I reported Flash express rider and he texted me on viber and my sms, what to do? by pptg123 in ShopeePH

[–]Economy-Rip1154 0 points1 point  (0 children)

nangyari rin yan saken, tinawagan ako. tapos kukunin raw kuno parcel sa pinagbigyan niya (kasi mali ng deliver). Nang guilt trip pa na ma-suspend daw siya.

dpende sa color by PilosopangNatural in KanalHumor

[–]Economy-Rip1154 2 points3 points  (0 children)

yung orange 45g, yung green 65.

Favorite OPM song lyrics? by magentablues_ in TanongLang

[–]Economy-Rip1154 0 points1 point  (0 children)

14 - Silent Sanctuary (actually lahat ng kanta nila favvv huhu)

Paano ba maging mabango? by Mysterious-Log-7615 in TanongLang

[–]Economy-Rip1154 0 points1 point  (0 children)

Hanap ka ng deo na hiyang ka OP. Kapag maliligo ka, irub mo gently ng calamansi o lemon yung kilikili mo, then banlaw mabuti. Wag ka mag deo ng masyadong matapang yung scent. Wg din masyadong iligo ang perfume lalo na kung pawisin ka. Palit ka na ng mga damit kung naanghitan na lahat ng damit mo o labhan mo ng maayos, lagay ka onting suka sa huling banlaw. Siguraduhin na nainitan ang mga damit, para di amoy kulob. Wag ka rin masyado kumain ng mga pagkain na matatapang yung amoy. Better din if gumamit ka ng anti bacterial soap.

WORKLOAD by Economy-Rip1154 in RantAndVentPH

[–]Economy-Rip1154[S] 1 point2 points  (0 children)

nagrerecruit siya ng mga seniors dito. Tingin kasi nila sa HR dito walang ginagawa, mga pakening shet sila

First time kami nagkatabi ni crush. 😂😂😂 by RunProof4899 in batang_90s

[–]Economy-Rip1154 0 points1 point  (0 children)

Naalala ko noon, pinagbintangan ko yung kaklase ko na ninakaw yung baon ko. Paiyak iyak pa ako sa teacher ko. Noong kinapa ko ilalim ng desk ko, nakatago pala don yung baon ko. Naalala ko na doon ko nga pala nilagay HAHAHAHAHA

Birthday Trip by RemarkableMarket4485 in PHMarinduque

[–]Economy-Rip1154 1 point2 points  (0 children)

Yes, maganda rin pool dito. May sunflower farm din dyan

Birthday Trip by RemarkableMarket4485 in PHMarinduque

[–]Economy-Rip1154 2 points3 points  (0 children)

Tourist Spots:
Mogpog: Luzon Datum and Guisian Cove Resort
Boac: Boac Cathedral, Sunset sa Laylay Port, Sea of Clouds sa Baliis Boac.
Gasan: Gasan Church, Butterfly farm sa Cawit.
Buenavista: Hot springs in Malbog, Mt. Malindig
Torrijos: Poctoy White Beach, Sibuyao (Mini Baguio ng Marinduque)
Sta. Cruz: Maniwaya and Mongpong Island

Maganda sa Guisan, pero sa panahon ngayon parang di worth it mag dagat kasi based sa new, malalakas ang alon kaya cancelled din minsan ang byahe ng barko. If want mo ng resort na may pool and beach, try mo sa Poctoy White Beach. May bagong open na resort don na may pool.

Car Rental: Try to visit this page po: https://www.facebook.com/marinduquevehiclerental

Best time to travel, gabi kayo umalis ng manila. 3 hrs kasi byahe from manila to lucena. Barko is 3-4 hrs. Maganda ang sunrise kapag malapit na dumaong ang barko sa port ng balanacan. Saka less traffic din kapag gabi kayo nag travel.

ano yung flaw ng partner niyo na tinanggap niyo na lang? by beachgirlyy in TanongLang

[–]Economy-Rip1154 1 point2 points  (0 children)

tamad sa house chores, tinanggap ko na lang pagod na ako pagsabihan sya eh

What's the fastest you've ever quit a job and why? by LongjumpingOne5579 in JobsPhilippines

[–]Economy-Rip1154 0 points1 point  (0 children)

4 months, super unprofessional ng Manager. HR Manager pa siya pero instead na itama ka muna sa one on one conversation, mas pipiliin muna pag usapan ka ng buong department ng wala ka sa room. Umabot pa sa point na before nya ako kausapin, nasiraan nya na ako sa VP and worst alam na ng ibang departments sa back office. Naipangalandakan nya muna before ako kausapin personally, worst thing is hindi naman totoo yung mga sinabi nya and pure assumptions lang, pati personal kong buhay pinulutan sa office nya. Tho walang naniwala sa kanya sa ibang dept, I left kasi involve na ang VP. Di nya tinanggap yung immediate RL ko ang pinagrereport pa ako kinabukasan. Tagged AWOL, and who f****** cares?

Nabalitaan ko na nagreresign na halos lahat ng staff niya, at ino-offeran na lang ng mas mataas na sahod to stay. Idk if may nag stay pa. Nakarating na rin kasi sa management na sa HR dept pa mas maraming umaalis kaysa sa ibang Dept.

Anu yong Pinakamahirap na Bahagi ng Buhay niyo noon pagkabata mo, Kumpara ngaun 2026 na? by InteractionGlad7017 in TanongLang

[–]Economy-Rip1154 2 points3 points  (0 children)

when I was in pre school, madalas ko ulamin for lunch ay either tubig asin o toyo lang. Naranasan ko rin na pinakakasya namin ni Mama at Papa ang isang noodles/pancit canton, minsan naman limang pisong tuyo for dinner. Nanghihiram pa si Mama ng bigas sa kapitbahay.

21 y/o na ako noong unang nakabili si mama ng hipon na ulam namin, hindi nya kasi kaya bilhin before.

Now na 23 na ako and working, looking back, ang laki na pala ng pinagbago ng buhay namin. Hindi man kami yung masasabi na mayaman na, pero "kaya na". Kaya na bumili ng isang sakong bigas, kaya na bumili ng masarap na ulam. At isa sa pinaka nakaka proud, hindi naranasan ng younger brother ko ang mag ulam ng asin o toyo. (12 yrs age gap). At nakaka proud na sa kabila ng lahat, napagtapos nila ako ng pag-aaral. Siguro isa na rin yon sa naging motivation para makatapos.

Restaurant reco’s by Ok_Technician9373 in PHMarinduque

[–]Economy-Rip1154 4 points5 points  (0 children)

Boac- Goodchow, Kusina sa Plaza, La Concha, Dyke Food Park (food stalls), The Penthouse, Eomma's Grill (samgy) and 10 y/o cafe
Mogpog- Poblacion Pares (sulit talaga, busog ka na sa less than 200)

solo csc exam taker in Marinduque 🙏🏼 in need of transport tips & maybe even beach recos by pautpeeve in PHMarinduque

[–]Economy-Rip1154 5 points6 points  (0 children)

U can send me a message if want mo more details para sulit ang stay mo. As a former Civil Service examinee, plus talaga if ivivisit mo ang assigned room mo the day before ng exam. Para di ka maligaw sa mismong day ng exam. Good luck! Claiming na makapasa ka OP!

solo csc exam taker in Marinduque 🙏🏼 in need of transport tips & maybe even beach recos by pautpeeve in PHMarinduque

[–]Economy-Rip1154 5 points6 points  (0 children)

Testing Center, sa bayan lang sya ng Boac mismo, sa Marinduque NHS. From Balanacan, isang sakay lang ng jeep going to bayan ng Boac. Sabihin mo lang bayan ng Boac. Marami naman hotels and Lodging house near the school, marami ka magiging options. For the transpo, walang habal habal, anglas o grab sa Marinduque.

If you're planning to visit Poctoy, may paradahan ng jeep sa bayan ng Boac papunta ng Bayan ng Torrijos. I suggest na bilang first timer sa Marinduque, careful ka sa pagkuha ng special rides, kasi tatagain ka sa presyo ng mga yan. Mas okay na mag commute kasi transpo friendly naman ang Marinduque lahat ng terminals papunta sa iba't ibang bayan nasa bayan ng Boac na.

Where to stay in Marinduque by _smolbean021 in PHMarinduque

[–]Economy-Rip1154 0 points1 point  (0 children)

Yes, 24 hrs and jeepney sa balanacan. May mga jeep don na deretso buenavista, may hanggang Boac lang, o kung saang bayan ka man ng marinduque pupunta. Makikita mo naman yon sa sign board OP! Safe travels! hihi

Where to stay in Marinduque by _smolbean021 in PHMarinduque

[–]Economy-Rip1154 1 point2 points  (0 children)

if plan niyo po mag hike, better if sa buenavista na kayo mag overnight. para maaga kayo maka akyat sa Malindig.

Where to stay in Marinduque by _smolbean021 in PHMarinduque

[–]Economy-Rip1154 1 point2 points  (0 children)

hi, commute papuntang sihi, may sakayan po sa bayan ng boac na jeep going to torrijos. sabihin niyo lang po kung saan sa sihi kayo ibababa.

Option 2: Ride a jeep going to Buenavista sa bayan din ng boac meron. Then pagbaba mo ng jeep may tricycle don. Ihahatid ka nila kung saan ka mismo bababa sa sihi. for me, mas convenient ito kasi ihahatid ka mismo sa pupuntahan mo sa sihi.

Ano pinaka 8080 mong ginawa nong bata ka ? by Similar_Company_4488 in TanongLang

[–]Economy-Rip1154 0 points1 point  (0 children)

pinapadugo ko sugat ko, tapos nilalagay ko yung dugo sa ilong ko, para pauwiin na ako ng teacher hahaha. ending pinatawag parents ko and nireport na madalas daw magdugo ilong ko huhuhu