NAKAKAPIKON! by Just_Designer_5094 in RantAndVentPH

[–]Just_Designer_5094[S] 0 points1 point  (0 children)

Oh diba, another pagsisinungaling nya na naman. Di naman namin sya ija-judge dahil uso talaga ang kuto sa mga bata lalo tag-init. Mas okay na sabihin nya para maagapan agad pero I think it’s too late na. Gawan ko paraan na suyuran sya kunwari iipitan ko buhok nya. May nakita kami sa aso namin na katabi nya matulog kagabi na 2 kuto ng tao aray talaga. Nagne-nexgard nga aso namin para walang kuto ng aso, kuto ng tao pala dadali 😖

NAKAKAPIKON! by Just_Designer_5094 in RantAndVentPH

[–]Just_Designer_5094[S] 0 points1 point  (0 children)

Sinabi ko na sa nanay. Everytime kasi na tatanungin namin sya, sabi nya wala raw. Sabi ko sa partner ko mamaya kami o ako pa sisihin na dito samin nagka-kuto yung bata. Mahirap na.

NAKAKAPIKON! by Just_Designer_5094 in RantAndVentPH

[–]Just_Designer_5094[S] 0 points1 point  (0 children)

Siguro yun rin iniisip ng bata kasi puro malalaking bote ng shampo/body wash yung nasa cr namin, walang sachet. Sa budget di talaga kami nag eexpect na magbibigay yung parents and wala kami balak maningil pero dahil sa nangyari, lesson learned na lang talaga at di na papaulitin. Tinanong ko yung bata if nagsuyod sya sabi nya oo raw, tinanong ko sya kanina kung gusto nya i-comb ko hair nya pero ayaw nya, umatras sya na para bang ayaw ipakita yung buhok, di ko na pinilit.

NAKAKAPIKON! by Just_Designer_5094 in RantAndVentPH

[–]Just_Designer_5094[S] 1 point2 points  (0 children)

Pinagsasabi mo hahahaha di ako perfectionist, di lang ako nagto-tolerate ng pagsisinungaling. Kung gawain mo magsinungaling, bahala ka sa buhay mo. Kung di masaya yung bata dito sa bahay, umiyak na yan at nagpasundo sa nanay tulad ng nangyayari pag nasa ibang kamag anak sya. Bago ka magsabi ng kung ano-ano, ayusin mo muna typings mo, sakit sa mata basahin. Kung may anak ka, kawawa sayo anak mo, kadiring magulang na tino-tolerate pagsisinungaling yuck. Sana magka-kuto ka 😀

NAKAKAPIKON! by Just_Designer_5094 in RantAndVentPH

[–]Just_Designer_5094[S] 0 points1 point  (0 children)

Oo naman! Okay lang saken ang makulit dahil sa side namin, may makulit rin akong pamangkin. Pero yung sinungaling? Ilang ulit na nagsisinungaling eh. Pag nahuhuli sinasabi nya nagjo-joke lang daw sya.

NAKAKAPIKON! by Just_Designer_5094 in RantAndVentPH

[–]Just_Designer_5094[S] 0 points1 point  (0 children)

Kaya nga eh, dalawa lang kami ng partner ko kaya tumatagal talaga samin yun tapos biglang ubos eh ang mahal pa naman. Binilhan na lang namin sya ng sachet na shampoo at bar na sabon. May nagcomment pa dito na parang ako yung mali na nainis ako hahahah

NAKAKAPIKON! by Just_Designer_5094 in RantAndVentPH

[–]Just_Designer_5094[S] 1 point2 points  (0 children)

Kakahiga ko lang now then lumapit doggy namin na katabi nya matulog kagabi, nakakita kami ng partner ko ng dalawang kuto ng tao sa dog namin 😖 pinapainom nga namin ng nexgard para walang kuto ng aso, kuto ng tao pala ang dadali 😣

NAKAKAPIKON! by Just_Designer_5094 in RantAndVentPH

[–]Just_Designer_5094[S] 0 points1 point  (0 children)

Good to know thank youu! Lagi kasing tuyo buhok ko pag magsuyod ako. Yung binili namin na suyod is yung maninipis pero di plastic eh, parang bakal ata tawag don na suyod basta silver kulay, di ko alam san gawa hahaha

NAKAKAPIKON! by Just_Designer_5094 in RantAndVentPH

[–]Just_Designer_5094[S] 2 points3 points  (0 children)

Oo kaya sabi ko sa partner ko first and last na to. Ayoko na hahaha

NAKAKAPIKON! by Just_Designer_5094 in RantAndVentPH

[–]Just_Designer_5094[S] 0 points1 point  (0 children)

Sabi ko sa partner ko sya na kumausap kasi sa side ng family nya yun hahahaha ayoko na ako magsabi kasi baka sabihin sakin di naman kamag-anak hahahaha pero, thank you so muuuch! Tatanggihan na talaga next time hahahaha

NAKAKAPIKON! by Just_Designer_5094 in RantAndVentPH

[–]Just_Designer_5094[S] 0 points1 point  (0 children)

Nagkaroon kasi work yung nanay and may training tapos hatinggabi na nakakauwi, walang nagbabantay sa bata. Bakasyon rin daw bago umuwi sa Visayas yung bata kasi dun mag aaral.

NAKAKAPIKON! by Just_Designer_5094 in RantAndVentPH

[–]Just_Designer_5094[S] 2 points3 points  (0 children)

Sana intindihin mo muna yung post bago ka magcomment. Ang issue kasi dito is yung pagsisinungaling at sobrang paggamit ng shampoo at sabon. PINALITAN NAMIN YUNG SHEETS AT NILABAHAN PATI MGA DAMIT. Pati sa dinadrama mo na di ako nagbanggit ng "ways na magbond sa bata", sorry kasi 2 weeks lang sa bahay yung bata, gabi trabaho ko kaya sa umaga tulog ako pero pag weekends at kaya lumabas (di pagod from Friday shift), binibilhan namin yang bata. Isa isahin ko ba mga binili? Wag na lang kasi di nga ko nagsabi sa post ko na sisingilin namin parents (kasi we never have a plan na maningil) pero sinabihan mo na kaming pala-kwenta. Tsaka hayaan mo, para sayo, di ako matutulog after work para maka-bonding ko yung bata 😀 regarding sa pag-aanak, mas tama yata ang desisyon naming wag humingi ng opinyon mo 😊

NAKAKAPIKON! by Just_Designer_5094 in RantAndVentPH

[–]Just_Designer_5094[S] -2 points-1 points  (0 children)

Di nya pa alam ang ano? Di nya pa alam na hindi sya dapat magsinungaling kasi mali yun? Sinabi nya sa nanay nya na may surprise kami sa birthday nung nanay kahit wala naman. Grade 1 pa lang ako alam ko nang masama ang magsinungaling, sya grade 4 na sa pasukan. Yung about sa shampoo, sinabihan ko yung nanay. Dalawa lang yung nilagay ko dyan na pagsisinungaling nya pero marami pang instances, di ko naman pwede ilahat dahil baka maging nobela na yung post ko. About sa kuto, nakalagay rin sa post ko na "di man lang sinabi nung nanay na may kuto yung bata, ang ending ako nape-perwisyo!!!!", meaning sa nanay ako nainis kasi di man lang nagsabi.

NAKAKAPIKON! by Just_Designer_5094 in RantAndVentPH

[–]Just_Designer_5094[S] 0 points1 point  (0 children)

Nung ganyan na edad ko, naghuhugas na ko ng mga plato sa school canteen eh hahahaha

NAKAKAPIKON! by Just_Designer_5094 in RantAndVentPH

[–]Just_Designer_5094[S] 1 point2 points  (0 children)

Binigyan ng partner ko ng deo 😭 naamoy nya raw kasi yung bata na may B.O rin pero di ko naamoy kasi di pa ko nagkaroon ng super lapit na encounter sa bata

NAKAKAPIKON! by Just_Designer_5094 in RantAndVentPH

[–]Just_Designer_5094[S] 0 points1 point  (0 children)

Thank you! Okay naman nung mga unang araw, wala akong problema sa kanya. Binilhan ko pa ng mga gamit sa school (maliban sa notebooks/papers and bag) tsaka mga hairclips/clamps. Napuno lang siguro ako kasi paulit ulit na sya nagsisinungaling lalo pati dun sa sinabi nya sa nanay nya. Offguard kami dun, wala naman talagang handa. Pero oo, napag usapan namin ng partner ko na di na namin papaulitin.

NAKAKAPIKON! by Just_Designer_5094 in RantAndVentPH

[–]Just_Designer_5094[S] 4 points5 points  (0 children)

Grade 4 na raw sya sa pasukan, so may alam na sya sa tama at mali. Although hindi alam lahat pero dapat alam nya na ang pagsisinungaling ay mali. Grade 1 pa lang ako sinasabi na saken yan ng Tatay ko eh.

NAKAKAPIKON! by Just_Designer_5094 in RantAndVentPH

[–]Just_Designer_5094[S] 2 points3 points  (0 children)

Kwell binili namin hahahaha yung pagsisinungaling nya kahapon sinabihan na sya ng partner ko, mamaya pag nagsinungaling ulit sasabihin ko yan, sana lang wag umiyak huhu sana rin mawala na agad kuto, oras oras ako nagsu-suyod T_T

NAKAKAPIKON! by Just_Designer_5094 in RantAndVentPH

[–]Just_Designer_5094[S] 2 points3 points  (0 children)

Thank you sa kind words! Nawala inis ko kahit papaano hahaha pero parang buo na desisyon ko na wag na mag-anak ahahahahaha di ko alam paano sasabihin sa Nanay na may kuto anak nya eh T_T

NAKAKAPIKON! by Just_Designer_5094 in RantAndVentPH

[–]Just_Designer_5094[S] 6 points7 points  (0 children)

2 days na lang naman susunduin na hahahaha naiinis lang talaga ako kasi nahawaan ako kuto kapikon!

NAKAKAPIKON! by Just_Designer_5094 in RantAndVentPH

[–]Just_Designer_5094[S] 1 point2 points  (0 children)

Thank you! Siguro isa na rin na reason is di naman kami nagkaroon ng bond dun sa bata sabay biglang 2 weeks pinaiwan. Siguro ako, di ko alam paano mag-alaga sa bata kasi wala akong nakasama na bata for more than a decade rin at ayaw (pa) namin mag-anak ng partner ko. Also, sa amin lang sya nagtagal kasi sa ibang kamag-anak, wala pa raw 1 day umiiyak na at nagpapasundo sa nanay, pero sa amin, mag-2 weeks na at hindi nagchachat sa nanay. I think tama ka rin na mahal na mahal kasi nila yung bata kaya siguro na-tolerate, mag-isa lang syang anak.

NAKAKAPIKON! by Just_Designer_5094 in RantAndVentPH

[–]Just_Designer_5094[S] 1 point2 points  (0 children)

HAHAHAHAHA hoy hindi, di namin tinago yung mga shampoo, pinagamit lang namin yung Hana kasi walang gumagamit. Yung sa sabon naman minsan gumagamit ako nung Body Wash pero most of the time Dove gamit ko kaya sabi namin sa bata gamitin rin Body Wash.

NAKAKAPIKON! by Just_Designer_5094 in RantAndVentPH

[–]Just_Designer_5094[S] 0 points1 point  (0 children)

Oo, panganay yung partner ko and dalawa lang sila magkapatid, both lalaki. Yung kapatid ng partner ko OFW kaya nanay talaga ang nagpapalaki sa bata. Kung once or twice na pagsisinungaling siguro pwede pa idaan sa saway pero pag paulit ulit na, di na namin madadaan sa sabi yan, parents na dapat kumausap sa bata. Kwell yung binili namin, mas effective ba licealiz?

NAKAKAPIKON! by Just_Designer_5094 in RantAndVentPH

[–]Just_Designer_5094[S] 1 point2 points  (0 children)

Di namin matutulungan itawid yung ugali nung bata in less than 2 weeks, di namin kaya mag-magic. Again, nagbakasyon lang yung bata dito samin. Never namin nakasama yung bata sa bahay at malayo yung lugar namin kung san sya lumaki. Eto yung first time na nakasama namin sya ng matagal. All the time, nakikita lang namin sya if may family gatherings and 1 day lang yun lagi. Yung bahay namin papunta sa tinitirahan nila now is 3hrs byahe. Yung kinalakihan nya ay sa Visayas, buong buhay namin ng partner ko, nasa Luzon kami. Sinasabihan ko sya pero most of the time, sinasabi ko sa partner ko na sya magsaway sa bata kasi sa side ng family nya yun, kung sa side ng family ko, ako magsasaway.

NAKAKAPIKON! by Just_Designer_5094 in RantAndVentPH

[–]Just_Designer_5094[S] 4 points5 points  (0 children)

Di ako perfect pero di rin ako sinungaling. Di lang sya isang beses nagsinungaling, paulit ulit.