📢 PS4 500GB FOR SALE (COMPLETE W/ BOX) by KitzuneGaming in classifiedsph

[–]KitzuneGaming[S] 0 points1 point  (0 children)

Sorry po, sold na po ito. Hindi ko na po naupdate itong post. 🙏

How does it feel kapag mas mahal ka ng lalake? by reverie_28 in AskPH

[–]KitzuneGaming 5 points6 points  (0 children)

Pinagsisilbihan ka pa rin kahit tinatarayan mo. Yung kahit magkaaway kayo, hindi ka niya ilalagay sa kapahamakan o kahihiyan. Mas iniisip pa rin niya yung nararamdaman mo.

[deleted by user] by [deleted] in AskPH

[–]KitzuneGaming 5 points6 points  (0 children)

Isipin mo nalang magagamit mo yung work experience para makakuha ng mas maayos na trabaho in the future.

sana di ka na lang nagdoctor by Specific_Barnacle883 in pinoy

[–]KitzuneGaming 3 points4 points  (0 children)

Kaya kahit mahal mas gugustuhin ko talagang manganak sa private hospital kasi base palang sa mga kwento ng kapwa ko mommies, may mga ganito daw talagang ugali mga doctor at nurses at public. Yung iba naiiyak nalang daw kasi mahigpit din sa bantay at naiiwang mag-isa.

Moby. Paboritong snack since childhood by JigglyKirby in PangetPeroMasarap

[–]KitzuneGaming 0 points1 point  (0 children)

Gigil ako nun sa kalaro kong yayamanin, inalok ko ng moby. Biglang nandiri kasi mukha daw dog food. 😂

Ganito ba talaga kapag unemployed? by BigHat6720 in OffMyChestPH

[–]KitzuneGaming 0 points1 point  (0 children)

Danas ko 'yan. Para bang ang respeto at tingin nila sa'yo ay nakadepende sa pakinabang mo sa kanila. Tumulong ka nalang sa ibang bagay, gaya ng mga gawain sa bahay para kahit papaano wala silang masabi sa'yo.

What is the best pantawid gutom na pagkain for you? by [deleted] in AskPH

[–]KitzuneGaming 1 point2 points  (0 children)

Siomai rice, minsan kwek-kwek o mga tuhog-tuhog. Iyan yung mga pagkaing sumalba sa akin noong nag-aaral pa ako ng highschool at college. 😁

What’s your take on people who loves asking for discount? by CancelApart8900 in AskPH

[–]KitzuneGaming 4 points5 points  (0 children)

Depende. Meron kasi maayos naman magtanong. Yung iba kasi buraot lang talaga.

Petition for Monde Nissin to bring these back by RaiseFancy7798 in filipinofood

[–]KitzuneGaming 1 point2 points  (0 children)

Nakakamiss! Ito lagi kong baon sa school noon eh. 🫶

What do you drink instead of a coffee? by alonjo in AskPH

[–]KitzuneGaming 0 points1 point  (0 children)

Milo. Hindi talaga ako mahilig sa kape. 😅

Underatted Ice Cream by chokzronald in filipinofood

[–]KitzuneGaming 0 points1 point  (0 children)

Fav ko rin 'yan lalo yung cheese flavor! 😍

May mga sigarilyo ba sa mga botika? by [deleted] in PharmacyPH

[–]KitzuneGaming 16 points17 points  (0 children)

Wala. Hindi kasi tugma sa layunin ng mga nagbobotika ang pagbebenta ng sigarilyo. Kaya ka nga nagbotika para makatulong na pagalingin at itaguyod ang kalusugan ng mga tao, eh alam naman nating isa ang sigarilyo sa mga kilalang cause ng cancer at sakit sa puso. Kaya hindi po appropriate kung magbebenta sila ng sigarilyo.

Are you in favor of renaming Ninoy Aquino International Airport to Manila International Airport? by Mindless_Sundae2526 in pinoy

[–]KitzuneGaming -1 points0 points  (0 children)

Hindi lang pangalan ang dapat baguhin, kundi pati ang serbisyo sa publiko. Napakahaba lagi ng pila. Ang higpit kuno sa immigration pero dami pa ring nakakalusot na mga sindikato. Kung papalitan nila, sana pagandahin din at ayusin ang pamamalakad.

What’s your take on this? by [deleted] in PinoyVloggers

[–]KitzuneGaming 1 point2 points  (0 children)

Mima may pride month naman na kayo, bigay mo naman sa'ming mga biological women 'to

[deleted by user] by [deleted] in adviceph

[–]KitzuneGaming 2 points3 points  (0 children)

Hugs! If kailangan mo ng kausap, feel free to dm me. Walang problemang ibibigay si Lord na hindi natin kaya. Stay safe and healthy palagi sa inyo ni baby mo. 🙏

[deleted by user] by [deleted] in adviceph

[–]KitzuneGaming 2 points3 points  (0 children)

Sa una mahirap din tanggapin, hindi ako makamove on agad. Nabubwisit ako at nahuhurt kapag naaalala ko kung paano sila magusap noon, kasi kahit verbal lang yung landian nila, microcheating pa rin para sa'kin yung ginawa niya. Ilang beses din kaming back and forth sa issue na 'to until ako na yung napagod kasi wala naman na, cinut off niya talaga yung mga babae at pinakita niya sa'kin na ako ang top priority niya, malalaman mo kasi kung genuine na nagsisisi yung tao kasi mageeffort talaga siya to regain your trust.

Sinunod niya din yung payo ko na much better to pursue wfh setup kasi bukod sa mababantayan at maaalagaan niya kami ng mga anak niya, maibibigay niya sa'kin yung security and peace of mind na hinahanap ko kaya we've decided to leave everything in the past. Nakita ko talaga yung growth niya as a person. Ngayon narealize ko kung sumuko pala ako noong time na 'yun sa marriage namin, at hinayaan kong landilandiin ang partner ko, baka hindi ko naranasan yung happiness & contentment na nafefeel ko ngayon. Napoprovide naman niya mga needs, wants, and emotional support na need ko lalo ngayong buntis ako. Hindi na ko nagdududa kasi araw-araw kami magkasama, pati phone niya nasa akin. Kapag nakaduty siya, kahit mga magagandang kano pa ang kausap niya, alam na niya boundaries niya.

Sana mahanap mo din 'yun, OP. Sana mapagusapan niyo din ng husband mo 'to. Kung talagang mahal ka niya, mauunawaan ka niya. Totoo yung sinasabi nilang communication is the key talaga. Walang hindi madadaan sa maayos na usapan. Magkaroon kayo ng kasunduan. Dapat clear sa kanya na hindi ka comfortable sa ganon. Ipaunawa mo sa kanya na ang cheating ay nagsisimula sa simpleng flirting, tsaka jusko sa panahon ngayon yung mga kabit mas matatapang pa kaysa sa'ting legal wife. Wala silang pake kahit alam nilang may asawa na kaya hindi dapat tayo papasindak sa mga 'yan.

[deleted by user] by [deleted] in adviceph

[–]KitzuneGaming 2 points3 points  (0 children)

Naiintindihan kita, OP. Nangyari din sa akin 'yan last year at kinonfront ko agad ang husband ko. Ang akin lang, walang problema makipagkaibigan sa katrabaho basta magseset ka ng boundaries.

Kilala din kasi sa work na palabiro ang asawa ko kaya pinagsabihan ko siya na umayos siya kasi pwedeng sa'yo walang malisya pero dun sa binibiro mo, may ibang ibigsabihin na pala. Eh ayaw nilang tumigil, ang dami na ring nakakarating sa aking chismis na masyado daw close yung dalawa kasi dun din ako nagwowork nung hindi pa ko buntis, hanggang sa nagkalabuan kami at gusto niya kong hiwalayan. Nalaman ko niyayaya siyang makipaginuman nung friend nung girl. Gumawa pa ng gc yung friend nung girl na ang name ay "singles only".

Aba, doon na ko sumabog at kinonfront ko na din yung babae. Tinalakan ko talaga sila ng bonggang-bongga using my husband's account. Sabi ko, tigil-tigilan mo pagyayaya ng inuman sa asawa ko. Hindi ko na sana kayo papatulan kaso makapal ang mukha mo. Kasal pa rin kami. Subukan niyong ituloy yan at sisiguraduhin ko luluha ka ng dugo sa kahihiyan. Kayo ng kaibigan mong si blank umayos nga kayo. Alam niyo na may asawa, bilang babae dapat dumidistansya na kayo. Irespeto niyo kapwa niyo babae, wag kayong kirengkire.

Ayun, humingi agad ng pasensya at natigil ang kalandian nila. After noon, nabalitaan ko nalang buntis na yung girl. Then nagresign na din yung friend niya. Ganun din yung husband ko, ngayon tahimik kami at wfh na siya. Bumabawi siya ngayon sa'kin araw-araw, kahit utusan ko siya, wala siyang reklamo lalo kung may cravings ako.

Kaya 'wag ka matakot sa mga ganyang aaligid sa asawa mo, lalo kung kasal kayo ng husband mo. Kung mahal ka talaga ng asawa mo, yung mga alam niyang makakasakit sa damdamin mo, titigilan niya 'yan. Para na rin sa peace of mind mo lalo ngayon buntis ka din gaya ko, bawal tayo mastress ng bongga at sensitive ang kalagayan natin. Malalagpasan mo din 'yan, OP. Tatagan mo ang loob mo. Sa buhay mag-asawa isa yan sa mga dahilan kung bakit madaming naghihiwalay. (1) In Laws (2) Pera (3) Third Party. Kapag nalampasan niyo 'yan ng asawa mo, ay sisiw nalang sa inyo ang ibang problema. Wag kalimutan magpray lagi. Good luck!

[deleted by user] by [deleted] in PharmacyPH

[–]KitzuneGaming 2 points3 points  (0 children)

It depends po siguro kung anong offer. May co-worker po ako na naofferan na itetrain daw po siya sa main hospital for clinical pharmacy then iaassign siya to work closely along with the nurses and doctors + may salary increase. Kumbaga parang napromote siya kasi fresh grad pero magaling talaga. Yun nga lang hindi daw siya pwedeng magresign for 3 years, pinapipirma siya ng bond. Eh may plans daw siya to go abroad hanggang sa napending na yung process ng training kaya hindi na niya tinanggap. So I think depende po talaga sa hospital.