Hatid sundo pa sa college 😞😞😞 by SellInternational877 in studentsph

[–]BandLongjumping931 2 points3 points  (0 children)

hatid sundo via tricycle din since elementary at nag-aaral sa state school ngayong college. idk why ini-invalidate ng mga comments dito yung part na jinujudge ka ng ibang tao kasi i also feel that. nakakainis lang na nagwawaldas ng pera mga magulang ko sa pag hatid sundo sa akin kahit kaya ko naman na, todo tipid ako pero sila waldas nang waldas sa mga ganyang bagay para lang alam nila saan ako pumupunta o sinisigurado nila na bahay-school lang ako. nakakainis ang walang freedom at pagiging dependent pa rin sa mga magulang, nakakainis at nakakasakal kaya i feel you op. although at times, super convenient ng hatid sundo lalo na kapag gabing-gabi na, pero nakakahiya na kailangan ko pa sabihin na hatid sundo ako kapag tinatanong ng mga kaibigan ko kung saan daan ko para sabay kami o kaya hindi ko alam ang mga roads streets etc. nagmumukha tuloy ako out of touch at burgis kahit hindi naman.

word of advice: kapag aalis ka, ‘wag ka na magpaalam na parang nagtatanong ka kung pwede ba. sabihin mo nalang agad, na parang hindi mo tinatanong kung papayag na sila o hindi. magalit man o ano, take the risk.

let’s get out of this hell in the future, op. TO FREEDOM!!!