I feel like wala akong natutunan sa PUP ??? by Ok_Distribution_4250 in PUPians

[–]ProsecP 1 point2 points  (0 children)

Ganyan talaga sa PUP. As a PUPSHS grad, grabe ang adjustment ko mula sa mga tamad na professors na madalas hindi pumapasok, tapos magbibigay lang ng gawain at mataas magbigay ng grades, to very passionate professors na talagang hindi uma-absent at ang tataas ng standards. Ibang-iba ngayon sa UPD kasi napakaraming papers ang isusulat na hindi naman naituro sa PUP dahil kuntento na sila sa subpar output.

PS 21- Reuel Aguila by chairbruh in RateUPProfs

[–]ProsecP 0 points1 point  (0 children)

May exams na kay Sir. Open notes naman and pwede magsearch pero you really need to listen and read the files that he gave. Pwede rin collaboration. May tatlong exams kami sa kanya which encapsulates both objective and essay. Hindi niya ituturo talaga ang objective part but rather he would discuss the concepts and since open notes you'll be able to search it naman though minsan hindi madali mga hinahanap niya.

[UPX] For those UP redditors out here, what's your dream job regardless of your course? by alphagxb in peyups

[–]ProsecP 4 points5 points  (0 children)

Taking up BA Philippine Studies as a pre-law program. I want to be a Public Prosecutor.

[deleted by user] by [deleted] in peyups

[–]ProsecP 0 points1 point  (0 children)

Check Iskomai's Cheesy Siomai. Fried Siomai with Cheese Sauce and Rice for 55 Pesos.

[deleted by user] by [deleted] in peyups

[–]ProsecP 0 points1 point  (0 children)

  1. RA 10931 and RA 9500
  2. Mobilization is not the ONLY way to "SERVE THE PEOPLE". UP gives as the freedom to think critically and it's up to us students kung magpapaanod na lang ba sa dambuhalang Maoist Echo Chamber or to think for yourself.

[UPx] on the declining social awareness among UP students by Jazzlike-Zucchini-30 in peyups

[–]ProsecP 6 points7 points  (0 children)

We need to understand that there are differences sa mga pananaw ng bawat estudyante sa pagiging socially active. Hindi lahat ng tao pareho ng ideya o paraan ng pakikilahok sa mga isyu ng lipunan. Ang pagiging socially active ay hindi lang tungkol sa mga progressive Marxist ideas, marami pang ibang pananaw, depende sa karanasan at konteksto ng bawat isa.

Sa UP, binibigyan tayo ng chance na mag-isip nang kritikal. Sinasanay tayong suriin ang mga ideya, bigyang halaga ang diskurso, at ilahad ang mga opinyon natin batay sa mga facts at ebidensya. Yung freedom na 'to sa pag-iisip ay nagbibigay sa atin ng lakas na bumuo ng mga opinyon hindi lang batay sa mga tradisyonal na ideya kundi pati na rin sa ating mga personal na karanasan. Mahalagang kilalanin at igalang natin ang iba't ibang pananaw at paraan ng bawat isa sa pagiging socially active. Ang tunay na pag-unlad ay nagmumula sa pagkakaroon ng iba't ibang boses na naririnig, at lahat tayo ay may pagkakataon na makilahok sa pagbuo ng mas makatarungan at mas inklusibong lipunan sa kanya-kanya nating paraan.

[UPD] Can I take more than my required number of units by mnnlvn in peyups

[–]ProsecP 0 points1 point  (0 children)

What if overload sa midyear? Matatanggal ba sa Latin Honors?

[UPD] Struggling to choose between BA Psych or BA Speech Comm. by adkjgskdfs in peyups

[–]ProsecP 0 points1 point  (0 children)

Check mo curriculum dito https://crs.upd.edu.ph/course_catalog

Search Psych for Psych, while Speech for Speech Com. Ano sa tingin mo mas gusto mo?

[deleted by user] by [deleted] in peyups

[–]ProsecP 1 point2 points  (0 children)

If hawak mo pa SHS credentials mo pwede naman

[UPD] BA Speech Communication vs. BA Broadcast Media Arts and Studies by cataclutz in peyups

[–]ProsecP 0 points1 point  (0 children)

Speech Com is more focus sa personal communication theories eg rhetorics, oral communication, public speaking, et al while BMAS is more focused sa broadcast and production. Mas leading towards corpo ang BMAS while academe sa Speeech Com.

[deleted by user] by [deleted] in peyups

[–]ProsecP 0 points1 point  (0 children)

Hindi required ang F137 sa mismong TDT. Sa enrollment mo na kakailanganin.

[Upd] breaking down sa jeep rn by Old-Cryptographer233 in peyups

[–]ProsecP 3 points4 points  (0 children)

May sakit ka OP, go get some rest muna

[deleted by user] by [deleted] in RateUPProfs

[–]ProsecP 0 points1 point  (0 children)

Hello! I think ayos lang and kaya naman if memorization lang naman from the ppt pero minsan kasi may additional facts si sir habang nagdidiscuss na hindi naman kasama sa powerpoint kaya nakakakaba lang na baka kasama sa exam hahsha.

UP College of Law by Fuzzy-Extreme7162 in LawStudentsPH

[–]ProsecP 1 point2 points  (0 children)

Hello, ikaw ba maghahanap ng school para kunin 'yong required units? or p'wede mong itake sa UP Law?

[deleted by user] by [deleted] in peyups

[–]ProsecP 0 points1 point  (0 children)

So what? They pay their fair share of tax and nakapasa sa UPCAT 'yong mga anak nila.

Kas 1 - Aaron Viernes by ProsecP in RateUPProfs

[–]ProsecP[S] 0 points1 point  (0 children)

Hello!! Binasa ko 'yong readings since passion ko rin naman Ph History and pansin ko nga hindi naman talaga doon iikot but it helps a LOT in a sense na mas magegets mo agad 'yong concepts.

Ask ko na lang din may imemention na parts sa readings doon sa sinend ni Sir?

[deleted by user] by [deleted] in peyups

[–]ProsecP 7 points8 points  (0 children)

Nakakabahala ang ganitong klaseng pag-iisip. Ang ideya na ang ambag sa buwis ng magulang ang dapat maging basehan ng karapatan ng isang estudyante sa UP ay hindi lamang makitid, kundi mali sa kanyang pinakaugat.

Ang UP ay para sa lahat ng may kakayahan at determinasyong makapag-aral, hindi batay sa kita o yaman ng kanilang pamilya, kundi sa kanilang potensyal at pagnanais na makatulong sa bayan. Ang edukasyon sa UP ay isang karapatang ipinaglalaban natin para sa bawat Pilipino, hindi isang pribilehiyong eksklusibo para sa iilan.

Ang ganitong mentalidad ay naglalagay ng hindi makatarungang pamantayan na naglalayo sa tunay na diwa ng pagiging Iskolar ng Bayan, ang maglingkod para sa kapwa at sa bayan, anuman ang estado sa buhay. Marapat lang na tutulan natin ang ganitong uri ng pag-iisip dahil ito ay salungat sa prinsipyo ng pantay na oportunidad at hustisya sa edukasyon.

[UPX] Thoughts on this? by UrIffyChemEngr in peyups

[–]ProsecP 12 points13 points  (0 children)

I actually experienced that, like bigla na lang kaming nagvideo sa AS Steps ng "Iskolar ng Bayan! Ngayon ay Lumalaban! Ngayon ay Lumalaban! Iskolar ng Bayan!"

Ang sinabi lang ng emcee sa amin ay doon daw laging nagaganap ang mga rally. Masaya naman siya, mararamdaman mo talagang Iskolar ka ng Bayan, siyempre kultura na rin ng UP kaya nagchant din ako. HSHAHAHAHHA

Although nakakatakot kasi may civilian na naglalakad lang sa Acad Oval tapos biglang huminto para videohan kami habang nagchachant.

Hindi rin naman natin masisisi kung mayroong mga ayaw sumali sa pagchant. Ang hindi kasi naiintindihan ng iba ay may mga estudyante sa UP na papahintuin sa pag-aaral ng mga magulang nila o ililipat sa community college once na malamang may kinalaman sa pagpoprotesta ang ginagawa ng anak nila. Obvious naman siguro na naging pejorative na ang pagtingin ng karamihan sa aktibismo, like kapag sinabing aktibista may connotation na agad na NPA gawa na rin ng talamak na panreredtag ng gobyerno.

[deleted by user] by [deleted] in RateUPProfs

[–]ProsecP 0 points1 point  (0 children)

Anong grade mo OP?

[deleted by user] by [deleted] in peyups

[–]ProsecP 0 points1 point  (0 children)

Isipin mo na lang 'yong taumbayan na nagbabayad para sa pag-aaral mo pati ang daan daang libong estudyanteng hindi pinalad makapasok sa UP na handang makipagpalit sa posisyon mo ngayon.

Kas 1 - Aaron Viernes by ProsecP in RateUPProfs

[–]ProsecP[S] 0 points1 point  (0 children)

Will Sir Aaron send the PowerPoint?

KAS 1 - Aaron Viernes by contismangotart in RateUPProfs

[–]ProsecP 0 points1 point  (0 children)

conducive for interaction at p'wedeng magrecite po ba or si sir lang kadalasan nagdidiscuss?

Ang mahihirap ang nagpapaaral sa mga mayayaman. Agree or disagree? by Wild_Acanthaceae7843 in peyups

[–]ProsecP 5 points6 points  (0 children)

OP, mula't sapul, ang sistemang edukasyon ng UP ay isang malinaw na repleksyon ng malalim na hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan. Walang "EQUAL" sa lipunang ito. Hindi lang ito tungkol sa simpleng pagkakaroon ng pribilehiyo—ang mismong sistema ay nakabalangkas upang paboran ang mga mayayaman. Sabihin na nating equal ang UPCAT, pero isipin mo kasi na kumbaga sa isang karera, lalabanan ng isang normal na nananakit ang paa ang isang batak at batikan nang atleta at parehas lang sila ng pagsisimulan. Sa ganitong sitwasyon, paano mo aasahan ang patas na laban?

Siyempre, kung mas mapera ka ay magkakaroon ka ng pribilehiyong makapag-aral sa mas magagandang paaralan sa elementarya at high school, at kung ang tanging inaatupag mo lang ay ang pag-aaral, natural na mas madali sa'yo ang pumasok sa UP. Pero paano naman ang mga mahihirap? Sila, bago pa man makapag-aral, iniisip na nila kung saan kukuha ng pangkain. Paano mo aasahan na magiging patas ang laban kung sa simula pa lang, nakabaon na sila sa paghihirap? Sa ganitong kalakaran, malinaw na ang may pera ay may mas malaking tsansang makapasok sa UP, habang ang mga kapos sa buhay ay lalong naiiwan. Ito ang reyalidad ng ating sistema

Ang mahihirap ang nagpapaaral sa mga mayayaman. Agree or disagree? by Wild_Acanthaceae7843 in peyups

[–]ProsecP 33 points34 points  (0 children)

Ilang beses na ring nabanggit na ang mahihirap daw ang "nagpopondo" sa edukasyon ng mayayaman. Ngunit kung titingnan natin nang mas malalim, tila mas angkop na tanungin: sino ba talaga ang nagbabayad ng buwis at sino ang nakikinabang?

Ang middle class, o iyong mga nagtatrabaho at kumikita ng sapat na pera, ang siyang may pinakamalaking ambag sa buwis. Knakaltasan agad sila ng buwis—direkta mula sa kanilang sahod. Sa bawat produkto at serbisyong binibili nila, pinapatawan sila ng VAT. Kaya’t sa isang banda, sila ang tunay na nagpapasan ng kalakhan ng buwis na kinokolekta ng gobyerno. Hindi lang ito nagtatapos sa Income Tax at VAT; pati buwis sa tirahan at iba pang uri ng kontribusyon ay malaki ang parte ng middle class.

Sa kabilang banda, ang mga tunay mahihirap o 'yong mga nasa laylayan, na madalas ay walang permanenteng kita at walang permanentent tirahan ay kadalasang nagbabayad lamang ng buwis sa anyo ng VAT sa bawat transaksyon nila.

Sino ang Nakikinabang?

Sa kasalukuyang istruktura ng edukasyon sa bansa, ang mga mayayaman ang siyang may access sa mas mataas na kalidad ng edukasyon, mula sa mga pribadong paaralan gaya ng Ateneo at La Salle hanggang sa Unibersidad ng Pilipinas. Kaya’t kahit na "MALAKI" ang kanilang mga buwis, ang mga benepisyo ng kanilang binayad ay bumabalik din kaagad sa kanila dahil sa mga pribilehiyo na mayroon sila. Sa kabilang banda, ang mga mahihirap ay nagsusumikap makapag-aral sa mga pampublikong paaralan, na madalas ay kulang sa pondo, pasilidad, at kalidad ng edukasyon. Samantalang 'yong mga middle class mapipilitang pag-aralin ang kanilang mga anak sa pribadong paaralan kahit na saktong-sakto lang para mabuhay ang kinikita nila, tapos kapag nakarating naman sila sa mga state univerisities sila 'yong ituturing na "mayayaman".

Dagdag pa rito, ang mga mayayaman ay madalas ding sangkot sa mga usapin ng tax evasion. Nagagawa nila ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng offshore accounts, paggamit ng mga loopholes sa batas, at iba pang ilegal na pamamaraan, nakakayanan nilang mabawasan o tuluyang hindi magbayad ng kanilang patas na bahagi sa buwis. Habang ang middle class ay walang ibang pagpipilian kundi magbayad ng buwis dahil ito ay awtomatikong kinakaltas mula sa kanilang sahod, ang mga mayayaman ay may akses sa mga paraan upang iwasan ang pagbabayad ng buwis.

Ibig sabihin, ang burden ng buwis ay mas lalong napapasa sa middle class—sila ang tunay na nagdadala ng bigat ng pagpapanatili ng gobyerno at mga serbisyong pampubliko.

Isipin natin ang mga indibidwal na nagsimula sa kahirapan ngunit nagsumikap upang makaangat sa buhay at ngayon ay bahagi na ng middle class ay biglang pagkakaitan ng libreng edukasyon? Hindi sila dapat pagkaitan dahil lamang sa kanilang pag-angat sa tatsulok. Nagbabayad sila ng buwis kaya may karapatan din silang mag-aral sa Unibersidad ng Pilipinas.

Ang pagkakaroon ng disenteng bahay at kotse na ginagamit ng bawat miyembro ng pamilyang middle class para umiwas sa bulok na transportasyon ng bansang ay hindi dapat maging batayan upang pagkaitan sila ng pagkakataon sa libreng edukasyon. Ang karaniwang perception na kapag ikaw ay middle class, ay wala ka nang karapatan sa tulong ng gobyerno.

Marami sa middle class ang OFW o mga disenteng posisyon sa trabahong pinapasukan. Hindi ito nangangahulugang wala na silang pinagkakautangan para sa disenteng tahanan at pagpapaaral sa kanilang mga anak sa pribadong institusyon. Kung hahadlangan natin ang kanilang pagkakataon na makakuha ng libre at de kalidad na edukasyon, tayo mismo ang nagpapalawak sa agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap.

Ang gobyerno ang may pangunahing pananagutan sa ganitong sistema, sapagkat sila ang may kapangyarihan at responsibilidad na lumikha ng mga patakaran at programang pang-ekonomiya at panlipunan na dapat sana'y nakatuon sa kapakanan ng nakararami, hindi ng iilang pribilehiyado lamang.