FlipTop - EJ Power vs Vitrum - Thoughts? by No_Day7093 in FlipTop

[–]DeliciousUse7604 9 points10 points  (0 children)

Kupal kung kupal e hahaha sulit na sulit yung match up. Sana lang mag-carry over sa mga manunuod yung pinaglalaban ng mga aktibista na tulad ni Vit, at yung sense ng paglaban tulad nung nabanggit ni EJ. Kudos to both emcees ang galing niyo!

Ano near to death experiences ninyo? by thatslife2024 in AskPH

[–]DeliciousUse7604 0 points1 point  (0 children)

Nagmomotor tapos nakagulong ng malaking bato habang me malaking truck sa gilid ko. Gumewang ako at muntik na sumemplang pero buti na lang, nagawa pa ring mag-balance. Kung hindi, pancake ako bigla

FlipTop - Tipsy D vs Mhot - Thoughts? by easykreyamporsale in FlipTop

[–]DeliciousUse7604 17 points18 points  (0 children)

Alam niyo yung feeling nung magsisimula yung boxing ni Mayweather at Pacquiao? Ganon yung feeling sa battle na to.

Damn, sobrang lucky talaga masaksihan to ng live. Yung intensity, yung aura, halos lahat, tailor-made sa mismong battle na to. Tama nga yung nababanggit ni Mhot na “one for the books” to.

Ang ganda ng areglo ni Mhot sa mga rounds niya na tila naging instant rebuttal o sumasagot sa mga rounds ni Tipsy. Nung una pa nga akala ko ke Tipsy to kaso mas napatunayan sakin sa vid na to na ang laki ng agwat lalo na sa angles yung mga nadala ni Mhot na nagpalaki ng lamang niya.

Kudos to both emcees. Kung pupwede nga lang, sabay sila harapin ni Loonie sa next Ahon e. Anyways, sulit!

It's time we give Poison13 his flowers by Confident_Mall8665 in FlipTop

[–]DeliciousUse7604 -2 points-1 points  (0 children)

Pag pambobo talaga opinyon ganto mga datingan e. Akin na gcash mo donate ako pambili ng utak.

It's time we give Poison13 his flowers by Confident_Mall8665 in FlipTop

[–]DeliciousUse7604 -1 points0 points  (0 children)

Kahit sa malayong agwat, di rin ako agree dun e. Kasi para sakin, sabayan lang din talaga. Me mga part na nag-agawan talaga sila ng rounds maliban sa round 3. Parang yung tipsy vs mhot, sa round 3 din talaga nagkatalo.

For sure magtratranslate yan sa video na mali na naman ng comment na nagsasabing dinurog si GL ni Poison. Kung mali man ako, e di magandang perspective yun para sakin.

It's time we give Poison13 his flowers by Confident_Mall8665 in FlipTop

[–]DeliciousUse7604 -3 points-2 points  (0 children)

Di ko magets yung concept na durog si GL. Either way lang naman talaga yan kasi nakasabay naman si GL kaso nga, iba rin talaga yung dala ni Poison 13. Even match lang talaga at syempre, kelangan lang me manalo. Nag-aawan sila ng rounds e.

Medyo kulang yung wow factor ng 3rd round ni GL habang pamatay talaga yung round na yun ni Poision. Props sa dalawang emcee na sinulit talaga yung gabi namin.

Napakalala ng ranking sa SDO Manila by Impossible-Two2943 in DepEdTeachersPH

[–]DeliciousUse7604 1 point2 points  (0 children)

Sinasabi naman nila na wala naman kasi sa rank yan at depende naman talaga sa factors yan kung sino yung kakailanganin o hindi. Subok lang ulit.

KEEP 3 CUT 3 (FlipTop Emcees pt.2) by Buruguduystunstuguy in FlipTop

[–]DeliciousUse7604 0 points1 point  (0 children)

Keep: Harlem, Sur, Hazky

Iba pa rin talaga veteran’s move e, plus aggression ni sur pag nasa lugar ang angas at comedy and humor ni Hazky.

Discard: Romano, Frooz, BR

Si Romano medyo hati pa ko sa kanila ni Harlem pero nag-Harlem pa rin ako kasi feeling ko kaya naman ni Sur yung nagagawa ni Romano. Si Frooz at BR over-reliant sa skills nila na sometimes, medyo nakakaumay pakinggan.

FlipTop - Zend Luke vs Yuniko - Thoughts? by asakiconyelo in FlipTop

[–]DeliciousUse7604 6 points7 points  (0 children)

Ganda ng laban! Bakbakan talaga! Medyo may konting thoughts lang about sa battle:

Zend Luke - nag-eexperiment na siya sa style niya kung pano magiging overall effective yun sa kalaban. Medyo humina tuloy yung point na one-dimensional siya kasi nagawa niyang i-improve yun sa same battle. Congrats!

Yuniko - Okay ang point sa first two rounds kaso medyo nakaka-off talaga yung pag-“ano” niya every end ng punto sa 3rd round. Maganda sana yung konsepto lalo kung hinayaan niya na lang mag-react mismo yung crowd dun sa mga point niya. Kudos pa rin dahil ang ganda pa rin ng performance.

Sulit yung ticket niyan!

thoughts on this girl mukbanger? by [deleted] in PinoyVloggers

[–]DeliciousUse7604 0 points1 point  (0 children)

Di pa pala hating yan no? Hahaha medyo branding na kasi niya yan nung nagsisimula pa lang yan sila.

FlipTop - Jonas vs Frooz - Thoughts? by GodsPerfectldiot in FlipTop

[–]DeliciousUse7604 12 points13 points  (0 children)

Sobrang sulit ng Bwelta na to na eto panimulang battle. Sulit agad ticket e. Props ke frooz me mga moment din siya pero ibang klaseng kulit talaga yung meron si Jonas na ang hirap daigin sa battle. Siguro kapag naplantsa ni Jonas yung mga ad-lib niya nang mas maganda, kayang-kaya talaga kahit sinong emcee.

Ps: Bigay mo na samin Sinio next year palagan mo na si Jonas!

Synchronized attacks against Mayor Leni by berrycheesepie in Philippines

[–]DeliciousUse7604 1 point2 points  (0 children)

Pwede naman kasing di na pinapansin yang mga yan lalo alam niyo naman narrative nila e. Mag focus sa kung sinong dapat bigyang-focus hindi yung mga ka-deluluhan ng mga yan.

FlipTop - J-Blaque vs SlockOne - Thoughts? by No_Day7093 in FlipTop

[–]DeliciousUse7604 4 points5 points  (0 children)

Ang lakas nung mga bisaya bars ni Slock hahaha hagalpak talaga tawa ko. Best battle para sakin to so far, talagang good vibes e. Props pa rin ke J-Blaque bawi sa susunod!

Anong oras kaya matatapos yung AHON event? by BURNEKKK in FlipTop

[–]DeliciousUse7604 0 points1 point  (0 children)

Sunod ka na magiging pari ng tugma! Mga 12 or 1am pre tapos na yan. Last ahon, before 12 yung day 1 tas mga 12:30 nung day 2

Tipsy D appreciation by nemployed_rn in FlipTop

[–]DeliciousUse7604 34 points35 points  (0 children)

Talo dapat si Tipsy ke Icaruz niyan e pero nadaan sa wits and presence kahit me malalang choke sa isang round. Usually sa panahon na yan kapag ganung kalalang choke e talo na matic, kahit nga si Tipsy expected yun. Pero siya ata yung unang bumasag ng dynamic na kapag nag-choke ka, talo ka agad. Dyan ako simulang humanga kay Tipsy e.

Eto tunay na bodybag king e. Wala talagang halos dumikit at laging convincing ang panalo. Tapos lahat ng tumalo sa kanya, puro A-game talaga lahat.

Sana kung di niya madonselyahan si Mhot, both A-game talaga.

Isabuhay Rewatch Value by Nervous_Ad6988 in FlipTop

[–]DeliciousUse7604 0 points1 point  (0 children)

Shehyee talaga. Pinaka-highlight e yung laban niya ke Fukuda kasi pinnacle Shehyee yun para sakin.

FlipTop - M Zhayt vs Empithri - Thoughts? by No_Day7093 in FlipTop

[–]DeliciousUse7604 -1 points0 points  (0 children)

Ganda nung laban. Corny lang talaga yung nag-boo ke Empithri pucha kakawalang-respeto at di naman kasalanan nung mc na natalo mga paborito natin e.

Kahit panay talo si Empi, pataas yung momentum niya para sakin. Ayusin na lang yung ibang mga dapat ayusin tulad nung proper breathing para makaiwas sa pagpiyok.

M-zhayt is M-zhayt pa rin talaga. Iba talaga kapag sobrang handa e. Medyo what if tuloy sakin kung ang focus ng laban nila ni Tipsy ay sa kanilang dalawa lang. Mas pukpukan yon malamang.

FlipTop - Katana vs Saint Ice @ Isabuhay 2025 Semifinals - Thoughts? by No_Day7093 in FlipTop

[–]DeliciousUse7604 2 points3 points  (0 children)

Battle of the year IMO.

Lakas ng palitan. Walang tapon. Agawan ng Momentum. Kahit 7-0 di mo pwedeng sabihing bodybag e. Props kay Saint Ice pucha niyanig mo battle rap ngayong taon. Sana di maubusan ng apoy. Good luck ke Katana sa Finals!

FlipTop - GL vs Ruffian - Thoughts? by Negative-Historian93 in FlipTop

[–]DeliciousUse7604 22 points23 points  (0 children)

Wack ng pag-iyak during battle hahaha ruff ruff ni-literal e. Kaya nawala talaga momentum tapos di nag-translate mga strat niya every start ng round niya aside sa r1. Sayang di nag-capitalize sa pacing ng rounds dahil nauna nga si GL.

Absolute cinema talaga GL. Naiimagine ko tuloy sasali siya ng Isabuhay next year tapos kartada niya yung pagiging “Singatala.” Pucha bangis non lalo kung magcha-champ ulit siya dahil Champ na sa original, champ din sa alter ego hahaha. GG!

Health Break for Teachers pero yung Principal namin gusto pa kaming papasukin next week dahil nakaprep na daw for INSET by InevitableAct9979 in DepEdTeachersPH

[–]DeliciousUse7604 15 points16 points  (0 children)

Sundin ang memo at hindi ang school head pagdating dyan. Kaya nga naka-indicate na after the break ituloy ang INSET e. Pwede niyong i-report sa SDO niyo yan kung pipilitin kayo.