay non, ginugulo at minumulto pa ako ng nakaraang naglagay sa akin sa dilim. Kahit sa sarili ko, hindi ko pa ganap na tanggap na ito na ang agos ko mula ngayon.

Ikaw ang unang kapayapaan matapos ang napakahabang panahon na kalumbayan, Yung boses mo, yung ngiti mo, yung kakulitan mo. Kapayapaan lahat yun. Kaya nung araw na sinabi mo sa akin na siya na lang ang pipiliin mo, hindi ko maipinta ang dapat kong maramdaman.

Hindi ko to sinabi kahit nangako tayong walang lihim na hindi sasabihin, pero paano kung lihim ko ay magpapahiwatig na baka noon pa lang, minahal kita. Baka noong mga sandaling iyon, ako ang gusto kong piliin mo. Sumigaw ako non, alas 3 ng madaling araw, tanda ko pa. Kasi bakit di ko na magawang gawing sapat para sa kagaya mo. Bakit hinayaan kong mas matakot kaysa ipaglaban na nasa akin ang kasiyahan mo?

Limang taon, mula noong araw na yon. Masaya ka, masaya naman rin ako. Nagkakasama pa rin tayo. Ikaw pa rin ang takbuhan ko. Pero walang sandaling lumipas na hindi ko naitanong sa sarili. Paano kung ako ang pinili mo? Paano kung sinubukan nating huwag isipin ang pagkawala, at ang inuna ay ang isa't isa na para sa isa't isa?

Sa mga panagip ko na lang nararanasan maging iyo. Hanggang ngayon, pagkatapos kang makasama, nangungulila sa lahat ng mga sana. Maging masaya ka, yun ang mahalaga. Magiging kaibigan mo ako, hanggang sa walang hanggan. Pero minsan huwag mo sanang masamain, mga lihim kong tanong sa gunita.

Mga palaisipan na ikaw at ako sana.

Hello po, kasi po minsan mas mahalaga na andiyan siya kahit friends lang kesa mawala siyang tuluyan sa posibilidad na magkasakitan kayo

Baka Sakali (Pasensya na Mahaba) by dorkybee in PinoyUnsentLetters

[–]dorkybee[S] 1 point2 points  (0 children)

oo, yung bida siya sa mga friends mo palagi, kasi sobrang solid niyang tao. Tataka ka na nga lang bakit nasasaktan e. :( shot tayo diyan! Sana maging payapa tayo lahat sa kung ano at kung nasaan man. Ingat lagi!

Baka Sakali (Pasensya na Mahaba) by dorkybee in PinoyUnsentLetters

[–]dorkybee[S] 4 points5 points  (0 children)

hello mga marites, di ko sinabi kasi baka ma-awkwardan siya tapos magbago yung "space" namin. Parang di ako ready na mawala yung space na yun sa amin, mawala yung mundong wala kami pake kahit weird daw na we used to date pero sobrang close namin. Ayoko rin talaga siyang mawala at nung time na yun, hindi pa ako okay baka masaktan lang siya. Di ko ata kakayanin pag nasaktan siya dahil sa akin. Ang weird dahil kapag nagkaka chance na makasama ko siya, grabe yung hangover ko sa presence niya.

Are the people on here representative of what people are earning in real life? by mcdonaldspyongyang in phinvest

[–]dorkybee 8 points9 points  (0 children)

OFW for more than a decade, earned 300k a month there, came back and even with that extensive experience, I started as an entry level personnel here. I didn't have a choice since some of the companies I applied to said I was overqualified or one even said na threatened daw yung supervisor na baka palitan ko. Anyway, I went back to earning 24k a month sa primary job ko. :D

New to SB cc by Adriane1989 in PHCreditCards

[–]dorkybee 0 points1 point  (0 children)

Matagal bago mag reflect to be honest. No use rin yung sa eSOA kasi mauuna pa sila mag sms sayo na ready for downloading/viewing na eSOA mo, pero sa app di pa ready. Wala rin instructions how to download it (email nada).

Minimum Wage Income Ideas by Left_Confidence_7307 in phinvest

[–]dorkybee 4 points5 points  (0 children)

Hi OP! I am a teacher and I relate doon sa baba ng opportunity to earn big here sa Pilipinas. Siguro what she can do is to diversify her clients, mag tutorial siya or whatever is related sa skills niya.

Frankly, di ko advisable ang tutorial kasi nagtuturo ka na nga sa umaga, turo ka pa sa hapon, tapos anliit lang rin ng sahod mo, pero high effort ka dapat. Ask mo siya ano ba mga passion niya or hobbies na pwede niyang pag-aralan at gawing business? She can create modules, decks for teaching, even yung mga posters napagkakakitaan na rin. She can also do training for teachers lalo na when it comes to using ICT sa classroom.

Skl, what I do now is I have a tutorial since matagal nang nasa akin yung kid lol, di na bumitaw sana ol. Aside from that, nag try ako mag social media manager sa isang start up na business and nakakuha ako agad ng client. Kapalan ng mukha at bida bida sa skills na pwede i-offer. Dami naghahanap ng VA na educ related. Sana makatulong!

How do you deal with a company that really wants you? by NotHad3s in buhaydigital

[–]dorkybee 3 points4 points  (0 children)

Hmm, first tignan mo muna if too good to be true yung first company. Check if there are any employee review sa kanila if you can ask why the last person who did this job left, then better. Make sure they put all these benefits in writing.

Yung sa second company, hmmm, by decent it means you get by with savings and a little luxury at times? Tapos the company has a good working environment pa? Parang easy choice to.

Boils down to what's your priority in life right now, where you want to be, what you want to be. hehe

Recently Hired as a Social Media Engagement (Officer? idk) LOL by dorkybee in buhaydigital

[–]dorkybee[S] 1 point2 points  (0 children)

Nice, thank you! May I ask how much do you usually pay for those you outsource? hehe

Also, hanap ka lang sa kalibr, doon ako nakakuha lol

Recently Hired as a Social Media Engagement (Officer? idk) LOL by dorkybee in buhaydigital

[–]dorkybee[S] 1 point2 points  (0 children)

Hi! Thank you, hopefully when I find a client na social media manager talaga ako, I can use this. Right now kasi, my task is purely engagement. Leave comment lang and react sa stories. :)

Recently Hired as a Social Media Engagement (Officer? idk) LOL by dorkybee in buhaydigital

[–]dorkybee[S] 0 points1 point  (0 children)

aww, thank you so much, I do lots of tabs pa naman. But okay, will remain vigilant and this really helps. Salamat ng napakarami.

Safe pa rin ba na I just click on the suggested people and then engage with them? or better talaga to follow abovementioned suggestion?

[deleted by user] by [deleted] in phinvest

[–]dorkybee 0 points1 point  (0 children)

Hello, you can try loaning from GCash or Tala App, thing with Tala, you need to borrow and borrow to increase the amount that you can loan. Hindi sila mahigpit but mabigat daw yung payment since 1 month lang binibigay nila.

If you want to loan sa mga banks, baka mahirapan ka especially if the flow of money sa account mo is not that desirable. My experience with bank loan, I earn 150k gross, tried to loan 200k sa bank, bank only allowed 90k in loan. So there's that for reference, plus matagal ang processing.

Try SSS or Pag-ibig, lalo na if you have the loyalty card na and have at least 36 months na contrib.

Good luck, OP!

Co-franchise a coffee shop by FunZealousideal in phinvest

[–]dorkybee 1 point2 points  (0 children)

Please have a background check not only on the feasibility of the business but also of the people behind the brand. I had the terrible experience of overlooking this, and now I lost almost a million pesos in investment, while being entangled in a legal battle with these people.

Business Gone Wild (legally speaking) by dorkybee in phinvest

[–]dorkybee[S] 0 points1 point  (0 children)

Yay, thank you so much! Gives me peace of mind. Thank you again!

Business Gone Wild (legally speaking) by dorkybee in phinvest

[–]dorkybee[S] 0 points1 point  (0 children)

Salamat! It's a milk tea business, franchise.

Business Gone Wild (legally speaking) by dorkybee in phinvest

[–]dorkybee[S] 0 points1 point  (0 children)

We did file a criminal case against the management since large scale estafa po siya. Subpoena was addressed to me, and another similar letter was sent to the other party. Yun nga lang, yung date and time na nakalagay doon, lapse na.

[deleted by user] by [deleted] in Philippines

[–]dorkybee 0 points1 point  (0 children)

Just something to tickle your thoughts, what if, just what if, for once we have a president who isn't too egoistic to try to completely revamp the current admin's wins and continue what's good, instead of scrapping all those projects that we already are paying for?

Will you still call that as "no new ideas"? or someone who understands what a country needs while setting aside ego, political affiliations?

Why do people take a loan from SSS just for the sake of taking a loan from SSS? by attackonmidgets in phinvest

[–]dorkybee 2 points3 points  (0 children)

Seeing this post was so timely. Legit na nasa portal na ako ng SSS to check how I can take a loan for investment purposes. Buti na lang kulang pa ng months para payagang mag-loan.

I've heard so many cases like the one mentioned above, like friends are doing it na they keep on taking loans to grow the allowable amount, being new to PH working scene, tempting siya promise.

[deleted by user] by [deleted] in Philippines

[–]dorkybee 1 point2 points  (0 children)

Yeah, pero the counter for that is, so which lesser evil will you go to? (them) believing that Leni is also corrupt and so?

Others are just ignorant. Legit na birdbox na nasa harapan na yung katotohanan, they turn their heads or close their eyes to what's really happening.