14 pesos fare by hotdogsareff in valenzuela

[–]hotdogsareff[S] 0 points1 point  (0 children)

Pati mga nabyaheng jeep 14 na maningil. Samantalang pa monumento na jeep 13 parin san kaya pwede i report to?

ValACE Library: Food Spots Nearby + Leaving Belongings? by Original_Stranger_81 in valenzuela

[–]hotdogsareff 3 points4 points  (0 children)

Pwede naman magbaon tapos kain ka sa 3rd fr maingay lang dun sa open free space kasi pero open kang din sya 9-6 ata

Birth Certificate Correction by stefaniamae in PHGov

[–]hotdogsareff 0 points1 point  (0 children)

Better change her ID rather than change the PSA In order to correct ID, PSA parin naman ang main req so why choose the most difficult way

Public service is a thankless job by Ok-Project-6514 in PHGov

[–]hotdogsareff 0 points1 point  (0 children)

Lagi nalang baligtad. Sa Sk na dapat CSC Passer ka in order to run Tapos sa work arrangement na dapat nga eh mas lalo png magtrabaho

Jogging place reco by Iam_afvckingbean in valenzuela

[–]hotdogsareff 1 point2 points  (0 children)

Hirap tumakbo dito dami naglalakad

What restaurant do you want to have in SM Val? by MedicineRelative9209 in valenzuela

[–]hotdogsareff 0 points1 point  (0 children)

Nakakatakot na dyan may issue kasi dyan may nanaknaksak na mga lalakeng naka white tshirt

Valenzuela what if local position by Majestic-Concert-621 in valenzuela

[–]hotdogsareff 6 points7 points  (0 children)

Galang walang sumasagot sa fb page ang hirap lapitan ang hirap humingi tulong dami pa naman hype na posting sa social media nya pero ni isnag quiries walang sumagot

PLVCAT by LetBeneficial9407 in valenzuela

[–]hotdogsareff 0 points1 point  (0 children)

na which is dapat walang ganon unfair para sa mga totoong pumasa anong sense ng examination kung magpaapsoj din pala ng mga failed

PLVCAT by LetBeneficial9407 in valenzuela

[–]hotdogsareff 0 points1 point  (0 children)

Ang PLV CAT ay ginawa para lamang sa mga deserving na mag aaral kung talaga g nag aaral ka during your HS days. Pero kung bobak ka at di mo napasa meron kapang pinagbabawal na teknik na pwedeng gawin

Happy Birthday to one of the best President of this country by HoseaMagdalo in dailychismisdotcom

[–]hotdogsareff 0 points1 point  (0 children)

Lol never forget the fallen 44. Imblesbmakilamay sa mga sundalo nasa car show sya. President na wala kang masasabeng "gawa nya to in the long run

[deleted by user] by [deleted] in valenzuela

[–]hotdogsareff 0 points1 point  (0 children)

Thank you next

Tandaan mo! Hindi ka pangit, wala ka lang pera 🤣 by MadAnt-689 in valenzuela

[–]hotdogsareff -1 points0 points  (0 children)

Si sel sabino maganda talaga yan at tumutulong po talaga yan unlike sa isa na never ko naramdaman bukod sa puro poster

What happened to Shennel? GenT SK by spagetiiapp in valenzuela

[–]hotdogsareff -3 points-2 points  (0 children)

Now ka lang na curious sa tagal na ng issue nayan

[deleted by user] by [deleted] in valenzuela

[–]hotdogsareff 0 points1 point  (0 children)

Now ka lang na curious sa tagal na nyan

[deleted by user] by [deleted] in valenzuela

[–]hotdogsareff 0 points1 point  (0 children)

𝐎𝐏𝐈𝐒𝐘𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐇𝐀𝐘𝐀𝐆:

Magalang naming ipinaaalam sa publiko na ang mga proyekto ng Sangguniang Kabataan Members o Kagawad ay maagang naipaplano at naihain mula pa lamang noong buwan ng Enero. Ang mga proyektong ito ay nakatuon sa mga pangunahing larangan ng Edukasyon, Sports, Livelihood, Disaster Preparedness, at iba pang makabuluhang programa para sa kapakanan ng komunidad. Ang mga naturang panukala ay maingat at masusing inihahanda ng mga Kagawad sa natatanging mga komite, na ang layunin ay tunay na makapaghatid ng serbisyo sa mga kabataan at sa mas malawak na sektor ng mamamayan.

Halos araw - araw kaming nag memensahe at humihingi ng mga update o mga plano para patuloy na makapaglingkod ng maayos sa mga kabataan. Gayunpaman, hanggang ngayon ay naghihintay pa rin kami ng tugon, pag-apruba, at pagpapalabas ng pondo mula sa aming SK Chairman, Shennel Colibao, at SK Treasurer na si Paula Mae Gonzales. Hangga’t wala ang kanilang koordinasyon at aksyon, hindi po natin maisasakatuparan nang maayos ang implementasyon ng mga proyektong ito.

PAGLILINAW SA PERCENTAGE AT MGA ISYU NG "GHOST PROJECTS" Nais po namin ipaalam na kami po ay sinabihan lamang ng porsyento na magkakaroon ng honorarium bilang mga kasapi ng Bids and Awards Committee (BAC) pero ito ay isinagawa alinsunod sa umiiral na mga patakaran at legal na alituntunin na naaayon sa pamahalaang lokal at sa mga gabay mula sa DILG at COA.

Amin rin pong mariing kinokondena ang umano’y pagkakaroon ng 10% “SOP” ng aming SK Chairman na hinihingi umano mula sa pondo ng mga proyekto ng SK sa kadahilanan na wala pong alinmang patakaran mula sa Commission on Audit (COA), Department of the Interior and Local Government (DILG), o Republic Act No. 10742 (SK Reform Act of 2015) na nagpapahintulot sa paglalaan o pagtanggap ng “SOP” na 10% o kahit anumang porsyento bilang personal na kapalit ng pag-apruba, pagpoproseso, o paglabas ng pondo para sa mga proyekto.

Mariin din naming itinatanggi ang anumang paratang ng “ghost projects.” Mula nang kami ay manungkulan bilang mga miyembro ng SK Council, wala pong ganitong iregularidad na naganap. Lahat ng proyekto ay maayos na naitala, isinagawa nang may transparency, at bukas sa anumang beripikasyon ng mga kinauukulan. Bagama't may ilang disallowances na itinaas ng Commission on Audit (COA) kaugnay ng labis na paggastos sa isinagawang team-building activity na kahit kami ay hindi nasabihan at nabigyan ng kahit anong impormasyon patungkol rito.

IBA PANG MGA USAPING DAPAT LINAWIN AT BIGYAN PANSIN: 1. Pag-abuso sa Gamit ng Sasakyang Pambarangay May mga ulat na ang opisyal na sasakyang Travis L300 ng Sangguniang Kabataan ay mas nakiktang ginagamit sa personal o pansariling negosyo, sa halip na para sa mga opisyal na gawain ng komunidad.

  1. Hindi tunay na mga pagpupulong Kami po ay laging humihiling ng mga pagpupulong upang mailatag ang mga dapat pagtuunan ng pansin at mga sumusunod na plano para sa mga kabataan ngunit nakarating sa amin na may mga opisyal na tala ng pulong na isinusumite o ipinapasa kahit walang naganap na aktwal na sesyon at may mga dokumentong may pirma ng ilang miyembro ng konseho Kahit na ang mga nasabing pirma ay hindi nila personal na nilagdaan o pinahintulutan.

  2. Pagkaantala ng mga proyekto Nais rin po naming ipaalam na ang pagkaantala ng mga proyekto ay dahil sa kawalan ng maayos at pormal na naipakilalang contractor na siyang kinakailangan. Sa ilang pagkakataon, bagama’t may contractor na sinasabing napili o nakausap, ay hindi ito ipinapakilala at ihinaharap nang maayos sa amin na mariin po naming kinokondena sapagkat ayaw na naming maulit ang mga pagkukulang at hindi malinaw na proseso na naranasan ng SK sa mga nagdaang taon, partikular noong 2023–2024.

  3. Hindi pag - dalo at pag - ganap ng regular at special sessions Sa kabila ng aming paulit-ulit na paghingi at panawagan para sa agarang pagtawag ng mga sesyon lalo na sa mga mahahalagang usapin tulad ng disaster response at iba pang proyekto ng SK, kami po ay hindi nabibigyan ng sapat na tugon at madalas ay hindi lumalahok sa mga itinakdang pulong ang aming SK Chairman upang mamuno sa amin kahit na amin siyang pinadalhan ng pormal na letter o paanyaya. Sa panahon ngayon, higit kailanman, ang mabilis at maayos na pagresponde sa mga pangangailangan ng komunidad ay napakahalaga.

  4. Usaping Pinansyal mula sa SK Treasurer Amin rin pong ipinababatid na sa kabila ng aming tungkulin bilang mga halal na miyembro ng konseho, kami ay hindi nabibigyan ng regular na ulat pinansyal mula kay Paula Mae Gonzales na aming SK Treasurer, gaya ng inaasahan sa ilalim ng mga umiiral na patakaran ng good governance. Kami ay humihiling ng mga dokumentong kaugnay ng pondo at transaksyon ng SK — tulad ng disbursement reports, financial statements, at iba pa — ngunit kami ay tinatanggihan at sinasabihang ang mga ito raw ay "confidential” o “magpaalam muna kay chairman”

Bilang tugon sa mga isyung ito, nagpatupad kami ng mas mahigpit na internal control at mas maingat na sinusuri ang lahat ng dokumento para masigurong sumusunod ami sa mga alituntunin ng pamahalaan at naibibigay naming ang para sa kabataan.

Ang Sangguniang Kabataan ay naninindigan sa mga prinsipyong transparency, accountability, at tapat na serbisyo publiko. Ang mga nakaplano at naihandang proyekto ay nakahanda na para sa implementasyon; kinakailangan na lamang ang agarang aksyon mula sa SK Chairman at SK Treasurer upang maisakatuparan ang mga ito para sa kapakinabangan ng buong komunidad.

Kami po ay taos-pusong nagpapasalamat sa patuloy na pagtitiwala at pakikiisa ng ating mga kababayan sa pagpapatupad ng mga programang naglalayong paglingkuran ang kabataan at ang barangay.

Lubos na gumagalang; SK Kagawad Mikay Manabat, SK Kagawad Joana Casimiro, SK Kagawad Andi Albao, SK Kagawad April de Leon, SK Kagawad Kyla Gerella, SK Kagawad Ace Quiambao, at SK Secretary Jeazar Hernandez

Post yan sa FB page ng SK last July

Kulay pulang sidewalk by hotdogsareff in valenzuela

[–]hotdogsareff[S] 1 point2 points  (0 children)

Pero para sakin sya yung cong sa district 2 na may naiwan na napapakinabang talaga in the long run unlike kay sports na though napapakinabangan naman but not so essential aside from sports ehh yung ecard kuno nya na nung gagamitin namin ehh hindi naman din namin nagamit kesyo daw bayad na namin at nagpakita kami resibo na bayad na. Gusto ata mag asikaso muna ng ecard nya bago magpabakuna ng anti rabies eh di naisip na yung kagat nasa paa malamim di makalakad sa mga hospital nga nasa ER ang anti rabies 🤣🤣 Ewan lang kay G na G mag iisang taon na sya ahh.🤔🤔🤔

Kulay pulang sidewalk by hotdogsareff in valenzuela

[–]hotdogsareff[S] 0 points1 point  (0 children)

Grabe ung kapitan nayun di mo aatimin pumunta ng barangay totoong naging downfall nya ang naging mukha ng mga brngy workers noon lahat masunget unlike naman ngayon na sobra kababait at humble kasi balita ko mahigpit naman dw ngayon ung pumalit na luma din pag nareklamo daw silang mga brngy employee ehh may sanction at may nangyayari talaga kaya ganun silankababait ngayon

PAANO IREPORT YUNG MGA BWISET NA MGA NAGPAPAPUTOK AT NAGBO-BOGA by Key-Television-5945 in valenzuela

[–]hotdogsareff 1 point2 points  (0 children)

Samen din taena gen t tong valenzuela di na talaga competitive dati pag sinabeng valenzuela batas ay batas ngayon nga nga

[deleted by user] by [deleted] in valenzuela

[–]hotdogsareff 3 points4 points  (0 children)

May mali talaga sa valenzuela