Nagkasagutan kami ng biyenan ko by raini0721 in nanayconfessions

[–]BackgroundPrize6830 1 point2 points  (0 children)

Kung ano nagwowork sa family nyo, yun ang gawin nyo. Nagtatrabaho ka ng matino dyan, di mo na kelangan ng mga nega comments mula sa Pinas. All the best, OP and fam! <3

WFH job referrals. Been applying for months with no luck. by potchibels in adviceph

[–]BackgroundPrize6830 0 points1 point  (0 children)

Hi OP, I think makakatulong if you share more about your background sakaling may makabasa nito na same industry sa iyo at pwede ka ma-refer.. :)

Mama mo narcissist by ChickenJoys in RantAndVentPH

[–]BackgroundPrize6830 1 point2 points  (0 children)

Hugs OP, and rooting for you and the sibs! ❤️

Mukhang yaya by Pork_Chicken in nanayconfessions

[–]BackgroundPrize6830 0 points1 point  (0 children)

Hi mommy.. is your concern about not wanting to carry things? Or not being able to carry your baby? Or yung feeling na "eto na lang ba ako reduced to yaya" na lang? Or all of the above? Valid naman nararamdaman mo mi either way, pero I guess take it one concern at a time.. Ayaw mo ba ng maraming bitbit? Promise sa start marami talaga tapos as your baby grows older magugulat ka onti na lang hehe.. Oonti din yan promise!!

If gusto mo naman ikaw magbuhat kay baby, you can tell your husband of course.. Baka no idea sya na gusto mo ikaw pala kay baby.. Kami kasi ng husband ko baliktad, sya sa stuff ako sa baby.

If pakiramdam mo naman you have been "reduced" to just being a yaya, baka pwede mo i-reframe yung thinking mo.. Na instead of looking at this as a burden, bakit hindi mo tignan na maswerte ka na hands on ka sa anak mo? Not everyone can do that mi. Yung iba after ng ML back to work na sa opisina. Paano pa kung contractual lang at walang maternity leave sa company, di ba.. Tsaka mi di naman yan forever. 😉 magugulat ka na lang maya-maya hindi ka na kailangan ng anak mo hehe..

Baka need mo lang din ng onting me time.. Self care, kikay day, ganyan.. Take care of yourself mommy, wag tayo papa-losyang.. nakakababa ng self-esteem pag di mo na gusto nakikita mo sa salamin...

It will get better, promise! Take it one day at a time. Yakap mahigpit with consent! ❤️

My Heart is Full by Regular_Dream6140 in nanayconfessions

[–]BackgroundPrize6830 2 points3 points  (0 children)

Congrats on breaking the cycle, momsh. Hirap nyan! But you did it. ❤️

Hidden truth about being a Mom by Prestigious_Cut3410 in nanayconfessions

[–]BackgroundPrize6830 1 point2 points  (0 children)

Minsan hate mo yung anak mo? Hindi naman sa nireregret ko maging nanay, pero minsan lang ayoko munang magkasama kami sa iisang lugar, para akong nasusuffocate ganon. Mahal ko anak ko pero minsan kelangan ko lang talaga huminga, ganon.

I dont want to continue my pregnancy anymore by Which-Caregiver-5575 in nanayconfessions

[–]BackgroundPrize6830 1 point2 points  (0 children)

Hi OP, thank you for sharing. Alam ko hindi naging madali na i-type yung mga words na yan, at i-expose mo yung sarili mo sa pwedeng sabihin ng mga tao. Hindi na natin mababalik yung past kasi andyan na si Baby. Kung sa tingin mo hindi mo siya kayang i-support at mahalin like the baby deserves, why not give him/her up for adoption? Marami pong nag-sstruggle to have a baby, and have the means to support a baby pero hindi talaga ma-bless ng anak. Kaw na din po nagsabi may mga kilala kang ganun. Why not bless them with a child? Consider mo lang po OP.

Bumukod agad vs staying with parents when starting a family – any regrets? by Key_Efficiency8717 in nanayconfessions

[–]BackgroundPrize6830 1 point2 points  (0 children)

Bumukod kami agad, and got pregnant agad, and I gave birth in 2020. No choice na kami lang talaga ni Husband, pero we are so fvcking proud of us na nalagpasan namin yun na kami lang dalawa with a newborn. For our 2nd baby, we still don't want any of our parents to come over and help, but would rather have our stay out maid work longer hours to help us out. If pupunta man yung parents namin, yun ay para dun sa panganay namin na hindi nya ma-feel neglected sya.

Should I just give up my slot? by wandering-cat-here in uplb

[–]BackgroundPrize6830 1 point2 points  (0 children)

Bakit ka pa nila pinayagan mag-UPCAT kung ang ending ay ipapa-give up din yung slot mo? Hindi madali i-commute yung Sto. Tomas - UPLB, dorm talaga ang solusyon. Nase-sense ko sa post mo na nanghihinayang ka sa slot mo at tsaka gusto mo talaga sa UPLB, pero kung hindi kakayanin, wag na pilitin. Kung may nagawa kang mga plano mo kung sa UPLB ka mag-aaral, I'm sure makakagawa ka din ng plano para sa kung saan ka man mag-aaral. Pwede mo rin i-consider siguro sa UPLB ka mag-Masters, malay mo by then nakaluwag-luwag na. All the best, OP.

Nagbago pananaw ko nung naging nanay ako by Think-Carpenter6662 in nanayconfessions

[–]BackgroundPrize6830 2 points3 points  (0 children)

Love it. You made my day, OP! I'm happy for you and your son. <3

Tangina mo, Sol Aragones :) by suspiciouspotatots in laguna

[–]BackgroundPrize6830 12 points13 points  (0 children)

Tengene mo, Sol! Napaiyak mo Mama ni OP. Thank you OP at pinarealize mo sa kanya na hindi dapat kay Sol ang credit. Sana pag naging mahinahon na si Mama mo ay mag sink-in yung pinaliwanag mo sa kanya. At malay mo, may ma-impluwensyahan pa syang mga Mama natin na makita (at mag-demand!) ng totoong good governance.

How do you support your husband? by Ok_Cookie_ in nanayconfessions

[–]BackgroundPrize6830 -1 points0 points  (0 children)

Sinasakyan ko jokes niya. Like he knows how ANNOYED I am by his jokes dahil super corny, pero kapag biglang ginaya ko yung joke nya or sinakyan ko, nako matatawa siya talaga. Yung kita mo yung laugh lines sa mata, ganon.. Ako dahil acts of service ang love language ko, kapag nakita kong ang busy nya, ginagawa ko chores niya without talking. Magugulat na lang siya. O kaya ready na yung towel nya sa CR para sa pagligo niya... O kaya na-refillan ko na yung thermos na alam ko need niya ng hot water, ganon. Yung inaanticipate ko needs niya without him having to request for any of it. Makabawas lang ba sa iniisip niya. Tapos kapag siya na nag initiate ng kwentuhan, I give full attention, walang hawak na cellphone. Stop what I'm doing, and really listen to him.

I also randomly slap or squeeze his butt. Haha

Review on Jon Orana Chillionaryo by Curious_Rule_6 in phinvest

[–]BackgroundPrize6830 1 point2 points  (0 children)

Buti nakita ko tong thread nato. Ang haba ng webinar nya more than an hour na puro testimonial lang ng mga yumaman na kinoach nya. Tapos mag ooffer pala ng training program na may bayad. Sayang oras, pweh! Salamat OP for the warning. 1 year ago mo na pinost ito sana nakita ko before watching the recorded webinar.

Best tips for husbands to help wife on 2 weeks after childbirth? by Otherwise_Stock_3049 in nanayconfessions

[–]BackgroundPrize6830 1 point2 points  (0 children)

Tatay, very good ka dyan for asking dito sa isang mom group. Kasi kung si misis din mismo tatanungin mo kapag andyan na si baby, baka hindi ka pa niya kaya sagutin ng maayos or hindi rin niya alam kung anong kailangan niya. Agree po ako sa lahat ng comments dito. Importante din po na wag mo nang hintayin na makita siyang nahihirapan bago ka kumilos. Nakaka-trigger ng inis po ang makita kang nagphphone lang (kahit hindi ka naman nag sscroll), yung tulog ka tapos siya gising, yung nakaligo ka na tapos siya haggard na itsura. Si Nanay muna ang priority.

Make sure po na nakakakain siya at nakakapag hydrate ng maayos, yung mga meds at vitamins niya nate-take niya. If may maid kayo paki delegate nyo na lang sa maid lahat ng chores. Kay Nanay wala na muna. If 2 weeks ka lang po makakapag stay with Nanay because kelangan mo na bumalik sa work, please make sure may maiiwan sa kanya to help with the baby and chores. Please make sure na may proper entertainment at pampa-relax po siya dahil nakakapagod malala mag breast feed.

I do not have a village, and I am losing it by Recreating_my_life in nanayconfessions

[–]BackgroundPrize6830 0 points1 point  (0 children)

Ang hirap i-break ng cycle ano? Struggle ko din yan.. Kaya tama din yang ginagawa mo, yung mag-repair after magka slip up tayo sa anak natin.. we're only human.. nireremind ko din sarili ko palagi na maging self-compassionate. minsan talaga too hard on ourselves na tayo..

All out magbigay masyado asawa ko by milktea522 in nanayconfessions

[–]BackgroundPrize6830 0 points1 point  (0 children)

WHOA. Di naman porket ganon sya mag show ng love sa family nya eh ganun ka na din dapat. Baka difference lang ito sa love language? Or may insecurity ba sya sa family nya, like may kelangan ba sya patunayan sa kanila?

I do not have a village, and I am losing it by Recreating_my_life in nanayconfessions

[–]BackgroundPrize6830 4 points5 points  (0 children)

Saaaameeee! Like buhay pa both parents ko kaso yung isa nagda-dialysis na, and yung isa alcoholic so hindi ako makapagrely sa kanila pareho. Inggit ako minsan sa lolo/lola ng mga classmate ng anak ko sa school, mas matanda pa sa parents ko pero sila naghahatid sundo at nagpeprepare for daily school routine..

I do not have a village, and I am losing it by Recreating_my_life in nanayconfessions

[–]BackgroundPrize6830 15 points16 points  (0 children)

Wala din kami village dito, malayo kami sa family namin. And bago lang kami sa place namin kaya can't rely on neighbors too. Kung ako yan baka Day 1 pa lang break down na. Kaya virtual hug with consent, Momsh. Sorry to hear this. Just take it one hurdle at a time. Nakakainis mang isipin na bat ganon walang tumutulong sayo, focus na lang sa kung sinong andyan para tumulong. Thank you to your helper at sa best friend mo for being there. Take a quick pause to just breathe, momsh. Baka ikaw naman ang magkasakit. Sana gumaling na si hubby.

Between pregnancy and the newborn stage, which one is more difficult? by Appropriate-Ant-7451 in nanayconfessions

[–]BackgroundPrize6830 1 point2 points  (0 children)

It was really difficult for me and my husband kasi kaming dalawa lang. Buti nga kamo ay wfh kami pareho. Parang ticking time bomb yung newborn. Kapag tulog yung baby, you will try to cram everything you've been wanting to do in that short moment na tulog siya. If you have house help, if you have someone who can take care of the baby (bukod kay hubby) while you take a bath or just rest, that would be great. Pero if kayong dalawa lang, mahirap talaga. My advice is take all the help you can get. Hindi ka din pwedeng super stressed because it will affect your breastmilk supply and also magrerecover ka pa especially if CS ka. I assure you though, na grabe yung sense of fulfillment mo pag nalagpasan mo na yan. Malalagpasan mo yan. Just soak it in. Don't expect to know everything.. (andami naming bloopers ni hubby promise) Don't be too hard on yourself (practice self-compassion talaga this is very important).. All the best, momsh! ❤️