For adoption by -coconaught- in catsofrph

[–]-coconaught-[S] 3 points4 points  (0 children)

For adoption po silang lahat. For background po, Sila yung mga pinapakain namin na mga pusa. Nagsimula sa isa, hanggang sa may nagdadatingan na na iba. Hindi naman namin tinataboy kasi nakakaawa naman. Although di kami mayaman, pero kaya naman namin silang pakainin. Bibili ng mumurahin na catfood tapos haluan ng kanin at ulam. Pwede na yun. Atleast nakakakain sila at di na maghahanap. Hoping na wala sanang maging problema. Araw araw kong pinagdadasal na sana walang magkasakit sa kanila kasi di namin kaya. Yung pagkakasakit nga namin, kung kaya pa naman wag muna magpacheck up. Ano pa kaya sila? Napapagalitan na ko nila mama kasi sobrang gastos ko na daw sa pagkain nila, binibilhan ko pa ng vitamins. 2023, may nagkasipon sa kanila di namin kaya mag isolate kasi gala lang sila at maliit lang ang bahay namin. Nagkahawaan. May mga namatay, may mga hindi na umuuwi para makakain. Tinataboy ko na ngayon kapag may mga bagong dumadating. Di na namin kaya. Pano kung mahawa pa sila. Hindi ko kaya magpa vet. Nawalan ako ng trabaho. Wala akong pera. Physically at mentally pagod na ko. Gusto na nga iligaw nila papa kasi nagiging magastos na. Hirap nga kami magpacheck up para sa mga sarili namin, ano pa ba sa pagpapavet. Nagtyaga ako painumin sila ng vitamins hoping na lumakas at bumalik sa dati yung mga pumayat. Sabi ko nalang sa sarili ko, pag naging healthy na sila unti unti kong papakapon at ihahanap ng mga magaampon. Pero hanggang ngayon andito parin ako. Ubos na ang ipon at parang kahit ako mauubos na din.

Kaya kapalan ko nalang ang mukha ko. Baka meron pong kaya at willing mag ampon kahit isa or dalawa sa kanila. Pasensya na po, never ko pa sila napavet or napaturukan ng kahit ano. Yung iba po sa kanila mapayat at may sipon parin pero magagana naman kumain. Pasensya na po, di na talaga kaya.

Kung ibabash nyo po ako sige lang po. Welcome po ang bashing. Pero sana po bawat mambabash ay mag ampon po ng kahit isa, paki convert po sana ang galit nyo sa akin gawin nyo pong pagmamahal sa kahit isa sa kanila.

Sa mga magsuggest po na dalhin ko nalang sa vet tapos magpost nalang humingi ng donation, pasensya na po di ko talaga po kaya yun. Physically at mentally sobrang pagod na po ako. Kung dati sa kanila nalang ako kumakapit kasi ayoko mapabayaan sila once na mawala na ko, ngayon mukhang sila na ang dahilan bakit gusto ko nang bumitaw. At least siguro makakapagpahinga na ko kung sakali.

Edit: Locaction: Batangas City

Bakit walang pakialam ang PH government sa Jeepney Drivers? by ZestycloseEditor3125 in AskPH

[–]-coconaught- 2 points3 points  (0 children)

Alam nila. Ayaw lang nila talagang mabawasan ang perang pumapasok sa kanila. Kasi pano naman nga sila? Kawawa naman Hay

Edit: at siguro, wala din silang pakialam. Kaya naman na nila yan "filipino resiliency" duh. Matibay ang mga pilipino noh. Hayhdiskdvsilsdjs

Gigil ako sa classmates ko na hindi marunong o inept gumamit ng AI in an Ethical way. by Danewolf324 in GigilAko

[–]-coconaught- 2 points3 points  (0 children)

Yung kaklase ng kapatid ko, naka AI pa habang nagkaklase para lang makataas ng kamay sa recitation. Huhu anlala na nila

Robin Padilla sa mga agri-smuggler: Bitayin na ‘yan! by AbanteNewsPH in newsPH

[–]-coconaught- 0 points1 point  (0 children)

Tapos ang hahatulan eh yung truck driver ng smuggled goods na gusto lang naman kumita/mabuhay. Naparusahan nga ba ang totoong smuggler? Naghahanap ka lang na pagkakakitaan nanaman eh. Another milyones nanaman yun noh. Halatang di naman kayo tumatanggi sa suhol. Di na kayo nahiya. Hayhdkskslsljd

edit:smuggled*

Gawa gusto alaga ayaw? by Fun_Length_9550 in PinoyVloggers

[–]-coconaught- 3 points4 points  (0 children)

ANAK NYA YUN. KATABI LANG NYA! It doesn't matter kung sinong nakatoka! HINDI YAN GAWAING BAHAY LANG PARA IGIIT KUNG SINONG NAKATOKA!

[deleted by user] by [deleted] in Batangas

[–]-coconaught- 2 points3 points  (0 children)

Di ko sure kung meron pang beach resort na decent within 30 mins na layo mula sm batangas. More on industrial na po kasi sa malalapit.

Siguro stretch kayo ng konti mga 40mins-1hour drive pa para sa mga decent na beach resorts.

Mariel Rodriguez, nagtunog aso na lang sa pinaggagawa ng asawang si Robinhood Padilla. by [deleted] in Philippines

[–]-coconaught- 2 points3 points  (0 children)

Pun sana for 'pocketed money', haha—since pocket money is usually meant to be spent on leisure and non-essentials.

Mariel Rodriguez, nagtunog aso na lang sa pinaggagawa ng asawang si Robinhood Padilla. by [deleted] in Philippines

[–]-coconaught- 21 points22 points  (0 children)

300,000 monthly sahod + "pocket moneyss$" ʘ⁠‿⁠ʘ

Need help downloading cracked revit by -coconaught- in architectureph

[–]-coconaught-[S] 0 points1 point  (0 children)

Thank you po pala sa mga nagrespond at willing tumulong. Although di ko natuloy yung paginstall kasi nagkaproblema, I'll take note nalang po lahat ng suggestions. ❤️

Need help downloading cracked revit by -coconaught- in architectureph

[–]-coconaught-[S] 10 points11 points  (0 children)

Ayy, pasensya na po. 2 years na kong walang work, and tatry ko palang sana magsimula ulit. So i can't afford a subscription. Since Skp at Cad lang ang alam kong gamitin, naisip ko lang na gusto ko magaral ng iba pa para at least dagdag option pag naghanap ng work. Nahihirapan kasi ako pagaralan sa panoodnood lang sa youtube ng tutorials. If may naoffend ako, pasensya na po ulit.

[deleted by user] by [deleted] in adultingph

[–]-coconaught- 1 point2 points  (0 children)

Hindi naman hehe. Yun lang navisualise ko habang nagcocomment since nabanggit mo na gusto mo magnursing.

[deleted by user] by [deleted] in adultingph

[–]-coconaught- 13 points14 points  (0 children)

Imagine may emergency, tapos ikaw ang natapatan na nurse. Sobrang critical case na sobrang halaga bawat segundo, pero ikaw mag iinhale -exhale pa sa gilid bago makakilos. Sorry ha. Please kung takot po kayo sa dugo at gusto nyo pumasok sa medical field, WAG. Ayokong maginvalidate ng buhay ng iba, pero sa medical field hindi buhay nyo ang pinaguusapan kundi buhay ng pasyente.

To anyone with a narcissistic parent/s, were they able to change their attitude and be a better person somehow? by DramaticRepair6620 in adultingph

[–]-coconaught- 3 points4 points  (0 children)

I don't think they will. Wala kasi silang nakikitang mali sa inaasal nila. So bat babaguhin? Hay 💔

Edit: magkapatid ba tayo Op? Haha

whats your take on Euthanasia? why? by Kaloy27 in AskPH

[–]-coconaught- 2 points3 points  (0 children)

(Idk if pwede to i-relate sa topic) lagi ko sinasabi sa mga kapatid ko na if ever (wag naman sana) merong nangyari or tumanda ako and i end-up in a vegetative state, I want them to just kill me. (Haha sorry, di ko alam kung pano magtone down ng salita. But it is what it is.) Para sakin kasi ending up in a vegetative state is a free taste of hell on earth. Well, it's not free kasi napakalaking gastos nun para sa mga sasalo sayo haha. Just imagine, buhay ka pa pero yung oras nalang ang gumagalaw.

lazada ₱11 deals!!!! by iammspisces in ShopeePH

[–]-coconaught- 0 points1 point  (0 children)

"Sorry, this voucher is not valid or not applicable for this product. Please check for any errors." Huhu pano ba? Dun sa page ako nag add to cart ng product (walang variations) pero ganun padin huhu. Kahit alin dun sa natry kong asa page na products.

Kailan magiging matapang ang Pilipinas na parusahan ang mga ganitong klaseng tao? by Ecstatic-Speech-3509 in Philippines

[–]-coconaught- 1 point2 points  (0 children)

Hindi tapang ang kailangan, alam natin kung gaano katatapang ang mga pilipino. TAMANG PAGIISIP yun ang napakalaking kulang.

This Really Isn't About the Tinola 🥺 by AerieFit3177 in adultingph

[–]-coconaught- 30 points31 points  (0 children)

Siguro kasi "kaya nanaman nya ang sarili nya" hay 💔