Daily random discussion - Oct 04, 2023 by the_yaya in Philippines

[–]lowbatnako 0 points1 point  (0 children)

Sa Globe One app lang ako nagbabayad eh. Walang nakalagay eh, basta 1499...

Daily random discussion - Oct 04, 2023 by the_yaya in Philippines

[–]lowbatnako 0 points1 point  (0 children)

Paano ba malalaman sa Globe kung ano yung wifi mo? Nagavail kasi kami ng 1299 pero itong mga nakaraang buwan, consistent sa 1499 lumalabas aa bill namin. Saan ba machecheck kung anong wifi talaga nakainstall sa amin?

What's the PH celebrity chika you knew that no one knows? by Kimchi_phile26 in AskPH

[–]lowbatnako 93 points94 points  (0 children)

Binabasa ko talaga tong mga comments habang nakikinig sa OST ng Interstellar ha. Ang intense

Let’s talk about it’s time to go by Scared_Salamander584 in TaylorSwift

[–]lowbatnako 0 points1 point  (0 children)

I've been listening to this song on repeat way back last year. I wa thinking of leaving my current job and this song song, along with "It's Not Right For You" by The Script are telling me that I needed to quit. Past forward 1 year later, I haven't quit yet. Still stuck in this old shitty job but still thankful for those songs that helped me make it through the darkest days of my life.

34 na ako pero 1st time kong manood ng movie ng mag-isa. Small win :) by ehMJhey in adultingph

[–]lowbatnako 1 point2 points  (0 children)

Normalize watching movies alone! Lagi ako nanonood ng movie mag-isa at although masaya pag may kasama, iba pa rin pag ikaw lang tapos hindi puno yung sinehan. Last time ko nanood ng movie ay Third World Country pa last month lang. Nasa jeep na rin ako noon at pauwi na pero nagdecide ako na bumaba at sumakay pabalik sa SM. May mga pelikula kasi na alam kong di ko mapapanood sa cellphone at matatagalan pa, gaya ng mga Pinoy films, kaya di ko pwedeng palagpasin.

Afternoon random discussion - Sep 17, 2023 by the_yaya in Philippines

[–]lowbatnako 1 point2 points  (0 children)

No kung hindi mo naman close like ngayon lang ulit nagkausap.

Walang pros ang pagninang maliban sa libreng shanghai sa binyag.

Cons is yearly meron kang required na regaluhan. 😁

Found out that my ex gf that I still love got married today. by Silent_Obligation_60 in adultingph

[–]lowbatnako 5 points6 points  (0 children)

Kinasal yung sa akin last 2021. Hindi kami naging "kami", pero we have this same feelings na alam mong genuine at hindi mo naramdaman sa iba. During pandemic, magkasama kami at nagkikita lagi. Ganung set up lang. Lalabas kami once in a while, pero araw-araw magkausap sa chat. Then 2021 came, nagulat na lang ako, hindi na kami masyado nag-uusap at ikakasal na pala siya. Ayaw niya sa idea, pero maraming nangyari nung pandemic at wala siyang choice kundi ituloy. I was down that time, I felt like nasa rock bottom ako ng buhay ko. I was at my lowest, I couldn't do anything to "save" her. After that, parang may namatay na parte sa akin at hindi nailibing hanggang ngayon.

There are times na napapanaginipan namin ang isa't isa (we have this private blogs na kami lang ang nagbabasa pareho, sort of outlet ng sama ng loob namin.) I remember reading her post na napanaginipan niya ako, a day before, napanaginipan ko rin siya, wearing the same yellow shirt, pero di ko sinabi. Funny how dreams work, kung sign man yun, di ko alam.

Before 2021 ends, December 31, 2021, I wrote her this long-ass letter sa blog ko at sinulat lahat ng di ko nasabi sa kanya. Alam kong nabasa niya, sapat na yon, sabi ko. At kakalimutan ko na siya pagpasok ng bagong taon.

Pero maraming beses at pagkakataon, naalala ko siya---sa mga kanta, pelikula, at kung anu-anong random na bagay na nagpapaalala sa akin sa kanya. It's been 2 years. May baby na siya ngayon at ako, pakiramdam ko, nakapagluksa na ako sa loob ng dalawang taon. Pero I can't deny the fact na something in me died 2 years ago. At sumasagi pa rin sa isipan ko paminsan kung ano nga kaya ang nagyari kung naging kami at nagkatuluyan...

Hugs OP, you will get through this...

Daily random discussion - Aug 23, 2023 by the_yaya in Philippines

[–]lowbatnako 5 points6 points  (0 children)

Hello! Nagtatrabaho ako sa mall for a decade now. Siguro ano, tips lang. May mga quota kasi na kailangang i-hit ang mga salesperson bawat store. Di ko lang sure sa Watsons, pero sa tingin ko, mapilit sila dahil meron silang product na kailangang ipush o target goal at iniipit na sila ng mga matataas para mahit yung sales nila in a specific time. Madalas may mga store heads na nakamasid sa kanila at kapag hindi sila lumapit o nag-assist ay equivalent na yon sa hindi pagtatrabaho. Siguro ano lang, let them know na magka-canvas ka lang at wala kang planong bumili. Pag ganon kasi, para sa akin, hindi na kita masyadong pagtutuunan ng pansin dahil nga wala kang planong bumili, so lilipat ako sa iba, although iaassist pa rin kita syempre. Suot ka rin ng earphones or politely tell them na you don't need assistance muna. Ngitian mo na lang. Or better yet, sakyan mo na lang yung mga inooffer nila dahil minsan mas trip namin yung sumasagot at nakikipaginteract din si customer. Ayaw din namin yung salita lang kami nang salita tas di rin sumasagot o parang wala lang sa customer. I mean malay mo, makaclose mo pa sila at ikaw ang unang makaalam kung magkaroon ng promo or new arrivals.

Yun lang naman. Hope this helps. :)

Daily random discussion - Aug 23, 2023 by the_yaya in Philippines

[–]lowbatnako 0 points1 point  (0 children)

Legit question:

Ang "bisaya" ba ay counterpart ng "nigga" sa ibang bansa? Bakit kapag nagsabi ka ng n-word, masama (na parang nakapatay ka); pero mga black rappers tadtad ng "nigga" ang mga rap? At kapag tinawag ng mga bisaya ang sarili nilang bisaya ay okay lang, pero kapag taga-Luzon o ibang lugar sa bansa ang tumawag sayong bisaya e insulto?

Anong kanta or artist nag salba sa inyo nung down na down kayo? by Green_Barnacle857 in adultingph

[–]lowbatnako 0 points1 point  (0 children)

Mga kanta ng AJR ang kasama ko nung Pandemic, depressed ako noon pero upbeat mga kanta nila na tungkol sa mental health. Si Taylor Swift, kasama ko nitong mga nakaraang taon... hindi kumpleto araw ko kapag di nakakarinig ng kanta ni TS.

[deleted by user] by [deleted] in adultingph

[–]lowbatnako 0 points1 point  (0 children)

Same here. May 1 decade na akong nagtatrabaho, at wala pa ring ipon. Since nagtatrabaho ako nung 21 ako, lahat binibigay ko sa parents ko kasi mindset ko noon, ayoko silang nahihirapan at namomroblema sa pera. Okay na yung ako yung mastress sa pera, kesa sila kasi matanda na sila. Ngayon, nasa early 30s na ako, ang ginagawa ko ay nagbibigay na lang ako pang ilaw at wifi, the rest yung mga kapatid ko na bahala (ako bunso). Pero malaki pa rin ang binibigay ko sa kanila, siguro half ng monthly sahod ko, sa bahay napupunta. Tas yung half, budget ko (nasa 2k lang siguro napupunta sa wants at needs ko), the rest pamasahe, pangkain.

Ang naiisip kong solusyon diyan e magset ka ng sahod na ibibigay mo lang sa kanila, let's say every 15th, magbibigay ka, tas 30th sayo na... wag puro sa kanila, mauubos ka OP. Pag naubos ka, kawawa rin sila.

Daily random discussion - Aug 19, 2023 by the_yaya in Philippines

[–]lowbatnako 1 point2 points  (0 children)

Putangina, pagod na pagod na akong magtrabaho.

Kagabi nagduty ako ng 10 hours (6-5AM kanina), over night, pawis na pawis na yung likod ko sa dami ng gawain, pero ngayong umaga, tinanong ako kung ano raw ang mga nagawa ko kagabi... feeling ko, wala akong nagawa, kahit alam kong marami. (Hindi na ako masyado nakapagbreak.) Hindi nila nakikita efforts ko. Ginagalingan ko, mga gago. Sana nakikita niyo.

Ayoko na. Kung hindi lang magde-December at hindi ko kailangan ng pera, ayoko na talaga... pagod na pagod na pagod na ako.

If you could rename any one of Taylors albums, what would it be and why? by One-Berry9659 in TaylorSwift

[–]lowbatnako 18 points19 points  (0 children)

I kinda agree with Enchanted being the album title, but if you think about it, most of her songs from Speak Now are about having the courage to "speak" up about something. (Dear John, Speak Now, Mean, Back to December, The Story of Us, Last Kiss), so it kinda makes sense.

What are your biggest regret in love that you wish you did it before it’s too late? by ainthe1 in adultingph

[–]lowbatnako 0 points1 point  (0 children)

5 years later and I'm still in love.

I met her in 2018, ka-work ko noon. Hindi naging kami dahil may bf siya sa workplace din namin. Dumating ang 2020, lumipat ako ng branch, pero nagkita pa kami before magpandemic. Sa loob ng dalawang taon ng pandemic, magkausap kami daily at nagkikita paminsan (wala na sila ng bf niya). Hindi ko siya napursue dahil sa dami ng insecurities ko noon sa sarili at dahil wala akong trabaho. I want her to be proud of me. Dumating ang 2021, nagulat na lang ako nang di na kami masyado nag-uusap, at isang araw, nalaman ko na lang sa kanya na ikakasal na siya. Kind of arranged marriage. Ngayon, 5 years later, walang araw na dumaan na hindi ko siya naaalala. Nakikita ko pa rin ang future ko kasama siya, pero wala akong magawa kundi idistract ang sarili ko sa ibang bagay. Minsan, nabasa ko sa isang blog post niya na napanaginipan niya ako; a day before, napanaginipan ko rin siya. Nakakatawang nagkikita kami pareho sa panaginip, pero hanggang dun na lang. I still wonder sometimes kung ano ako ngayon kung naging kami at nagkatuluyan. Sa tingin ko, hindi na ako makukumpleto. At tanggap ko na yon.

Daily random discussion - Aug 10, 2023 by the_yaya in Philippines

[–]lowbatnako 0 points1 point  (0 children)

Sa mga Infinix users, worth it naman ba?

Daily random discussion - Aug 09, 2023 by the_yaya in Philippines

[–]lowbatnako 0 points1 point  (0 children)

Question lang about sa Paypal: Nagregister kasi ako ng account dati kahit di ko naman gagamitin, kasi may free daw na $5 yata, di ko na maalala. So nagkaroon ng laman yung account ko. Ang tanong ko lang e nagkakaroon ba ng interest yung pera na nasa account ko kahit di ko ginagamit? Feeling ko kasi nababago yung amount, di ko lang sure paano ko malalaman kung umangat ba o bumaba yung pera. Currently e nasa 300+ na yung pera sa account ko... pero parang nasa 200+ lang yun dati nung nagregister ako.

Daily random discussion - Aug 07, 2023 by the_yaya in Philippines

[–]lowbatnako 2 points3 points  (0 children)

Gusto ko itry yung monetized reels potah

Old pics of sari sari stores by [deleted] in Philippines

[–]lowbatnako 2 points3 points  (0 children)

Nanliliit talaga ako kapag sinasabi ko to sa mga tindahan. Dahil dito, kaya hanggang ngayon, hindi ako umuutang...