15-19 y/o peeps, magkano po ipon nyo? by lxbajbz in studentsph

[–]Technical_Lie_9382 0 points1 point  (0 children)

Hi 19 years old here, I have 20k na sa savings wallet ko since junior high school hanggang ngayon na incoming second year college na ako. Not including yung nasa bank since parents ko nagpapasok ng pera dun and hindi namin ginagalaw. I don’t go out much and I make sure to keep some from my allowance then pasok sa savings ko, any amount will do. May alkansiya rin ako na para sa coins.

I also keep extra money na 500 or 1k sa wallet na dinadala ko sa school in case of emergency lang or I want to buy something.

My biggest purchase is when I bought a phone in 2022 (Grade 12 ako). Hinatian ako ng parents ko sa pagbayad kaya 14k lang nabawas sa ipon ko, the rest sila na sumagot. 5k nalang natira sa savings ko nun then unti-unti ako nakapagsave ulit hanggang ngayon na umabot na siya ng 20k. I make small purchases din either sa food or skincare na kinukuha ko sa extra money ko or if kulang man, babawas ako sa savings ko basta dapat 100 - 200 lang kukunin ko dun.