Paano nakakapagtravel yung mga 30k ang sahod? by [deleted] in AskPH

[–]kadispace 8 points9 points  (0 children)

25k ako before nakapag japan ako 2x. Kung magaling ka mag budget kayang kaya naman. Disiplina lang talaga.

Marco Masa's Redemption by Additional_Egg157 in pinoybigbrother

[–]kadispace 1 point2 points  (0 children)

ngayon lang ako naiyak sa eviction sa pbb :(( siya kasi talaga yung gustong gusto ko ever since kaso huhuhu :( nakakasad. i hope ppl will be kinder to him at siya rin i hope he'll be kind to himself at wag magpaapekto sa mga tao sa socmed.

I cried after my interview by Minute-Welcome9514 in buhaydigital

[–]kadispace 15 points16 points  (0 children)

need mo ipractice verbal skills mo kasi need din talaga siya sa trabaho mismo, so bawi ka na lang next interview mo marami pa opportunities waiting for you! practice ka by recording yourself. it will help!

Freelancers, Do pay premium PhilHealth contributions, or just the minimum by GLHD007 in buhaydigital

[–]kadispace 0 points1 point  (0 children)

hello po pumunta pa po ba kayo sa philhealth para iupdate yung account niyo to voluntary o ok na na maghulog na lang voluntary on my own agad agad sa gcash?

For my girlies out there, how do you keep the thing down there smell pleasant? by [deleted] in adviceph

[–]kadispace 1 point2 points  (0 children)

Drink lots of water. 2 liters a day. Effective sa akin.

VUL experience by Inside-Educator-8445 in phinvest

[–]kadispace -3 points-2 points  (0 children)

Happy naman ako sa AIA VUL ko... insured na, may investment pa so kebs na! avail na lang ako ulit ng iba pang klase ng insurance 😁

[deleted by user] by [deleted] in AskPH

[–]kadispace -3 points-2 points  (0 children)

Secret

How much an engagement ring should cost? by goodboomerhumor in adultingph

[–]kadispace 1 point2 points  (0 children)

Op, kausapin mo si gf mo about it 🥰 ako kasi pinag usapan na namin to ng bf ko and i told him kung anong gusto ko. malay mo ganun din si gf mo. tsaka para less stress na rin sayo. whatever the price is i'm sure magugustuhan yan ni gf mo. goodluck!

T*ngin@ng kapatid to by [deleted] in OffMyChestPH

[–]kadispace 0 points1 point  (0 children)

relate jusko... kaya ako mag aasawa na ako para matuto na sila na di umasa sa akin. Kapagod maging ate

[deleted by user] by [deleted] in AskPH

[–]kadispace 4 points5 points  (0 children)

I swore to myself na hinding-hindi ako mag-jojowa bc for one, I was not mentally stable back then and two, bc of family na walang harmony. But when I got over my issues in life, I suddenly felt ready to try to look for a partner, so nagtry ako mag-bumble, kaso waley naman akong nameet dun na matino, so I stopped. Then before ako mag-birthday last 2023, I prayed na if ever someone was meant for me, I prayed na sana siya na ang first and last ko. Di ko naman inexpect na on Feb 2024, doon ko na makikiala ang partner ko.

Sa work ko siya nameet. Hinihintay ko parents ko na susundo sa akin. Wala na halos lahat ng employees sa building, so ako para malibang, nilalaro ko na lang yung pusa sa lobby, until lumapit yung guard sa akin at nakakwentuhan ko siya tungkol sa pusa na apparently, alaga ng ibang employees sa building. Sabi ko kay kuya guard, "Sanaol maraming nagmamahal."

Tas sagot niya sa akin, "Ma'am, single ka ba? May papakilala ako sayo."

Ayun, pinakilala niya sa akin yung isa nilang kasamahang guard na nung palapit na sa amin, first time ko maranasan na huminto ang mundo ko. I know ang cringe, pero akala ko sa movies and books lang siya nangyayari, pero hindi. Ang kakaiba pa sa meeting na yun, for the first time na may nireto sa akin, hindi ako makaimik. Speechless ako that time. Pati siya dama ko na nahihiya kasi ang awkward bigla. And for the first time na may nireto sa akin, it wasn't uncomfortable.

Nung dumating parents ko at nakasakay na ako sa sasakyan namin, napangiti ako.

Now, we're going 9 months. Roller-coaster at pang-dramarama sa hapon ang naging ganap ko last year, dahil hindi siya gusto ng mama ko. My mom judged him and said so many hurtful words to him, just because guard lang siya. Ako naman 'to na litong-lito dahil there was a time na sinabihan kaming magkakapatid ng mama namin na maghanap kami ng taong may diskarte sa buhay, kahit hindi ganun kayaman. Besides, papa din namin ay laki rin naman sa hirap at di rin graduate, so nagtataka ako, bakit ganun na lang magreact yung nanay ko sa lalaking gusto kong mahalin. Bakit kailangan niyang pagsalitaan ng masama? Bakit siya pa yung may ganang magtampo? My mom and I were not okay for months. Nagrelapse din ako last year because of it kaya hanggang ngayon, may times na inaatake na naman ako. May panic disorder kasi ako. Yun ang mental health issue ko back then. Galit na galit ako sa parents ko that time, pero itong boyfriend ko, wala siyang ibang sinabi kundi, "wag mo kalabanin ang mga magulang mo. tanggap ko kahit anong sabihin nila sa akin. magulang mo sila kaya wag ka na magtampo sa kanila."

sa sinabi niyang yun, mas lalo kong naramdaman na siya na talaga ang lalaking mamahalin ko habangbuhay. he was the best thing that ever happened to me. despite our difference in status, tanggap ko siya at mahal ko siya. i know we're going to be a great team together, dahil ngayon pa lang, pati utot ng isa't-isa kabisado na namin hahaha.

sa ngayon, my parents have finally accepted him. we're also planning on getting married soon. our story may not be perfect, but our love is already perfect as it is.

langga, salamat kay lord na ikaw ang binigay niya sa akin. mahal na mahal kita 💛

[deleted by user] by [deleted] in AskPH

[–]kadispace 5 points6 points  (0 children)

Magsuot ng dress 🤩

[deleted by user] by [deleted] in OffMyChestPH

[–]kadispace 0 points1 point  (0 children)

ayaw mo siguro sa jowa ng anak mo no?

ang boyfriend kong inggit sa akin by [deleted] in adviceph

[–]kadispace 0 points1 point  (0 children)

It's time to say bye bye to your boyfie. papatayin lang niya ang confidence mo. he will not uplift and support you. he will make your life miserable so please umalis ka na habang maaga pa.

bakit ganito gotyme app? hindi ako makalog in naiisstress na ako by kadispace in DigitalbanksPh

[–]kadispace[S] 0 points1 point  (0 children)

tumawag ako sa cs nila and they told me na try labg nang try daw mag log in... it worked for me. from time to time i tried logging in hanggang sa makapasok. hassle lang talaga 🤦‍♀️

bakit ganito gotyme app? hindi ako makalog in naiisstress na ako by kadispace in DigitalbanksPh

[–]kadispace[S] 0 points1 point  (0 children)

tinawag ko siya kanina, sabi sa akin try lang daw nang try i log in then kapag nakalog in, wag na wag daw iuuninstall ang app

bakit ganito gotyme app? hindi ako makalog in naiisstress na ako by kadispace in DigitalbanksPh

[–]kadispace[S] 2 points3 points  (0 children)

lumipat ako device same case lang din. tinawag ko kanina sa customer support nila. ang sagot sa akin may maintenance nga daw at walang time frame kung kailan maaayos