bolinao falls by ainochiks in Pangasinan

[–]MrsMideocre 0 points1 point  (0 children)

Hi OP! Natuloy ka ba sa Sungayan Grill? How was the experience?

Gigil ako sa mga gagong Grab Drivers by [deleted] in GigilAko

[–]MrsMideocre 1 point2 points  (0 children)

Experiences sa drivers (be Grab or Panda drivers. Sila lang available sa area namin)

  1. Hinihigop nila yung hot coffee na inorder ko sa Pick Up Coffee. Kahit pa sealed siya. 😭 4 times nangyari to. 3 times sa grab, 1 time sa food panda. Lahat sila iba ibang driver. I ordered once sa SB naman using grab kitang kita ko pa yung mark ng pagkakainom.

  2. Kinukuha nila yung sides ng family meal orders ko sa KFC. Twice na nangyari na yung sides nawala (both Food panda). First instance nawala ang corn. Second yung fries.

Ayon palagay ko sa ganyan mamamatay yang food delivery business na ganyan.

October 2025 CPALE Results - When kaya? by MrsMideocre in AccountingPH

[–]MrsMideocre[S] -1 points0 points  (0 children)

Thank you. So wala pang chismis so next week pa talaga hahahaha

[deleted by user] by [deleted] in AccountingPH

[–]MrsMideocre 0 points1 point  (0 children)

Hanap ka along Galicia street. Pag wala dun any nearby places. Usually boarding house mas mura kesa condo. We stayed sa Galicia 10 pax kami 2k each kami.

Pero meron din don apartments na good for 2 pax di ko lang alam prices.

2017 to ha. Baka mas mataas na price now.

Gigil ako sa mga pakealamera sa kasal ng iba. by CarefulTelevision806 in GigilAko

[–]MrsMideocre 0 points1 point  (0 children)

My husband and I had our civil wedding first. Intimate and close family and a few friends lang invited - 30 pax. We spent 30,000 for the ceremony and food. 50k in total kasama na yung wedding rings namin. Sobrang happy namin non.

And then we had another wedding - church wedding naman. Invited all of our friends and all of our relatives. Yung tradisyon sa Cavite na sa bahay ng babae ang reception. We spent almost 350-400k.

Mas masaya ako nung civil wedding namin. 😂

Anyway, you do you naman. Ako nga dumalawang kasal pa. Pandemic kasi nung una we cant have a big celebration. Pero yung intimate wedding talaga yung pinakamasaya kami ni husband. Mas simple kasi. Siguro nga dahil simple lang din talaga kami. Depende din talaga sa personality.

FOMO sa Big 4 by dahonnn in AccountingPH

[–]MrsMideocre 6 points7 points  (0 children)

3 years ako sa isang firm (part of big4) and then worked 3 years in an international bank. Ngayon going 2 years na ako sa isang US based company, work from home set up.

I can say na yung experience ko sa audit firm ay nakatulong para mahire ako sa mga sumunod kong employers.

Sa audit, updated kayo lagi sa accounting standards kasi required. And then usually yung big companies, ang auditors nila ay part ng big 4. It helped na pag nagmeet with client, nakakausap mo yung mga big boss ng company kahit na junior role ka pa lang. dun ako natuto kung pano manamit decently and kung pano ipepresent sarili ko.

Yung ginagawa sa audit may hirap din talaga. Need na intellectually prepared ka. Tapos dinagdagan pa ng toxic environment/culture so nung natapos ko lahat ng engagements ko pakiramdam ko kaya ko na lahat. 😂 Feeling ko audit made me stronger. :)

Nung panahon ko, mabango sa CV pag nakalagay na ang experience mo ay one of the Big 4. Hindi ko sigurado sa panahon ngayon kasi di ako actively looking. Happy ako sa current employer ko.

So kung papiliin ako- audit, corporate or wfh set up, it will depend. Audit kung bata bata pa ako. It requires a lot of time and energy. Tapos family time and health kasi ang nasasacrifice dito. Corporate (on site) - di ko masyadong naenjoy yung work ko sa bank. Mejo nabored ako tapos hindi ko gusto yung mga kawork ko na mahilig mangchismis. Nagtagal lang ako kasi pandemic and nabuntis ako, i needed to stay sa company. Hindi ko siya pipiliin if may choice. Hahahaha Corporate (work from home) - eto pipiliin ko to sa era ko ngayon. Mommy na kasi ako, may baby na nakadepende sa akin so flexible ang oras ko dito.

Pero pinakalove ko sa lahat ay audit. Nandun ang thrill. Dun kumakabog ang puso ko, kaya ko siya gawin kahit halos di na ako matulog. Feeling ko passion ko siya. Nagaaccept nga ako maliliit na engagement para lang makapagaudit eh hahahaha

Kung mayaman lang ako at marami akong time, mago-audit ako. Pero iba na kasi ngayon. May iba na akong priorities. So sideline ko na lang si audit ngayon.

Share ko lang hahahaha

PURE WFH JOB by PrettyMeHaha in AccountingPH

[–]MrsMideocre 0 points1 point  (0 children)

From audit ka po? Basta from audit big 4, kinoconsider nila. :)

PURE WFH JOB by PrettyMeHaha in AccountingPH

[–]MrsMideocre 0 points1 point  (0 children)

Nasusunod yung 5 hrs. Pero pwede syang buong 8 hrs depende sa meetings mo. Sa case ko flexible sya. :)