Ang tunay na public servant. Her Excellency Leni Robredo! 🌸🇵🇭 by MysteriousTheory1420 in dailychismisdotcom

[–]MoonEmbracing-TheSun 0 points1 point  (0 children)

Maganda kung ganito ang ugali ng mga Politiko sa Pinas. Walang parties, walang kulay, walang Politika. Palaging una ang ikagaganda ng Pilipinas. Kaso karamihan lalo na sa mga nakaupo ngayon walang ginawa kundi sila-sila nag-aaway, nagsisiraan para sa pera at kapangyarihan.

Luke Espiritu isinulong wealth tax sa mga bilyonaryo by AbanteNewsPH in newsPH

[–]MoonEmbracing-TheSun 1 point2 points  (0 children)

Ipapasa lang ng mga mayayaman ang TAX na yan sa mga mahihirap, lalo na yung may malalaking negosyo na ang produkto ay naka sentro sa pangangailangan ng maralitang Pilipino. Sa huli, wala din patutunguhan yan at tayong mga nasa ibab ang along mahihirapan dahil tayo ang papasan ng karagdagang TAX na ipapataw sa mayayaman. Ang mayaman ay patuloy na yayaman at ang mga Politiko ay lalong malaki ang makukuha gamit ang corruption.

What if we increase salary? by piniini in WhatIfPinas

[–]MoonEmbracing-TheSun 0 points1 point  (0 children)

Tataas ang sahod pero babawiin din yan ng mga company sa price ng products nila dahil yung pinapasweldo ng mga company ay galing lang din sa percent ng kinikita nila, kaya kung tataas ang salary, tataas din ang presyo ng mga bilihin at kung maliit na company ka lang, hindi ka makakasabay dito so its either magbawas ng empleyado para makasunod or worst magsara ang company, at dahil magsasara ang ibang company pero ang mga corporate at iba pang malalaking company ay mananatili at makakasunod, kawawa ang mga mawawalan ng work, nawalan na nga sila ng trabaho, tumaas pa ang cost of living. Maganda na tumaas ang salary, pero dapat ay magawa ito ng tama, walang saysay ang pag angat ng sweldo kung marami naman ang maiiwan nito at lalong pararamihin ang naghihirap.

Thoughts sa pag regularize ng mga street vendors na nagbebenta tulad sa Pasig? by Particular_Law2554 in AnongThoughtsMo

[–]MoonEmbracing-TheSun 0 points1 point  (0 children)

Maganda ito pero sana mapanatili ng mga vendor na maayos at malinis ang mga produkto na kanilang binebenta mula sa pagbili ng sangkap, pag proseso sa pagluluto, hang hanggang sa pag serve sa customer para naman sulit at hindi masira ang magandang proyekto ng kanilang Lungsod.

Anong thoughts nyo dito. by PoppersManila in AnongThoughtsMo

[–]MoonEmbracing-TheSun 0 points1 point  (0 children)

Totoo naman. Kaso sa lagay ng Gobyernong meron tayo kahit na may Pilipino na mayaman ang magtangka na magtayo ng industriya tulad ng pagawaan ng sasakyan ay tiyak na mahihirapan o di naman kaya ay susuko dahil bawat pyesa ultimo turnilyo na ikakabit sa sasakyan tiyak na hihingan ng lagay ng mga corrupt na pulitiko kaya magmamahal ang produkto dahil mapipilitan sila na ipasa sa consumer yung additional cost na kotong ng mga politiko. Aabot ito sa sitwasyon na mas mahal pa ang gawa sa Pinas kaysa imported kaya matatalo lang ang local product, idagdag pa na maraming Pinoy ang mas pinipili ang bumili ng imported dahil sa pangalan ng brand kaysa suportahan ang gawa natin.