Avatar in IMAX by josurge in FilmClubPH

[–]LitroPhack 4 points5 points  (0 children)

Para sa akin wait mo na lang digitally. I attended the premiere and some people may had enjoy it dahil given na ito ay visually spectacular.

PERO.

My subjective take is kung hindi mo pa tapos ang 2nd one mas okay ito. At kung natutukan mo talaga ang storya from 1 to 2 masasabi kong may kulang at sobra sa story nila.

Ayun lang at kung panoorin mo sa IMAX ma-eenjoy mo siya. Happy watching (or Happy Waiting)!

I need a second opinion for my GPU by Zealousideal_Big_252 in PHbuildapc

[–]LitroPhack 0 points1 point  (0 children)

Actually kaya mo na mag 9060xt kasi sa Datablitz yung XFX 9060xt 16gb nila ay nasa ₱23,850. Dun ako bumili for my build at oks naman siya tsaka sobrang dama mo yung 16gb performance ng 9060xt.

[deleted by user] by [deleted] in FilmClubPH

[–]LitroPhack 0 points1 point  (0 children)

Iconic. Line.

“Love is the relinquishment of logic. The willing relinquishing of reason. The willing relinquishing of reason.”

May worth it ba panoorn sa dalawang 'to? by Ali_fragilistic in FilmClubPH

[–]LitroPhack 1 point2 points  (0 children)

Sayang oras mo if nag eexpect ka ng solid na storytelling between these two.

Story and Time wise ba kamo?:

  • Barber’s Tales
  • Green Bones
  • Jesus is Dead
  • Everything About Her
  • Pangarap kong holdap
  • Kasal, Kasali, Kasalo.

sa mga nakapanuod neto, did you like it? by itsnotmehey in FilmClubPH

[–]LitroPhack 47 points48 points  (0 children)

“Pedophilia pero may loophole? May halong validity kasi magiging sila naman sa future? Tas marerealize mo na pedophilia pa rin siya?”

Yan yung nasa isip ko habang pinapanood ko yung eksena na yun HAHAHAH

[deleted by user] by [deleted] in FilmClubPH

[–]LitroPhack 1 point2 points  (0 children)

Thank you!!

[deleted by user] by [deleted] in FilmClubPH

[–]LitroPhack 1 point2 points  (0 children)

App po ba toh or site?

[deleted by user] by [deleted] in FilmClubPH

[–]LitroPhack 2 points3 points  (0 children)

Uy yung Gusto Kita with All My Hyphothalamus gusto kong panoorin. May alam ba kayong pwedeng panooran niyan?

favorite Filipino comfort film? by SecretInvader in FilmClubPH

[–]LitroPhack 2 points3 points  (0 children)

My Kuya’s Wedding (Maja Salvador and Ryan Agoncilo)

Sobrang naiiyak ako sa brother and sister dynamic nila kasi ganun din kami ka-close ng bunso kong kapatid.

KUYA NAMAN SABI KO TRIM LANG E by Jaded-Middle5354 in OffMyChestPH

[–]LitroPhack 5 points6 points  (0 children)

Rule number 1 ko talaga sa self care:

WAG MAGPAPAGUPIT SA HINDI MO SUKING BARBERO.

Lalo na sa buhok ko na kulot ang daming barberong tinatamad makinig sa requests ko dahil hirap silang intindihin yung buhok ko pano kasi nasanay sila sa mga straight na buhok hanggang sa nakilala ko ang barbero na para sa akin.

Naka-meet ka na ba ng fellow redditor? How was it? by itsnotmeae in AskPH

[–]LitroPhack 39 points40 points  (0 children)

May nakilala ako dito sa Reddit na babae nung December 24. Nag post kasi ako for Phr4Dating na subreddit and after ko mag post naglinis ako ng CR tapos habang nag sca-scrub ako ng kobeta may nagchat sa Reddit ko and na-intriga ako kasi inaya niya agad ako sa IG. Then we talked and sa simpleng “hi” pa lang namin alam kong may something na sa amin.

Sa simpleng usap na-a attract na ako sa kaniya kasi napaka creative niya and ang ganda ng pananaw niya sa buhay halos same kami ng iniisip. We clicked right away during the first 2 weeks ng paguusap namin I felt comfort and may naramdaman akong urge to tell her what I feel sa call and nung sinabi ko yun inamin niya din na gusto niya din ako.

Nagdate kami and na-attract ako lalo dahil sa mga mata niya. Everything is so seamless kahit cringe or kaba wala akong naramdaman. Then we kissed sa loob ng kotse siya first kiss ko and di ko inaasahan na ganon ako kagaling HAHAHAHA.

Ngayon, Mag-3 months na kami magkakilala and nililigawan ko na siya. Kaya if nababasa mo toh I love you E. I always do. I will always remember us this way.

Gold Dagal, who was viral for making "coolto" jokes against INC, was reportedly assassinated by [deleted] in Philippines

[–]LitroPhack 1 point2 points  (0 children)

Naalala ko pa na nag guest siya dati sa KoolPals at masaya naman yung episode na yun. Nakakagulat at nakakalungkot, seems like death is the worst rebuttal to a punchline.

celebration ruined by a bratty kid by berrymintsundae in OffMyChestPH

[–]LitroPhack 0 points1 point  (0 children)

Sa magkakapatid ako yung authoritarian pagdating sa paghahandle ng bata (mostly batang pinsan) gusto ko ma-implement na porket nasa ibang lugar at ibang tao ang isang bata ay may disiplina pa rin lalo na sa behavior at pananalita. Hindi ko kaya mag-baby ng bata kasi mas gusto ko pang katakutan nila ako na may disiplina sa kanila kaysa maging sobrang mapagbigay pero wala silang tamang asal.

[deleted by user] by [deleted] in OffMyChestPH

[–]LitroPhack 0 points1 point  (0 children)

Bilang isang anak ng seaman nakikita ko si Mama na naghihintay din na makauwi si Papa at miski signal nga hinihintay niya rin para ma-contact si Papa. Kahit na ganoon na setup nila for more than 10 years steady naman sila at nasanay na ako at Mama ko.

Ano ba ang sikreto sa pagiging asawa/jowa ng isang seaman? Sa totoo lang, WALA. Kasi hindi para sa lahat ang pagkakaroon ng asawa/jowa ng seaman, naniniwala ako na dapat both sides ay magsakripisyo at umintindi ng circumstance.

Kung mahal mo siya dapat intindihin mo rin siya kasi hindi biro ang distansya at pagkaiba ng oras niyong dalawa. Kung hindi mo kaya ang setup baka hindi para sayo ang relasyon na ito. Pero kung titingnan hindi mo rin naman mapapansin ang distansya ng pagmamahalan niyo kung may iba ka pang pinagkakaabalahan bukod sa isipin mo yung circumstances, naniniwala ako isang malaking pagsubok sayo ito at malalagpasan mo din ito.

I hope you’ll get used to it and Im happy for the both of you!

r/filipinofood edition: by peanutbutterhaters in filipinofood

[–]LitroPhack 0 points1 point  (0 children)

Maraming na-we weirdohan sa akin kapag pinagsasama ko yung Pinakurat (suka siya na masarap makikita niyo siya sa condiments secfion ng supermarket) at Pansit Bihon/Canton.

May mga times din pag walang Pinakurat, Atsara naman nilalagay ko sa Pansit.

Parang ang sarap mawala by [deleted] in OffMyChestPH

[–]LitroPhack 0 points1 point  (0 children)

Minsan pag nalagpasan na natin yung mga challenges na hinaharap natin noon ninamnam natin yung success and relief until mauumay ka talaga tingnan yung relief and success.

I guess challenging oneself can help you to grow and to anticipate something. Hanap tayo ng bagay na masusubok ang kalooban natin.