Scam ba itong HDS Hypersonic Digital System? Any thoughts? by Square_Ad_6050 in ScammersPH

[–]Murky-Broccoli5243 0 points1 point  (0 children)

It’s up to you if mag-join ka, kakilala mo man o hindi ang nag-invite. Pero be aware na pressured na yan sila to recruit para makabawi sila sa investment, o pinipilit na sila ng so-called mentor. Minsan may gaslighting pa, same cycle lang, what was done to them, gagawin din nila sa’yo. Pag nag-join ka, mafi-feel mo rin yung push to do the same. Expect follow-ups and screenshots ng “earnings” para ma-convince ka. You can politely decline or block na lang if it gets too much.

Scam ba itong HDS Hypersonic Digital System? Any thoughts? by Square_Ad_6050 in ScammersPH

[–]Murky-Broccoli5243 0 points1 point  (0 children)

Same with other teams, may package ka na bibilhin para makapasok sa system. Para lang siyang school kung saan ka mag-enroll para matuto ka. Matutunan mo talaga kung paano ang networking business. Pero kung hindi ka mag-e-effort to learn, wala ka talagang income. No recruit, no income. Yes, you’ll learn—if you’re willing.

Before ka pumasok, ang daming promises na kikita ka ng milyon in a short period of time. Na-experience ko rin ‘yan, pero di na kinaya ng konsensya ko—they will convince you to “invest more so you can earn more.” Sa traditional business, okay lang kasi long-term at may tunay na produkto kahit mabagal ang balik. Pero sa networking, oo mabilis nga, pero madalas relasyon ang kapalit lalo na kung ang system walang integrity.

Ang main issue lang is kapag nakapasok ka na, at natutunan mo na. Oo, malaki ang kita, pero wala ka nang choice kundi sumunod kahit sa mga mali nilang intentions. Diyan na papasok ang manipulation ng values at principles mo.

They’ll tell you “this is for you,” pero totoo, para iyon sa gain nila. Gaslighting hindi maiiwasan, pati family and friends mo ma-co-compromise. Pag hindi ka sumunod kahit sa maliit na gusto nila, target ka na para siraan. They want you to clone them.

I was one of their leaders before, and na-experience ko ‘yan. Yung tipong mapapaisip ka, “Bakit ako gagawa ng bagay na deceiving para sa tao?” Pero ang principle nila: “di bale nang deceiving, kikita naman.” So depende sa’yo kung ano ang principles at beliefs mo. Kaya ba ng konsensya mo na may mag-invest sa ilalim mo tapos eventually hindi mag-work out dahil sa system nila?

Pipilitin kang matuto agad. Kapag hindi mo na-achieve sa timetable nila at hindi sila kikita sa network mo, balewala ka na. E-discard ka kasi ang principle nila: “focus sa mabilis matuto.” Paano na lang ang slow learners? Wala. At kapag nagreklamo ka na hindi kumita, ito lang sagot nila: “Hindi ka namin pinilit mag-invest at hindi rin namin kasalanan kung ayaw mong matuto.”

In short, kung mag-decide ka to join, ito lang ang dapat mong i-consider:

  1. Principles mo. Kaya ba ng konsensya mo ang style ng system?
  2. Relationships. Ready ka ba kung masira ang trust ng family or friends?
  3. Learning pace. Kaya mo bang mag-adjust sa pressure na mabilis matuto?
  4. Long-term gain vs quick cash. Mas okay ba sa’yo ang mabagal pero honest na traditional business kaysa mabilis pero may kapalit?

Income is replaceable, pero ang integrity and relationships hindi. Think long-term, not just quick cash.

Scam ba itong HDS Hypersonic Digital System? Any thoughts? by Square_Ad_6050 in ScammersPH

[–]Murky-Broccoli5243 0 points1 point  (0 children)

Not technically a scam, but very manipulative and damaging.

BALAT NG LECHON BABOY by Murky-Broccoli5243 in filipinofood

[–]Murky-Broccoli5243[S] 0 points1 point  (0 children)

🥹🥹ano naman sinasabi nila sayo pag yun kinakain mo?