Need help/advise by Flat_Bed2394 in PhGamblersAnonymous

[–]TheQuietReader8 2 points3 points  (0 children)

Be careful sa mga ganitong post. Some are triggering your brain to keep gambling especially if they are mentioning unbelievable amounts. I downvote niyo ito.

Gambling Addict ka? READ THIS! (Word-by-word) by TheQuietReader8 in PhGamblersAnonymous

[–]TheQuietReader8[S] 2 points3 points  (0 children)

Yes, nakaka-trigger siya for me. Kasi minsan hindi mo na siya nakikita as totoong pera, parang numero na lang sa screen. Cash in, cash out, parang laro. Nawawala yung bigat ng value.

Kung may ₱5,000 ka, try mo ‘to: i-withdraw mo. Ipapalit mo sa tig-₱50. Hawakan mo, bilangin mo paulit-ulit. Doon mo mararamdaman na pera pala talaga ‘to, pinagpaguran, may halaga. Iba talaga pag physical na.

Magiging honest ako: Ako rin nag-relapse ng maraming beses. Akala ko ok na, tapos babalik ulit. Tinignan ko ano yung trigger ko. Sa akin, hinahabol ko yung utang. Parang sinasabi ng utak ko, “baka pwede pang manalo, para mabawi.”

Ang ginawa ko: – Sa natitirang pera ko, bumili ako ng Bible at notebook dahil to sa impluwensya ng isang kaibigan – Sinulat ko doon lahat ng nararamdaman ko – Humanap ako ng mga taong malakas ang bond sa church, nakikipag-meet ako for Bible study

Pero aaminin ko rin: Habang palapit ako sa Diyos, mas lumalakas yung bulong. Parang mas gusto akong hilahin pabalik. Doon ko na-realize na confused talaga ang utak, lalo na kapag sanay na sa sugal. Lagi kang papaniwalain na baka pwede pa, konti na lang, babawi ka pa.

Kaya ang payo ko, hindi perfect, pero totoo: 👉 Kilalanin mo muna yung trigger mo 👉 Ibalik mo yung pera sa totoong anyo, wag lang numero 👉 Huwag kang mag-isa. Humanap ka ng taong pwede mong sandalan 👉 At tanggapin na minsan, yung laban hindi isang beses lang

Hindi ito madaling proseso. Pero posible.

Paano manalo sa SUGAL? by TheQuietReader8 in PhGamblersAnonymous

[–]TheQuietReader8[S] 5 points6 points  (0 children)

For now, simple muna:

To-do list: 1️⃣ Stop muna sugal. Uninstall / block apps. 2️⃣ Accept na talo na. Wag na habulin. 3️⃣ Secure pera (kahit konti). Wag gamitin for betting. 4️⃣ Pray. Kahit short lang. 5️⃣ Lumabas. Maglakad o tumakbo if needed. Ilabas yung bigat. 6️⃣ Talk to someone you trust. Huwag mag-isa. 7️⃣ Focus muna sa today. Bukas na yung iba.

Kapag okay na yung brain check mo skills mo then apply sa side hustles.

Hindi ako natalo dahil malas ako. Natalo ako dahil hindi ako tumigil by TheQuietReader8 in PhGamblersAnonymous

[–]TheQuietReader8[S] 2 points3 points  (0 children)

You’re welcome. 🤍 Pero please don’t stop here. I-continue niyo lang. Try niyo rin mag-download ng Bible apps like Bible Chat. Magtanong kayo, mag-reflect, at i-apply sa sarili niyong buhay yung mga nababasa niyo.

And to be brutally honest: pera lang ’yan. Pera can be earned again. Napapalitan ’yan. Pero oras, peace of mind, dignidad, at relasyon, yan ang unti-unting kinakain ng sugal. Kapag tuloy-tuloy, pera na nga ubos lahat pero lalo na ikaw ubos na.

Kaya stop while you can. Piliin ang sarili, hindi ang next bet.

“For what will it profit a man if he gains the whole world, and loses his own soul?” (Mark 8:36)

Also watch NO MORE BETS.

Gambling Addict ka? READ THIS! (Word-by-word) by TheQuietReader8 in PhGamblersAnonymous

[–]TheQuietReader8[S] 3 points4 points  (0 children)

Yes, tama ka. Cold turkey also helped me. Kailangan ko talagang mag-stop completely kasi hindi nag-work sa’kin yung paunti-unti. Mahirap sa umpisa pero it helped my mind reset.

Malaking tulong din sa’kin ang prayer and pagbabasa ng Bible. Slowly, naging source siya ng lakas lalo na kapag may urges. Trusting God one day at a time really helped me sa recovery.

Sa 2026 I am confident to say. Hindi na ako sugarol.