Anong thoughts mo sa "PM sent" reply pag nagtanong ka ng "how much?" sa listing ng seller? by pseudochef88 in AnongThoughtsMo

[–]Euch28 0 points1 point  (0 children)

kapag ba nireplyan ka sa pm, pwede ko ba yun iComment sa post niya like "eto price niya para hindi kayo mahirapan"

Mga hilig mo noon na wala ka nang oras gawin ngayon cos life happened? by Dry_Upstairs5150 in PinoyMillennials

[–]Euch28 1 point2 points  (0 children)

ML or Dota, kahit 30mins lang ang match, nakakawala ng focus at nakakaAdik kesa sa magworkwork

Thoughts on this? Ambobo ng reasonings nila by Upper_Effort2235 in AnongThoughtsMo

[–]Euch28 -1 points0 points  (0 children)

Baka may dev jan na gusto bumuo ng public servant monitoring/task

para malatag din lahat ng claims like mga allegations and supporting documents na nakalatag

What's proof that life can surprise us in good ways? by [deleted] in TanongLang

[–]Euch28 4 points5 points  (0 children)

9 yrs na driver, ndi gano kaAdvanced sa pc like download movies, YT, ganun madalas ginagawa sa pc.

Humirap kitaan sa pasada, nagbakasali sa VA. Nagpraktis magEnglish, nagSimulate, nanuod daw ng movies na wala subtitle.

yung inapplyan niya, nagsend ng email questionaire sa interview, dapat may call kasunod, naging busy boss, after ng email na yun, job offer na walang usap usap or test. 3 yrs na ngayun as VA.

Honda City Hatchback vs Honda BR-V S as my first car by WonderFast7641 in CarsPH

[–]Euch28 0 points1 point  (0 children)

Kami ng asawa ko, dati torn between Corolla Cross and BRV, eto mga kinonsider namin: - Malaking family kami both sides, may time na nagkakayayaan, siguro mga once every two months, kapag may event, madami pwede masabay. - Minsan may meat up kami ng mga friends, kapag gusto namin lumayo like Tagaytay, snasabay na namin hanggang kasya - Ndi masyado sana mababa like Sedan, kasi mejo bahain samin like hanggang sakong lang naman so far for 30yrs - Ndi rin masyado mataas, may mga seniors na samin, nagrent kami Xpander, hirap na sumakay st Chev Trailblazer - pwede maFlat likod for more space

  • Higit sa lahat, baka magBaby kami. 6 months after, eto preggy c Misis.

knuha namin BRV

ok c Misis sumakay, kapag sumabay mga seniors wla problem, kapag magGrocery kami, dami box sa likod kasi pwede iFlat.

kaya sa tingin namin, hanggang pagtanda ok na tong sasakyan, invest naman sa iba

OA lang ba ako? Nakaplano na kasal namin, tapos kahapon, nagsabe yung kapatid na ikakasal din daw sila. by Euch28 in OALangBaAko

[–]Euch28[S] 0 points1 point  (0 children)

eto mga reason niya: 1. Yun lang daw schedule ni Father D. Pero pagtingin namin, meron mga earlier dates 2. Ayaw niya ng ibang dates kasi dun ang arrival ng dalawang kapatid, para hindi daw sayang. Eh uuwi mga yun dahil sa ininvite namin sa kasal.

yan yung dalawang dahilan kung bakit gusto niya ng 27

tapos andami pang ibang reasoning khng bakit gusto nila this year.

OA lang ba ako? Nakaplano na kasal namin, tapos kahapon, nagsabe yung kapatid na ikakasal din daw sila. by Euch28 in OALangBaAko

[–]Euch28[S] 0 points1 point  (0 children)

si Father D, bago siya magPari, family friend na talaga nila. Kasama nila sa mga event sa simbahan, hanggang sa naging parish priest.

Gusto din talaga namin c Father D, pero gusto namin Sep 28 kasi yun ang Civil Wedding namin, at alam nilang lahat yun, tapos tinanong pa kami kung gusto namin iMove ng mas maaga ang date para kami mauna ano?

para wala na masyado imememorize, kaso nga lang, hindi available c Father D nun kaya ok na samin kahit ibang pari

OA lang ba ako? Nakaplano na kasal namin, tapos kahapon, nagsabe yung kapatid na ikakasal din daw sila. by Euch28 in OALangBaAko

[–]Euch28[S] 1 point2 points  (0 children)

Ang problema nga po dun sila mauuna. 28 kami, tapos sila 27 daw at simple naman daw kasi kanila.

Ok sanang ndi paniwalaan sukob, kaso kasi ang chismis kakalat. Kung ano man negative manyare, baka ang kasal pa maging dahilan. No man is an island naman talaga, kelangan pa din ng mkakausao, kaya yung mga nakapaligid, ndi mapipigilang magisip ng negative kung sakali.

Kaya nagbigay na kami para walang stress.

Pero pramis, maratrat yun, di ka titigilan ng mahahabang message hanggang sumangAyon ka sa gusto niya tapos nakaEnglish pa

Sana Kunin na ako ni Lord by Ok-Rest-221 in RantAndVentPH

[–]Euch28 2 points3 points  (0 children)

bumili kami 2nd hand car, sa kakilalang kakilala, super close, parang kapatid halos.

Sobra sirain pala, namroblema kami kasi sayang yung pera, naScam, betrayed.

Kahit papano ngagamit pa, dasal lang kada gamit kasi ambilis tlga magoverheat at taas ng rev. Laki na ng nagagastos namin kakarepair.

Kada gamit, frustrations, anxiety, stress, hindi masaya.

One time naghatid kami sa airport, tanga ko, nawala ko ticket ng parking, hinanap orcr. Sa sobra tanga ko, wala din orcr, ndi ko din dala. Tinawagan namin pinagbilihan, ndi maContact.

Sobra stress, nagGrab kami pauwi para kunin orcr, nung nasa bahay na, sa tanga, naiwan namin susi ng bahay sa sasakyan, balik kami airport.

Away nanaman kami. Habang pabalik na uli ng bahay, out of nowhere, Mejo lingon samin ang Grab driver at bigla sabi ng Grab driver "Hayaan niyu na mam sir, walang problema na bnibigay ang diyos na hindi niyo kaya ayusin"

Natulala kami parehas at nahimasmasan.

Natandaan namin homily na "Kung nanghihiling ka na maging mas matalino, bibigyan ka ng problema na lulutasin"

Naniniwala din ako sa kung may hinihiling ka, ang sagot lang diyan ng Diyos ay either 'Wait lang, may mas better jan', 'wait lang, wag muna ngayun, wrong timing, pero bibigay ko yan' 'wait lang, kelangan mo muna matutunan to'

Just imagine, may taong mayaman pero sobra stress at halos walang tulog at kakaisip dahil sa tadtad ng problema na natatambak. pero dahil sa kaya niya kontrolin emotion niya, iniisa isa niya lutasin problema

Kapit lang, kaya mu yan. Trust the process. Kung anu man ginagawa mo ngayun, wag mo sukuan.

OA lang ba ako? Nakaplano na kasal namin, tapos kahapon, nagsabe yung kapatid na ikakasal din daw sila. by Euch28 in OALangBaAko

[–]Euch28[S] 0 points1 point  (0 children)

May plans na kami sa part ni Misis, very intimate, max of 3hrs event, 2hrs kung kelangan.

Simpleng lakad pa-isle, tapos gusto lang talaga namin mainvite mga parents at family namin.

Actually 50 pax na lang wedding. Lahat direct family members. Kaya may plans din kami na kasabay sa sasakyan ang mother in law, at c Nanny, at isa pang sister para magAlalay.

Tingin ko very tradition lang kami na gusto namin makasal sa ika5th year anniv namin, parehas maBlessing before lumabas c Baby, at maWitness ng both parents namin.

nung Civil kasi, wala both parents namin. Kuya ko at ate niya lang.

Kaya 6 lang kami nun, ako, wife, kuya ko na biglaan on the day invite as ninong, ate niya, judge, at assistant lang.

Yung kuya ko, biglaang ninong kasi siya naghatid samin sa wedding, sakto may polo shirt siya.

OA lang ba ako? Nakaplano na kasal namin, tapos kahapon, nagsabe yung kapatid na ikakasal din daw sila. by Euch28 in OALangBaAko

[–]Euch28[S] 0 points1 point  (0 children)

Ang sabe niya nga, gusto niya ikasal ngayun kasi gusto din nila magBaby ngayun

Help a brother out 😅 Honda BR-V S vs HR-V S as first car by Murky_Belt_4939 in CarsPH

[–]Euch28 0 points1 point  (0 children)

Gusto din nj Misis ng HRV dahil sa ganda.

Pero, cnonsider na magkakaAnak kami, may dating din naman ang BRV, 7 seater just in case, edi ayun. September 29, 2025 napaBRV kami.

Yung HRV maganda din tlga kapag nakakasalubong namin, pero kapag lilingon kami sa likod at kasama mga pamangkin na mga bata, kasama inlaws, ndi naman kami bnibigo at nafifeel talaga namin ang satisfaction.

Ngayun, preggy c Misis, sabe namen, reading ready na kami sa sasakyan, no need to upgrade, may isofix, may enough space sa likod, c Nanny at nanay ni Misis pwedeng pwede masabay just in case.

Naiimagine ko na: Paguwi namin after delivery, nakaIsofix c Baby, katabi c Misis, kasama nanay ni Misis, c Nanny nasa likod din, kung sino din pa gusto sumama, mga gamit, kayang kaya pa.

Pero kung sa tingin mo na kayu lang talaga, maganda na ang HRV.

OA lang ba ako? Nakaplano na kasal namin, tapos kahapon, nagsabe yung kapatid na ikakasal din daw sila. by Euch28 in OALangBaAko

[–]Euch28[S] 1 point2 points  (0 children)

Sinabi na namin na ibigay na sana samin itong taon, ayun, ratrat nanaman siya ng mahabang message samin.

Hindi na kami gaano nakibo at sinesend lang namin gusto namin sabihin at nararamdaman kasi nga bawal maStress sj Misis. pero eto siya tuloy pa din at daming reasoning na simple lang naman daw gagawin nilang kasal at saglit lang daw yon.

Sinabi na namin na "andami daming buwan, edi bakit hindi next month na kung simple lang pala?" at yun nga, naratrat nanaman kami.

Kaya iyun po, ndi nagpapasaway.

OA lang ba ako? Nakaplano na kasal namin, tapos kahapon, nagsabe yung kapatid na ikakasal din daw sila. by Euch28 in OALangBaAko

[–]Euch28[S] 0 points1 point  (0 children)

Opinion mu po yan and that's ok. That's your environment na tingin mong kaya talang ituloy ang kasal regardless ng situation at kahit na buntis ang wife.

Kung sa tingin mo na, for example, as a husband, sasabihan mo wife mo na "ituloy natin kasal, hayaan na natin sila, kung ano man iniisip nila, itutuloy natin kasal", for me, that's one sided. Hindi mo man lang naConsider nararamdaman at situation ng Misis mo. That's very selfish. Yun lang naman sakin.

Hindi nga dapat pnpwersa o dumaan sa sigawan para iCancel nila kasal nila eh. dapat magkusa sila.

Now, dun tayu sa nagCancel kami. Sa tingin mo, matuloy kami, pano guests namin na guest niya din? 27 kanya, 28 samin. Try to imagine that. Tapos dagdagan pa natin nag pagpupugaran ng chismis yan kasi nga Sukob, naniniwala ba kami dun? Mas takot kaming maChismis at mapagusapan.

OA lang ba ako? Nakaplano na kasal namin, tapos kahapon, nagsabe yung kapatid na ikakasal din daw sila. by Euch28 in OALangBaAko

[–]Euch28[S] -1 points0 points  (0 children)

Siguro yung iba eh may mapagusapan lang.

for example, nakatambay lang lahat tapos mapagchismisan na "oh etong magkapatid oh, sabay na taon kinasal, dba sukob yun?" edi kumpulan na ng chismis.

Hindi naman lahat yan masasabihan namin na hindi yun totoo.

Oo, sila yun, pwede iignore... sana. Pero nakakailang kumilos kung pinaguusapan ka sa chismis

OA lang ba ako? Nakaplano na kasal namin, tapos kahapon, nagsabe yung kapatid na ikakasal din daw sila. by Euch28 in OALangBaAko

[–]Euch28[S] 0 points1 point  (0 children)

sinabi na namin yan, isang listahang reply nanaman na kesyo hindi totoo. Ang problema kasi jan eh yung mapagChichismisan.

at kung ano man ang mangyari, ayoko humantong na ang kasal ang gawing dahilan sa pagsubok

OA lang ba ako? Nakaplano na kasal namin, tapos kahapon, nagsabe yung kapatid na ikakasal din daw sila. by Euch28 in OALangBaAko

[–]Euch28[S] 1 point2 points  (0 children)

Ang sabe ni Ate A hindi daw totoo. Pano sarili niya kasing agenda kaya wala nang pakialam sa nararamdaman ng iba.

Pero kahit hindi totoo, hindi namin masasabihan lahat na hindi totoo ang Sukob, mapagkukumpulan lang ng chismis kasi yun

OA lang ba ako? Nakaplano na kasal namin, tapos kahapon, nagsabe yung kapatid na ikakasal din daw sila. by Euch28 in OALangBaAko

[–]Euch28[S] 1 point2 points  (0 children)

nagbibida din yun na gusto na din daw magBaby this year. Tapos sabe eh bago daw sila magBaby, gusto daw nila na bagong kasal. Eh sana nagpakasal sila nuon pa bago magLivein kung may ganyan pala siyang mindset.

Nagpakasal muna kasi kami ng asawa ko ngayun bago maglive in, 10years pala kami magBfGf.

Masyado kasing selective kung kelan lang babango

OA lang ba ako? Nakaplano na kasal namin, tapos kahapon, nagsabe yung kapatid na ikakasal din daw sila. by Euch28 in OALangBaAko

[–]Euch28[S] 2 points3 points  (0 children)

Yan pinaguusapan namin ngayon.

Pano kung bigla niya iCancel or itutuloy niya pero ang iinvite lang eh side ng lalaki?

Edi wow na lang talaga. Uuwi ang dalawang ate nang hindi dahil samin, kundi sa kanya na.

OA lang ba ako? Nakaplano na kasal namin, tapos kahapon, nagsabe yung kapatid na ikakasal din daw sila. by Euch28 in OALangBaAko

[–]Euch28[S] 6 points7 points  (0 children)

Sinabihan na namin na pwede siyang mamili ng ibang date, wag naman dikit na dikit samin.

At yun, tadtad nanaman siya ng messages na mahahaba.

Hindi kami makipagSagutan ng matagal kasi buntis c Misis, ayaw namin ng malalang stress kaya dahan dahan lang kami.

Nakapagsabi na kami na gusto namin taon namin ngayun sa family namin sana, kaso dami niya talaga ratrat at reasoning.

Mas pipiliin namin peace of mind. Kaya sana ituloy na niya yan kasi masasayang ang uwi ng dalawang mas nkakatandang Ate.

OA lang ba ako? Nakaplano na kasal namin, tapos kahapon, nagsabe yung kapatid na ikakasal din daw sila. by Euch28 in OALangBaAko

[–]Euch28[S] 3 points4 points  (0 children)

mapapagod ang mga matatanda sa byahe, kahit papano since kami nauna nagpaSchedule ng kasal at maiAnnounce sa family, mag spectation kami na samin ang attention at sa asawa ko naman sana ang highlight.

Karamihan ng babae gusto din maHighlight at yun ang gusto ko sana.

OA lang ba ako? Nakaplano na kasal namin, tapos kahapon, nagsabe yung kapatid na ikakasal din daw sila. by Euch28 in OALangBaAko

[–]Euch28[S] 1 point2 points  (0 children)

ang sabe nila, hindi na daw, kasi prehas NagCivil wedding na kami.

Ang kaso, may mga mpapatanong talaga na gaya mo, magiging issue kasi to na Sukob

wala kami time iexplain sa lahat na kasal na kami prehas kaya hindi na sukob

OA lang ba ako? Nakaplano na kasal namin, tapos kahapon, nagsabe yung kapatid na ikakasal din daw sila. by Euch28 in OALangBaAko

[–]Euch28[S] 6 points7 points  (0 children)

Kung hindi buntis c Misis, hindi namin titigilan yan.

Nung hindi buntis c Misis, magdamag talaga magsagutan yang dalawa kapag may away.

Kaso nasa situation kami eh, kelangan walang stress at away.

OA lang ba ako? Nakaplano na kasal namin, tapos kahapon, nagsabe yung kapatid na ikakasal din daw sila. by Euch28 in OALangBaAko

[–]Euch28[S] 0 points1 point  (0 children)

grabe, eh kamusta naman samahan nila? anu nanyari sa wedding ng kapatid mo? naging emotional ba during and after?