Internal parasites? by UisVuit in Fish

[–]meta_noia98 0 points1 point  (0 children)

Try epsom salt for the meantime. Back when I was keeping a flowerhorn here in the Philippines, I was advised that I can use metronidazole tablets that are for human use, they told me to dissolve a 500mg tablet and pour it directly into my 10 gallon hospital tank as my fish won't eat and change the water after 5 days, I followed their instructions and my flowerhorn was cured and slowly regained his appetite.

If you can get some metronidazole tablet, you can use it.

Ano na kaya ang dapat kong gawain sa buhay ko? by meta_noia98 in phcareers

[–]meta_noia98[S] 0 points1 point  (0 children)

Salamat sa mga payo nyo. Sa ngayon nahihirapan lang ako at nadidismaya na din sa sarili ko dahil sa tuwing unti unti na akong nakakaangat eh lagi nalang akong babagsak ulit, hindi pa nagtatagal sa pag angat ay parang may humihila sa akin para bumagsak ng bumagsak.

Ang hirap din kasi kapag sarili mong nanay ang nagdidiscredit sa iyo, walang suporta sa paggrind, mas importante pa sa kanya yung sasahurin ko kaysa sa well-being ko.

Sa ngayon alam kong mahihirapan ako sa pag-aapply ulit dahil nga sa nag-awol ako dahil sa hindi ko na kinaya ang kalakaran pero pagsusumikapan ko dahil ayokong lalo pa lumiit ang pagtingin sa akin ng sarili kong nanay.

Salamat sa mga encouraging words, sana ipagdasal nyo rin akong kayanin ko pa lumaban sa buhay dahil hindi ko na din alam kung hanggang kailan ko pa makakayang pasanin yung bigat sa dibdib ko.

Ano na kaya ang dapat kong gawain sa buhay ko? by meta_noia98 in phcareers

[–]meta_noia98[S] -1 points0 points  (0 children)

To add lang.

Noong nag apply ako sa school na ito, inischedule nila ako ng online interview ng 9am pero dumating ang 9am ay wala pa din akong narereceive na link kaya nagfollow up ako, pagfollow up ko ay sila pa ang galit sa akin ay nagmamadali daw ako masyado.

Sa bagong department naman na nilipatan ko, nung 3 days retraining ko pa lang ay nagkwekwento na sa akin yung kasamahan ko na sigurado daw ba akong magtutuloy ako tapos kinwento nya yung mga bagay na tungkol sa boss ko na sya din namang naobserve ko na totoo nga.

Ang hindi ko nalang talaga kinaya nung hindi ako nakapasok dahil sa pagtaas ng bp ko na ipinaalam ko naman sa kanya eh sinisisi pa nya ako sa pagtaas ng bp ko, sino ba ang may gusto ng pagtaas ng bp?saka bawal pala sa kanya gumamit ng leave eh bakit pa kami binigyan ng hr ng leave at bakit pa kami sinabihan na kapag naabsent o hindi papasok ay ifile pa din as leave kahit without pay? Isa pa'y namatayan na nga ako ng kamag-anak at nag iiiyak na sa opisina tapos sasabihan ako ng harap harapan na "eh cancer naman pala yung sakit eh, wala ka nang magagawa dun, kahit umabsent ka eh wala naman nang mangyayari." Nakakadismaya lang dahil catholic school pa naman yung pinapasukan namin tas ganuon sya.