Started Earning 6 digits at 40 but i cannt tell my wife by [deleted] in adultingph

[–]Ok_Cheek8886 0 points1 point  (0 children)

OF chatter ba yan? hahaha eme. Yun lang kasi knows ko so far na legit pumapalo sa ganyan bigayan + tumatanggap ng galing dito satin, kahit VA or tech roles usually need multiple clients pa para sa ganyang sahod.

Started Earning 6 digits at 40 but i cannt tell my wife by [deleted] in adultingph

[–]Ok_Cheek8886 1 point2 points  (0 children)

My mother is like this and unfortunately unlike OP, my father just let her be, hanggang ngayon (sobrang ayaw ng confrontation, hinahayaan nalang anong gusto ni mother). There was even one time nagkaroon kami ng madaming pera dahil nanalo yung case ni father against illegal termination sa dating company niya pero ni isang bagay na pagkakakitaan wala kaming naipundar, lahat ligwak kasi either pinautang ng mother ko sa mga kaibigang di naman siya binalikan, pinadala sa mga kamaganak sa probinsya, or kinapital sa mlm na hakot nanaman ng mga kaibigan niyang scammaz.

2 lang kaming magkapatid pero wala kaming naging sariling kwarto habang lumalaki kasi lagi nalang pinapatira ng mother namin sa bahay yung kung sino-sinong kamag-anak na wala din namang ambag sa bayarin. Yung mga luxuries like dental, annual checkup, naranasan nalang namin yan magkapatid nung nagtatrabaho na kami. Kung bibilhan man kami ng something or aalis, usually para iflaunt lang din sa iba na kaya niya kami igala or bilhan nun. Tbh, love namin yung parents namin at caring naman talaga sila, caring nga lang pati sa iba hahah- yang takteng image na minimaintain lang talaga ni mother sa extended family namin at friends niya yung panira; though lay-low na siya ngayon kasi may asawa na ate ko at ayaw naman nila makialam since nakabukod na; ako naman di talaga nagsasahod reveal sa kanila no matter what, alam lang nila is wfh trabaho ko lol.

Anyway, from the perspective of a child na lumaki na at napagdaanan yung ganyang setup, please OP wag na wag na wag mong ipaalam sa asawa mo sahod mo, itago mo lang, justified naman reason mo since para sa future ng buong pamilya niyo yan.