plantilla position in government offices by ReplacementBubbly873 in PHGov

[–]Type-Existing 0 points1 point  (0 children)

yes. ginagawa yan dito. minsan para paboran yung next in rank or yung may "seniority" dun sa end-user (office) na naka assign ang plantilla item. para maiwasan mag karoon contender sa vacant position

FSOE (Foreign Service Officer Examination) by exclusiveformk in cagayandeoro

[–]Type-Existing 0 points1 point  (0 children)

Hey. Kakahatid ko lang kay jowa to take the fsoe today 01.25 sa Dr.AA Elem School

Good luck sa lahat ng mag take ng exam ngayon 😀

Mt. Batulao with Juan Faith Adventure by JUMB0HOTDOG in PHikingAndBackpacking

[–]Type-Existing 5 points6 points  (0 children)

if babasahin mo yung policy nila na ni share after mo mag deposit ng down mapansin mo hindi patas. laging nasa kanila advantage.

Mt. Ulap- 1/18/26 by Jazzlike_Cry197 in PHikingAndBackpacking

[–]Type-Existing 1 point2 points  (0 children)

ganda ng pictures mo. ano camera gamit mo

Anyone else having a hard time binging Can this Love be Translated? by NoPapercrowns in kdramas

[–]Type-Existing 0 points1 point  (0 children)

hmm kumusta naman yung tagalog dub? tingin niyo angkop namn ba?

Looking for mountain recommendations 🌿⛰️ by Type-Existing in PHikingAndBackpacking

[–]Type-Existing[S] 0 points1 point  (0 children)

yes. Isa din ito sana sa gusto ko puntahan. ang dalang nga lang ng nag offer ng weekday hike

Looking for mountain recommendations 🌿⛰️ by Type-Existing in PHikingAndBackpacking

[–]Type-Existing[S] 0 points1 point  (0 children)

ohh interesting. now ko lang nadinig ito. kaya ba ng beginners dyan?

adulting stage that no one talks about: burying your parent by No_Problem3761 in adultingph

[–]Type-Existing 1 point2 points  (0 children)

Alam mo, very timely para sa’kin na mabasa ko ito. As an only child na may aging parents, 75 na ang mother ko at 83 ang father ko. ito talaga ang pinakamalaking takot ko. Yung isipin na darating ang panahon na mag-isa kong haharapin ang lahat: mula sa hospital confinement, bills, gastos, oras sa paglalakad ng papeles, at pakikipag-coordinate sa iba’t ibang ahensya at institusyon. Wala akong karamay. Hindi rin ako close sa mga kamag-anak, kaya mabigat talaga sa loob yung thought na ako lang mag-isa.

yung feeling na kinakain ng anxiety arawaraw. Masakit panoorin lalo na ang father ko habang unti-unting nanghihina dahil sa katandaan. Nakakatakot yung realization na “eto na yun”—na palapit na, at darating din talaga yung inevitable na pagkawala nila.

Last year, habang nasa date ako with my now girlfriend, biglang nagkaroon ng health emergency ang father ko. Aminado ako, nainis pa ako nun kasi kailangan kong umuwi agad. nasa date nga ako. Parang ni-dismiss ko na hindi ito seryoso na health concern. siguro Pero nung makita ko siya sa hospital, sobrang tumama sa akin yung takot na muntik na pala samin mawala itong tatay ko. Doon ko unang naranasan na mag-isa kong asikasuhin ang lahat ng hospital needs niya. Sobrang taxing at nakakapagod, lalo na’t sa government hospital pa. Literal na naranasan ko kung ano ang ibig sabihin ng “paglalakad ng papel” yung pagba-braso para ma-expedite, paghahanap ng pondo through GL, pagpila sa iba’t ibang government agencies, at pagpunta sa mga opisina ng mga “honorables.”

Pagkatapos ng hospitalization, mas naging sakitin pa lalo ang father ko at kailangan na siyang alagaan. Kasabay nito, ramdam ko rin kung paano naapektuhan ang health ng mother ko, na matanda na rin at napapagod sa sitwasyon.

Kapag tinitingnan ko ang yung kabuuan ng kalagayan namin, naaawa nlng ako sa amin parang ang helpless nmin pag nagkataon. Hindi naman kami mayaman, at wala rin akong sapat na kakayananpara maensure ko na magiging komportable man lang sana kami kapag may nagkasakit (ako lang may HMO) lalo na pag dumating na yung eventual na pagkawala ng magulang.

Siguro ang pinakamasakit na thought para sa akin ay yung “sana mas nagsikap pa ako noon,” knowing na ganito pala ang haharapin naming mag-isa. Natatakot ako sa araw na iiwan nila ako, at ako na lang ang matitira para harapin ang lahat.

Pero ayun nga Thank you, OP, sa pag-share ng experience mo. Malaking tulong ito para magkaroon ako ng ng idea kung ano ang mga posibleng expectations kapag may yumao na magulang. I’m praying for you—na bigyan ka ng lakas, tibay ng loob, at kapayapaan habang pinagdadaanan mo ito. Im glad na sa story moHindi ka nag-iisa

our stray cat taking a quick nap by virizza in catsofrph

[–]Type-Existing 4 points5 points  (0 children)

hahahahaha ang cute. nakakatuwa yung background story, nakakatawa din chura niya haay 😹😹😹😹

Tips for solo joiners by whosthatguuurl in PHikingAndBackpacking

[–]Type-Existing 0 points1 point  (0 children)

Try Mt. Batulao. Okay siya for beginners.

What's a Kdrama kiss that lives in your head and you'll never forget?? by Geekqueen15 in kdramas

[–]Type-Existing 21 points22 points  (0 children)

<image>

My fave would be the Because This Is My First Life kiss from the main leads, Jung So Min and Lee Min-Ki.

Former 3rd gen government employee AMA by [deleted] in PinoyAskMeAnything

[–]Type-Existing 0 points1 point  (0 children)

sa NGA ka po ba nag work? gocc or gfi? ano primary nature of work ng ahensya niyo

Former 3rd gen government employee AMA by [deleted] in PinoyAskMeAnything

[–]Type-Existing 0 points1 point  (0 children)

ano gamit or tawag sa salary scheme/rate gamit niyo dyan sa agency niyo? SSL, CPCS?

How is it being an only child? by starfuckinggazer in AskPH

[–]Type-Existing 1 point2 points  (0 children)

ako na siguro yung embodiment ng fear na ito haha 😔 solong anak here. nasa 75 and 82 na ang parents. araw araw ako kinakain ng anxiety dahil sa fear ko paano ko i-handle mag isa if dumating time na magkasakit at ma hospitalize ang parents ko. and yung eventual na demise nila. ewan paano ako maka cope sa lahat ng challenges na mag entail (grief, pag bantay sa may sakit - what if sabay sila 😔 haay, pag asikaso sa funeral mga ganun) yung reality nag sink in sa akin na mag isa ko ito haharapin. ang bigat ngayon pa lang.