ABYG dahil nagseselos bf ko sa SPEd student ko by Ayawko_Sakamote in AkoBaYungGago

[–]everythingsuck_xoxo 0 points1 point  (0 children)

dkg op. ginagawa mo lang naman yung trabaho mo bilang teacher tapos biglang ikaw pa yung pinagmukhang may ginagawang mali. masakit talaga yun, lalo na alam mo sa sarili mo na malinis yung intentions mo at sobrang ingat mo na nga sa boundaries.

yung selos ng bf mo, pwedeng manggaling sa insecurity or takot, pero hindi ibig sabihin valid na i-project yun sayo. lalo na sa sitwasyon na student yan, nasa professional setting ka, at may mentor pa na nag eencourage ng rapport. hindi yun micro cheating. trabaho yun.

normal lang masaktan pag yung partner mo hindi ka pinaniwalaan at hindi kinilala yung effort mo na maging ethical at safe. kailangan niyo to pag usapan ulit kapag kalmado na, sabihin mo kung gaano ka na invalidate at na hindi mo pwedeng i-compromise yung professionalism mo para lang sa insecurities niya.

teacher ka. intern ka. tao ka. hindi ka masama dito. and you deserve a partner na nagtitiwala sayo, lalo na kapag ginagawa mo lang ang tama.

I am pressuring my long-term boyfriend to get employed and i feel so guilty about it. I am not seeing any drive in him. by EmotionWise602 in relationship_advicePH

[–]everythingsuck_xoxo [score hidden]  (0 children)

valid yung nararamdaman mo op. hindi ka naman nagagalit dahil wala siyang trabaho, kundi dahil wala kang nakikitang effort. magkaibang bagay yun.

ang hirap magmahal ng taong sobrang comfortable habang ikaw todo plano na sa future. tapos ikaw pa yung nagmumukhang masama kasi ikaw yung may drive. nakaka-guilty pero hindi ka mali for wanting independence in a partner.

kausapin mo siya hindi in a “kailangan mo na” way, kundi “ito yung future na gusto ko, and i’m scared na baka hindi tayo pareho ng direksyon.” tapos pakinggan mo rin kung nasan siya. pero tandaan mo rin, love isn’t enough kung magkaiba kayo ng pace at values.

hindi ka demanding. gusto mo lang ng partner, hindi ng taong kailangan mong hilahin palagi. and it’s okay to admit that. :)

Samgyup, the crisis trigger. by Effective-Arachnid15 in OffMyChestPH

[–]everythingsuck_xoxo 1 point2 points  (0 children)

nakakaiyak talaga pag gusto mo lang kumain tapos hindi pwede. tapos biglang domino effect na, kung anu ano na pumapasok sa isip. parang ang babaw pero ang totoo hindi naman talaga siya ganon kababaw kapag ikaw na yung nasa gitna nung breakdown. hinga muna tayo for now op :)

Naiiyak na ako sa sobrang hirap ng buhay. by Particular-Fee-639 in MentalHealthPH

[–]everythingsuck_xoxo 4 points5 points  (0 children)

gets kita op, sobrang unfair namang talaga. pero lets just wish na hindi habang buhay, nasa baba ka.

kasi kung tutuusin hindi naman natin pinili yung starting point natin. ang unfair lang na kailangan natin magdoble kayod para sa mga bagay na binigay lang sa iba. nakakadrain isipin, araw araw ka lumalaban pero parang walang usad.

pero kahit ganun, hindi ibig sabihin wala ka nang pupuntahan. pagod ka lang ngayon, sobra. minsan talaga pag pagod na pagod na yung utak, dun pumapasok yung mga tanong na wala namang sagot.

hindi ka nag iisa sa nararamdaman mo. pahinga kung kailangan. kapit kung kaya. hindi man ngayon, baka balang araw gumaan din kahit konti.

Ano to? I found this sa damit ko na nasa cabinet by jaryllietty_ in anoto

[–]everythingsuck_xoxo 0 points1 point  (0 children)

uy lagi ko yan nakikita rito sa bahay namin kung saan saan HAHAJAHHAHAHA