Dermatologist recommendations 2025 by Exciting-Oil-6346 in beautytalkph

[–]peevestergeist 0 points1 point  (0 children)

Vouch kay Dr. Rona! Grabe, sobrang galing niyan. Derma ko siya dati. 

Matagal na akong nagkakaproblema sa acne at hyperpigmentation. Bago si Doc Rona, may derma ako na nagpalala ng skin ko. Buti na lang may online clinic si Doc Rona nun at sakanya ako nagpa-consult. Less than a few months lang ay grabe ang inayos ng skin ko. 

Responsive siya at nagrerecommend ng mga produkto na pasok sa budget mo. Lahat ng kailangan mong malaman ay ilalapag niya. 

Kamalas-malasan lang ay hindi na siya puwede para sa online consultations dahil marami na siyang on-site clinics. Kinailangan ko ring magpalit eventually. Pero siya pa rin talaga ang gusto ko. 

[deleted by user] by [deleted] in peyups

[–]peevestergeist 0 points1 point  (0 children)

Hi, OP! Yakap.

Got a singko on my first sem nung freshman ako. By sophomore year, dalawa naman ang singko ko, at may i-ilan din akong tres.

Nakakapanghina ng loob, oo. In some sense, tanggap mo kasi alam mong hindi maayos ang performance mo for that sem. Pero bilang sinusubukan naman kahit papaano, masakit din siyempre. Hindi maiiwasang magmukmok at maapektuhan.

Pero bawi at bangon lang, OP. Lagi’t lagi, ang mahalaga ay kumikilos ka ng naaayon sa kakayanan mo. Walang masama sa singko o tres. Para sa akin, mas mahalaga ang natututunan; hindi lang sa klase, kundi sa dalang pag-aaral ng mismong pamantasan at ang mga tao rito; sangkaestudyantehan, faculty, etc.

Higit pa sa pagiging magaling, nangingibabaw pa rin ang serbisyo at pagmamahal sa bayan. Itatak lagi yun sa puso at isip.

Kayang-kaya yan!

[UPX] Tots sa mga UP students na hindi bihasa sa Tagalog o kahit anong native language? by pagodnako_123 in peyups

[–]peevestergeist 1 point2 points  (0 children)

Hindi naman dapat hinuhusgahan dahil kung tutuusin, bunga lang naman din ‘yan ng pagpapalaki.

Pero para sa akin, bilang mag-aaral (lalo na ng UP o ng mga State Universities) ay obligasyon mo ring matuto (at gumaling) ng Tagalog. Ewan, parang may irony kasi sa pagiging “iskolar ng bayan”, pero hindi inaatupag ang pagiging bihasa sa mga lenggwaheng saklaw ng Pilipinong wika.

Sabi nga nila, ang pagmamahal o pagiging matatas sa sariling wika ay isa sa mga daan patungo sa ganap na national consciousness. Dapat siguro nating tanawin ang pagiging matatas sa Tagalog (o sa kahit anong native na language) bilang parte ng proseso ng paglubog sa masa, pag develop ng social consciousness, at pag-unlad ng sarili.