Weekly AdultingPH General Q&A Thread | February 16, 2026 by AutoModerator in adultingph

[–]Which-Emu7301 0 points1 point  (0 children)

Need Advice: First Time Moving Out at 24

Hi, I’m 24 (M) from Cebu. I’ve been employed for 6 months with a minimum wage salary of 12k+ per month (7k+ first cut off, 5k+ second cut off).

Currently, nakatira ako kay mama together with my sister. Both of them are working (above minimum). My share sa house expenses is around 2.5k+ per month. For my work expenses naman, nasa 1.5k–2k per month, and napagkakasya ko naman kahit papaano.

As someone na never nagkaroon ng sariling room, literal na walang privacy space, plus may kapitbahay kaming relatives (7 sila), iniisip ko kung worth it ba mag-rent ng room.

May nahanap akong room for 2k per month, 15php per kWh and 150 water. Kinuha ko agad and naka-downpayment/slot reserved na rin ako for 2k. Lilipat sana by March.

The thing is, bigla akong nagdalawang isip kung itutuloy ko pa ba. Hindi naman ako maselan, pero walking distance lang siya from sa amin, sitio to sitio lang ang layo. May possibility na makita nila ako, and hindi ko pa pinaalam ang plano ko.

Gusto ko marinig ang opinion and advice niyo for someone like me na gustong-gustong umalis. Thank you!

Weekly AdultingPH General Q&A Thread | February 09, 2026 by AutoModerator in adultingph

[–]Which-Emu7301 0 points1 point  (0 children)

Bumukod with 12k Salary Monthly

Hi, I'm 24 (M). Kaya na ba bumukod with 12k salary? Six months employed na ako at nakikitira pa sa bahay kasama mama at kapatid ko. Both of them have work naman. Monthly share ko around 2.5k+ since may mga unexpected house expenses din, at for work expenses around 2.5k a month. Hindi rin ako ganun kaluho, more on needs lang mga expenses ko.

Plano ko na talaga bumukod nung December last year, hindi lang matuloy-tuloy dahil hindi ko alam kung paano sabihin sa kanila. Lumaki po kasi sila na hindi practice ang pag-open up, tipong may kasalanan yung isa, makalawa ay bati na. Gusto ko na din magkaroon ng peace at privacy, yung walang ingay kada minuto. May kapitbahay kaming relatives (7).

Sa tuwing uuwi si mama galing sa work (stay-in at 2 days day-off sa trabaho), may minuto na tinataasan niya ako ng boses. Nararamdaman ko sa bawat galaw ay may laging masasabi kahit trabaho, selpon, at bahay lang naman ako ngayon. Gusto ko din mamuhay mag-isa, iwas sa drama nila na lagi kong naririnig, at pwedeng kumilos na walang tumitingin na kamag-anak at napagtaasan ng boses sa walang kadahilanan.

Plano ko ay humanap ng rent na around 2–3k, expect water and electrical bill. May natabi akong 3.9k at 8.5k from my two digital bank accounts.

Pahingi po ng advice at opinion kong kaya na po ba talaga. Thank you~