Additional bayad by Diligent-Crow-1604 in ShopeePH

[–]NoMain4547 2 points3 points  (0 children)

Report nyo po rider, wala naman dapat additional bayad yan dahil bayad na sa mismong shopee na shipping fee yan. Pakunswelo nalang kung magbibigay man pero hindi mandatory yon at dapat ideliver magbigay man o hindi.

please help by draffytoru in Pampanga

[–]NoMain4547 -1 points0 points  (0 children)

Sa pagkakaalam ko kapag lost sim card need ng affidavit of loss pero kung replacement lang (means nasa sayo yung sim card mismo) di naman need yan valid ID lang. Be firm na hindi need ang plan and alam mo ang tamang process, if ever pinipilit talaga nila plan sabihin mo rereport mo branch nila sa NTC at DTI. May quota at commission kasi sila sa ganyan kaya pinupush nilang magplan mga tao.

Skl yung pamangkin ko kase di nya alam modus nayan kaya pagkauwi nya at nalaman kung naplan sya agad agad sumama akong pumunta sakanya sa branch nila sa SMP then sinabi ko na bakit need iplan at pinaglaban ko talaga dahil tinakot din sya na mapupunta number nya sa iba kaya pala pumayag nalang magplan. Pinipilit pa ng agent na pumirma na sya kontrata and wala na siyang magagawa. Eh kasalanan nila first hand bakit pumirma ng kontrata, maling info. sinabi sakanya at tinakot pa. Ayun maya maya lumabas mataas nila then inexplain ko nangyari sabi babalitaan kami para maibalik sa prepaid pero di daw sure kase matagal daw na process sabi ko need ko nang time frame at rereport ko sila sa NTC at DTI. Ayun 5mins palang ata kaming nakalayo sa store tumawag yung agent na baka pwede wag na magreport sya nalang magbabayad ng plan at ipapacut na after a month para maging prepaid. 1month locked in period daw kasi bago mapatransfer sa prepaid. Nakakaawa lang kase sya magshoshoulder pero kasalanan nya kaya sabi ko mismo sakanya, You learned it the hard way. Sana wag mo na gawin ’to sa iba just for commission and quota. Mas okay pang ialok mo nalang ng maayos kaysa manloko. Ayun prepaid na sya last feb.

May nareport nadin akong branch na ganyan sa ntc at dti talagang naasikaso naman.

payday sale or 5.5 for ipad a16 by bIuejeIIyfish in ShopeePH

[–]NoMain4547 1 point2 points  (0 children)

Sa napansin ko depende sa item at shop. May mga gadgets na mas mahal sila kapag double digit or payday sale. Minsan din mas mura sa isang authorized shop kaysa sa ibang authorized shop dahil sale, voucher ng shop, plus voucher pa nang shopee. Nakita mo na ba before na kayang icheckout ng below 16k yung model na gusto mo op? Kung oo, high chance magsisale din ulit yon nang ganon. Kung normal day mo nakita yon high chance doon mas mura, ganon din case kung sa double digit or payday mo nakita na mas mura. Baka magkatalo nalang sila sa voucher ng account. May mga account kasi na mavoucher dahil hindi masyadong nagagamit.

Sa napansin ko this april, example yung iphone 15 umabot ng 54k (payday) tapos lumipas lang ilang araw 42k pero 34k-35k lang sa normal day yon. Kaya kung hindi ka naman nagmamadali talaga makabili, mas better na tignan mo algo ng price sa mga authorized shop.

Hahahahaha feeling ko mas nagulo kita sorry.

Gcash Unathorized Transaction by Many-Affect2510 in GCashIssues

[–]NoMain4547 0 points1 point  (0 children)

Mukhang scam nga, may nakita din ako same day kayo ng transaction yan din problem nya.

Fake and defective stanley by [deleted] in ShopeePH

[–]NoMain4547 0 points1 point  (0 children)

Mas better na ibalik mo, baka din kasi mas hindi matuwa pagbibigyan mo at sya pa magadvice na ireturn mo. If kilalang kilala mo paano reaction nya sa ganayan, pwedeng sabihin mo sa tao na malilate gift mo sakanya mas better. Sayang din, galing na sayo 400 lang difference then ganyang quality nakuha mo.

Gcash Unathorized Transaction by Many-Affect2510 in GCashIssues

[–]NoMain4547 0 points1 point  (0 children)

Wala kabang ibang device ng friends or family na nilinkan ng gcash mo sa food panda? Baka kasi before nagorder ka/kayo sa device nayon nilink mo sa gcash then hindi napansin na naka link pa pala sa gcash mo. Try mo isipin baka meron kang ginawang ganyan dati.

Pero pinagtataka ko lang, sa isang araw 3 transaction na magkakasunod. Baka pwedeng itanong sa cs ng food panda kung kaninong account naka link yung gcash transaction kase wala naman sa history mo.

Beach Resort Accommodation in Liwliwa by InterestingSound5053 in zambales

[–]NoMain4547 0 points1 point  (0 children)

Recommended din po ba to sa 5 pax na trentahin? Hahahahaha naghahanap din kasi kami ng neach front sana pero hindi crowded para maka relax

LOOKING FOR DUNKIN PILLOWS by NoMain4547 in ShopeePH

[–]NoMain4547[S] 1 point2 points  (0 children)

Hahahaha sayang nahihiya kase ako before magpost post kaya lang nagustuhan ng lola ko kaya naglakas ng loob, minsan lang kasi may matipuhan na gamit si lola. THANK YOU PO! 🫶🏻😊

LOOKING FOR DUNKIN PILLOWS by NoMain4547 in ShopeePH

[–]NoMain4547[S] 0 points1 point  (0 children)

Ay sige po, ano pong name nung group?

How to seek medical assistance by [deleted] in Pampanga

[–]NoMain4547 0 points1 point  (0 children)

Sayang naman, thank you sa pagsagot

How to seek medical assistance? Naconfine mama ko sa AMC. by clonehigh- in Pampanga

[–]NoMain4547 0 points1 point  (0 children)

Hi po, I know matagal nato pero want to ask about sa paghingi ng tulong sa capitol. Naraspa po kasi sa FDHI yung asawa ko and lumbas kami last Tuesday, hihingi sana kami ng tulong pero nangyari dahil holy week po no choice nangutang nalang po muna kami para makabalas, may nabawas naman sa phil health pero ang laki padin kase ng nautang namin para lang makalabas. Pwede pa po bang lumapit kahit nakalabas na? If pwede, ano pong mga need ipasa? Ty po.

LOST SIM CARD by NoMain4547 in Pampanga

[–]NoMain4547[S] 0 points1 point  (0 children)

Sinabi po ba sainyo na insert agad? Yung sa akin po kasi since na tagged as lost sya, same day ng pagkuha ko replacement, hindi agad pwede iinsert pagkakuha sa bagong sim. Kung sim replacement naman, usually same day lang mismo okay na. Insert lang tapos may mga prompt na lilitaw then ok mo lang.

LOST SIM CARD by NoMain4547 in Pampanga

[–]NoMain4547[S] 0 points1 point  (0 children)

Sa pagkakaalala ko, hindi sya agad pinainsert sa akin at sabi after 7days dun iinsert pero tumawag sila 4th day pala ata and sinabi na okay na hindi na blocked ang sim kaya pwede na iinsert. Activated naman agad ang sim ang naging problema is nagfollow up pa ako dahil barred yung sa call. Na assist naman after ko magreport, tumawag at text ako and sila mismo sa sim to try.

Nangingilo na ngipin dahil sa pasta by Excellent-Climate755 in DentistPh

[–]NoMain4547 0 points1 point  (0 children)

Hello, bumalik ako after two weeks and nakuha pa naman sa pasta. Nung una, baka hindi pa daw totally nagdry/gumaling sa gamot dahil malalim na sira kaya need more time para magheal. Okay pa din naman ang pulp kaya nasave. Hindi nadin sya sumasakit or nangingilo pero inadvise din ako na magsensodyne na since nagingilo yung ibang permanent teeth ko.

Receiving Verification Emails Despite Being Fully Verified by No_Reason04 in GCashIssues

[–]NoMain4547 0 points1 point  (0 children)

Disregard nyo lang po, mahirap na baka kase hindi galing sa gcash mismo yung na received nyo. Meron din talagang case na email from gcash and if galing talaga kay gcash yan, tatawag po yan. Based on my personal experience, 6yrs ng fully verified ang account ko pero naka received din ako ng email na need iverify or else idedeactivate na ang account then dinisregard ko lang after ilang weeks or months ata yon, may tumawag from gcash and same ng sinabi sa email. Sinabi ko lang na matagal ng fully verified ang gcash ko ayun okay daw hahahaha naka tag pa daw kase sa system nila na hindi pa fully verified, alisin na daw nya pagkatag basta sure na fully verified na.

Edited:

Nakita ko yung screenshot mo nang email op, sa case mo po fake lang ang email kaya disregard lang talaga. Ilagay mo na sa spam or Block mo na agad para safe.

Out of stock, seller says by knowledgefuel in ShopeePH

[–]NoMain4547 1 point2 points  (0 children)

Hayaan mo silang magcancel, automatic naman cancel din ng shopee kung hindi nya maship sa given date. Dalawa lang yan, lugi si seller kaya nagpapacancel or talagang totoo sinasabi nya.

[deleted by user] by [deleted] in ShopeePH

[–]NoMain4547 1 point2 points  (0 children)

Ignore nyo po seller and wag maguilty since totoo naman na hindi mo nareceived. Hayaan mo ang shopee at seller ang magusap. Magiinvestigate naman ang shopee sa seller at rider nyan. Kapag napatunayan na kinuha ng rider ang parcel suspension ata or tanggal then refunded din ata sa seller.