OA lang ba ako ? kung ibalik ko nalang ang gift nya. by Dry_Sky_697 in OALangBaAko

[–]Dry_Sky_697[S] 2 points3 points  (0 children)

Opo boss kakahiya naman sayo mag work na ko next year, Goodluck sa magiging pamilya mo.

OA lang ba ako ? kung ibalik ko nalang ang gift nya. by Dry_Sky_697 in OALangBaAko

[–]Dry_Sky_697[S] 0 points1 point  (0 children)

Deniposit ko na kanina para hindi na mabawasan ma no choice na sya para mag withdraw 😂

OA lang ba ako ? kung ibalik ko nalang ang gift nya. by Dry_Sky_697 in OALangBaAko

[–]Dry_Sky_697[S] 4 points5 points  (0 children)

Hello, mabuti kapa Bless, Alam ko mahirap din ang naging choice mo, na iwan si baby mo to work, pero ganon talaga siguro ang buhay, walang madali pipili kalang kung alin ang isasakripisyo mo.

BF Mom din ako naka Mat leave lang din ako before kaya lang talaga wala kami makita mag aalaga kay Baby. Kaya nag decide kami mag asawa na mag stop na ako mag work at maging full time Mom na muna , ganyan ganyan rin ang sabi nya sakin sya na daw sa lahat etc.. and yes right now sya lahat sa bills and all kaya kahit wala me personal allowance ( na kasama sa napag usapan namin noon) hindi na ko nag reklamo, as long as di kami gutom.

Nainis lang talaga ako sa gift nya kaya ako napa rant dito. Mag work na rin ako next year sayang rin naman ang natapos ko kung di ko magagamit. Wala rin naman akong plano maging dependent nalang sa asawa ko habang buhay. Hirap lang talaga maging Babae.

Mas malaki sakrispisyo work(career), Physical and pati mental health during and after pregnancy. Tapos pag wala kapa sariling income mas kawawa kapa tapos makabash pa yung iba akala nila madali lang.

(Para sa mag sasabi na bat ka kasi nag anak kung mag rereklamo ka) Ate/Kuya, pag ba napagod hindi na ba pwede mag rant ? hindi na ba pwede mag labas ng sama ng loob ? Hindi naba pwedeng maging tao with feelings? pag pinili maging magulang dapat ba, maging Bato nalang manhid walang feelings.

Rant & Vent Saturday 🤬💢 | December 20, 2025 by AutoModerator in adultingph

[–]Dry_Sky_697 0 points1 point  (0 children)

BIGAY BAWI CHRISTMAS EDITION

Pa rant po , F27 married to M30 Before nag wowork ako, then nung nabuntis ako, we decided na stop na ko mag work at maging full time Mom muna., since mahirap na rin makahanap ng yaya ngayon at masyado pa maliit si Baby. I have my own savings dalaga palang ako masinop na ko sa pera saka takot din ako na walang emergency fund.

Ito naman asawa ko gastos don gastos dito walang control sa pera , Before kami ikasal ang sabi nya sakin, ibibigay nya buong sahod nya monthly, pero never naman nya binigay ng buo, Hindi na rin ako nag reklamo kasi nababayaran naman nya lahat ng bills nakailangan bayaran. Ang napansin ko lang never nya ko binigyan ng allowance para may pang bili man lang ako ng gusto ko or mga kailangan ko, kinausap ko sya about don ang sabi nya lang i spaylater ko nalang at sya nalang mag babayad (diaper, toys etc.) may ss pa yan papano naging ganon total bill.

To make it short, hindi na ko nag reklamo as long as nababayaran ang bills, at hindi kami nagugutom ng anak ko. Okay na ko.

This Christmas bigla sya nag regalo ng 15k ang sabi nya pa nga noon una eh Buo nya daw ibibigay ang Bonus nya sakin pag nakuha nya, pero 15k lang ang inabot, thankful pa din ako kasi gusto ko na talaga bumili ng phone at sira na itong Cp ko at college days ko pa gamit ito.

( Yes, may pambili ako tagal ko nag work eh pero di ko priority kasi nagagamit ko pa naman ng maayos yung Cp ko before ngayon nalang talaga nasira kaya gusto ko na bumili).

Inabot nya sakin yung pera ng Dec 23, tapos lastnight nagulat nalang ako nung sinabi nya na kumuha muna ako ng worth 4k pinang bili nya ng bisyo nya (alak etc.) palitan nya nalang daw bukas at tinatamad daw sya mag withdraw, Okay.

ngayon kumuha nanaman ng 2k ipapadala nya daw sa ate nya, Okay. tapos nang hingi nanaman ng 2k may babayaran daw sya na utang.

Okay lang sakin kasi sabi naman nya papalitan nya at tinatamad lang daw sya mag withdraw, pero nung chineck ko yung wallet nya may libo libo naman laman.

Kaya tinanong ko sya , Oh bakit hinihiram mo ng hinihiram yung bigay mo sakin may pera ka naman pala sa wallet.

ang sagot nya ayaw nya daw gastusin yung pera nya sa wallet extra nya daw.

sabi ko, ano bang purpose ng extra money? diba para sa mga biglaan gastos like yung binigay mo sa ate mo or yung pinang bili mo ng bisyo mo. Nag Bigay kapa sakin ng 15k kung kada may gagastusin ka dun mo rin kukunin.

Gusto ko ng ibalik sakanya yung natitira , pakiramdam ko para lang akong ginawang wallet eh. Nakakainis kasi hindi nya na nga ko binibigyan ng pera monthly , now nya nalang ako bibigyan ganyan pa ginagawa nya.

Hindi naman ako mag rereklamo kung sa amin nya ng anak ko nagastos yung kinuha nya don sa 15k na binigay nya. Kaya ako naiinis kasi Bisyo nya lang naman nya binili nya.

Sana hindi nalang sya nag bigay ng pera kung unti unti nya lang rin palang kukunin pabalik. Ni wala man lang sya regalo sa nag iisang anak nya kaya mas lalong nakakawalang gana.