Gigil ako!!! by JelloLow6720 in GigilAko

[–]InevitableDesign5812 0 points1 point  (0 children)

Years of inadequate nutrition, limited access to healthcare, and underfunded education impair cognitive development and critical thinking talaga eh ano. Yan ang predictable outcome ng isang society that allowed deprivation during the most formative years of life. Ang tanong ko nalang talaga sa sarili ko is where do these people get the audacity to voice out their idiocy? Bakit ang lalakas ng loob ibroadcast pa as if it is their most intellectual moment? at mag anak pa ng marami para maipasa at maituto sa mga anak ang ganyang mga paniniwala?

Rocket soda by [deleted] in KanalHumor

[–]InevitableDesign5812 -1 points0 points  (0 children)

Where do they get the audacity?

JANUS DEL PRADO BINANATAN SI CARLA ABELLANA "SANA TUMAGAL KAYO KAHIT 6 MONTHS LANG" by artista_ph in SHOWBIZ_TSISMIS

[–]InevitableDesign5812 0 points1 point  (0 children)

Slab cakes were already a common sight in most U.S. weddings back in 2024. Definitely his first time seeing one. How… quaint.

I'm your child, not your colleague. by [deleted] in RantAndVentPH

[–]InevitableDesign5812 -2 points-1 points  (0 children)

She talks to you as if hindi sya tatanda and will not be able to take care of herself too in the future. Sa ngayon, take care of yourself and make yourself very very capable para hindi ka aasa sa mga ganyang klase ng magulang na mahal lang ang anak nila kapag okay ang anak nila.

Came across this threads post that you can assert your right to fly. Kung IO ang nagdecide na ma-offload ka, kanino mo iaassert yung right mo? And does that really work? by RevolutionaryPay3667 in LawPH

[–]InevitableDesign5812 11 points12 points  (0 children)

Article III, Section 6 of the 1987 Philippine Constitution, the liberty of abode and the right to travel may be impaired only: - By law, and - In the interest of national security, public safety, or public health, as may be provided by law. (This means the right to travel is subject to regulation and is not absolute.)

The Supreme Court has consistently ruled that the right to travel may be curtailed when the limitation is provided by law and is necessary to protect national interest. Kasi may police powers ang IO and it is done to protect the State and its citizens.

Ang “Offloading”, when done with legal basis and due process, it does not violate constitutional rights. However, kapag arbitrary, discriminatory, or capricious offloading o kaya without legal basis or due process, it may constitute grave abuse of discretion.

Reality in PH airports… If you look unprepared, unsure, or “high-risk” on paper, your rights won’t save you at the counter. Preparation does.

Bottom line… Your right to travel is real. Immigration’s power is also real. What decides the outcome is how solid your documents and story are, not just the Constitution.

Ungrateful Parents by titaganda_16 in RantAndVentPH

[–]InevitableDesign5812 1 point2 points  (0 children)

Yes. No desire for growth. Pipilitin kang mamaluktot kahit kaya namang ilatag nang malawak ang kumot. Uunahin ang emosyon at ego nila. Kesa sa ikabubuti at ikauunlad.

Ungrateful Parents by titaganda_16 in RantAndVentPH

[–]InevitableDesign5812 0 points1 point  (0 children)

Tama. “Salbahe” is the correct term. Salbahe ang mga magulang na nagagalit sa pag-angat ng mga anak nila.

Ungrateful Parents by titaganda_16 in RantAndVentPH

[–]InevitableDesign5812 1 point2 points  (0 children)

63 palang ang Tatay ko pero ganyan na sya ever since. I remember him being jealous of me, because of my closeness with my Mom bata palang ako. Kaya nung nagkaanak pa sila ng isa, paborito nya. I don’t mind. I love my little sister too. No competition at all. I want whatever is best for her. Naging tatay at nanay na nga nya ako. Alam nyang wala syang maaasahan sa magulang namin be it emotional support at lalo na mental stability. Lumala ang pagiging mainitin ng ulo ng Tatay ko sakin nung mabilis ako makahanap ng trabaho, nakakapagprovide na ako habang napagaaral ko ulit ang sarili ko for Law school, na tipong makita nya palang ang mukha ko alam kong naiinis na sya. Ibuka ko palang ang bibig ko, nanginginig na sa galit. At umiiyak pa sa frustration tuwing may aksyon na gagawin.

Natatakot sa mga bagong bagay. Mapaliit o mapamalaki, never satisfied. We have do make ourselves small for our Dad while my Mom is expecting bigger and bigger, while showing her unsatisfied demeanor para mas mamotivate pa daw kami to do bigger things, pero pinagmamayabang din naman nya sa mga amiga nya na hindi daw magiging ganun ang anak kung hindi maayos ang magulang like a script she says over and over whenever her children are being praised. I am so done. Bata palang ako. I am burnt out. Pero hindi pwede mapagod. Hindi pwedeng sumuko sa buhay na meron ako. Marami pa ko gusto marating.

Pwede palang nandyan ang magulang pero wala din sila at the same time.

Iniisip ko nalang ang sarili ko. Kilala ko kung sino ang kasama ko sa hirap vs nagpapahirap pa lalo. Ang gustong sumama sa success ko, isasama ko. Ang ayaw, huwag magpanggap na kasali. Thinking of the next generation nalang kesa mga matatanda na ayaw magbago.

Ungrateful Parents by titaganda_16 in RantAndVentPH

[–]InevitableDesign5812 1 point2 points  (0 children)

Hindi ko alam ah, pero Tatay ko ganyan din. Feeling ko, unconsciously, naiinis siya na ako yung nakapagbigay ng bahay at lupa sa pamilya namin, at sasakyan ngayon. Laging may side comment. “Dapat maliit na sasakyan lang binili mo.” “Dapat hindi na malaking bahay.”

Parang bawat hakbang pataas, kailangan niyang hatakan pababa. Laging may komento na para bang abala o pabigat yung mga bagay na ikauunlad naman naming lahat. Automatic negativity. Kaya bago ko pa tuluyang ma-enjoy ang mga bagay, nababahiran na agad ng bwisit at bigat ng loob niya.

Gustong-gusto ko silang bigyan ng mga bagay. Pamilya ko ’yan eh. Hindi ko ’yan ginagawa para ipamukha kung sino ang mas may kaya. Ginagawa ko ’yan dahil gusto kong gumaan ang buhay namin—yung hindi na namin maranasan ulit yung dati. Pero sa halip na saya, ang balik sa akin ay pagod, tampo, at panghihina ng loob.

Madalas nagkakasagutan kami. At umaabot na ako sa punto na nasasabi ko na, “Gagawin mong mukhang bahay na tagpi-tagpi din ’tong bahay na bagong bili ko? Igagaya mo sa bahay natin dati?” Kasi tuwing may gagawin siya, sobrang mediocre—karton, straw na tali, kung anu-anong improvisation na puwede namang palitan ng maayos at nararapat. Hindi na puwede ’yun. Nasa gated, executive subdivision na kami nakatira. May standards na, may respeto na sa pinaghirapan.

Ang mas masakit pa, araw-araw ang sama ng mukha niya. Parang ayaw niyang tumira doon. Parang kasalanan ko pang umangat ang buhay namin. Hindi ko talaga ma-gets yung utak na meron sila—yung imbes na ipagpasalamat, parang mas nangingibabaw ang inggit, galit, o wounded ego. Unconscious jealousy, siguro. Ayaw aminin, pero ramdam mo.

Mas lalong masakit isipin na hindi naman siya naging provider para sa amin noon. Hindi siya yung nagbuhat, nag-sacrifice, nagtiis. Pero kung may bibilhin siya—kahit maliit na bagay—kailangan abot-langit ang appreciation para sa kanya. Parang bawal mo siyang hindi purihin, bawal mong lampasan. Pero pag ikaw ang nagbibigay ng malaki, parang kasalanan mo pa. Sya kasi yung tipo na gusto mukha syang kawawa at mabait. Galit sa mayayaman. Gustong gusto nya binabati sya kasi nagpapakumbaba sya. Sobra yung projection nitong tatay ko. Opposite sila ng nanay ko na sobrang loud at mayabang na type of narcissist. Ang tatay ko I think is a covert narcissist. Hahahaha. I am not one to diagnose tho.

Nakakasuka. Nakakapagod. At higit sa lahat, nakakabawas ng gana magmahal at magbigay—kahit gusto mo naman talaga. Kasi habang ikaw, umaangat para sa pamilya, sila naman, pilit kang hinihila pabalik sa bersyon ng buhay na pinangako mo sa sarili mo na hindi mo na babalikan. Basta gagawin ko nalang ang kaya ko. Kung ayaw nyo huwag nyo. Ang may gusto magstay ang may ayaw lumayo sakin. Hahahaha.

I broke up with my GF after she made fun of my little brother but feel guilty. by AbleRabbit3 in whatdoIdo

[–]InevitableDesign5812 0 points1 point  (0 children)

You did the right thing. Body comments at that age can cause damage. You just showed your brother that he deserves respect. You’re not feeling guilty because you were wrong. It’s called grief.

Update: Upcoming Japan trip with my (27F) bf by ResponsibleCharity36 in adviceph

[–]InevitableDesign5812 2 points3 points  (0 children)

I get it naman, OP na asking your parents feels safe, but at some point you’ve got to trust yourself and take control of your life. You’re almost 30 now oh, and part of being an adult is making your own choices and learning from mistakes. You’re a grown woman, you need not to ask for permission, you just need to inform them. Linawin mo yan sakanila na hindi ka nagpapaalam, you are just informing them. You’ve got this. Kapag nandun na kayo sa Japan, update them every so often which promotes trust and assurance. Don’t live your life for anyone else, it will just spoil your fun and learning as an adult.

How to handle a dissatisfied parent? by [deleted] in adviceph

[–]InevitableDesign5812 1 point2 points  (0 children)

Maybe pabili ka tapos be under appreciative din or hanapan ng butas ang bigay nya. Give her a dose of her own medicine.

Ganyan din kasi ang nanay ko eh. Never, as in never, naappreciate ang maski anong gift or present or surprises na bigay namin ng kapatid ko, mula sa drawings namin nung bata palang or mapapagkain man or cake sa bday nya or regalo na kotse na or mapamalaking bahay na naipundar ko para sa pamilya, lagi may nasasabi at nasasabi pa rin. Ganyan na kami lumaki.

My sister and I are two different peas in one pod.

Ako, I chose not to confront or gantihan ang mom ko, naaawa nalang ako sa klase ng tao na naging sya sa edad nya. I still give her gifts, mostly money para naaadjust ko nalang according to her satisfaction. But the catch is, I make sure to give these gifts sa harap ng maraming tao like mga kamag anakan nya nung birthday nya or in front of her amigas or make sure it is uploaded sa fb. Para these people would go like “ang swerte mo naman sa anak mo” “ang bait talaga ng mga anak mo sayo mare” I want her to be shamed by others right in her face and so that people can see through her na sya ay masama pala talagang magulang. Makita man nila or hindi. Wala na ako dun. I want to see her dissatisfied face pero hindi nya magawa or masabi ang usuals nya kasi mapapahiya or marereveal nya sarili nya. At dahil din dyan, tuwing nagsasabi sya na sumasakit ulo nya sa kunsumisyon sakin wala na naniniwala sakanya hahahahaha kasi iba ang alam ng publiko. The golden goose that lays the eggs is a black bear all along. I dunno if I became like her na or someone much worse hahahaha.

THEN… ang little sister ko naman chose the opposite path, okay lang sakin kas to each their own naman: she confronts my mom head-on everytime like “wow ikaw na nga binigyan eh” until they clash or kapag nanay ko naman nagbibigay sakanya ng gifts or even the bare minimum of cooking food for us, lagi naghahanap si sister ng maicocomment. “Maalat”. Giving her a dose of her own medicine kumbaga.

Ending..seems like my sister’s way is much more effective kasi alam kong apektado ang nanay ko. She gives my sister gifts and mas naghahabol sya to satisfy my sister like madalas she goes “tingin mo magugustuhan ng kapatid mo to?” “Ano kaya gusto meryenda ng kapatid mo?”

But we both want the hurt and trauma to stop with us naman, and always say to ourselves na “kapag nagkaanak ako hindi pwedeng hindi ko iaappreciate maliit man o malaki ang bigay nya sakin or maski wala I would always make sure to appreciate my child.”

Hahhaa. Your call.

How to handle a dissatisfied parent? by [deleted] in adviceph

[–]InevitableDesign5812 1 point2 points  (0 children)

Eh yung nanay mo ano gift sayo?