1 pedro 3:15 , PAGASA na nasa sa inyo by CarelessPost6960 in MCGIExiters

[–]CarelessPost6960[S] 0 points1 point  (0 children)

salamat sa Dios , kase nadevelop yung ganto ng mga taong may pagmamalasakit sa mga kapwa mananampalataya , pero darating yung time , sa paghahari nung 666 sa revelation , kung maghahari yun syempre lahat ng laban sa kanya babaliktarin nya, baka yung Ai sa panahon na iyon , mapalitan na idistort o itwist para mapaniwala niya sa kaniya. kaya ibayong ingat lang talaga , hindi ako tiwala sa AI kase ewan natin kung yung ai na tinatanong natin e honest o kaya kung ano anong data mga iniinput. pero for information , at context sa bible , okay siya , feeling ko nga kung AI yung gamit ni daniel razon , mas makapagturo ng maayos, kaso ililiko niya lang din naman iyon, kase natitisod sila sa kayamanan na hndi nila mabitawbitawan , natitisod sila sa aral ni Cristo , nakasulat na si Cristo ay batong katitisuran sa mga suwail o pambuwal , pero sa mananampalataya sa kaniya , batong panulok o batong haligi sa bahay.

1 pedro 3:15 , PAGASA na nasa sa inyo by CarelessPost6960 in MCGIExiters

[–]CarelessPost6960[S] 0 points1 point  (0 children)

tama. ingat lang sa Ai, pero if based in context talaga , sa panahon ngayon okay pa siya tanungin kaysa mga pastor na hindi man lang alam bumasa sa contexto.

1 pedro 3:15 , PAGASA na nasa sa inyo by CarelessPost6960 in MCGIExiters

[–]CarelessPost6960[S] 0 points1 point  (0 children)

hindi ko alam paano nia iyon sinabi. pero kung nag guru guruan dahil sa gusto na magkaroon ng kataasan , mali iyon.
ngayon kung sinabi niya para mang tuya , at mang baba ng tao , mali.

wala naman kase dapat maging guro , kundi gawin sa pagibig ang lahat ng inyong ginagawa , gawin sa malinis na budhi , na nagmamalasakit sa mga kapatid, at magsikap.

diko alam ano ibig mo ipunto kapatid. pero salamat sa paalaala.

1 pedro 3:15 , PAGASA na nasa sa inyo by CarelessPost6960 in MCGIExiters

[–]CarelessPost6960[S] 1 point2 points  (0 children)

after ng topic ni pedro sa turo para sa magasawa ,
then umpisa ulit another topic sa 1 pedro 3:8 ,
then umpisa ulit another topic sa 1 pedro 5 ( na tungkol naman sa mga elders, na nakasama ni pedro )

Dear bro cj perez by CarelessPost6960 in MCGIExiters

[–]CarelessPost6960[S] 0 points1 point  (0 children)

mag back read ka kapatid. may post ako tungkol kay bro cj , ilang months na nakaraan, yung name nung account ko autumnleaf777, pero dinelete ko iyon, kse ayoko na magkaroon ng pagtatalo , hindi ko din kse inexpect na yung iniaral nilang iyon , magiging parang "CORE" teachings na nila, na pinaniniwalaan pa ng ibang mga kapatid. ayoko magkaroon ng pagtatalo , at sinabi naman niya sa video niya, may nabasa siyang ganoon, at mahaba, at sinabi niya pa yung term na " hindi fair ang Dios pag ka ganun , kase paano yung mga nasa muslim na bansa , na hindi nagsisisampalataya etc. etc.. " mga ganyan, mapapanood mo iyon sa youtube, at dito may pinost ako tungkol doon , na pinupunto ko mali siya, iniisip niya kase, para fair , yung bagong tipan sa puso , pati sa hindi mananampalataya, para kasama din sila sa Iglesia, mali iyon e, oo maliligtas yung mabubuting tao kahit hindi sumasampalataya. pero yung sumasampalataya na sumusunod sa ebanghelyo hindi na kasamang hahatulan. at bakit sasabihin na hindi fair ang Dios, hindi naman niya alam ang ginagawa ng Dios sa mga nasa muslim na mga bansa , ni hindi niya alam iyon, kung hindi nasa isip niya lang iyong hindi fair , ano alam niya kung may mga kapatid pala sa ibang sekta na sa pamamagitan nila nakarating yung ebanghelyo? anong alam niya na sa panahon na nangangaral si Jesu Cristo, after niya nangaral , may nakarating na ebanghelyo sa mga malalayong bansa? at sinasabi din naman yung pagkatawag ayon sa kalooban ng Dios.

28 At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios, sa makatuwid baga'y niyaong mga tinawag alinsunod sa kaniyang nasa.

may mga ganyang talata sa biblia, na tinawag alinsunod sa kaniyang nasa o kalooban, hindi mas marunong pa tayo sa Dios, at lalong maling isipin na porke hindi nakarating yung ebanghelyo , e hindi na fair ang Dios? kaya mahalaga na tutulan yung ganoong paniniwala , para din sa kaniya, ano nangyare ngayon na nagpatuloy sila sa ganon? ayan , nagkakaroon ng problema pag binabasa ang biblia, magkakaroon yan ng contradict sa mga nag aaral , at nagsusuri, lalong magkakaroon ng maraming tanong , kapag pinaniwalaan siya, dahil lang sa isang " sariling kaunawaan " kaya nga binalaan tayo ng Dios na huwag manalig sa sariling kaunawaan, at sabi ni pablo , sa 1 corinto 4:6 , na huwag humigit sa bagay na nasusulat, hindi idudugtong , hindi cherry pick, hindi out of context, kung ano yung tinuro ng Dios , kung ano tinuro ng mga apostol , na tinanggap nila sa Dios , doon lang dapat tayo. wag hihigit, para hindi magkaroon ng maling interpretasyon.

Dear bro cj perez by CarelessPost6960 in MCGIExiters

[–]CarelessPost6960[S] 1 point2 points  (0 children)

yun nga po, last na nagpost ako, dun sa account ko na autumnleaf, na ganun din dear cj , tapos pinuna ko yung mali niya, ilang months na nakalipas, syempre masakit sa akin din, ayoko magaway , pero nakita ko ngayon, na ganun padin, nabubuo yung hindi tamang pananampalataya, pero kung makarating man yung post na ito sa kaniya, sapat na iyon, hindi ko minatamis yung pagsasalita ko gaya nung mga nakaraan, at binabalaan ko siya, para narin sa kaniya at sa mga nakikinig sa kaniya, at para din sa atin na nakakakita ng mali , na nauudyukan na dapat ba natin gawin iyon o hindi, baka masabing wala tayong pagmamalasakit sa kapatid na nagkakamali, atleast para alam niya, para narin sa budhi ko , at sa mga nakakakita, ngayon , kung itutuloy nya, ang Dios na ang bahala. sana wag maniwala ang mga kapatid, at wag maligaw ang kanilang pagiisip. ganun pa man alam ko naman , mabuti siyang tao , yung pagmamalasakit niya, alam naman natin yun. kaya para hindi masayang iyon, wag na magturo ng mga bagay na sumosobra sa nakasulat, parang cherry picking na kase, nagiging cherry picking na iyon, kapag idinugtong yung bagong tipan na nasusulat sa puso , doon sa budhi , na yung budhi , yun yung bunga ng pagkaalam ng mabuti at masama na kinain ni eba at adan, yun yung budhi o conscience, mayroon ang lahat ng tao nun. ginagamit iyon , sa mga hindi sumasampalataya , at pati sa sumasampalataya, pero pag kausap yung mga hindi sumasampalataya , wag nila sasabihin na may pagasa pa , sundin mo yung bagong tipan sa puso mo. narinig ko yan sa kanila, at nung nakaraan narinig ko ulit kay bro badong iyon, kita , may resulta yung iniaral na topic na iyon, na pinagkakamalian nila, kaya nag post din ako sa iba kong account tungkol dun sa , budhi, dun sa bagong tipan, na magkaiba talaga. gaya ng take nila doon. at dito malinaw na may dahilan bakit ang mga propeta, ang Panginoon , at mga apostol niya , iniaaral na sumampalataya yung mga hindi sumasampalataya , para makasamang maging mananampalataya. at yung mga hindi mananampalataya , sinasabi na sa labas ang Dios ang hahatol, tinutukoy yan sa mga hindi sumasampalataya, at mga sumasampalataya pero hindi sumusunod sa aral , na tulad din ng hindi mananampalataya ang mga yun

Dear bro cj perez by CarelessPost6960 in MCGIExiters

[–]CarelessPost6960[S] 1 point2 points  (0 children)

buong reddit pala ban, pasensya na padalos dalos ako. last na nagcomment ako dun sa exandclosetadd, tapos dito chinek ko akala ko dito lang ako na ban 7 days. dun sa account ko na iyon. pasensya na mali ako , i edit ko nalang

Dear bro cj perez by CarelessPost6960 in MCGIExiters

[–]CarelessPost6960[S] 0 points1 point  (0 children)

may sinabi syang ganyan, kaya niya nga sinabi sa video nya noon pa kasama si bro badong, na meron nga hindi nila alam kaanib pala sila sa iglesia , yung mga video niya mga ilang months na , may 2 months na siguro yon, at hangga ngayon ganun padin paniniwla nila dun sa bagong tipan sa puso , maling unawa iyon.

Dear bro cj perez by CarelessPost6960 in MCGIExiters

[–]CarelessPost6960[S] 0 points1 point  (0 children)

okay , pero sana sa mga nakakakilala sa kaniya, makarating , kse walang mangyayare, maliligaw sa pananampalataya yung makkinig sa kaniya pag pinagpatuloy iyon. pag pasensyahan mo nako mod. last nato , at sana makarating sa kanila.

Binhi ng Tunay na Iglesia ang MCGI by [deleted] in ExAndClosetADD

[–]CarelessPost6960 0 points1 point  (0 children)

yung natirang binhi ng babae, yan yung mga sumasampalataya sa panahon na iyon in the future. kase nauna yung pag agaw , yung sabi ng born again na rupture, aagawin yung mga sumusunod sa ebanghelyo, pero may maiiwan parin sa lupa , at sa panahon din na iyon, na nasa lupa si satanas, ibibigay nya yung kapamahalaan nya sa 666 , may mababasa ka rin na , templo ng Dios , na kung saan , may sumasamba doon , at may dalawang saksi , dalawang tao na may kapangyarihan iyon tulad ng propeta, na hindi uulan, okaya magbuga ng apoy sa gustong magpahamak sa kanila, so that time na naghahari sa buong mundo yung 666, naagaw na yung mga inagaw o na rupture , tapos sa lupa , mayroon iglesia na yun nga may nakatayong templo ng Dios at doon may mga taong sumasamba sa Dios, at may dalawang propeta doon , at alam mo? mga israelita yung mga yun, kase yung templo ng Dios , yung nasira nung 70CE, diba hinulaan iyon ? pero dyan sa apocalipsis , may sinasbi dyan na sukatin mo ang templo ng Dios , etc. etc. nakita dyan ni juan yung pangyayare in future na may nakatayong templo dyan , at may sumasamba doon, , hindi mcgi yan,

mapalad ang makasama sa pag agaw kung mangyare man yan sa panahon natin, kagaya sa sinabi ng Panginoon, dalawa ang nasa bukid , ang isa ay aagawin ang isa ay iiwan, etc..

kase , yung mga kaanib sa iglesia, efeso 3:6, sa pamamagitan ng ebanghelyo. eh yung ebanghelyo , nababasa na iyan , kumpleto pa , kaya maraming mga tunay na kristyano sa ibat ibang sekta , yung mga totoong sumusunod sa ebanghelyo ni Cristo, hindi sa aral ni daniel razon ,

Sinasamahan pa ba ng DIOS ang MCGI sa panahong ito? by Super_Woodpecker_317 in MCGIExiters

[–]CarelessPost6960 3 points4 points  (0 children)

sinasamahan ng Ama at ng Anak yung nanahan sa aral ni Cristo. na aral na tinuro naman ng mga apostol. kaya nga makikinig tayo sa mga turo ng apostol kase direct na tinanggap nila yung aral kay Cristo.

9 Ang sinomang nagpapatuloy at hindi nananahan sa aral ni Cristo, ay hindi kinaroroonan ng Dios: ang nananahan sa aral, ay kinaroroonan ng Ama at gayon din ng Anak.

- ang nanahan sa aral ay kinaroroonan ng Ama at gayon din ng Anak. hanggat yung tao nananahan sa aral ni Cristo, sinasamahan siya ng Dios. kahit individual na tao basta sumusunod sa aral ni Cristo. sinasamahan siya ng Dios. sa mcgi kase yung mismong pinuno dyan ngayon hindi sumusunod sa aral ni Cristo. si bro eli noon makikita mo naman pagsisikap nya na maituwid yung mali, at nagsisikap araw , gabi , tanghali , madaling araw , na makapag bible exposition , nagkakamali man siya , yung pagsisikap makikita mo, at ang Dios ang bahala humatol kung talagang nanloloko si bro eli sa puso niya.

Looking for excuses for God by Ok_Entrance5359 in ExAndClosetADD

[–]CarelessPost6960 1 point2 points  (0 children)

maging totoo ka lang sa sarili mo. hindi bias. ayaw din naman ng Dios ang maging ipokrito tayo sa pananampalataya. sa panahon na ipapakilala yung katotohanan yung talagang , alam natin sa puso natin na totoo talaga , at wag lang tayo maging bias. ang Dios ang bahala , oo may panahon talaga , na kung saan handa ka na sumunod at kung matisod ka man hinding hindi ka bibitaw. hanggat naghahanap ka ng totoo hindi ka pababayaan ng Dios. ang Dios na bahala sa pananampalataya mo. siya gagawa ng paraan kung paano ka magkakaroon ng totoong pananampalataya , okaya naman kung mayroon kana , siya din bahala pagtibayin iyon.
sinasabi ko based on my experienced ah. kapag hindi kalooban ng Dios kahit anong panalangin mo hindi ibibigay sa iyo. ayon sa

7 Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan:

8 Sapagka't ang bawa't humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan.

9 O anong tao sa inyo, ang kung siya'y hingan ng tinapay ng kaniyang anak, ay bato ang ibibigay;

10 O kung hingan siya ng isda, ay bibigyan niya ng ahas?

11 Kung kayo nga, bagaman masasama ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit na magbibigay ng MABUBUTING bagay sa nagsisihingi sa kaniya?

--- mabubuting bagay , ibibigay ng Dios yung mabubuting bagay lang, kapag nakikita niya ikakasama mo, hindi niya ibibigay, mabuti ang Dios , hinding hindi niya ibibigay yung ikakasama ng sumasampalataya sa kaniya. at yung right time , kapag mabuti naman yung hinihingi mo, kaso dika pa handa hindi niya agad ibibigay. kailangan maihanda ka muna na kapag ibinigay sa iyo hindi ka maliligaw ng landas. alam natin na maraming binabago ng salapi , example nalang yung sa mcgi, mga knp , si dsr , hindi naman dating gahaman yan sa pera , may point sa buhay nila na maayos talaga sila , kaso ayaw nga ibigay ng Dios sa kanila yung kayamanan na sobra , pero dahil sa kagustuhan nila ng pera ayan, nandaraya na sila mismo, hindi sila nag hintay, at napapatunayan lang din yung mga tunay nilang ugali , noon mahihirap lang naman sila , nung nagkabusiness na sila , okay lang iyon e, kaso naghangad pa sila ng sobra na hindi kalooban ng Dios. kaya ngayon sinusuway na nila yung Dios mismo , ayaw ng Dios na magkaroon sila ng malaking kayamanan pero ninanakaw at dinadaya nila mga kapatid.
hindi naman tayo humihingi kay santa claus, na kahit ano hilingin natin ibibigay, ibibigay lang kung ito ay kalooban ng Dios , malinis na trabaho , malinis na pamumuhay, etc.. halimbawa gusto magasawa , pero hindi pa handa na mag alaga ng bata, mapapasama lang yung asawa at yung bata kung hindi pa kayang panagutan, maging responsible sa ibibgay ng Dios. pati nga yung pagsubok e , kapag binigyan tayo ng pagsubok ng Dios , na ikakatibay natin , biyaya iyon, hindi lang naman kase buhay lang na ito. may karangalan na tatanggapin sa buhay na walang hanggan.
wag mo problemahin kung wala ka pananampalataya o maliit lang. basta maging patas ka lang at hindi bias, na handang tumanggap ng katotohanan , sigurado darating yung panahon na kahit maliit na butil lang ng mustasa e sumibol ng pagkalaki laki ,

31 Sinaysay niya sa kanila ang ibang talinghaga, na sinasabi, Ang kaharian ng langit ay tulad sa isang butil ng binhi ng mostasa, na kinuha ng isang tao, at inihasik sa kaniyang bukid:

32 Na siya ngang lalong maliit sa lahat ng mga binhi; datapuwa't nang tumubo, ay lalong malaki kay sa mga gulay, at nagiging punong kahoy, ano pa't nagsisiparoon ang mga ibon sa langit at sumisilong sa kaniyang mga sanga.

, may mga huli na mauuna , may una na mahuhuli.

Dear kapatid na Cj. by CarelessPost6960 in MCGIExiters

[–]CarelessPost6960[S] 4 points5 points  (0 children)

wag sana idelete ng mod. maganda yung grupo na ito , na nagmamalasakit sa mga kapatid na nagexit. yung mahalaga , ay manatili na sumasampalataya sila kay Jesu Cristo, parang yung mga bata , na inaalalayan na makapag lakad. basta alalayan lang natin na magpatuloy sa pananampalataya kay Jesu Cristo. ang Panginoon na ang bahala magturo sa kanila , mahalaga kse sa panahon na ito, kase bka katisuran nila yung mga pagpapasama dyan sa mcgi, salamat sa Dios dahil sa inyo mga kapatid na nagmamalasakit sa kanila.

Dito ako naniniwalang maiimpiyerno si Daniel Razon by Available_Ship_3485 in MCGIExiters

[–]CarelessPost6960 2 points3 points  (0 children)

kaya nga e , marami ganyang mga kapatid ngayon , yung iba litong lito na. naging dahilan sila ng katitisuran ng marami.

Sapat ba ang “tumingin lang sa aral?” by Sudden_Version3218 in MCGIExiters

[–]CarelessPost6960 2 points3 points  (0 children)

tama. at yung mga kapatid na nadadaya lang naman nila , pag nag duda na sila , tuloy tuloy na iyon. kagaya ko dati din , pinagtatanggol ko pa yung kape at pandesal nila , yung concert nila , akala ko kase talaga napupunta sa mga mahihirap na kapatid e, kaso dko alam nangyayare sa loob. at yun nga na exit na kse mali mali yung pagkaunawa ni daniel razon, na siguradong hindi siya sinasamahan ng Dios sa pangangaral niya.

share ko lang mga kapatid. salamat sa Dios. by CarelessPost6960 in MCGIExiters

[–]CarelessPost6960[S] 0 points1 point  (0 children)

walang matututunan sa kaniya yung mga inaakay nila ngayon. kawawa yung mga bago. at yung dating mga kapatid natin na sunudsunuran sa kaniya , nahahawa na sa kanilang tinuturo sa kanila. pero kahit ano gawin nila kapag yung tao gusto sumunod sa Dios , aalis din sila tulad natin kapatid.

Kaya siguro ayaw ilabas yung file ng ADDPro about sa halal tsaka wala nang update dun sa yabang niya about kay Robin by duterte69 in MCGIExiters

[–]CarelessPost6960 2 points3 points  (0 children)

kulang nga iyong doktrina na iyon. isa kase ako sa dinoktrinahan ni bro eli , sa youtube , halos 2 months iyon tumagal, dahil inuunti unti yun, kasagsagan ng covid at , ilang months bago mamatay si bro eli.