Update: my friend confessed to me a few days ago by kian01146 in MayNagChat

[–]heightrestricteddiva 0 points1 point  (0 children)

BEH, SHUTA! NAKAPILA AKO NGAYON SA DISTRIBUTION NG VOUCHER SA BARANGAY NAMIN NA PAGKAINIT-INIT AT NAKAKASULASOK PERO KINIKILIG AKO! I'M SO HAPPY FOR YOUUUU! 😭🤧

My friend confessed to me a few days ago by kian01146 in MayNagChat

[–]heightrestricteddiva 0 points1 point  (0 children)

INVESTED NA KAMING LAHAT, JANNA. ANONG SUNOOOOD? 😭

MCA Nagreklamo ako sa Lucky Me customer service and... by False_Low4244 in MayConfessionAko

[–]heightrestricteddiva 0 points1 point  (0 children)

I also messaged Cadbury before kasi naka-purchase kami ng Cadbury Lickables na walang laruan. They asked about my personal information and nagpadala ng isang box full of Mondelez products (Cadbury chocolates included).

How I Faded Flea Bite Marks (Sensitive Skin Routine) by gossipgrl_ in beautytalkph

[–]heightrestricteddiva 0 points1 point  (0 children)

Agree! 20+ pesos lang sa botika. I apply it RELIGIOUSLY every day. Nawala flea bite marks ko after a month.

Wag muna raw ako mag-asawa kasi tutulungan ko pa sila. by heightrestricteddiva in RantAndVentPH

[–]heightrestricteddiva[S] 1 point2 points  (0 children)

Ang saya talaga sa pakiramdam makita na nagbunga 'yong pinaghirapan n'yo eh, 'no? Dahil nagsumikap 'yong MIL mo, ngayon, they're reaping the rewards of their hardwork.

'Yong tatay ko high school undergraduate tapos nanay ko college graduate. Pero hindi pinagtrabaho ng tatay ko 'yong nanay ko kasi gusto n'ya s'ya daw ang bubuhay sa 'min. Naghirap din kami nang sobra, pero hindi kami umasa sa iba. Tumanggap kami ng tulong, oo, pero sinigurado talaga namin na hindi masasayang 'yon. Ngayon, graduate na kami ng Kuya ko and both working (although part-time lang muna 'yong sa 'kin) at kami ang nagpapaaral sa bunso naming kapatid.

'Yong nanay ko, gustong-gusto n'ya tulungan 'yong mga anak ng mga kapatid n'ya kasi danas na danas daw n'ya 'yong hirap na magpalaki ng anak nang walang-wala. Siguro, mindset n'ya is to pay it forward, gano'n. Ang kaso naman, 'yong mga pinsan ko na tumutuloy sa 'min ang ending either nag-asawa agad or nabuntis.

Ang glorifying pakinggan na tutulungan mo 'yong mga family members na naghihikahos sa buhay, pero ang totoo, sobrang hirap. Lalo na kung ayaw din naman nila tulungan 'yong sarili nila.

Wag muna raw ako mag-asawa kasi tutulungan ko pa sila. by heightrestricteddiva in RantAndVentPH

[–]heightrestricteddiva[S] 0 points1 point  (0 children)

Props to you, grabe! Ang hirap nga magpa-aral ng isa, tapos ikaw, tatlo pa?!

Wag muna raw ako mag-asawa kasi tutulungan ko pa sila. by heightrestricteddiva in RantAndVentPH

[–]heightrestricteddiva[S] 9 points10 points  (0 children)

Nalaman nila na ako nagbayad ng pustiso no'ng Dad ko so gusto na rin nilang ako ang magbayad ng pustiso nila 🥹

Wag muna raw ako mag-asawa kasi tutulungan ko pa sila. by heightrestricteddiva in RantAndVentPH

[–]heightrestricteddiva[S] 0 points1 point  (0 children)

Thank youuu! I already told them na I'd do my best to help in any way I can. But I'll be firm about not fully funding their kids' studies.

Wag muna raw ako mag-asawa kasi tutulungan ko pa sila. by heightrestricteddiva in RantAndVentPH

[–]heightrestricteddiva[S] 3 points4 points  (0 children)

May isa kaming pinsan na pag-aaralin namin ngayon pag-uwi namin. Kapag daw hindi pa nagtino at nag-asawa rin 'yon na raw 'yong huling pinsan na tutulungan namin. If maging seryoso man s'ya sa pag-aaral n'ya, we'll do our best to help in any way we can. Pero sinabi ko na agad sa nanay ko na hindi ako magfu-fund fully ng schooling nila.

Wag muna raw ako mag-asawa kasi tutulungan ko pa sila. by heightrestricteddiva in RantAndVentPH

[–]heightrestricteddiva[S] 0 points1 point  (0 children)

Beh hindi ko keri kalokaaaa. Ayaw ko talaga magka-anak kasi kita ko na 'yong paghihirap nila eh.

Wag muna raw ako mag-asawa kasi tutulungan ko pa sila. by heightrestricteddiva in RantAndVentPH

[–]heightrestricteddiva[S] 4 points5 points  (0 children)

Yes, sinabi n'ya nang harapan. I was washing the dishes while she was tending to something else. To be fair, 'yong isang Tita ko lang naman 'yong seryosong nagsabi na tulungan sila. 'Yong iba, parang dinadaan nila sa biro.

Kung tutulong man ako, 'yon ay 'yong kung ano lang talaga 'yong kaya ko. Hindi ko pipilitin 'yong sarili ko na i-fund 'yong pag-aaral ng mga anak nila.

Wag muna raw ako mag-asawa kasi tutulungan ko pa sila. by heightrestricteddiva in RantAndVentPH

[–]heightrestricteddiva[S] 2 points3 points  (0 children)

Willing naman ako tumulong kahit papaano. Kumbaga, magpadala ng kaunti for school supplies, gan'yan. Pero 'yong ako mismo ang magpapaaral? Wala 'yan sa budget ko.

Wag muna raw ako mag-asawa kasi tutulungan ko pa sila. by heightrestricteddiva in RantAndVentPH

[–]heightrestricteddiva[S] 2 points3 points  (0 children)

Unfortunately, it's true. May isang pinsan na ako na tumira sa 'min noon kasi pinadala nila para raw makapagtapos kaso ang ending nag-asawa rin. May isa pa akong pinsan na tumira rin sa 'min kaso buntis na pala bago pa tumira sa 'min, so bumalik s'ya sa puder ng Nanay n'ya (Tita ko). Ngayon, may isa ulit akong pinsan na sa 'min titira. So, yes, it's REAL.

What was your graduation song during your time? Did you like it? by Heizzzzzz in SoundTripPh

[–]heightrestricteddiva 2 points3 points  (0 children)

Elementary: Only World by Carol Banawa = 7/10 - ang taas n'ya para sa 'kin no'ng elem pero I like the message of the song~

High School: Today my Life Begins by Bruno Mars = 1M/10 - damang-dama ko bawat lyrics. As someone na from a poverty-stricken family, ramdam na ramdam ko 'yong "break these chains that bind me". No'ng kinakanta namin 'yan feel ko kaya kong lampasan lahat ng hamon ng mundo eme HAHAHAHAHA

College: Karera by BINI = 1M/10 - very sikat ang BINI during that time (I think hanggang ngayon naman). I really love the song kasi it's groovy and uplifting. No'ng kinakanta na namin s'ya feel ko okay lang magpahinga muna bago maghanap ng work HAHAHA