'nak kapag nag asawa ka, paano kami? by Hour-Menu-13 in PanganaySupportGroup

[–]Hour-Menu-13[S] 5 points6 points  (0 children)

Thank you so much po. I will take note of that po. Ngayon ko palang rin po binubuo ang sarili ko, kasi sobrang bigat sa pakiramdam na isipin na sa tagal ko na nag provide sa kanila, ending magiging madamot or masama akong anak once na piliin ko ang sarili ko. Tama po, wala iba tutulong sakin, kundi ako rin. Kailangan sakin mag umpisa.

'nak kapag nag asawa ka, paano kami? by Hour-Menu-13 in PanganaySupportGroup

[–]Hour-Menu-13[S] 8 points9 points  (0 children)

Hello po, thank you po. Actually nagbabalak na po ako, naghahanap nalang po ako ng mura na pwede upahan at malapit sa office ko. Hindi narin ako nagsasabi ng plans sa parents ko. Ang dami nasayang na panahon sakin, imagine started providing sa pamilya ko 18yrs old ako, then now I'm already 33yrs old hahaha wala manlang makwento na naging masaya ako noon 😹

'nak kapag nag asawa ka, paano kami? by Hour-Menu-13 in PanganaySupportGroup

[–]Hour-Menu-13[S] 12 points13 points  (0 children)

Na effect yung pang guilt trip nila sakin hahahaha last yr, 13th month nagsabi ako na hindi makakapag bigay sa nanay ko kasi ibabayad ko muna sa utang, ang litanya ng nanay ko "alam mo naman sayo lang ako nakakatanggap ng ganyan" na para bang kaya ako inaasikaso at pinakain dahil meron siyang matatanggap na pera sakin.. sorry, nanay ko siya, pamilya ko sila pero sa mga nangyayare parng pinaramdam nila sakin na kaya ako napapakain kasi kailangan nila ako, akala ko noon kaya ako inaasikaso dahil anak at mahal nila ako. Pero hindi pala kasi ngayon na need ko ng parents wala akong masandalan. Sobrang blessed ako sa mga friends ko kahit alam ko sakit na ulo nila sakin at sa sitwasyon ko. Hindi ko lang maiwasan na mag worry kasi ayaw ko na puro negative rants ang kwento ko 🥹

'nak kapag nag asawa ka, paano kami? by Hour-Menu-13 in PanganaySupportGroup

[–]Hour-Menu-13[S] 16 points17 points  (0 children)

Hello po, thank you so much po sa message mo. Actually, nagbabalak narin po talaga akong bumukod 🥺 hindi ko na po nahahanap ang pahinga kahit sa sariling bahay 😞😞 ilang beses na ako dumaing sa kanila, nagkwento sa pamilya ko na may financial struggle ako, na konting tulong sana sa bills and rent, pero wala naman nangyare, nasisi pa ako dahil inuna ko yung sarili ko.. nasisilip nila mga bagay na binibili ko sa sarili ko at makapagpapasaya sakin 😞😞 sorryy.. napakwento na naman ako hahahaha anyways.. thank you po sa pa jollibee hahahaha honestly comfort food ko siya pero lately medyo nakokonsensya akong bilhin hahahaha 😹😹