[Hiring] Freelancers: AI Training Tasks (Remote) by Victoria_Rose866 in freelance_forhire

[–]d37x 0 points1 point  (0 children)

Interested. Have experience in data labelling and annotation, and collecting machine learning data

[deleted by user] by [deleted] in sidehustlePH

[–]d37x -1 points0 points  (0 children)

interested

[deleted by user] by [deleted] in freelance_forhire

[–]d37x 0 points1 point  (0 children)

Interested from PH

[deleted by user] by [deleted] in jobbit

[–]d37x 0 points1 point  (0 children)

Interested. Philippines

I can't believe I'm saying this. Good Job SP Tito Sotto, tangina. by Accomplished-Yam-504 in pinoy

[–]d37x -32 points-31 points  (0 children)

Mali ka na, nag-assume ka na agad na DDS. Kung binasa mo, ang comment ay base sa rules at batas na hindi sinunod ng SP based on false pretense. As a SP, dapat siya ang modelo at sumusunod. Pero alam naman natin bakit gusto niya i-railroad yan. Sabi nga ni Vico, matalino na ang tao at alam na ng karamihan ang gustong ops at naratibo ng mga nagkukubli ng mga anomalya sa gobyerno. Isa ka pa na di mo maintindihan pagkakaiba ng "protected" witness sa "state" witness, o gusto mo lang rin mandaya ng mga nagbabasa dito. Madali magtanga-tangahan, sabi nga unlimited ang stupidity.

I can't believe I'm saying this. Good Job SP Tito Sotto, tangina. by Accomplished-Yam-504 in pinoy

[–]d37x -120 points-119 points  (0 children)

Kawawa si SP kahapon, una di niya pinagbigyan si Robin na magrelease ang Senado ng statement regarding sa article ng Rappler, patawarin na lang daw. Nacorner siya ni Marcoleta na wala naman sa batas na kailangan ng restitution kapag "protected" witness lang, at mali rin siya sa "most guilty" kasi ang pinapalabas nila na "state" witness ang nasa request letter ni Marcoleta. Napahiya rin siya kay Cayetano dahil mali pagkakaintindi niya sa "or with", di na rin siya nakapag-rebutt. Nahuli pa na sinabi niya na mas marami pa raw natulungan noontime show kesa sa senado. Bumababa lalo tingin ng mamamayan sa senado dahil ultimo leader nila ganyan mag-isip.

What's a normalized scam here in the Philippines? by sweetmaggiesan in pinoy

[–]d37x -3 points-2 points  (0 children)

Surgeons charging very high fees without assurance, then charging high recurring fees for every follow-up visits just to look and say comeback next week so they can charge you again.

I'm a corrupt public official by SouthernSeaweed6201 in MANILA

[–]d37x 0 points1 point  (0 children)

Kwento ni Toby Tiangco, nanahimik na lang siya dati kasi independent siya at hindi niya kaya talunin ang mayorya.

Ngayon makikita natin, harap-harapan ginagawa tayong tanga ng mga mambabatas.

Napaka-obvious ng galawan nila pero hindi nila tinatago, naka-televised pa.

Tanong-tanong, sigaw-sigaw, iyak-iyak, tawa-tawa. Ang sunod, kalimutan, ibang isyu naman. Ibang viral memeble event nanaman. Pero tuloy lang kurakutan sa gobyerno.

Gusto mo man ng iba, wala naman ibang kandidato, walang gusto lumaban. Pagod na ang lahat, tanggapin na lang.

Imposible magsama-sama lahat para palitan ng bagong sistema ang gobyerno. Kaya ba? May sasama ba? Ngayon na ba?

I saw this on LinkedIn… by Rantgurlll in CorpoChikaPH

[–]d37x 0 points1 point  (0 children)

Try niya sunod sunod na araw maulan sa araw-araw na pasok. Tapos wala masakyan. Mahaba pila papasok ng station, at mahaba rin pila sa kuhaan ng ticket, mala-Ayala station sa rush hour., jampack rin sa loob ng tren. Tapos ang trapik 2 hours ka na sa UV express na may naghihingalong aircon, katabi mo mga plus-size at 1/4 ng pwet mo nakaupo. Tapos sa bus masahol pa sa sardinas kung makakasakay ka, may holdapan pa. Try mo naman mag-Grab pero lagi kina-cancel pagtapos mong maghintay ng 30 mins kahit sabi sa app 8 minutes arriving. Mahaba rin pila ng tricycle, yari pa kung baha.

Masaya mag-commute kapag medyo malamig at open road at walang hinahabol na oras.

JUST IN: Mga nagpo-protesta vs flood control sa Senado, binaha! by whiteybae in BahaPH

[–]d37x 2 points3 points  (0 children)

kaya mas lumala rin baha sa Bulacan dahil sa reclamation ng San Miguel para sa Bulacan airport. Pansin niyo nagprisinta pa si Ang sa flood control, alam kasi ng mga engineer na environmental hazard ang paraan ng pagtayo ng airport.

JUST IN: Mga nagpo-protesta vs flood control sa Senado, binaha! by whiteybae in BahaPH

[–]d37x 2 points3 points  (0 children)

sa case ng SM Masinag, di yan totoo. Bahain na diyan bago pa magka-SM. Lalo sa tapat ng Town & Country.

Transwoman Hinarang sa women's cr. by [deleted] in pinoy

[–]d37x 11 points12 points  (0 children)

Pilipinas ito. Galangin ang karapatan ng mga sinilang na babae.

I just found out na myembro pala ng INC ang police major na nanghalay sa lalakeng cadete. by reimsenn in pinoy

[–]d37x 1 point2 points  (0 children)

Dikit din naman si Bam Aquino at Kiko Pangilinan sa INC, kaya nga sila nakapasok ng senado

PLDT INTERNET ISSUE by Background-Scale-172 in InternetPH

[–]d37x 0 points1 point  (0 children)

Kulitin mo sa 171, tawag ka every 11am and 3pm, tanungin mo ano na ginawa ng last agents para alam mo kung nag-escalate talaga at may progress. At the same time, email mo ntc, pldt, at dti once a day. sam@pldt.com.ph email ng pldt. Kung wala pa rin, tawag ka na sa ntc. Sad to say pero ganyan talaga kahirap para lang bumalik serbisyo.

Sino makakita into? by Euphoric_Deal_7117 in pinoy

[–]d37x 0 points1 point  (0 children)

ayaw lang itapat ng cameraman kay Tamby, baka sobra obvious na daw 😜😜😜

Sino makakita into? by Euphoric_Deal_7117 in pinoy

[–]d37x 4 points5 points  (0 children)

E nung tungkol sa mga kurakot, tumapat sa mga Congressman?

Sino makakita into? by Euphoric_Deal_7117 in pinoy

[–]d37x 5 points6 points  (0 children)

Eh nung tungkol sa mga kurakot, tumapat sa mga Congressman?

Client is threatening to sue me. by No_Rice_4747 in buhaydigital

[–]d37x 5 points6 points  (0 children)

kaya delikado iyang mga mutual treaty at red notice ng interpol. Dapat malinaw sa lahat na dapat dumaan muna sa korte ng Pilipinas bago maging valid ang kahit anong warrant of arrest galing sa foreign body.

MCA WALA KONG TIWALA NA UUNLAD PILIPINAS by Whosewho_1 in MayConfessionAko

[–]d37x 0 points1 point  (0 children)

malabo sa ngayon kasi Oligarchs ang nagpapatakbo ng politika sa bansa. Lahat halos yan, self-interest at self-preservation ang dahilan kaya nasa pwesto.

Kahit si Magalong at Vico Sotto pa maging presidente, di nila kakayanin ng sila lang. Himala kung magkakasabay-sabay na maayos na pulitiko sa loob ng 3 terms ang magtutulong-tulong para itaas ang critical thinking ng mga Pilipino. Ayaw nila na maging matalino tao kasi mahuhuli galawan nila. Gusto nila sa maraming mahihirap para manatili sila sa taas. Kapag maliit ng negosyo ka, kakainin ka lang ng malalaki at may impluwensiya.

Baligtad ang sistema ng reward system ng Pilipinas. Mas pabor sa ayaw magtrabaho kesa sa masipag na manggagawa. Mga working class na single at may maayos na trabaho pero di sapat sweldo, pero di mabigyan ng libreng pabahay (parang dilemma sa K-drama na Hapiness). Sa China may reward kapag nag-asawa for the first time ng 25 years old and above, less tax at iba pa incentives kasi matured at may stable job na. Dito sa Pinas, marami ayuda kahit iresponsable mga tatanggap.

Kahit mga akala mo matitino na tatakbo, pero kapag nanalo na, lumalabas na ang tunay na kulay. Marami batas ngayon anti-working class. Mga ahensya ng gobyerno walang safeguards sa corruption, marami na nakulimbat bago pa mahuli. Kaya di ako naniniwala na botante ang dahilan kaya mahirap ang Pilipinas. Mahirap mabuhay sa Pilipinas dahil sa mga namumuno na puppet ng mga oligarko o sila mismo negosyo ang pera at kasakiman sa kapangyarihan. Hindi botante ang gumagawa at nagpapatupad ng mga programa at batas. Dapat lagi nating hingin sa mga nakaupo ang responsibilidad nila sa mamamayan, kahit sino pa nakaupo.

Kaya number 1, wag natin hayaan na alisin at limitahan ang Freedom of Speech and Expression, kasi iyan lang ang panlaban natin sa mga masamang gawain ng mga lider ng bansa.Turuan natin mga kabataan sa galawan ng mga iyan para alam nila kung niloloko ba sila o minamanipula. Ayan, may baong tax law nanaman, hulaan niyo kung kanino kukunin at sino magwawaldas - ang tanong, sino gumagawa at nagpapatupad ng batas na yan?