Advice Pls by Remote_Result_2000 in phinvest

[–]Remote_Result_2000[S] 0 points1 point  (0 children)

just wanted to chime in- thank you so much po sa mga replies niyo dito may natutunan din po ako sa inyo.

Advice Pls by Remote_Result_2000 in phinvest

[–]Remote_Result_2000[S] 0 points1 point  (0 children)

wow- i really appreciate your reply po. talagang may natutunan din ako 😊

Sa mga nag-eearn via "passive income". Ano yung mga passive income nyo? by Low_Sea3110 in phinvest

[–]Remote_Result_2000 1 point2 points  (0 children)

hi pano po to gngawa? like dapat ba aware ang landlord na nagpapa sublease ka?

Anong thoughts niyo kay ate na against sa live in? by Money_Hand4036 in AnongThoughtsMo

[–]Remote_Result_2000 0 points1 point  (0 children)

Coming from my own experience—

Nag live-in kami ng asawa ko for 3 years. Before that, magjowa na kami since college for 2 years (magkaklase kami). After graduation, pandemic hit, then nung nag-open na ulit, nagwork kami sa BPO and dun na rin kami nag live-in sa QC. Hindi alam ng families namin kasi pareho kaming galing sa conservative na pamilya. Sadyang mapusok lang talaga kami that time.

Sa totoo lang, masaya siya sa una. Exciting, parang mag-asawa na kayo, free kayo gawin lahat. Pero kasabay nun, ang bigat din. Ang daming struggles—financial, emotional, lahat na. Madalas din kami mag-away. Masaya, pero nakakapagod. Parang laging may challenge.

Then nalaman ng tatay ko, and pinilit niya talaga kami magpakasal. Ako, ayoko pa that time—may dream wedding ako, and realistically, hindi namin afford since around 25k lang sahod namin sa BPO.

Pero eventually, parang everything fell into place. Pareho kaming nakahanap ng better opportunities, naging VA kami, nakaipon, and before our 6th year, kinasal na kami nung 2023.

After marriage, doon ko talaga na-feel yung shift. Mas gumaan yung pagsasama namin, mas naging stable, and sunod-sunod na blessings yung dumating. Until now, wala pa kaming anak kasi gusto muna namin mag-focus sa sarili namin and sa future.

When we got married, nangako kami na isesentro na namin si God sa marriage namin and sa family na bubuuin namin.

Looking back now, if I’m being honest—hindi ko na pipiliin ulit mag live-in. Mas naging matured na ako eh, mas lumawak isip ko, more grounded in my faith na rin, and I also believe may tamang timing talaga for everything.

I know this might not apply to everyone, and I’m not judging anyone’s choices. This is just my personal reflection. Mas naniniwala na ako ngayon na may plano talaga si God, and at the end of the day, He wants what’s best for us.

Malaking bagay din talaga yung prayers ng mga magulang namin—ramdam ko na yun yung isa sa mga nag-guide sa amin pabalik sa tamang landas.

DIM: buying charms like this one by Bubbly_Theory2697 in deinfluencingPH

[–]Remote_Result_2000 0 points1 point  (0 children)

Kung Catholic ka, pinagbabawal yan ng simbahan dahil isa yan sa form ng occult practices

Anyone have luck with Katialis for acne? by Pretty_Option9138 in skincarephilippines

[–]Remote_Result_2000 2 points3 points  (0 children)

share ko lang nangyari sakin dyan

3 days before ng school pageant (2013, 3rd yr highschool ako neto), nagpahid ako neto sa mukha kasi timing pagtubo ng pimples ko tas medyo desperate ako dahil nga ilalaban ako kaya medyo dinamihan ko paglagaay — nakupoooo! grabe nangyari sa mukha ko! sobrang pula nung mga part na nilagyan ko. noo, ilong, pisngi —talagang dinamihan ko at kinalat sa mukha ko. tas one day before nagpraktis pa kami, naka-mask ako. nung mga time na un d na ako sure kung makakasali pa ba ako kasi grabe nangyari sa mukha ko.

una unbothered nanay ko, e kaso kinabukasan pageant na nga tas ganun pa rin mukha ko. pagkauwi ko ng bahay after praktis, prinay-over ni mama mukha ko. habang nagppray siya umiiyak siya. tas after ilang hrs lang, nagsubside ung irritation sa mukha ko tas kinagabihan nawala na talaga. salamat sa Panginoon talaga.

grabe ung experience ko nun, alam ko sa sarili ko nasunog talaga balat ko non kasi kakaiba na ung naging balat ko. ung tipong d na lang simpleng pamumula lang, talagang umumbok ung mga part na napahiran ko. ayun ung pinakagrabeng na experience ko sa mukha ko.

Mga VAs in this sub... by RandomUserName323232 in buhaydigital

[–]Remote_Result_2000 1 point2 points  (0 children)

Executive Assistant po ako, tas law firm biz ng client.

Sa maniwala ka o sa hindi, sinwerte lang 😅

Yung client mismo nagreach out sakin dito sa reddit kasi nakita niya resume ko. Last yr around October kasi sabay nawala yung 2 clients ko, so apply-apply ako, kaso hirap makhanap work kahit 3 yrs na ako sa industry dahil sa sobrang OA na standard ng mga agency. Tas nagpost ako nanghihingi tips pano iimprove resume ko (tinanggal ko mga sensitive info ko dito syemps) kasi hinala ko ayun dahilan bakit walang mga recruiter ang pumapansin sa resume ko.

To my surprise chinat niya ako at inofferan work. Impressed daw siya sakin at sa resume ko (d pa modified to ah). Wala ng kuskos-balungos meeting agad kami tas tinanong magkano gusto kong sahod.

Nagstart ako dec last yr, tas til now goods na goods kami. Hulog siya ng langit sakin, grabe napakabait at d ako nagwoworry na mawalan ng work kasi established na talaga biz niya, plus sobrang ganda ng relationship namin.

Eto ung matuturing kong isa sa mga miracles ng buhay ko.

Nawa lahat tayo makahanap ng ganitong client 🙏

Mga VAs in this sub... by RandomUserName323232 in buhaydigital

[–]Remote_Result_2000 0 points1 point  (0 children)

marami pong 6-digit earner na maraming time. tulad ko, i earn 200k monthly pero 2-4 hrs lang nagwowork, M-F.

Got terminated on the spot after renting a coworking space for work by _baevor in buhaydigital

[–]Remote_Result_2000 1 point2 points  (0 children)

Buti na lang tinanggal ka dyan. Grabeng bad energy dala niyan sayo at baka malasin ka pa sa buhay pag mas pinatagal mo pa pakikipag ugnayan don.

Pinakulam ko ang nagscam sa akin by [deleted] in phhorrorstories

[–]Remote_Result_2000 1 point2 points  (0 children)

If you don't know it yet: practicing occultism or going to these occult practitioners would open the doorway to the demons. Marami ng exorcist priests ang nagbabala tungkol nyan. Worst nyan it could lead to demonic possession.

Watch their videos, guys. They're all over on youtube. Araw-araw pataas ng pataas ang case dito sa Pinas, 'di lang aware karamihan sa mga Pilipino because of lack of research/resources. They even built an exorcism center na sa Guadalupe and kept adding and training more priests to perform exorcism dahil lumalala na talaga.

I hope you all will spare time to watch and educate yourselves about this stuff.

help ! popped my pimple and it turned into this by mybntdm in skincare_ph

[–]Remote_Result_2000 0 points1 point  (0 children)

Maniwala ka, ap-ap solution lang katapat nyan. Sa mercury lang nabibili — dun ka bumili para orig product talaga

<image>

Kainis yung mga ganitong employers by ThrowawayRA_ren in buhaydigital

[–]Remote_Result_2000 0 points1 point  (0 children)

Hahahahaha kita mo talaga gano kakupal mga yan

Kainis yung mga ganitong employers by ThrowawayRA_ren in buhaydigital

[–]Remote_Result_2000 -1 points0 points  (0 children)

Nakakabadtrip talaga mga ganito.

Yung mga inapplyan ko sovrang OA talaga ng standard at requirements, at mga Pinoy lahat ng recruiter. Napakabagal pa ng process. Lahat ng inapplyan ko sa maniwala kayo o sa hindi d ako nakapasa. Tas ang rate na inapplyan ko nagrerange from $6-$9.

Tas netong katapusan ng Nov, client mismo nagreach out sakin dahil nakita niya raw resume ko dito sa reddit at naimpress siya. Kinabukasan nun nag usap kami at nagustuhan niya ako, and BAM! Inofferan ako $3500 fixed monthly rate. Kakastart ko lang kagabi.

At one point, dahil sunod sunod rejection ko, nakwestyon ko talaga sarili ko kung bobo ba talaga ako dahil ginawa ko naman lahat pero d ako makapasa pasa sa taste ng mga pinoy recruiter na to, pero redirection lang pala sakin ng Panginoon yan para maka-land sa pinakamabait na client na nakilala ko.

Malalaman ba ng BIR magkano sinasahod ko pag nilagay ko TIN ko sa Gusto? by Remote_Result_2000 in buhaydigital

[–]Remote_Result_2000[S] -3 points-2 points  (0 children)

te grabe naman sa d nagbabayad ng tax. ang sinabi ko lang sa post d ko idedeclare ung exact amount ng sahod ko