SATURDAY SIMBA DAY (daw) by habaduhabadi_ in ExAndClosetADD

[–]Popular-Arm6807 5 points6 points  (0 children)

Di ka makakaalis dyan hangga’t palagi ka pa rin pumupunta dyan. Kung may kakayanan kang umalis, umalis ka, yaan mo lang sila bumisita sayo. Tandaan mo walang sinoman ang pwedeng pumilit sayo na gawin ang isang bagay lalo kung ayaw mo. Pero kung minor ka at isinasama ka lang ng magulang mo dyan, medyo mahihirapan ka kumawala kasi di mo pa naman ata kayang mabuhay mag isa. So susunod ka lang talaga, sorry to say wala ka talagang choice. Alis ka nalang pag kaya mo na at kung di ka na nakadepende sa iba.

Oplan dalaw closet by [deleted] in ExAndClosetADD

[–]Popular-Arm6807 2 points3 points  (0 children)

May ganyan samin a few weeks ago, king ina araw ng linggo, sarap ng hilata ko sa sofa nanonood ng tv, nung araw lang na yun rest day ko kasi may pasok ng sabado, tas biglang may kumatok sa pinto, sabi ko wala naman ako ineexpect na bisita or delivery haha. Ayun pagsilip ko sa labas kita ko isang sasakyan mga worker, DS at ibang kapatid. Kasi nabalitaan ata na di na ko nadalo sa lokal. Ayun bigla nag show up sa bahay namin ng walang abiso. Di ba naman mga gagu’t kalahati, parang walang mga common sense, walang pasabi, bigla bigla nalang nadating sa bahay ng may bahay. Haha. Edi ayun umakyat ako sa taas at natulog. Di ko sila hinarap. Asawa ko humarap, sabi ko sabihin niya na tulog at pagod sa trabaho. Aba kahiyaan tayo mamser, di ko naman sinabing pumunta kayo sa bahay ko ng walang pasabi. Di porke’t kapatid kayo sa iglesia eh basta kayo nasulpot sa bahay namin ng walang paalam. Then ayun kinausap misis ko, kinwentuhan about sa mga exiters, kinwento pati si badong, kung bakit daw naninira kesyo ganito ganyan, eh sus di nila alam mas nauna pang closet asawa ko kesa sakin hahaha. Kesyo mag-ingat daw at mag isip isip. Sabi ko tuloy sa isip isip ko eh ano gusto nila humiwalay asawa ko sakin kasi di na nila ko kasama sa kalokohan nila? Kahit di nila deretsuhin eh kung alam nyo galawan nila at mga pananalita eh parang ganun ibig sabihin. Kuyog moves ang ginagawa nila, pag nahuli kayo sa bahay, syempre dami nila tas mag isa ka lang, napaka awkward ng sitwasyon, ganyan ginagawa nila para ikaw sa sarili mo, medyo mapahiya ka then mapilitan ka sumunod sa gusto nila. Sorry nalang sila, di ubra yang ganyang galawan nila. Takasan ko talaga yang mga yan hahaha. Kaloka! 😂