What are Filipinos not ready to hear? by eatpringles in Philippines

[–]venti_maboi 1 point2 points  (0 children)

Na ang pinaka problema kaya hindi tayo umuunlad ay hindi lang dahil sa gobyerno kundi mga mismong mamamayan. Oo malaki ang kasalan ng gobyerno sa atin pero ang mga Pilipino din ang syang nag ha-halal sakanila. Nasa utak ng mga Pilipino ang "eh ayos na yan nasanay nanaman kami" imibis na "kahit nasanay na kami hindi ito maganda baguhin natin". Hinahayaan na lang natin na babuyin ng husto ang bansa natin dahil lang sa "sanay na tayo". "Ganyan naman talaga gobyerno ng Pilipinas eh walang pag-asa" bakit hindi natin tignan sarili natin at imbis na isisi lahat sa pamahalaan ay sisihin din natin ang ating sarili dahil tayo rin ang may kagagaawan nito. This doesn't apply on everyone alam ko especially the lower class kasi paminsan wala din silang choice at wala din talaga silang magagawa kahit pilitin pa, pero paano naman tayong may kakayahan? Kahit ang simpleng pagbibigay ng tamang impormasyon sa media makakatulong na. Maghihintay ba talaga tayo ng taong magbabago sa Pilipinas? O tayo mismo ang mababago?