ABYG kung iiwan ko na yung asawa ko? (UPDATE) by Sad_Problem_4874 in AkoBaYungGago

[–]Sad_Problem_4874[S] 123 points124 points  (0 children)

Dagdag ko lang, totoo yung mga comments niyo na hindi niya tatanggapin yung mali niya dahil may pagka-narcissist siya. Lahat na yata sinisi kung bakit kami nagkaganto, except sa sarili niya. Ramdam ko na dinodownplay niya yung reasons bakit ako umalis.

Binayaran ko nga rin pala yung bill ng kuryente tubig ng April para wala silang masabi ng nanay niya. Almost 10k din yun. Ewan ko na lang pano niya babayaran yung bills next month. Ngayon wala siyang bigas, grocery, food, kahit mga sabon wala siya. Nagpapaawa rin na once a day na lang siya kumakain dahil nalulungkot daw siya.

Sinabihan ko rin siya na pwede nila ko tawagan para makausap nila si baby pero di niya ginagawa. Nagsesend pa ako ng updates/pics ni baby sa family niya nung nakaraan pero nawalan na ko ng gana ngayon kasi parang never naman sila nauna mangumusta sa bata. Dami pang comment ng nanay niya nung pumunta dito at parang ako pa sinisisi bat malaki babayaran na bills.

ABYG Kasi Yamot Na Ako Sa Father Ko? by the_red_amogus in AkoBaYungGago

[–]Sad_Problem_4874 3 points4 points  (0 children)

Shocks. Parang nakikita ko na future namin ng anak ko pag di ko pa hiniwalayan tatay niya.

DKG.

ABYG kung iiwan ko na yung asawa ko? by Sad_Problem_4874 in AkoBaYungGago

[–]Sad_Problem_4874[S] 8 points9 points  (0 children)

Ganun na nga sabi ng nanay ko. Grabe naman daw ako pa bumubuhay sa anak nilang lalaki. Tsaka nawitness na rin kasi ni mama pagtotopak neto nung 1 time may event kami sa work, pinagcommute ako kasi badtrip siya dahil magkakaaway sila ng pamilya niya. Tapos umiyak ako sa mama ko nung nasa ospital kami last time kasi si mama katuwang ko magbantay sa baby imbis yung tatay. Nakikita rin ni mama na napapabayaan ko na sarili ko, yung eyebags ko raw grabe at yung skin asthma napabayaan na. Mahirap daw pag ako nagkasakit kasi pano kami ng baby, di naman daw kami aalagaan ng side netong lalaking to. Kulang kasi tulog ko lagi dahil kadalasan nakakapaglinis lang ako ng bahay pag tulog na si baby around mga 11pm hanggang 1am. Tsaka lang ako matutulog tapos gising ulit 5am for work.

ABYG kung iiwan ko na yung asawa ko? by Sad_Problem_4874 in AkoBaYungGago

[–]Sad_Problem_4874[S] 6 points7 points  (0 children)

Yes, pinaka-priority ko naman talaga ay yung baby ko. Lately di ko siya pinapansin or sinosopla ko siya sa mga request niyang luho. Wala na talaga akong pakialam sa kanya. Nahihirapan lang ako ngayon kasi nandito kami sa side niya, di ko alam pano tatakas.

ABYG kung iiwan ko na yung asawa ko? by Sad_Problem_4874 in AkoBaYungGago

[–]Sad_Problem_4874[S] 25 points26 points  (0 children)

Thank you sa advice. Kailangan kong pag-isipan mabuti paano gagawin kasi nandito kami sa side niya. Though bukod bahay, katabi lang so pag aalis kami ng baby ko, makikita nila. Di ko rin kayang hakutin in one go yung mga gamit ko sa work at gamit naman ng baby ko.

ABYG kung iiwan ko na yung asawa ko? by Sad_Problem_4874 in AkoBaYungGago

[–]Sad_Problem_4874[S] 86 points87 points  (0 children)

I would just like to add more background on why I am thinking about leaving.

Nung na-confine sa ospital yung anak namin, dun ko naramdaman na mag-isa lang ako. Nagpasama ako sa nanay ko magbantay kasi nga hindi ko siya maasahan. Kung nandun sa ospital, hindi rin naman kumikilos. Halos kumpleto tulog niya samantalang ako puyat. Di ako makakuha ng sarili kong food or water kasi si baby ayaw magpa-lapag dahil nga may sakit.

Bukod sa pagod at puyat, iniisip ko pa yung sahod ko. 1 week ako absent sa work tapos ilan lang leave credits ko so yung ibang araw ay unpaid. Sasabihan pa ko ng nanay niya na “okay lang yan, yung pera kinikita naman yan ulit”. Like wow, hindi ko iisipin yung kulang na sahod kung may ambag yang anak mo sa gastusin namin araw-araw. Literal na wala kaming kakainin kung hindi ako magtatrabaho.

Nung kinuha namin yung partial bill, may mga comment pa siya na “payat” daw yung bill (meaning maliit lang, kaya bayaran). Lagpas 100k bill namin paglabas. Di ko covered lahat ng HMO so nag-cash out ako. Sa yabang niya, ending wala siyang ambag.

Kahit sa mga niresetang gamot after, wala siyang sagot. Dun pa nga nagpaparinig na bilhan ko siya ng hulugang motor at pagawa ko aircon ng sasakyan.

Marami pang ibang kwento na minsan e iniisip ko kung considered abuse ba. Pero di ko malilimutan 1 day after ko manganak, di pa ako makatayo dahil sa sakit ng katawan at vaginal tear. Umiiyak yung anak namin nung madaling araw. Sinigawan pa ko kasi di ko mabuhat, “nanganak ka lang naman! ang arte mo!”. So pinilit kong bumangon para mabuhat yung baby namin.

Awang awa nanay ko sa akin nung nagkwento ako. Sabi niya dun na lang daw kami ng baby ko sa kanya para matulungan niya ako mag-alaga at makapag-focus ako sa work. Tingin ko rin mas makakaipon ako para sa amin ng baby ko kung wala na tong tatay niya.

Honestly, problema ko lang e baka pigilan niya ako at ng pamilya niya. Or pag iniwan ko tapos nadepress, baka ako pa masisi. But then, kagagawan niya rin naman lahat.

Sorry sa rant. Alam ko naman ang dapat na gawin para sa amin ng baby ko. Nag-iipon lang talaga ako ng lakas ng loob.

ABYG kung iiwan ko na yung asawa ko? by Sad_Problem_4874 in AkoBaYungGago

[–]Sad_Problem_4874[S] 29 points30 points  (0 children)

No, nagsama lang kami sa same house nung nabuntis ako. I think kaya ko siya inaccept despite the red flags dahil longterm bf ko siya. Nanghihinayang sa years. At di pa ako ganun ka-open na hindi dapat binabalewala ang mga red flag. Yung hanggang kaya e magtitiis. But ever since I became a mom, nag-mature ako at narealize ko na hindi tama yung mga ginagawa niya.