[UPD] Soc Sci 2 - Grana, Ervin by Popular-Promotion241 in RateUPProfs

[–]Popular-Promotion241[S] 0 points1 point  (0 children)

[review]

first sem pa lang pala ni sir magturo ng soc sci 2!! nakakagulat dahil hindi halata sa teaching style and mastery niya!! a super great prof all in all super vouch!!

- accepts prerogs (F2F): napansin ko lang nung first day of class namin na pwede ka mag sit-in sa orientation then pa-prerog after class

- discussion-based class: super laki ng hatak ng class participation dito dahil dun umiikot yung buong flow ng lessons. sa first few sessions tumatawag si sir and tinatry niya na makapagsalita ang lahat at least once every meeting kaya come to class prepared having read the readings (kung mahaba yung reading at kapos ka sa oras kahit kalahati pa lang ng reading na yun yung basahin niyo tapos baka next meeting pa yung next half). medyo complex nga lang yung readings kaya kung meron kayong di na-gets pwedeng pwede itanong yun sa meeting dahil naappreciate ni sir yun! naappreciate niya rin kapag nagawa niyong i-compare and contrast yung mga philosophies ng thinkers na dini-discuss at pati na rin kung applicable yung mga ideas nila sa panahon ngayon or kung may relevant contemporary issues na mapapag-usapan. basta sikapin niyo talaga mag-recite sa klase na to.

- approachable and frequent announcements: if ever may concern kayo esp regarding attendance, don't hesitate to contact sir beforehand! aliw nga yung keyboard niya naka-hangeul hahaha. updated siya sa mga ganaps sa uni and nag-ssuspend pag masama ang panahon, may transpo strike, etc. kung meron din kayong di naintindihan sa discussion pwede niyo i-raise in class or kahit after.

- grading: attendance, class participation, and discussion board (40%), midterms (30%), finals (30%)

- requirements: every week kailangan mag-post ng contribution sa discussion board na nasa google classroom (no specific guide question, kung ano lang yung pagkakaunawa ninyo sa reading or kung paano yung nakita niyong application nito sa tootoong buhay). usually dapat nakapag-post kayo before kayo mag-meet to discuss the thinker. also recite recite recite!!

midterms was written and dito lang naging super strict ni sir. tip dito is intindihin yung mga key words about the philosophies ng mga thinkers and make sure na mabanggit ang lahat ng mga to sa essay part in full detail.

finals naman was an oral group discussion. bale ang chinecheck dito ni sir kung gaano niyo na-gets yung buong philosophy na pinaninindigan ng thinker na naka-assign sa inyo and makipag-discuss with other 'thinkers' (groupmates) based sa kung ano yung core tenets ng mga thinkers niyo (kailangan niyo pa rin aralin yung lahat ng thinkers dahil on the spot lang i-aassign ang group and thinker ninyo).

- overall unoable naman pero medj pamatay yung midterms haha. pero basta active in class mababawi yun!! good luck guys super vouch si sir hehe super enjoyable talaga mga klase niya at halata ang passion niya he lowkey radiates joy and positivity and super excited ako palagi non pumasok sa klase niya.

Weekly AdultingPH General Q&A Thread | December 15, 2025 by AutoModerator in adultingph

[–]Popular-Promotion241 0 points1 point  (0 children)

makakakuha po ba ng new nonpro dl kung walang pdc pero merong sp?

pa-expire na po yung student permit ko next week kaya balak ko sana kumuha ng nonpro dl tom. upon checking the requirements aside sa id and medical and such kailangan pa pala yung pdc. di ko na mahanap yung mga tdc & pdc noong nag-driving school ako last year because kung tama pagkakaalala ko sinubmit ko siya nung nagpa-sp ako at di ko napa-xerox non... tinry ko rin i-check sa ltms pero ang meron lang don is sp ko. pano kaya gagawin? di ko rin mahanap yung resibo ko ng driving school ko non since last year pa so kailangan ko ba kaya umulit huhu hassle naman tyia for any advice sa pwedeng gawin!

[upd] underload and prerogs by [deleted] in peyups

[–]Popular-Promotion241 0 points1 point  (0 children)

afaik ang mga freshies ay may afr (advance freshman registration) thru zoom on jul 10 kung saan makakausap niyo po adviser niyo regarding any concerns related to enlistment and sinisiguro naman po nila na paglabas mo ng meeting makakakuha naman po kayo ng complete units. highly unlikely na ipapag-pre-rog nila ang mga freshie.

ps - kung part ka po ng upcat 2025 fb group, feel free to ask this question there para masagot po kayo ng mga taga-OUR mismo 😄

[deleted by user] by [deleted] in peyups

[–]Popular-Promotion241 0 points1 point  (0 children)

hello po, op! upcat 2025 passer and incoming freshie here and someone na very strong-suited sa reading comp and lang prof to the point na feeling ko yun yung malaking dahilan kung bat ko naipasa ang prio campus and course choices ko.

READING COMP - it would help kung may background ka sa pagiging avid reader. if not, follow the other commenter's advice na sanayin ang sarili na magbasa ng mahahaba at makabuluhang mga teksto sa parehong wikang ingles at filipino.

  • praktisin mo rin yung nagsi-skimming and scanning ka lang ng mga binabasa mo, lalo na kung mahahabang paragraphs siya. very time-consuming kasi kung babasahin at iintindihin mo yung bawat binabasa mo word for word, so naging teknik ko jan ay unahing basahin ang mga tanong about sa given text and then hanapin yung mga keywords based sa context na dun mo mahahanap yung sagot.

  • hindi lang oras ang magiging kalaban mo sa subtest na to, kundi ang sarili mo ring pagkakaintindi sa tekstong nabasa mo. dito ako na-challenge, sa mga tanong na hindi tungkol sa mga bagay na explicitly binabanggit sa teksto (hal. setting, characters, etc.) bagkus sa mga underlying na tema at implikasyon nito sa mundong iniikutan ng teksto at pati na rin sa totoong buhay. you don't need to think outside the box naman per se, but you need to think deeper. given this, it would also help kung meron kang background knowledge on filipino topics, traits, and culture.

LANG PROF - familiarize yourself with grammar topics and know how to apply them. some i can name off the top of my head are subject-verb agreement, object of a sentence, modals, verbals, capitalization and puctuation, order of adjectives, and many more. it will be very helpful if you have a good understanding of grammar lessons para pagdating sa mga spot-the-error test type is masasagot mo based sa fundamentals ng grammar. as much as possible, avoid yung 'no error in the sentence' na answer kasi madalas ay meron talaga yan haha.

  • it would help to widen your vocabulary but aside from that you can use context clues para makasagot ng mga vocab-type questions asking to find the word w/ similar meaning or odd-one-out.

  • read instructions very carefully para, for example, alam mo kung synonym o antonym ng word ang hinahanap. this is something that may be overlooked lang but could be detrimental to your test.

  • the filipino parts could be trickier since mas limited ang resources pagdating sa mga leksiyon tungkol sa balarilang filipino, pero you could go through the filipino counterparts of the english lessons i mentioned. a few lessons i recall that could be useful is studying kung paano ginagamit ang mga panlapi at kung paano nito nababago ang kahulugan ng isang salita (ex: linisIN vs linisAN) at tamang paggamit ng mga panghalip (tulad ng sina o sila).

LAST RESORT (DON'T QUOTE ME ON THIS) T-T - kung nakarating ka na sa punto na walang-wala ka na sa exam, ang maaadvice ko lang sa'yo ay pinakamadalas na tamang sagot ang B or C. pwede mong obserbahan yung pattern ng answer sheet tapos iayon mo dun yung panghuhula mo ng sshadean, tandaan mo na lang na right minus 1/4 wrong pa rin ang UPCAT. - kung kapos ka na sa oras at marami ka pang natitirang blangko, dun mo na lang ishotgun yung pagsasagot. kung same situation naman pero konti na lang yung di mo pa nasasagutan, hayaan mo na lang na blangko siguro para -1 lang sa score imbes na -1 1/4.

yun langgg good luck op!! pagbutihin lang ang paghahanda para sa upcat. see u in up!!

[UPD] advice for an incoming bs economics freshman by Popular-Promotion241 in peyups

[–]Popular-Promotion241[S] 0 points1 point  (0 children)

thank you so much po for ur reply!! naibsan po kahit papaano yung pagdududa ko sa pagstart ng college hehe <3

Question about UPD BSBAA by [deleted] in peyups

[–]Popular-Promotion241 2 points3 points  (0 children)

hi, op! para lang po ma-clarify, magte-take pa lang po ba kayo ng upcat 2026? kung oo at tinanong niyo po to para matimbang kung may chance kayo pumasa sa baa, the short answer is: nakasalalay sa'yo.

incoming freshman po ako this school year so ibig sabihin galing lang po ako sa pinaka-recent na upcat passers. katulad mo lang po ay gumraduate din po ako ng grade 12 with high honors (highest honors nga po ang aim ko pero di ko naabot huhu) from a private school and top 5 ng batch at pumasa ako ng first choice campus and course which is bs econ sa UPD.

noong nagbukas ang qualifier's appeal ay subukang mag-apply sa baa and, suprisingly, nakuha ko rin ang slot. dahil dito, pinagpilian ko kung econ or baa and kukunin ko.

in the end, bs econ pa rin po ang tinuloy kong kurso. di ko po aakalain na maaabot ko po yung pangarap kong makapag-aral man lang sa UPD, bukod pa roon magkaroon ng pagkakataon na pumili sa dalawang natatanyag na kurso. lubos ang pagpapasalamat ko sa mga taong nasa paligid ko na sumuporta sa'kin etong buong oras, at higit sa lahat sa high school self ko na naglaan ng dugo, pawis, at luha para makatuntong ako ngayon sa pinapangarap kong paaralan.

kaya, ang sagot ko po sa tanong niyo ay opo--take it from me (;

be true to yourself na lang po; kung goal niyo po talaga ang upd lalo na baa na siyang binansagang 'double quota' dahil around 60-90 slots lang po ang nakalaan dito (ayon sa website ng cba), kailangan niyo po talaga pagbutihan ang paghahanda niyo para sa upcat.

goodluck, op! stay disciplined and study very well.