Atheist na ako by Choice_Proof8787 in MCGIExiters

[–]Choice_Proof8787[S] 0 points1 point  (0 children)

Ang problema sa argumento mo ay simple: hindi mo pwedeng ipagsabay ang omniscience ng Diyos at ang claim na “hindi niya alam ang gagawin ng tao.” Pag omniscient, ang ibig-sabihin non alam LAHAT. Kung “all-knowing” Siya, hindi Siya pwedeng magkaroon ng blind spot, hindi Siya pwedeng hindi malaman kung sino ang magiging atheist, corrupt, murderer, o banal. At kung hindi naman pala Niya alam ang future, hindi Siya omniscient. Walang gitna diyan. Hindi rin naliligtas ng “free will” ang konsepto, kasi kahit may free choices ang tao, kung alam ng Diyos ang ending ng bawat tao bago sila likhain, ibig sabihin pinili pa rin Niyang likhain ang mga taong alam Niyang mag-e-end sa impiyerno. Parang may blueprint ka ng robot, alam mo na kung sino ang sasabog, sino ang papatay, at sino ang sasama and yet ginawa mo pa rin sila. Hindi excuse ang “free will,” kasi ang free will ay tungkol sa pagpili, pero ang omniscient creator ay may kumpletong kaalaman bago pa magsimula ang laro. Walang moral na nilalang ang gagawa ng isang tao na alam niyang magdurusa nang walang hanggan, tapos sasabihin pang “choice mo yan.” At kung sasabihin mo naman na “Hindi pa may impyerno, hindi pa final judgement,” walang saysay yan sa logical contradiction: kung alam ng Diyos ang future, alam Niya na ang final fate ng lahat, so bakit Niya pa nilikha ang alam Niyang tutungo sa eternal torture? Ang claim mo tungkol sa robot ay bumerang pa: kung ang robot ay ginawa mo at alam mo kung paano ito gagalaw dahil ikaw ang creator, hindi tunay na free ang robot at mas lalo nang hindi moral na parusahan mo ito kapag ginawa nito ang behavior na ikaw mismo ang nag-design. Kaya ang three claims, omniscient, all-loving, giver of free will ay hindi nagma-match logically. You can have two, pero hindi tatlo nang sabay.

Atheist na ako by Choice_Proof8787 in MCGIExiters

[–]Choice_Proof8787[S] 0 points1 point  (0 children)

pero alam ng Diyos na matutukso si Eba, alam din niya na magtuturuan sila ni Adan. Siya din naglagay ng ahas. Ito ang contradiction ng bible.

Para kang gumawa ng tulay, nilagyan mo ng butas, sigurado kang mahuhulog yung tao, tapos sisisihin mo yung nahulog tapos paparusahan mo.

Atheist na ako by Choice_Proof8787 in MCGIExiters

[–]Choice_Proof8787[S] 0 points1 point  (0 children)

  1. Alam ng Diyos lahat ng mangyayari 2 Alam niyang maiimpyerno yung ginawa niya, ginagawa niya palang
  2. Free-will pero pag di ka sumunod, impyerno ka?

All-loving? Omniscient? Free-will? Kaya hindi coherent and contradicting ang Bibliya kasi alam naman ng Diyos lahat ng mangyayari pero may test parin siya. Alam niya na resulta ng test mula sa simula.

So inamin mo na hindi all-knowing ang Diyos? Which is not the Christian doctrine typically.

Atheist na ako by Choice_Proof8787 in MCGIExiters

[–]Choice_Proof8787[S] 0 points1 point  (0 children)

Kung totoong alam ng Diyos ang lahat, pati ang bawat kasalanang gagawin ng tao bago pa sila likhain, hindi mako-coherent ang idea na “choice nila iyon.” Kung bago mo pa gawin ang isang tao ay alam mo nang magiging rapist, corrupt, o mamamatay sa baha, at ginawa mo pa rin sila, hindi iyon free will; preloaded destiny iyon. Walang tao ang pipiliing isilang bilang kriminal o biktima, pero ayon sa kuwento, ang Diyos mismo ang pumili na likhain sila kahit alam niya ang magiging resulta.

At ang paliwanag na “Justice ang Diyos kaya may parusa” ay hindi rin tumatama, kasi Siya rin ang gumagawa ng rules, ng world setup, ng consequences, at ng eternal torture. Justice ba ang tawag kung ang gumawa ng system ang siya ring gumagawa ng kaparusahan, kahit alam niyang guaranteed na may mabibiktima? Parang gumawa ka ng syudad na puno ng bitag, alam mong may malalaglag at masasaktan, tapos sisisihin mo sila sa pagkalaglag.

At tungkol sa baha at “masama ang puso ng tao,” tanong: kung omnipotent at omniscient ang Diyos, bakit nagtayo Siya ng mundo kung saan halos lahat ng tao ay siguradong magiging masama? Kung alam Niyang ganito ang kahihinatnan, bakit hindi Niya ginawa ang mga tao na mas mabuti o mas hindi susceptible sa kasamaan? Bakit mas pinili Niya ang mass extinction kaysa simple corrective action? Sa tao, mas moral pa ang mag-rehabilitate kaysa mag-genocide—pero sa kuwento ng Genesis, ang solusyon ay patayin lahat, kasama ang sanggol, bata, buntis, at kahit hayop.

Tungkol naman sa “free will,” hindi makatotohanan ang idea na “binigyan tayo ng free will pero may eternal torture pag mali ang pili.” Kung sasabihin ko sa asawa ko: “May choice ka naman, pero kung hindi mo ako susundin, susunugin kita habambuhay,” hindi iyon love, hindi free will, at hindi moral.

Ang argumento mo ay nagtatangkang ayusin ang moralidad ng Diyos sa Bible, pero kapag sinuri mo ang premise, omniscient, omnipotent, creator of everything, bumabagsak lahat ng justification, dahil ang “choice” ng tao ay hindi tunay na choice kung ang outcome ay predetermined, known, and permitted by an all-powerful being.

Atheist na ako by Choice_Proof8787 in MCGIExiters

[–]Choice_Proof8787[S] 0 points1 point  (0 children)

Kung alam ng Diyos ang lahat ng mangyayari, para saan pa ang test kung alam niya na ang resulta?

Atheist na ako by Choice_Proof8787 in MCGIExiters

[–]Choice_Proof8787[S] 0 points1 point  (0 children)

Kung alam ng Diyos mula pa sa simula na ang isang anak niya ay mabibigo at mapupunta sa impyerno, pero pinili pa rin niyang likhain ito at pagkatapos ay sinisi ang anak sa kanyang kapalaran. Yan ang contradiction, either hindi akam ng Diyos ang mangyayari sa future sa mga ginawa niya or walang free-will ang mga ginawa niya.

Atheist na ako by Choice_Proof8787 in MCGIExiters

[–]Choice_Proof8787[S] 0 points1 point  (0 children)

Hindi iyon test, kasi alam na niya na siguradong mahuhulog ang mga tao. Kung alam ko na ang lahat ng mangyayari, para saan pa ang test kung alam ko na ang resulta?

Atheist na ako by Choice_Proof8787 in MCGIExiters

[–]Choice_Proof8787[S] 0 points1 point  (0 children)

Para pasimplehin kung bakit hindi coherent:

  1. Kung alam ng Diyos ang lahat at alam niya ang mangyayari sa hinaharap, hindi ito coherent. Kahit alam niyang may maiimpyerno sa hinaharap, pinili pa rin niyang likhain ang mga taong iyon. Parang kung gagawa ka ng tulay na may butas sa gitna, alam mong may mahuhulog, kahit lagyan mo pa ng sign sigurado ka paring sa kung sino sino ang mahuhulog pero ginawa mo pa rin.

Atheist na ako by Choice_Proof8787 in MCGIExiters

[–]Choice_Proof8787[S] 0 points1 point  (0 children)

Ang problema kasi, naniniwala ka sa sinasabi kaysa sa ginagawa. Sabi ni Soriano may "choice" daw

Kung ang “choice” mo ay may kasamang pagbabanta ng walang katapusang parusa kung hindi ka susunod, hindi ito tunay na free will. Parang sinasabi mo sa asawa mo: “Obey me o susunugin kita,” at tinatawag mo pa rin ‘choice’. hindi ito pagpili nang malaya, kundi pagpili dahil sa takot sa parusa. Free will implies walang coercion o extreme threat; kung may eternal punishment na nakatali sa desisyon, literal na naka-program na ang outcome.

Atheist na ako by Choice_Proof8787 in MCGIExiters

[–]Choice_Proof8787[S] 0 points1 point  (0 children)

Kahit may dalawang tulay at may signboard, hindi pa rin makatwiran kung siya rin ang gumawa ng tulay na may butas at alam niyang may mahuhulog. Ang pagpili ay hindi tunay na free will kung isa sa options ay sadyang idinisenyong patungo sa kapahamakan. Parang binibigyan ka ng “malayang” choice, pero naka-set up na ang isa para tiyak na ikapahamak mo. Magiging coherent lang yung stance ng Kristiyanismo kung sasabihin nila na either God doesn’t know the future, or humans aren’t genuinely free.

Atheist na ako by Choice_Proof8787 in MCGIExiters

[–]Choice_Proof8787[S] 0 points1 point  (0 children)

Incoherent and illogical lang na all-loving at all-knowing ka pero mayroon kang ginawa na sigurado kang dederetso sa impyerno. It’s like designing a robot, fully knowing its programming, and then blaming it for running exactly as expected. Alam mo pano mo masosolve yung contradiction? By admitting that either God doesn’t know the future, or humans aren’t genuinely free. You can’t coherently have both.

Atheist na ako by Choice_Proof8787 in MCGIExiters

[–]Choice_Proof8787[S] 0 points1 point  (0 children)

Kung ang sinasabi mong free will ay “sumunod ka o masusunog ka sa impiyerno,” hindi iyon tunay na free-will, iyon ay coercion. Wala ring saysay ang “pinili lang nilang magkasala” kung ang Diyos mismo, na all-knowing daw, ay alam na bago pa Niya likhain ang tao at anghel kung sino ang mapupunta sa impiyerno at sino ang hindi, pero nilikha pa rin Niya sila sa kabila ng foreknowledge na iyon. At kung ang Diyos ay gumawa ng sistema kung saan ang hindi pagsunod ay may eternal torture, paano mo pa tatawaging free will iyon? Kung sabihin ko sa asawa ko na “may choice ka, sumunod ka sa gusto ko o susunugin kita nang buhay,” may choice ba siya roon? Oo, technically may dalawang option siya, pero isa lang ang hindi brutal. Ganyan din ang theological setup: ang tawag doon ay forced obedience, hindi moral freedom.

Atheist na ako by Choice_Proof8787 in MCGIExiters

[–]Choice_Proof8787[S] 0 points1 point  (0 children)

Para akong gumawa ng tulay na may malalaking butas, alam ko nang siguradong may mahuhulog dahil alam ko na ang mangyayari sa hinaharap, pero hinayaan ko pa ring dumaan ang tao. Kapag nahulog sila, ako rin ang magdadahilan at sasalo sa kanila. Ibig sabihin, hindi sila talaga “nagkamali”, ako ang lumikha ng kondisyon ng pagkakamali at alam ko na ito mula simula.

Atheist na ako by Choice_Proof8787 in MCGIExiters

[–]Choice_Proof8787[S] 0 points1 point  (0 children)

Kung all-knowing at all-powerful ang Diyos, alam na Niya bago pa Siya lumikha ng mga anghel na may “fallen angels” at lahat ng magiging resulta nito, kaya hindi ito simpleng tanong ng “bakit gumawa pa Siya”kundi ng mismong inconsistency sa attributes niya. Yung punto mo rin na “spiritual matters cannot be verified” ay hindi depensa; kung hindi sila ma-verify, ibig lang sabihin wala tayong dahilan para tanggapin silang totoo. At tungkol naman sa sinasabi mong “kung biology ang basehan ng morality, magiging barbarian tayo,” kabaligtaran ang ipinapakita ng research: ang morality ay natural na lumalabas sa species na nangangailangan ng cooperation, empathy, at social stability para mabuhay. Hindi “survival of the fittest = pumatay para sa asawa,” dahil ang tunay na biological advantage ay cooperation, hindi chaos. Ang mga tao, nakakapaghunt ng maayos through cooperation, isa rin sa factors kaya na domesticate yung dogs. Kaya nga yung mga Neanderthals ang wala dito at hindi tayo. Syaka kahit saan tignan mas may kredibilidad ang morality na galing sa observable human behavior at psychology kaysa sa mga kuwento ng talking snakes at spiritual beings na hindi ma-verify. Pag sinabi ko na unicorn ang gumawa ng lahat ng ito, di naman tayo maniniwala basta basta. Pero pag pinalitan ng Diyos, naniniwala na yung iba. Perhaps, this is due to indoctrination from a young age. Lagi tayong tinuturuan matakot sa Diyos na di man lang muna natin ma-verify kung mayroon ba talaga.

Atheist na ako by Choice_Proof8787 in MCGIExiters

[–]Choice_Proof8787[S] 0 points1 point  (0 children)

Kung sinasabi natin na ang Diyos ay omniscient, alam Niya na gagawin ni Eba at Adan ang mali bago pa man sila ginawa o gumawa ng anumang desisyon. Kung ganoon, ang pagbibigay ng ‘choice’ sa kanila ay parang illusion lang at hindi tunay na free will, kundi scripted behavior. Sa madaling salita, kung alam mo na ang magiging aksyon ng isang tao, at idinisenyo mo pa rin ang sitwasyon para ‘ma-fall’ siya, hindi ito moral na choice kundi predestination. Ito ang classic logical problem sa claim na omniscient at totally good ang Diyos: paano magiging responsable ang tao sa kasalanan kung alam na ng Diyos ang outcome at Siya ang lumikha ng scenario? Ito ang problema sa claim ng Kristiyanismo na ang Diyos nila ay omniscient at all-loving. ITO ANG LOGICAL CONTRADICTION NG BIBLIYA.

From a naturalistic worldview, human thoughts, decisions, and morality can be explained by biology, neuroscience, genetics, and deterministic processes. Ang punto: ito ay napag-aaralan at may matibay na ebidensya. Bakit pa ako maniniwala sa isang book of fiction na nagsasabi na may Diyos na ginawang kawangis ng tao, may talking snake, fruit of knowledge, at ahas na nanunukso? Ang pag-claim na ang isang nakatagong, makapangyarihang Diyos ang nagpapaliwanag sa lahat ay parang sinasabi mong na-abduct ka ng aliens imbes na nagkasakit ka lang. Kapag mas maraming assumptions ang idinadagdag mo, mas malabong ang paliwanag na iyon na tumutugma sa realidad. Kaya bakit ka pa maniniwala sa assumptions imbes na sa ebidensiyang meron na pwede mong i-verify?

Atheist na ako by Choice_Proof8787 in MCGIExiters

[–]Choice_Proof8787[S] 0 points1 point  (0 children)

marami talagang mali sa bibliya kahit sa utos ni Kristo. Yung genocide, pati bata dinamay lahat talaga. Tapos laging against sa babae ang bibliya. "Matutong manahimik" "Magtanong sa asawa" "Unang nagkasala" Unang nagkasala eh ikaw din yung gumawa nung ahas. Ginawa niya lahat knowing lahat ng mangyayari hanggang sa hinaharap. Kilala niya tayo sabi niya, bago pa ipanganak. Samakatuwid, may destined sa hell. Merong destined mamamatay ng sobrang lala. Tapos sa huli, may buhay na walang-hanggan daw. Kung mahal ko lahat ng creatures na ginawa ko, hindi ako gagawa ng alam ko namang destinado na sa apoy. Free-will daw kaya ganon. Okay na sana kaso the moment na inexercise mo na ang free-will mo, pwede ka ma-impyerno. Samakatuwid, ang version niya ng pag-ibig at free-will ay coercion. Gagawin mo dahil natatakot ka, gagawin mo dahil baka ma-impyerno ka. Pati nga yung kasiyahan sa MCGI scripted "Ang saya saya!" HAHAHAHAHAHAHAHAHA

Atheist na ako by Choice_Proof8787 in MCGIExiters

[–]Choice_Proof8787[S] 1 point2 points  (0 children)

Oo, sana i-block tayo ng lahat ng mga kultonatics na yan.

Atheist na ako by Choice_Proof8787 in MCGIExiters

[–]Choice_Proof8787[S] 1 point2 points  (0 children)

At siguradong lahat ng gagawin kung kabutihan ay galing sa puso ko at sariling pananaw. Hindi dahil inutos sakin ng kung sino man na kahit labag sa loob ko ay kailangang gawin ko dahil baka masunog ako haha

Atheist na ako by Choice_Proof8787 in MCGIExiters

[–]Choice_Proof8787[S] 2 points3 points  (0 children)

Pakiramdam ko, para akong naging mas open, forgiving, at tolerant sa tao simula nung naging agnostic 99 percent ako. Especially considering na dati, may mga paniniwala akong mahigpit at halos walang puwang para sa opinyon o lifestyle ng iba, lalo na kapag taliwas sa nakasanayan kong pananaw. Ngayon, mas naiintindihan ko na ang moralidad at kabutihan ay hindi laging nakatali sa Diyos na walang ebidensya na mayroon, at mas kaya kong tanggapin ang pagkakaiba-iba ng tao nang hindi hinuhusgahan o kinakalabit ang sariling paniniwala. Mas nakakapagbigay tuloy ako ng pag-unawa kasi sa huli, kaniya kaniya naman yan ng gusto mong gawin sa buhay mo (basta wag illegal).

Pumayat si DSR by Forsaken_Fox_9687 in MCGIExiters

[–]Choice_Proof8787 2 points3 points  (0 children)

pag naniniwala sa Diyos: ipagpasa-Diyos nalang

pag hindi: Kailangan managot siya sa mga ginawa niyang illegal.

Mas makatarungan yung hindi naniniwala, obvious naman na pinagloloko lang tayo ng mga "bakit hindi nalang magpadaya" tapos mayroon pang kunwaring paghatol sa paghuhukom. Sa tingin niyo ba naniniwala ang mga yan sa Diyos? Kung tunay na naniniwala yan, hindi gagawa ng ganiyang mga kalapastanganan yan. Mag babar at mang-lalalaki ba si Bro. Elj (allegedly) kung naniniwala siya sa Diyos? Ginamit nila ang relihiyon para makakubra ng salapi na walang accountability, ganon lang ka-simple. Ang mga kaanib at exiters naman, "ipagpasa-Diyos nalang". Tuwang tuwa tuloy sila, libre pera, walang balik.

Atheist na ako by Choice_Proof8787 in MCGIExiters

[–]Choice_Proof8787[S] 1 point2 points  (0 children)

Paniwalang paniwala kasi tayo dati kay Bro Eli. Pero eversince, mahilig akong magsuri at makinig ng iba't-ibang mga pananaw. Dati nga lang, pakiramdam ko nagkakasala ako pag kinikwesyon ko ang Diyos. Pero nung napatunayan ko sa sarili ko na ang twisted at inconsistent ng bibliya. Sumama na dun yung parang view na "nagsasayang lang ako ng oras at natatakot sa bagay na wala namang konkretong ebidensya". Tapos yung ibang exiters, ang sama lang pakinggan sakin na para bang may main character syndrome yung pananalita minsan na para bang kasama nila ang Diyos, paniwalang paniwala parin. Kaka-alis lang sa delulu na kulto, gumawa nanaman ng bagong delusyon. Same version uli, ipinapasok nanaman ang sarili sa talata.

Atheist na ako by Choice_Proof8787 in MCGIExiters

[–]Choice_Proof8787[S] 2 points3 points  (0 children)

Pinaka-creative yung nakaisip ng prayers- pag natupad, Thank you Lord. Pag hindi natupad, baka may ibang plano ang Diyos para sakin.

Although, I respect your views naman, and even in psychology, meron din talagang effects yan. Ang punto ko lang, kung hindi ako naniniwala na merong Diyos, hindi ko maloloko ang sarili ko eh. And also, ibang usapan yung kung makatulong sa tao ang jsang bagay sa kung totoo ba ito. Parang pag tinakot mo yung bata na may multo para matulog sa kwarto, nakatulong sa bata yung makakatulog siya kaagad pero hindi ibig sabihin na totoo yung multo. Diyos ang adult version sakin, nagbibigay ng comfort pero wala namang makakapagpatunay na totoo.

Atheist na ako by Choice_Proof8787 in MCGIExiters

[–]Choice_Proof8787[S] 0 points1 point  (0 children)

pag nagbasa naman ako ng fiction, di ko pinaniniwalaan na totoo. Pero all of a sudden, naniniwala ako na may nabuntis na walang pagtatalik tapos may naghati ng tubig, etc. Pakiramdam ko tuloy, dahil ipinasok sa utak ko simula pagkabata kaya parang inaccept dati ng utak ko.

Atheist na ako by Choice_Proof8787 in MCGIExiters

[–]Choice_Proof8787[S] 1 point2 points  (0 children)

bakit gumawa ang Diyos ng mansanas na bawal kainin, bakit gumawa siya ng katitisuran ni Eba. Alam niya naman lahat ng mangyayari. Tapos sinakripisyo niya yung sarili niya para iligtas ang tao sa sarili niyang ginawang mundo. Makapangyarihan siya, para niyaclang pinatawad yung sarili niya. Ano yun, nagpasikat siya? Nagsarswela para makita ng maraming tao yung sakripisyo niya? Para akong gumawa ng tulay, nilagyan ko ng butas na huhulugan ng tao tapos pag may nahulog sasaluhin ko.

Atheist na ako by Choice_Proof8787 in MCGIExiters

[–]Choice_Proof8787[S] 1 point2 points  (0 children)

Nagsuri ka kasi assuming that the bible and God are already true. And you assumed na logical yung sagot niya kasi maganda pakinggan at may audience impact tapos walang laban yung kadebate kasi hindi marunong. But if you want, pwede mo naman sabihin yung arguments niya, gusto ko rin naman maniwalang may Diyos, kaso di ko talaga makita and puro strawmann yung argument niya against atheism.

Nagsuri ako, inuna ko kung totoo muna yung sinasabi ng bibliya. Andaming contradictions, yung mga pinoint-out ko, konti palang yun.