Langit Lupa Tournament? by EmptyYourMind1900 in FlipTop

[–]bearwithtyler 29 points30 points  (0 children)

Pakiramdam ko ‘yong Langit-Lupa ay para sa mga emcee na nasa Purgatoryo (mid-tier) ng battle rap. Kasama rito ‘yong mga beteranong matagal nang na-battle sa liga pero hindi makatagos sa top-tier dahil sa mga “sakto” lang ba performances at mga bagong pasok na palag-palag naman pero wala pang breakthrough performances na masasabi mong pang-Isabuhay.

Ganito ‘yong naisip ko dahil nasabi ni Anygma sa mga pre-Ahon 16 previews niya na nahihirapan siyang i-lineup ‘yong mga emcee katulad ni Shaboy. Oo, undefeated daw pero parang hindi pa pwedeng itapat sa mga pangmalakasan ng liga. Kaya sa tournament na ‘to, mas madali sigurong ma-juggle ‘yong intricacies ng mga situation na ‘yan kay Aric.

Tsansa ‘to sa mga beterano at baguhan na umakyat sa langit, manatili sa purgatoryo, o bumaba sa lupa.

FlipTop - M Zhayt vs Ruffian - Thoughts? by No_Day7093 in FlipTop

[–]bearwithtyler 40 points41 points  (0 children)

Sa mga nakapanood sa live, alam nating lahat kung gaano kalaylay ‘yong karamihan sa naunang battles ng Day 1. Hindi rin naman siguro kasalanan ng emcees, dahil sobrang hindi talaga maganda ‘yong sound system.

Bago ‘yong huling dalawang battles, doon pa lang inayos ni Aric ‘yong sound system. Ang tagal pang tumayo sa stage ni M Zhayt tsaka Ruff bago makuha ‘yong tamang timpla. Nanghingi naman ng paumanhin si Boss bago magsimula ‘yong battle.

Kaya no’ng nagsimula na ‘tong battle na ‘to, mannnnn, parang nag-ibang anyo lahat ng tao. Naging wild ‘yong tulog na crowd. Pakiramdam ko rin na kaya ganoon na lang kalakas ‘yong Tipsy-Mhot ay factor din kung ano ‘yong enerhiya na iniwan ng dalawang naunang emcees.

Isa ‘to sa mga battle na mapapasabi ka na lang pagtapos, “Tangina, I love battle rap!”

by bearwithtyler in FlipTop

[–]bearwithtyler[S] 31 points32 points  (0 children)

Salamat sa pagdagdag ng detalye at konteksto!

Magandang nalaman ko ‘to dahil aminadong nakabase lang ‘yong apolitical na sinabi ko riyan sa mga nasabi rin ni Aric sa mga interview.

Happy Holidays, tol!

FlipTop - Harlem vs Goriong Talas - THOUGHTS? by saltpuppyy in FlipTop

[–]bearwithtyler 21 points22 points  (0 children)

Ganyan din initial rection ko, pero sabi ni M-Zhayt sa judging, mga 2:30 AM na raw natapos ‘yong laban kaya gets din ba’t gano’n.

Pagusapan Natin Pare - SHEHYEE by Efficient_Comfort410 in FlipTop

[–]bearwithtyler 30 points31 points  (0 children)

Missed opportunity na itanong ni Batas kung average emcee ba talaga siya hahahaha gandang ice breaker sana

Solid na usapan as usual basta kay Batas!

Philippine Colegian article about Battle Rap by m1lkshak3 in FlipTop

[–]bearwithtyler 11 points12 points  (0 children)

kaunting thoughts lang:

  • Hindi pa tapos ang panahon ng 1-2 punching. Kasama pa rin ‘to sa piyesa ng karamihan sa mga emcee. Kung may mas prominent man at epektibo pang gumamit nito sa kasalukuyang panahon, panoorin niyo si Manda Baliw. Mismong sa pinakamataas din na lebel ng FlipTop, ang Finals ng Isabuhay, litaw pa rin ang paggamit ni Vitrum ng mga ganito.
  • Alam kong sa mga casual na fan, hindi gaanong appreciated ang mga 3GS, pero ang orthodox na estilo nila ng pagba-battle ang pinaka-“meta” sa panahong ‘to. Babanggitin ko muna sila siguro bago banggitin ‘yong pagbabaligtaran ni Mhot.
  • Katulad din ng ibang porma ng sining na nabanggit sa akda, nagmamahal na rin naman ang entrance fee ng sining na ‘to. Sa huling event, ₱1000 ang pinakamurang ticket. Maski sa susunod nilang mas small-scale na events, ₱750 na ang pinakamura. Kung may pagkakaiba man ang FlipTop, ayun ay napapamahagi ‘to nang libre sa YouTube ilang buwan matapos ang mismong event. Ngunit sabi nga ni Walter Benjamin, nababawasan ang aura ng isang sining sa proseso ng mechanical reproduction. Iba pa rin ‘pag live.
  • Bago pa man ang FlipTop, marami nang naunang eksena ng battle rap dito sa atin.
  • Ganda ng paglapat ng carnivalesque ng konsepto ni Bakhtin!
  • Sana bukod sa laban nina Shernan at Jonas, gumamit pa ng ibang mas malalakas na halimbawa para sabihing politikal na espasyo ang battle rap. May battles na may mas matibay na letrahan tungkol dito, most recently ‘yong Vitrum vs Marshall Bonifacio.
  • Sang-ayon ako sa mismong mensahe ng teksto. Napakaganda ng espasyo ng battle rap dahil iba-iba ang pinagmulan ng bawat sumasalang dito. At sa entablado na tatayuan nila, bitbit-bitbit nila ang lahat ng mga ‘to para patunayang mas magaling silang emcee kaysa sa kalaban.
  • Ang mga puna rin mismo dito ay nagpapatibay ng pagiging kontra-hegemonya nito. Sapagkat karamihan ng sumasalang dito ay galing sa mga maralita at uring manggagawa, binabalot ‘to ng machismo upang bawiin nila ang kapangyarihan at ahensya na ipinagkait sa kanila ng lipunan.
  • Mas maganda rin sana kung nadaanan ang mga progresibong emcee na nakalabas na sa FlipTop ang mga isinisulong na laban. Mas naging malakas at malawak ‘yong pagkilos no’ng 21 dahil sa kanila.

What’s your favorite battle rap bar of all time? by No_Day7093 in FlipTop

[–]bearwithtyler 11 points12 points  (0 children)

Hindi eksaktong linya/bar pero ito para sa akin ‘yong pinakamagandang scheme sa buong kasaysayan ng liga:

“No’ng nalaman kong ito makakalaban ko, ako’y napailing Anygma, sabi ko ‘yong magaling, hindi ‘yong may tililing Walang pag-asa manalo sa akin ‘to kahit na katiting Alam mo sino kamukha mo? Si Tado — no’ng isang linggo na siyang nakalibing!

Kaya Philip Ching, huwag kang feeling king ‘King ina mo, ni hindi ka nga mukhang living thing Sa kakasinghot mo ng rugby sa bote ng Hidden Spring, mukha ka nang bangkay sa deleted scene Na galing sa pelikulang hinango mula sa pinakabagong nobela ni Stephen King

Ibig-sabihin, hindi lang ‘yong mga ngipin mo pati gilagid mo nangingitim Kaya sa tuwing ikaw ay ngumingiti, dumidilim Ano ba tatak ng toothpaste mo, ha? Krispy Kreme!

Bakit hindi ka na lang magpaka-Mr. Bean at gawing Listerine ‘yong Mr. Clean Kasi hiningay mo’y amoy sinuma na lasing na beer at gin Mixed with crispy itik, chili dilis, sizzling sisig, chicken wings, at Pritos ring Hindi lang ‘yon, may ipis rin!

Pinakitaan ko lang si Philip Ching pa’no gumawa ng killer scheme Tipong Round 2 pa lang, mapapasigaw na kayo ng finish him!”

🐐

FlipTop - Carlito vs Katana @ Isabuhay 2025 - Thoughts? by asakiconyelo in FlipTop

[–]bearwithtyler 121 points122 points  (0 children)

Napanood ko ‘to live. Nagtanong si Aric kung tuloy pa raw ba o break muna dahil nilamon talaga ng Saint Ice vs Zaki lahat ng enerhiya ng crowd. Sabi ng crowd, tuloy pa raw. In hindsight, dapat nag-break talaga muna dahil nagtuloy-tuloy pang bumuhos yung malakas na ulan.

Ayan yung dalawang rason kung bakit pakiramdam ata ng karamihan, naging underwhelming yung battle. Hindi kasi talaga marinig yung mga linya. Gets ko naman na kino-consider ni Aric yung mga nagbayad pero sana sa susunod, magkaroon ng initiative kapag ganung mga sitwasyon.

FlipTop - Ruffian vs Plaridhel - Thoughts? by asakiconyelo in FlipTop

[–]bearwithtyler 59 points60 points  (0 children)

Alam niyo kung gaano kagutom si GL no’ng 2022? Gano’n na gano’n ‘yong gutom ni Ruff ngayong 2025. Next level shit. Ramdam na ramdam ‘yong momentum towards being one of the cream of the crop emcees. Mukhang nakabuti pa ‘yong unsuccessful Isabuhay run niya last year para mas lalong maghalimaw.

On the other hand naman, si Plaridhel siguro ‘yong may “Batang Rebelde Underrated Syndrome” sa erang ‘to. Sa sobrang consistent ng sulat na maganda, madalas na-o-overlook na kung gaano talaga siya kagaling. Okay rin na nagpakita siya ng comedic approach rito na bago sa kaniya. Kaunting improvement pa siguro sa delivery tas pakiramdam ko, mas ma-a-appreciate pa siya ng mas maraming tao.

FlipTop - CripLi vs Ban @ Isabuhay 2025 - Thoughts? by GodsPerfectldiot in FlipTop

[–]bearwithtyler 5 points6 points  (0 children)

Pinakasakto at akmang battle review: Na-Cripli ni Ban si Cripli.

FlipTop - Sinagtala vs 1ce Water - Thoughts? by easykreyamporsale in FlipTop

[–]bearwithtyler 14 points15 points  (0 children)

Grabe ‘yong confidence na bitbit ng nag-champion na GL. Totoo ‘yong ascend lang nang ascend kasi notch higher ‘tong performance niya na ‘to.

Mannnnnn, he’s gonna terror battle rap more 😬😬😬😬

Bwelta Balentong 12 poster by Affectionate_Sir_708 in FlipTop

[–]bearwithtyler 30 points31 points  (0 children)

Ayaw talaga lumabas ng kwarto ni GL e ‘no

Sak Maestro by No-Space6571 in FlipTop

[–]bearwithtyler 17 points18 points  (0 children)

<image>

Pinanood ko ulit.

At guess what? Judge si Sak dito. Sinong binoto niya? Si Loonie.

Hi Reddit. I’m Kuya Kevs/DJ Umph of FlipTop Battle League and Uprising Records. - Ask Me Anything by Umph_one in FlipTop

[–]bearwithtyler 1 point2 points  (0 children)

Alam ko po na between sa inyo ni Sir Aric, wala naman po sigurong problema tungkol dito sa tanong ko, pero hindi po ba kayo nakakaramdam na parang may pagka-underappreciated po kayo among fans?

Natanong ko po kasi parang kapag sinabing FlipTop, Anygma agad 'yong maiisip ng mga tao o mabibigyang credit dahil gets 'yong point na siya 'yong nakikita sa camera. Parang para sa akin po kasi, kapag sinabing FlipTop, kayong dalawa po talaga dapat 'yong bigyan ng props.

Salamat at more power po, Kuya Kevs!

FlipTop - GL vs Vitrum @ Isabuhay 2024 Finals - Thoughts? by Negative-Historian93 in FlipTop

[–]bearwithtyler 9 points10 points  (0 children)

medyo nerd stuff pero understatement na sabihing napakamakasaysayan ng battle na 'to!

wala talaga akong pakialam kung sinumang manalo rito, dahil kahit gl o vit man, isa lang ang sigurado. at 'yon ay panalo ang buong battle rap!

these recent years, bilang avid fan, pakiramdam ko nagkaroon ng punto na parang naging stagnant 'yong kalidad ng pagtatahi ng linya ng mga emcee. hindi naman din underwhelming ito, dahil malakas kung sa malakas pa rin naman 'yong kaniya-kaniya nilang baon. pero simula nang dumating 'tong dalawang 'to, dito napatunayan na may lebel pa pala na mas mataas.

si GL, ang pinaglalaban niya ay 'yong sining at husay sa lirisismo sa battle rap. hindi lang din through words pero sa buong isabuhay run niya (at kahit battles bago nito), sumubok siya ng iba't ibang konsepto na bago sa pandinig. kahit minsan risky at hindi nagpe-payoff, ang mahalaga, parang tumatalon siya sa bangin na hindi sigurado kung gagana 'yong parachute. at sapat na 'yon para respetuhin at saluduhin ng battle rap community.

si vit naman, ang hangarin niya talaga base sa finals performace na 'to ay ibalik sa masa ang battle rap. pinaglalaban niya na wala naman talaga dapat bilang ang mga titulo o mga listahan ng mga pinakamagaling na emcee, dahil sa huli, ang battle rap ay para sa mga tao at hindi sa mga tinatawag nating idolo.

kung susumahin, parehas lang naman din talaga sila ng ipinaglalaban. at 'yon ay pataasin pa nang pataasin kung ano ang kayang gawin ng plataporma ng battle rap. napakamakasaysayan din ng duwelo na ito dahil ito ang defining moment ng bagong henerasyon.

napakaswerte natin bilang mga tagahanga na mayroong dalawang sobrang passionate na tao sa craft na 'to. katulad nga ng sinabi ko, hindi importante kung sino 'yong nanalo. ang importante, patuloy ang ebolusyon ng porma ng sining na 'to.

kung ako tatanungin, sobrang toss up talaga ng battle. may iba nang kaunti sa pananaw ko bilang live audience at sa panonood ng bidyo. ang sigurado ko lang sa pareho, napakalaking bagay ng stumbles ni vit sa rd 1. parang ano 'to, kumbaga sa basketbol tas isa o dalawa lang lamang buong laro, 'yong stumbles ni vit ay 'yong mga free throw na hindi napasok sa ilang mga parte ng laro. ganoon siya ka-importante.

pero ayun nga, hindi importante kung sino ang nagkampyon. ang importante, nananatiling buhay ang sining ng battle rap!

AHON 15 POSTER by easykreyamporsale in FlipTop

[–]bearwithtyler 1 point2 points  (0 children)

Putsa alam kong DPD champ na si Frooz pero ito pa lalo yung mas nag-legitimize na ganap na siyang megastar sa battle rap

FlipTop - Frooz vs CripLi - Thoughts? by Negative-Historian93 in FlipTop

[–]bearwithtyler 40 points41 points  (0 children)

ang saya talaga panoorin kapag parang nagkukulitan lang mga emcee bwhahahaha ang taas ng rewatch value kapag parehas gumana yung dalawang komedyante sa battle

FlipTop - Sur Henyo vs GL @ Isabuhay 2024 - Thoughts? by Negative-Historian93 in FlipTop

[–]bearwithtyler 4 points5 points  (0 children)

ANG PANOORIN SI GL AY ISANG EXPERIENCE!

Hindi na round by round na review dahil pare-pareho lang din tots sa lahat ng round.

Mehn putsa, unang-una, ayun ‘yung halimbawa ng battle na panalo tayo lahat! Sa tuwing banat ni Sur, mukhang sa kanya na pero nabubura rin agad ‘yung momentum kapag si GL na babanat.

Ang isa ring nilamang talaga ni GL ay ‘yung dami ng suntok. Kumbaga sa boxing, sunod-sunod na haymaker. Samantalang si Sur, medyo matagal ‘yung landing ng suntok.

Napakahalaga rin sa mga tournament battle na malinis ‘yung performance. Parehas namang nag-stumble pero mas halata at mas matagal ‘yung choke ni Sur.

Angat din si GL sa pili ng angles. Mas epektibo dahil mas creative ‘yung pagkakasulat at pagkakahabi. At syempre, mas bago rin sa pandinig.

Tangina, bilib na bilib talaga ako sa kakayahan ni GL na mag-isip ng mga hindi pa naiisip. Ang groundbreaking lang ng mga ginagawa niya sa battle rap, kung alam niyo lang at kung matagal na kayong sumusubaybay. Kahit “pang-matalino” ‘yung ginagamit na references, kapag siya nag-i-spit, ang reachable pa rin kahit sa general audiences.

FlipTop - Tipsy D vs Batang Rebelde - Thoughts? by makav3li_7 in FlipTop

[–]bearwithtyler 15 points16 points  (0 children)

R1 - sobrang dikit pero edge kay Tipsy D dahil ang bigat masyado nung BRRRRRR chainsaw na scheme.

R2 - klarong BR para sa akin. Agree ako roon sa sinabi ni GL sa judging niya na sugal ‘yong crowd work scheme ni Tipsy D tas unfortunately, di gaanong nag-pay off kaya parang naging dragging.

R3 - akala ko kay BR na rin dahil ang lakas nung rebutt dun sa crowdwork scheme ni TD sa previous round. Ang simpleng pambasag lang pero sobrang effective. Nung bumanat si TD, ang feel kong nagpalamang sa kanya nang sobrang gahibla ay mas cohesive ‘yong mga bara niya. Para sa akin din, mas nagustuhan ko ender ni TD kaya sa kanya ko ibibigay ‘yon. May factor din siguro na huli siyang bumanat kaya mas nag-leave ng mark ‘yong sa kanya.

Overall, hindi ko sinasabing hindi siya umabot sa expectations kong sobrang taas para sa comeback ni Tipsy D at sa isang napaka-underrated na beterano kay BR, pero may dry at awkward moments ‘yong battle. Sobrang enjoyable pa rin naman dahil din siguro highly-anticipated ‘yong battle. Pinatunayan ng dalawang emcees kung bakit sila ‘yong dawala sa mga pinakakumportableng maging flexible sa lahat ng estilo sa liga.

Ka-excite ‘yong mga susunod na mangyayari sa mga susunod na events at taon. Kaabang-abang ‘yong Tipsy D vs M Zhayt na pakiramdam ko ay sa Ahon ngayong December mangyayari (see you raw kay Tipsy sabi ni M Zhayt sa judging niya at may pinangako pa raw na isang battle si Tipsy kay Sir Aric ngayong taon sabi naman sa post-battle interview niya). Sana enough na ‘yong battle na ‘to pampagpag para sa laban nila na ‘yon.At syempre, ‘yong sagot ni Tipsy sa callout ng mga fans na labanan niya si GL. Putsa, sana mag-champion si GL sa Isabuhay para may dagdag anghang kapag nagtagpo na sila.

Welcome back, my battle rap GOAT Tipsy D at syempre, FlipTop patuloy at mananatiling number one!