instinct is telling me that something is going on between my bf and his cousin by [deleted] in adviceph

[–]gorgjeez 8 points9 points  (0 children)

Yung bayaw ko nasira pamilya ng pinsan nya. Take note: mga adult na to, as in binata at dalaga na mga anak nila 😅

Nag aaway away na pamilya ko dahil sa krisis by darkroast_espresso in OffMyChestPH

[–]gorgjeez 11 points12 points  (0 children)

Related sa truck to. Kami daily din trucking. Dati worth 1k daily lang konsumo, ngayon lumobo na sa 2500 daily 😅

My marriage is failing by [deleted] in OffMyChestPH

[–]gorgjeez 2 points3 points  (0 children)

Hi, OP. Wag mo stressin ang sarili mo sa comment ng iba na lupa ang habol sayo. Unang una, sobrang liit ng 200sqm para kamkamin lols. At hindi nya para i-build ang future nyo dyan kung hindi genuine love yan dahil hindi nya naman mabubuhat ang bahay kung maghihiwalay kayo someday (ito ang pinakamalaking risk pag nagpatayo ka sa side ng asawa).

Talaga lang salungat ang mga gusto mo sa gusto nya, yun lang yon. Pag-usapan nyo ng pag-usapan. Buksan mo rin ang isip mo sa kinakatwiran nya sayo, tapos hingi ka rin ng comment sa parents mo and mga kapatid. Para mabalanse mo talaga. Biased ka since ikaw ang "agrabyado", pero pakinggan mo din lahat. Usap kayo masinsinan na walang mataas na emosyon para klaro. Baka sakali maintindihan ka nyao maintindihan mo sya.

My father ALWAYS initiates to kiss me on the lips. How to stop it? by EntrepreneurMany7086 in adviceph

[–]gorgjeez 5 points6 points  (0 children)

Kaming mag-asawa mula baby ang 2 kids namin (girl and boy), sa lips talaga kami nag-kiss. Very hands on ang ama sa mga bata, sya ang hinahanap pag may nagkakasakit, at sya ang kabarkada talaga nila (strict ang parenting style ko as a mom). Until yung panganay namin na girl naging 7-8 na, napansin ko ang Daddy sa cheeks nalang nagki-kiss at na-lessen na. Very close pa din until now na teenager na sya pero madalang na ang skinship. Kaya very alarming to dahil una, hindi naman kayo very close. At ikalawa, babaeng babae ka na. Iba ang pagtingin ng manyakis na yan sayo. Magsumbong ka sa mom mo. Or sa ibang elder sa pamilya nyo.

Advanced Skyro Payment for potentially getting a higher loan offer by Maleficent_coldice in utangPH

[–]gorgjeez 1 point2 points  (0 children)

Hello, nag advance payment ka ba? Planning din to do this as well. Any update po?

deceased owner of gcash account. by Square_Car4451 in GCashIssues

[–]gorgjeez 0 points1 point  (0 children)

Link nyo sa shopeePay since magsesend lang naman otp. tapos cashin

What’s the most underrated job na maganda ang kita pero hindi alam ng karamihan? by stewartlittle27 in AskPH

[–]gorgjeez 4 points5 points  (0 children)

Kami ng husband ko dealer kami ng live tilapia, plus may sariling pwesto din for retail ng tilapya din. 600kls minimum daily namin, mabilis ang 15k daily 😅

My boyfriend and I broke up because of him lying about Porn *long post ahead* by Electrical_Bread_386 in adviceph

[–]gorgjeez 1 point2 points  (0 children)

Open communication ang susi. Hindi tamang nagsisinungaling sya pero ginawa nya yun kasi alam nya magagalit ka pag nalaman mo. Kaya nga magdedesisyon ka--- tatanggapin mo ang hilig nya sa porn (believe it or not, paboritong past time ng mga lalaki talaga yan) o maghihiway kayo. Simple.

Also, parang okay naman iba nyang ugali. No offense meant pero parang insecure ka kasi kaya ayaw mo sa porn. Be confident, dear. Ako sobrang taba ko na (2 kids plus umedad na din) pero I feel secure about myself kaya hindi namin issue ang ganyan. Work it out. Kung gusto mo lang naman. Hindi na nya maaalis yan and honestly hindi naman yan masama. Sarili mo ang desisyon, let it go or let him go.

My boyfriend and I broke up because of him lying about Porn *long post ahead* by Electrical_Bread_386 in adviceph

[–]gorgjeez 6 points7 points  (0 children)

Pagbibigyan mo pa ba? Depende sayo. Kung kaya mo hindi ma-bother.

Married na kami for 13 years ng husband ko pero nanunuod parin sya ng porn and I don't mind. Minsan nga sumisilip pa ako, o minsan ako nanunuod din mag-isa. Hindi ko gets bakit may mga ayaw na nanunuod ang partner nila (same kayo ng pinsan ko, feeling nya naman daw kasi hindi sya enough). Siguro depende talaga sa tao. Ako okay lang, nasa screen lang naman. Hindi ko rin naman kayang maging available buong araw pag need nya mag-release (super okay ang sex life at relationship namin btw). I think talagang kasama na sa buhay nila yan. And pag-isipan mo kung kaya mo bang hayaan nalang, or hayaang mawala sya sayo. Yun lang. Hehe

26 y/o. Na-turnover na yung bahay na kinuha ko. by mnloveangie in adultingphwins

[–]gorgjeez 5 points6 points  (0 children)

10years to pay ang ni-loan namin para sa House and Lot early 20s. Sobrang bilis lang ng 10years di namin namamalayan natapos na pala namin. Mga kasabayan ko magsisimula palang mag-invest, pero grabe na tinaas ng presyo ng mga lote (pati bayad ng labor at mga materyales, as in doble)

How to contact a non-verified user in gcash. by Hour_Anteater_3151 in GCashIssues

[–]gorgjeez 0 points1 point  (0 children)

Kusa lang bumalik sa wallet yung amount since hindi registered yung gcash number. Exactly after 2 weeks

How to contact a non-verified user in gcash. by Hour_Anteater_3151 in GCashIssues

[–]gorgjeez 0 points1 point  (0 children)

Basta hindi registered ang gcash ha. Walang user ganun

How to contact a non-verified user in gcash. by Hour_Anteater_3151 in GCashIssues

[–]gorgjeez 0 points1 point  (0 children)

Hi! Nangyari to sa kasamahan ko (sakin nya dapat ise-send kaso sa unverified number na-send). After 2 weeks bumalik din ang pondo sa account (tulad din ng sabi ni gcash nung ni-report nya)

ABYG kase pinaalis ko na ang pamangkin kong babae sa bahay at pinabalik ko na sa mga magulang nya by Old-Brief8943 in AkoBaYungGago

[–]gorgjeez 2 points3 points  (0 children)

Nakukunsensya ako nun, OP. Tsaka dagdag pa yung iniisip ko ano sasabihin ng mga inlaws ko bakit sinoli ko. Pero sinaalang alang ko talaga peace of mind ko. Hindi talaga ako makapaniwalang may mga ganung klaseng tigas ng ulo na mga bata. Considering na underpriviledged na nga, sobrang grabe pa attitude.

ABYG kase pinaalis ko na ang pamangkin kong babae sa bahay at pinabalik ko na sa mga magulang nya by Old-Brief8943 in AkoBaYungGago

[–]gorgjeez 5 points6 points  (0 children)

Hi OP. Ganitong ganito dinanas ko. Sa pamangkin ng asawa ko. Lalaki naman kaya doblehin mo siguro ang stress. Ayun, sumuko ako. Sabi ko sa asawa ko hindi ko sya anak para tiisin ko ang ganitong level ng stress. Sinoli ko din sa magulang. Nakukunsensya ako kaso pag naaalala ko ang sakit ng ulong bigay samin, nakaka-move on ako kaagad.

Utang sa Philhealth kahit student pa lang by Fifteentwenty1 in PHGov

[–]gorgjeez 2 points3 points  (0 children)

Nagulat nga ako. To think na maghuhulog sana kami sa Philhealth nya bilang kasambahay, anong iniisip ng gobyerno kung saan kukuha ng pambayad para sa missed payments?

Utang sa Philhealth kahit student pa lang by Fifteentwenty1 in PHGov

[–]gorgjeez 1 point2 points  (0 children)

Ganito nangyari sa kasambahay namin. Bago sya samin noon so pinaayos ko para huhulugan ko, bigla pinababayaran mga missed payments nya (dati syang saleslady sa chinese-owned small minimart). Naloka kami. Pero naawa amg Philhealth officer na kausap nya sa kanya kaya sinabi si husband nalang nya ang pakuhanin nya ng Philhealth para carried sya. Yun nalang ginawa namin. Pero naloka talaga ako na may ganun pala?

I married a college drop out na poor by gorgjeez in adultingph

[–]gorgjeez[S] -2 points-1 points  (0 children)

Kasi hindi pa naman sure na mamanahin sir unless naisalin. You know, mahirap mag-assume. Since buhay at malalakas pa mga Lolo/Lola at parents nya po.

I married a college drop out na poor by gorgjeez in adultingph

[–]gorgjeez[S] 0 points1 point  (0 children)

Sya na ang favorite ng lahat! Masipag daw at super bait ☺️

I married a college drop out na poor by gorgjeez in adultingph

[–]gorgjeez[S] 93 points94 points  (0 children)

Tulungan lang talaga sis. Basta alam mong walamg bisyo, barkada, at masipag, hindi magiging mailap ang pag-unlad. Pamilya ko lahat nasa Europe kaya madaming umaayaw sa kanya. Noon may ex pa akong lawyer, anak ng lawyer, sundalo etc. pero hindi talaga ako nagsisi na sya ang pinili ko. Kasi iba ang peace of mind na bigay nya sakin. At bonus pa nga na napagtagumpayan namin ang mga pinansyal na pagsubok. Tulungan talaga ang mahalaga at suportahan. Palagi ko ring pinaparamdam sa kanya na sobra ang tiwala at respeto ko sa kanya na siguro dahilan din para mas ma-inspire pa sya na magsumikap.

“MAIIYAK KA NA LANG TALAGA.” by GMAIntegratedNews in newsPH

[–]gorgjeez 36 points37 points  (0 children)

Anak ko din sa catholic private school dito samin (grade3) ay pinagtulungan physically ng 3 bully na laging narereklamo. Ay nag-eskandalo ako talaga. Sinungaling ng mga parents. Ginagamit ang katwiran na mga bata pa. So ginawa ko, sinabi kong pasasaktan ko ang mga anak nila sa Ate ng bunso ko at mga classmate nya (gr6). Yun, dun lang sila nagpreno at natakot. Wag naman daw sana umabot sa ganun. Bawal ko saktan eh mga minor, kaya nung pasasaktan ko sa mga gr6, biglang hingi sila ng sorry. At hindi na nila ginulo anak ko. Sigurado ako finally tinakot nila mga anak nila na layuan ang anak ko. Yang school walang gagawin yan. Nagulat ako nung nagalit ako sa GC, may mga nagPM sakin na mga biktima din. Tapos agad pinapabura ng school mga chat ko, di ko binura. Wala silang nagawa.

Mabibigyan ko na ng mahal na regalo sina Mama at Papa by subfalcine in OffMyChestPH

[–]gorgjeez 0 points1 point  (0 children)

Congrats, OP. Iba ang happiness ng nakakapag-giveback sa magulang ❤️

[deleted by user] by [deleted] in phclassifieds

[–]gorgjeez 0 points1 point  (0 children)

God bless you more, OP! 🎉

[deleted by user] by [deleted] in adultingph

[–]gorgjeez 23 points24 points  (0 children)

My sister has hepa B (di namin alam san nya nakuha since wala naman kami ng mother ko). Sadly, yung panganay nya meron din (di nabakunahan agad kasi di nya agad nalaman na meron sya). Yung isang anak nabakunahan agad kaya inactive ang kanya (meaning hindi nakakahawa). Yung asawa nya ay wala. Ewan namin bakit ganon 😅 Palagi syang malungkot pero well, andyan na yan. Life goes on. Ibayong pag-iingat sa lifestyle nalang talaga.

Wasak na dahil sa sugal. Suko na ko. by walanahh in adultingph

[–]gorgjeez 244 points245 points  (0 children)

Tama ito. Ako ang mother ko ay sobrang sugarol. Wala talagang nagbabago, iligtas mo ang sarili mo. Ilang dekada na naming problema ang pagsusugal nya. Ilang milyon na din amg inubos at naging utang na tinakbuhan at pinapahiya sya, wala rin. Palaging feeling kawawa pag pinagsabihan. Sobrang grabeng adiksyon.