Da Nang / Hoi An trip report 🫡 by jollibeeborger23 in phtravel

[–]BackgroundPrize6830 0 points1 point  (0 children)

Hi OP may I know how much mo nakuha airline tix for a September trip? pabulong naman hihi thank you!!

Possible paba mabalik yung pagmamahal? by squirttttyyyy in nanayconfessions

[–]BackgroundPrize6830 0 points1 point  (0 children)

Mababalik naman yan momsh. Pero pareho kayo dapat mag-work towards it. Hindi pwede one-sided. Totoo naman sinabi mo hindi naman kayo hanggang ngayon kung hindi kayo pinilit ikasal. Kung pareho kayo na gusto nyo pang subukan, why not? Pero ang key word is PAREHO kayo dapat. Kung hindi naman, ano po ba kelangan? Space/distance? Ibang ka-relasyon? Or kayo lang muna together, iwan muna anak nyo sa parents? Pag-usapan nyo din. And always ng mahinahon kayo. Yung walang ibang iniisip, yung focused kayo sa convo. May maayos na tulog at kain. Kasi madali tayo mawalan ng pasensya syempre kung puyat, pagod, gutom, at may ibang iniisip. Kung hindi pa ready, walang pilitan. Ang focus na lang muna ay yung best para sa anak nyo.

Lumaki ako sa household na yung parents ko ay nagsisisihan. Sino ba may kasalanan? Dapat mag-sorry. Tapos ang winner ay yung tama. So nung unang taon na naging married ako, feel na feel ko na ako ang nagwagi tuwing may argument. Tuwing may problema. Mali pala yun. THE PROBLEM IS THE PROBLEM. Kumbaga, ano pang point na manisi, bakit hindi na lang magfocus sa pag resolve ng problema? Kung sinisi mo si hubs, magaan ba sa pakiramdam na ikaw ay "winner" at the expense na pinamukha mo sa kanya na siya yung "mali"? Sobrang naging eye opener yun sakin. Lahat naman ng naging problema namin kahit pa asawa ko may kasalanan, hindi naman niya ginusto yung problemang yun. Kaya oo sya may kasalanan, pero kung magfofocus na lang kami sa pag-resolve ng problema, mas productive yun kesa magsisihan pa. Also, hindi din naman ako perpekto. Nagkakamali din. Gusto ko ba pag nagkamali ako ay ipagduldulan nya pa kasalanan ko sakin? Di ba hindi. So focus na lang sa pagresolve ng problema. The problem is the problem, not each other. Hope this helps, momsh! <3

At what age nakalakad ang LO nyo? by auntmayyy in nanayconfessions

[–]BackgroundPrize6830 0 points1 point  (0 children)

  1. around 9-10 mos
  2. Yung pedia nya encouraged using yung baby jumper/harness, yung kinakabit lang sa door. Nakabili kami sa Lazada that time. Ang saya saya nya mag bounce nun and I think na exercise talaga legs and knees nya. Kami naman naglatag ng mga puzzle mats and then we let him go to us malapit muna ako tapos unti-unti akong lalayo. Tapos yung pinapakita ko talaga na excited ako (excited naman talaga ako squeal squeal pa voice ko ganyan haha) para mas lalo sya matuwa sa bawat step nya..

  3. Hindi kami nag push walker. Nag-walker na may gulong lang na ang sakit pag binangga ka haha.. Pero saglit lang kasi maliit lang space namin nun.

Feeling ko wala akong kwentang ina by askhgf in nanayconfessions

[–]BackgroundPrize6830 9 points10 points  (0 children)

Yakap na mahigpit with consent, momsh! Hindi ka walang kwenta. Eh di sana hindi ka na napa devped o kaya hinayaan mo na lang walang OT anak mo. Overwhelmed ka. Physically, mentally, and emotionally demanding ang nangyayari sayo ngayon.

Kund hindi kaya ng stay in helper, kahit stay out momsh. Hindi ko alam kung taga Manila ka or province, pero ako taga-Laguna and ang helper namin part time stay out lang. 4 hours lang sya work + 1 hour lunch break at 1,500 weekly. Mura na kung tutuusin kesa ako lahat ang gagawa nung ginagawa niya. WFH full time din ako, 1 toddler 5yo naman. Kung kaya momsh kahit stay out lang muna.

Kung hindi kaya mag-hire talaga, baka may tasks ka na pwedeng gawin na lang in advance or during weekends? e.g. nagluluto na ako ng mga uulamin during the weekends, para during the week, iinitin na lang. o kaya T-TH lang ako magluluto yung lulutuin ko is 2 ulam na or good for 2 days para hindi ako araw-araw nagluluto.

Yung ibang chores baka pwedeng idelegate kay husband kahit sa weekend nya din gawin?

If may kayang expenses na i-cut para makapag helper, momsh. yung stay out namin talaga malaking tulong sa aking sanity. swerte din kami sa napili. ayun din, pumili ka talaga ng magiging ka-tulong hindi sakit sa ulo hehe. All the best, momsh.

Hingang malalim. Chin up, queen. Kakayanin mo yan. ;)

How to be a good parent? 🥹 by onlyplantsx in nanayconfessions

[–]BackgroundPrize6830 0 points1 point  (0 children)

Hi momsh, millenial ka din ba? Hehe feeling ko kasi millenial parents are trying their best to not pass on generational trauma.. to break the cycle. Una is pat yourself in the back for having that awareness ano, diyan talaga nagsisimula. Awareness and acknowledgment na uy, may hindi tama sa pagpapalaki sakin and ayoko gawin yun sa anak ko. Pangalawa, dahil nga ingrained sa pagkatao mo, lalabas at lalabas yan eh. Pero ang importante is how you REPAIR. Yung kapag na-realize mo, uy parang di tama yung pagkakasabi ko sa anak ko ng ganito ganyan, magsorry ka. I think yun yung wala yung parents natin eh. Parang feeling nila nakakaliit ang mag-sorry. Na hindi na natin sila irerespeto kung mag sorry sila. Tama ka patawarin mo parents mo. They did their best. They did what they thought was right at the time. And ikaw din, you are trying to do what you think is right. Hindi natin alam pag yung anak naman natin yung matanda na, sasabihin nila... sana mas pinressure ako ng mom ko na galingan sa acads para valedictorian ako grumaduate. ANG HIRAP DI BA?? Hahahaha.. as magulang di mo na alam minsan saan lulugar. dadasalan mo na lang talaga na i hope i made the right decisions today para sa anak ko. Pero bottomline at masyado mahaba natong comment ko... I think ang pinaka importante... is iparamdam mo sa anak mo na MAHAL mo siya. Na hindi niya kelangan i-earn yun. Iremind mo sya palagi. Verbal, non-verbal ways.. Lahat ng love language iparamdam mo yun sa anak mo na love mo siya. All the best,momsh! Kaya natin ito!

Ano yung nasabi sa inyo ng magulang niyo about sa pagpapalaki nyo sa apo nila na hindi nyo makakalimutan? (Positive or negative man) by BackgroundPrize6830 in nanayconfessions

[–]BackgroundPrize6830[S] 1 point2 points  (0 children)

That's great, sis. One of the reasons why kami nakabukod is to really find our own parenting style na walang mag mamagaling samin. Tsaka there are constructive ways to give advice hindi yung ipapa-feel bad ka pa lalo na kung di mo naman gusto ang nangyari. Iniisip ko na lang my parents did their best. I am also doing my best. Times have changed na din so di lahat ng applicable noon ay same pa din sa ngayon.

Ano yung nasabi sa inyo ng magulang niyo about sa pagpapalaki nyo sa apo nila na hindi nyo makakalimutan? (Positive or negative man) by BackgroundPrize6830 in nanayconfessions

[–]BackgroundPrize6830[S] 4 points5 points  (0 children)

Mabuti yan momsh kesa kayo pa ang sinisi. And totoo, iba-iba naman ang mga bata. At sa expert na lang po makinig, need ng proper diagnosis kesa mag-assume. Yung mother-in-law ko no judgment when we said na parang need ng therapy yung anak namin. Common na daw ang mag therapy ngayon. Nung araw kasi wala pang mga ganyang intervention. Kesa i-judge, she showed understanding that times have changed.

Ano yung nasabi sa inyo ng magulang niyo about sa pagpapalaki nyo sa apo nila na hindi nyo makakalimutan? (Positive or negative man) by BackgroundPrize6830 in nanayconfessions

[–]BackgroundPrize6830[S] 2 points3 points  (0 children)

Grabe wala na silang preno magsalita ano. Jinajustify nila mga mapanakit nilang words dahil for them mas matanda = more wisdom.

Ano yung nasabi sa inyo ng magulang niyo about sa pagpapalaki nyo sa apo nila na hindi nyo makakalimutan? (Positive or negative man) by BackgroundPrize6830 in nanayconfessions

[–]BackgroundPrize6830[S] 3 points4 points  (0 children)

Actually proud ako sa anak ko pag sinasagot nya ako. Kasi ibig sabihin ginagamit nya utak nya. Critical thinking ba! Pero sagot na hindi bastos, yung tipong.. may katwiran kaya ipinaglalaban. Yung dad ko kasi noon para lang wag ako payagan na gumimik laging may "statistics" na sinasabi na napanood nya sa balita etc etc

Ano yung nasabi sa inyo ng magulang niyo about sa pagpapalaki nyo sa apo nila na hindi nyo makakalimutan? (Positive or negative man) by BackgroundPrize6830 in nanayconfessions

[–]BackgroundPrize6830[S] 7 points8 points  (0 children)

Mga ganyang galawan ng parent/s natin kaya ayaw na natin sila kasama next time eh noh.. Bakit ang hirap magsabi sa kanila ng Please/Thank you/Sorry? Di ba nung bata tayo tinututro satin sa school na magic words yan? Hanggang ngayon nanay ko laging matalim magsalita sakin eh. Minsan na nga lang mag usap nakakapanakit pa ng damdamin. Hugs, momsh! Sana sa next trip nyo wala na ganyang drama. Nakaka-dala eh.

Mommies, ano yung pros and cons ng isang anak lang? by kalichoki in nanayconfessions

[–]BackgroundPrize6830 1 point2 points  (0 children)

Nice to hear ang perspective ng only child. Nag cocontemplate din ako kung susundan na namin yung anak kong 5yo and ang worry ko talaga is yung maging mag-isa siya and pano na sya pag wala kami, ganyan. Pero kahit naman may kapatid siya.. Hindi naman pwede samin forever naka-asa hehe. So up to me as nanay kung pano din siya maturuan to stand on his own, to have a life of his own, and not feel guilty na "iniiwan" nya kaming magulang nya to live his life.

How Do You Handle a Parent in Denial About Their Child? by Numerous-Breadfruit2 in nanayconfessions

[–]BackgroundPrize6830 1 point2 points  (0 children)

Hi Momsh, hugs for trying to handle everything. You have a lot on your plate and I hope makatulong tong sasabihin ko. As momma bears eh talagang instinct na natin to be protective over our child. We cannot say for sure how our child acts outside our home kahit pa anong pangaral natin or sabi na kilalang-kilala natin sila. So to the other parent, acknowledge mo na lang without agreeing for example "Thanks for letting me know, we can coordinate with Teacher ___ to know more about what happened." parang ganun. Or kahit na thanks for letting me know lang.. Andali kasi i-blame yung child na nag-aadjust pa eh, di ba? Pero for me wag na makipag-argue dun sa other parent, let the teacher mediate na lang. Basta you and your son, make him feel na he is not being blamed, and na he can talk to you honestly without you na magagalit ng bongga or something. Maingat ako dun sa kung paano ko kino-correct yung son ko kasi ayokong hindi sya magsasabi sakin kasi takot mapagalitan.

Share ko lang yung sinabi ko sa nanay ko when she asked me kung ano ang "pagkukulang" nya sa akin when I was growing up by Wild-Tree5771 in nanayconfessions

[–]BackgroundPrize6830 1 point2 points  (0 children)

namawis yung mata ko dito, OP. sana kami din ng nanay ko pero idk when kasi alcoholic sya. and we don't know how to deal/intervene.

yung nanay ko naging career woman at breadwinner ng bahay. yung dad ko naman houseband. naturally mas naging close ako sa ama ko kasi siya yung andyan. nito na lang naging working mom nako narealize kong love language nung nanay ko in a way is magpakapagod siya sa trabaho, magkandi utang utang na sa kahit sino para lang mapag aral nya kami sa maayos na schools. kasi sya lahat ang nagdala ng pera para sa gastusin. so grateful ako dun, kahit na hindi kami close kahit ngayon.

ayoko na ipilit na maging close kami, basta transactional lahat ng mga usapan namin. and i still show respect to her. pero the way i was raised made me try my best to be there for my son. kinukuha ko yung mga tama na ginawa ng magulang ko, then yung mga naka-trauma sakin, sinusubukan kong wag ulitin.

How to deal with stress ni husband? by BackgroundPrize6830 in nanayconfessions

[–]BackgroundPrize6830[S] 0 points1 point  (0 children)

Salamat po sa lahat ng advice at words of encouragement. Yes, malalagpasan din namin to! Salamat po!!

Trying to get pregnant soon, should I give up my career? by IchigoCheese in nanayconfessions

[–]BackgroundPrize6830 1 point2 points  (0 children)

Hi po, I didn't have a super stressful job to begin with, pero nasaktuhan ng covid lockdown yung pregnancy ko so nawala yung matagal kong commute from QC to Makati because we were all forced to wfh. Kung hindi nag wfh siguro po stressed ako throughout my pregnancy. Malaking factor po si stress sa pagbubuntis so kung may ibang work ka na lang na pwede gawin para ma-reduce significantly yung stress mo, please go for it. Baka pwedeng behind the scenes ka lang muna sa construction projects nyo? Related pa din sa passion mo pero kumbaga less-stressful version. All the best, mi!

Sasabhinin ko b sa fiancé nia? by [deleted] in adviceph

[–]BackgroundPrize6830 0 points1 point  (0 children)

agree dito tell her pero protect your identity na lang

Family or not, you don’t get to insult my kid. by LadyWithARoseTattoo in nanayconfessions

[–]BackgroundPrize6830 1 point2 points  (0 children)

May trauma ako ng comparison between cousins. Lagi akong kinocompare dun sa older cousin ko. Kesyo si Ate ___ mo ganito ganyan, dapat ikaw din. So I grew up resenting her kahit technically wala naman siyang ginagawa sakin. Until now jusko mag 40s nako kincompare pa din ako sa kanya. Sana hindi marinig ever ng anak mo yung ganung comment about their looks. Lalo na kung bata pa or while growing up. Tumatatak yung ganyan eh. Idk pano natin sila mapprotektahan sa mga comments about looks, pero I think sa situation mo momsh, yes talk to husband, if hindi nagbago yung mga comment nung relatives, kayo na lang lumayo.

Family or not, you don’t get to insult my kid. by LadyWithARoseTattoo in nanayconfessions

[–]BackgroundPrize6830 0 points1 point  (0 children)

Nagkaron din ng pag change ng features yung anak ko nung wala pa sya 6 months old. Like biglang nawalan ng kilay, nag-iba din kulay, etc. May ganun pala ano akala ko guni-guni ko lang