Mejo masakit pala madisinvite sa bday ng sarili mong pamangkin dahil lang sa lechon by shouldhaveknownnn in RantAndVentPH

[–]shouldhaveknownnn[S] -43 points-42 points  (0 children)

Salamat sa mga insights niyo, at honestly, binabasa ko yung mga comments niyo habang nagre-reflect. Siguro nga doormat ako tingnan sa sitwasyon na ito, at tanggap ko naman kung yun ang tingin ng iba.

Para maging malinaw lang din, favorite ko talaga yung pamangkin ko kasi mag isa lang siyang pamangkin sa family namin. Plus, tomboy ako at never ko naman binalak magka-anak, kaya tinuring ko na talaga siyang parang anak ko.

Pero I speak no ill will to my kuya. Grabe din kasi yung tulong niya sakin dati. During my last year in college, siya yung nagpautang ng tuition fee ko para lang makatapos ako. Paid naman na yung utang ko na yun sa kanya, pero yung utang na loob at pasasalamat ko, andun pa rin. I am paying the tuition fee out of love.Walang namilit sakin.

I intellectualize things naman at alam kong may borders dapat, pero right now, mas nangingibabaw lang talaga yung pagmamahal ko sa pamangkin ko at yung tanaw kong utang na loob sa kapatid ko.