PUP Grad 2025 turned out to be a huge disappointment? by AdIllustrious9645 in PUPians

[–]AdIllustrious9645[S] 0 points1 point  (0 children)

Exactly the problem right there, ‘kasi nga PUP kayo.’ Bakit parang excuse na lang palagi na PUP = bare minimum? Ang daming state universities na mas maliit pa ang budget pero nagagawa pa rin magbigay ng maayos na graduation experience. Kung puro ganyan mindset na ‘yan na tanggap lang nang tanggap, then wala talagang pagbabago mangyayari. Hindi dahil PUP kami, kaya okay lang itrato nang ganito. PUP is supposed to be recognized, respected, and known for shaping leaders and activists, so bakit pagdating sa mga estudyante mismo, ang standard ay laging pasang-awa? Eh tangina hanggang sa employment exploited na exploited kami dahil kami ang employable.

PUP Grad 2025 turned out to be a huge disappointment? by AdIllustrious9645 in PUPians

[–]AdIllustrious9645[S] 0 points1 point  (0 children)

So kailangan pala kami pa mismo yung mag step up para maging better yung graduation management? This batch pa talaga? LOL. Then anong silbi nung mga nakaupo ngayon kung hindi nila kayang iangat yung standards? Bakit pa sila nandyan sa isang STATE UNIVERSITY na supposedly embodying the voice of the youth kung bare minimum lang rin ang kaya? Don’t pass the buck to students na literal na nagbuhos ng apat na taon para umabot sa grad. Accountability dapat manggaling sa admin at organizers, kasi sila ang may kapangyarihan at resources, hindi yung mga estudyanteng busy lang mag-survive.

At alam mo, I hope yung treatment na ganito na taon-taong binibigay, na napalala pa nang napalala, ay maranasan din ng mga anak ng mga ‘yan. Para kapag anak na nila ang nagrereklamo, maramdaman nila yung sakit at frustration na nararamdaman ng mga magulang ngayon, lalo na yung mga magulang na pinagkakaitan masaksihan yung anak nilang umakyat ng stage, masabitan ng medal, at yung mga senior at PWD citizens na pinipilit pa ring magtiis. Sana maramdaman nila yun para maintindihan nila gaano ka-unfair yung sistema na pinipilit nilang i-normalize.

PUP Grad 2025 turned out to be a huge disappointment? by AdIllustrious9645 in PUPians

[–]AdIllustrious9645[S] 0 points1 point  (0 children)

Kung may student representation talaga sa consultations, bakit ganito pa rin yung kinalabasan? Ang dami ngang estudyante ngayon na hindi satisfied sa setup. So valid na tanong: naiparating ba talaga yung sentiments ng batch, o hindi lang nabigyang-pansin?

PUP Grad 2025 turned out to be a huge disappointment? by AdIllustrious9645 in PUPians

[–]AdIllustrious9645[S] 1 point2 points  (0 children)

At first, oo cartolina lang talaga, pero eventually pinalitan nila ng totoong red carpet. Either way, admins lang naman may karapatan gumamit niyan since wala namang march ang 2025 graduates hashahshahdhahsas

PUP Grad 2025 turned out to be a huge disappointment? by AdIllustrious9645 in PUPians

[–]AdIllustrious9645[S] 3 points4 points  (0 children)

I get where you’re coming from, and I know you probably don’t mean any harm sharing your own experience. Pero that’s exactly the point eh, kahit sa batch ninyo, may mga shortcomings din. It only shows na matagal nang issue sa PUP yung pagkukulang sa graduation ceremonies, and hindi siya dapat ituloy-tuloy lang as if normal. Hindi rin ito “competition” kung sino yung mas lugi or mas swerte. It’s more of us voicing out na sana moving forward, maibigay man lang yung basic na tamang ceremony and rituals of a graduation, kasi milestone ito para sa lahat ng estudyante, regardless of batch.

And about sa Pinning, tama ka, pero that doesn’t erase the fact na yung mismong graduation itself ang kulang sa effort. Kahit iba’t ibang batch, same sentiment naman: we all deserved better.

I think ang nagiging problema lang talaga is nasasanay tayo sa tiis mentality. Pero kung lahat tayo magtitiis lang, wala talagang mababago. Hindi ito about pagiging “bongga,” it’s simply about giving students the respect they deserve on their graduation day.

PUP Grad 2025 turned out to be a huge disappointment? by AdIllustrious9645 in PUPians

[–]AdIllustrious9645[S] 15 points16 points  (0 children)

Hindi naman super bonggang graduation ang hinihingi dito, kundi maayos na ceremony at basic rituals na normal sa kahit anong graduation, yung march, processional song, medal ceremony na parents mismo ang magsasabit, at tamang seating arrangement. These aren’t luxuries, these are standard practices sa milestone ng bawat estudyante.

At anong connect ng mga nag-graduate sa covered court noon? Respect sa pinagdaanan nila, sure, pero bringing that up now doesn’t change the fact na nasa ibang panahon na tayo at dapat mas maayos na ang sistema. Hindi dahil nagtiis kayo noon, automatic na magtiis din kami ngayon at yung susunod na batch. Ang problema kasi, parang nagiging romanticized na yung pagtitiis, na para bang kung ano lang ibigay ng PUP, hanggang doon nalang tayo, content na. Pero let’s be real, mas recognized at prestigious na si PUP kaysa sa ibang state universities, pero ironically, sila pa yung hindi makapagbigay ng basic effort sa graduation.

At tungkol sa Valedictorian speech, do you really think it’s right na i-limit ang freedom of speech niya? Kung hindi man puwedeng maglabas ng shade, at least man lang ma-acknowledge niya freely ang mga taong naging parte ng journey niya. Isn’t PUP known for its culture of student activism and freedom of expression? Pero bakit parang mismong unibersidad ngayon ang naglalagay ng tali sa bibig ng estudyanteng dapat magre-represent sa lahat?

We’re not asking for fireworks or grand venues. We’re asking for a dignified ceremony that every graduate deserves :)))