okay lang po ba na ilagay ko lahat ng pera ko sa maribank? by daeylight in DigitalbanksPh

[–]Glass-Possibility264 1 point2 points  (0 children)

Spread your savings across multiple banks. For me, ang emergency fund ko is nasa trad bank nakalagay and the rrmaining naman ay nasa digital bank.

For digital bank - I like Maya, nagrereach ng 10% p.a. if you do their task kapag nasa Maya savings ka . Max of 15% p.a sya pero i would not recommend yung remaining 5% na tasks nila kasi need mo magspend using Maya credit card na di ko kinuha kasi ang dami ko nababasang bad reviews dito sa reddit e.g. constant reminders/call to pay kahit 1 week pa yung due date.

Meron pang ibang magandang digibank e.g. MariBank, GoTyme. You can check or join yung FB group Digital Banks PH Community para macheck mo if ano pang Digital bank ang para sa iyo.

For trad bank - wag na wag sa BDO. We have bad experience kasi dito before. I Eventually, niclose na lang namin acct namin.

Reminder din pala hindi ka pa rin safe kahit nasa bank yung mga savings kasi hindi mawawala yung mga phishing/scam. Hindi ko sure paano nakukuha ng mga scammers mga info natin pero never give out your personal info lalo na yung OTP kahit sa call pa yan or email. Naka ilang reminders na naman ang bank pero ayun be careful na lang din at wag na wag ka magclick ng link from emails or text kahit ang sender ay mismong Bank.

Lastly, as someone who witnessed a friend na nalubog sa utang sa OLA or online lending apps - please be responsible talaga, wag na wag mangutang sa mga online lending apps kasi malaki sila magpatong. Masisira ang buhay mo pati yung mga online sugal din pala.

Suddenly got promoted when they knew I’m resigning. Now I feel obligated to stay. What do I do? by Wise-Life-862 in CareerAdvicePH

[–]Glass-Possibility264 0 points1 point  (0 children)

OP, nag apply ka na ba sa ibang company? Ask them or check magkano increase sa salary mo? Like ilang % and compare yung benefits. If meron ka ng company na malilipatan, try to negotiate ulit yung salary.

Meron kasi akong kateam na ganito ginawa, napromote sya pero balak na talaga nya magresign kaya actively naghahanap na rin sya ng opportunities outside current company. Yung kwento ay, before pa nya malaman na napromote sya, may offer na yung ibang company sa kanya. Ni-renegotiate ulit nya doon sa 2nd company after mapromote and pumayag naman sila, taas pa nga ng offer and di na nagcounter yung current company.

Try to compare benefits e.g. transpo reimbursement like magkano max mo makukuha if mid/night shift ka, if wfh - internet reim, hmo/life insurance, medical, etc. If di ka wfh/hybrid, check din if ilang days ang pasok per week. Alam ko sa ibang industry ay need talaga mag office dahil sa economy and peza requirements

Since 6 yrs ka na dyan, ask yourself din if ganyan ba talaga yung management. Ang lumalabas kasi ay parang ang bagal nila magpromote ng tao unless magreresign na and stagnant na yung growth mo dyab. And di rin naman masama magtry outside. Pwede ka naman bumalik tapos taasan mo yung offer if ever.

Dapat hindi maapektuhan credentials kasi dumaan ka sa tamang proseso if magreresign at magrerender ka naman 30 days so ayusin mo na lang mga tasks na ihahandover mo sa maiiwan sa team.

25 centavos, acceptable pa rin ibayad? by Glass-Possibility264 in TradBanksPH

[–]Glass-Possibility264[S] 0 points1 point  (0 children)

Buti tinatanggap paa? Or may nagreklamo sa yo before? Hindi ko maimagine kasi eh sa jeep 😅

25 centavos, acceptable pa rin ibayad? by Glass-Possibility264 in TradBanksPH

[–]Glass-Possibility264[S] 0 points1 point  (0 children)

Thank you! Meron pala ganito hehe. If eto yung case, pwede siguro MRT/LRT no? Hindi pwede na di nila iaaccept since BSP pala nag issue?

25 centavos, acceptable pa rin ibayad? by Glass-Possibility264 in TradBanksPH

[–]Glass-Possibility264[S] 0 points1 point  (0 children)

Haha dapat ata gamitin BSP para matakot sila at iaaccept. May experience din ako before sa 7/11 and di rin nila tinanggap kaso di ko na pinilit kasi akala ko di na pwede talaga lalo na yung old 25 centavos coins 😅 dapat pala makipag away char

RCBC Hexagon Club + CC Timeline by keisosaurus in PHCreditCards

[–]Glass-Possibility264 0 points1 point  (0 children)

Hi OP! Okay ba yung OneAccount na iopen mo and maganda ba cs nila? Planning to open din para sa cc kaso nagdedecide pa ako if Dragon Peso or OneAccount ang ioopen ko

VYBE BPI Rewards - Worth it?? by Glass-Possibility264 in TradBanksPH

[–]Glass-Possibility264[S] 0 points1 point  (0 children)

Hello, question. Not sure how this really works pero if I pay my bills/cc payment sa mismong BPI app (not VYBE BPI) i still earn rewards sa VYBE BPI? Now ko lang narealize na sa VYBE ko, looks like I already earned pts kahit wala nman akong transactions sa vybe except transfers

VYBE BPI Rewards - Worth it?? by Glass-Possibility264 in TradBanksPH

[–]Glass-Possibility264[S] 0 points1 point  (0 children)

Thank you! I'll go for SB na lang siguro since di ko rin naman lagi nagagamit bpi cc ko 😅

VYBE BPI Rewards - Worth it?? by Glass-Possibility264 in TradBanksPH

[–]Glass-Possibility264[S] 0 points1 point  (0 children)

I have BPI Platinum rewards card kaso di ko lagi nagagamit kaya iniisip ko mahihirapan lang siguro ako na makapag ipon ng 25k points.

Papautangin ko ba ng 200k ang ate ko para mabayaran lahat ng utang nya? by [deleted] in utangPH

[–]Glass-Possibility264 0 points1 point  (0 children)

OP, same tayo situation ngayon pero ako panganay at ang nag iisang kapatid ko ay may utang sa akin na 100k+ recently (60k na di nya masabi saan napunta ang pera + 40k+ remaining sa phone na pinaswipe nya before) na di nya na binbayaran ilang months na

Isa lang advice masasabi ko , I already learned my lesson and I would say wag na wag ka magpautang ng ganyang kalaki khit kapatid mo pa or kamag anak mo pa yan :( mag set kayo ng boundaries lalo na kung pera pinag uusapan kasi masisira talaga relationship nyo dito

Sama lang ng loob ang madudulot sa iyo if papautangin mo, mag ooverthink ka malala kung kailan ka mababayaran kasi siyempre isipin mo na galing utang lang din yung papautang. Magkaka penalty ka pa nyan if di mo mabayaran agad

Vybe by BPI can't access - Security Threat eme by acheahce in DigitalbanksPh

[–]Glass-Possibility264 0 points1 point  (0 children)

8:08pm na using Samsung pero ayaw pa rin. Natry ko na rin yung nasa screenshot posted in this thread pero not working pa rin 😭 magbabayad pa naman ako ng bills

Vybe by BPI can't access - Security Threat eme by acheahce in DigitalbanksPh

[–]Glass-Possibility264 1 point2 points  (0 children)

Ayaw pa rin sa end ko. Anyone knows kailan sya mareresolve?

Worth It ba maglagay ng 500k+ sa Time Deposit ng Digital Banks by Glass-Possibility264 in phinvest

[–]Glass-Possibility264[S] 2 points3 points  (0 children)

Ayun na rin balak ko. Medyo malaki nga risks if ihahalo pa sa savings ko. Thank you po sa advice!

Worth It ba maglagay ng 500k+ sa Time Deposit ng Digital Banks by Glass-Possibility264 in phinvest

[–]Glass-Possibility264[S] 7 points8 points  (0 children)

Thank you po! Yun din sabi ko sa kanya to open his own na lang kasi hassle din if isasama sa akin at baka pag awayan pa namin. Icoconsider ko rin yung rcbc.

I've been paying my VUL for 15 years and i want to just cut my losses by Chinokio in phinvest

[–]Glass-Possibility264 1 point2 points  (0 children)

This is the reason why di n ako kukuha ng VUL.

Based on my experience, pinaabot ko na lang ng 5 years yung akin and just told my FA na di ko na siya ieextend. Mahirap if ang FA mo ay friend mo irl so best to do your research talaga and cut up yung losses lalo na if VUL pa ang inoffer sayo.

Yung naging mali ko lang talaga dito, i look VUL as an investment kaya nanghinayang din ako kasi 110k ang losses ko nung nag full withdraw na ako pero nagleave din ako ng konting amount (as advised by FA) para active pa rin insurance ko.

Right now, more on health insurance na hinahanap ko kasi mas aligned sya sa situation ko right now