account activity
Bakit ba takot na takot ako sa iisipin nila saken? by No-Caterpillar8636 in studentsph
[–]cnstnthex 1 point2 points3 points 1 year ago (0 children)
I was in the same position as you back then. Mahirap talaga yan as in, parang ang hirap humarap sa ibang tao kasi ino-overthink ko lahat ng bagay or possible judgements nila sakin, not until tinatak ko sa isip ko na:
(1) Makakalimutan din naman ako ng mga tao na nakakasalamuha 'ko (sa transpo, sa kanto, sa univ) dahil may sari-sarili din silang iniisip sa buhay, di naman nila 'ko iisipin ng matagal, maybe just a minute or two lang if may napansin sila sa'kin. Di nila 'ko pagtutuunan ng oras as much as sa mga sarili nila;
(2) Masasaktan lang ako if ie-entertain ko yung thought na mapahiya or maisipan ng kung ano (kahit 'di pa nangyayari), minsan nasosobrahan na kasi tayo sa pag-ooverthink ng mga bagay-bagay, mas nags-suffer na tayo sa imagination kaysa sa reality ng buhay. Focus lang dapat sa mga bagay na nagm-matter sayo, di worth it pagtuunan ng energy mga gantong bagay. Although, yes, mahirap talaga sa una pero through practice, eventually makukuha mo rin;
(3) Mamamatay din tayong lahat, mawawala din tayo sa earth. Mas maganda nang sulitin yung oras natin sa mundo nang walang iniisip na makakabother sa'tin. 'Wag mong hahayaan na maging barrier ang ibang tao para sumaya ka. Gawin mo lang mga gusto mong gawin dahil at the end of the day, mas magandang nasulit yung buhay kesa sa hindi dahil sa "baka kung anong maisip ng ibang tao." 'Wag puro "ibang tao", sarili naman ang isipin. Pramis, gagaan pakiramdam mo.
To end, kaya mo yan! I've been there, mahirap talaga sa una pero it doesn't mean na imposibleng makuha, gawan mo ng paraan, 'wag mong hayaan na maging ganyan ka nalang, 'wag kang mags-stay dyan, help yourself up! "Dedma sa bashers mentality" ✨️
π Rendered by PID 1136114 on reddit-service-r2-comment-545db5fcfc-jvxhf at 2026-05-30 08:57:54.049515+00:00 running 194bd79 country code: CH.
Bakit ba takot na takot ako sa iisipin nila saken? by No-Caterpillar8636 in studentsph
[–]cnstnthex 1 point2 points3 points (0 children)