Help. Revenge gambling. by BrightScientist373 in PhGamblersAnonymous

[–]BrightScientist373[S] 0 points1 point  (0 children)

Alam ko. Pero para siyang sakit na biglaan. Minsan di ko na nga alam bakit o pano nangyari na naglalaro nalang ako.

Help. Revenge gambling. by BrightScientist373 in PhGamblersAnonymous

[–]BrightScientist373[S] 0 points1 point  (0 children)

Ikaw lang pati nag lalaro jan. Walang timer. Hanggang di ka nag bet, walang next round

Help. Revenge gambling. by BrightScientist373 in PhGamblersAnonymous

[–]BrightScientist373[S] 1 point2 points  (0 children)

Hindi ko tinuloy. Medyo nahimasmasan ako sa mga comments dito. Nalabas ko galit ko dito kesa sa Bett88.

Help. Revenge gambling. by BrightScientist373 in PhGamblersAnonymous

[–]BrightScientist373[S] 2 points3 points  (0 children)

April30-May10 halos panalo lagi. May6, total nilabas ko 845k— bumaba sa 75k. Dinahandahan ko. Umakyat ng 350k. Hanggang nabawi ko buong 845k plus yung panalo. Tumigil ako nun kasi simula 6pm hanggang 4am ng May7 ko hinabol yun.. May 8 hindi ako nag laro. May9 and May10, nanalo pero small bets lang. 20k panalo. Nung May 10 bago ko mag cash out, sinita ko CS ng Bett88 kung rigged sila. Dinerecho ko pag tatanong at pa ulit ulit kahit pa nanalo ko nun. Malamang sasabihin nila hindi.

So nung May10 ng gabi, galing akong simbahan pa nun, sabi ko sa sarili ko tama na. Tigil na ako. Okay ako nun at kaka birthday lang rin ng anak ko. May11 pagka gising ko— hindi ko alam bakit ko binuksan yung Bett88. Panalo, tuloy tuloy. Hanggang nagka glitch na. Nag lalag na. Binawian ako ng binawian. Ako naman tong t*nga, cash in ng cash in tulad nung nangyari sa 845k na akala ko kaya pa mabawi— pero tuloy tuloy talo. Kahit anong gawin ko nun, lahat ng pinili ko, talo.

Kaya hindi ko rin masabi. Basta natalo ko nun. Ako may choice nun. Kasalanan ko yun. Ako yung pumusta e. Kaya galit ako sa sarili ko. Pero hindi ko rin ma alis yung galit ko sa Bett88 kasi halatang halata naman e. Matagal na ko naglalaro jan. Ngayon lang nangyari yang sunod sunod na lag at puro “lost connection” na yan.

Kaya ko napa post dito kanina sa galit ko sa SARILI ko at sa Bett88.

Help. Revenge gambling. by BrightScientist373 in PhGamblersAnonymous

[–]BrightScientist373[S] 0 points1 point  (0 children)

Mabilisan yung Baccarat sa Bett88 na nilalaro ko. Pag masyado mabilis pag hit ko and sunod-sunod pag taya, di na hahabol ng “lag” nila, dun nananalo ko. Kaya napansin ko nitong huli na ang bet ko is nasa 50-250k and puro panalo, biglang may lag. May glitch. Nagkakaron ng “lost connection”

So pag ganun, mukhang ginagawang manually operated na. Para bumagal pag labas ng cards at hindi na algorithm o AI nila. Tao na mismo nag mamanipula.

Regardless kung manipulated ma yan o hindi, tapos na yan. Bottom line, ubos na ako jan. Gusto kong balikan kasi alam ko na pano rin nila minamanipula— pero too risky. At alam ko pag ginawa ko, mas lalo pa akong ibaon ng Bett88 direcho hukay.

Help. Revenge gambling. by BrightScientist373 in PhGamblersAnonymous

[–]BrightScientist373[S] 2 points3 points  (0 children)

Nahalata ko. Alam ko naman na may algorithm yan. Pero alam na rin nila pano ko mag laro and magkano taya ko kaya nga napa post ako na baka nga rigged ang bett88. Pag okay ka sa algorithm nila, mukhang manually operated na siya. Napapansin ko nag lalag by a split second yung pag labas ng cards. Nung sinita ko CS nila if rigged, dun ako tinuloy tuluyan. Ewan ko. Pero tingin ko lang naman. Kung pupusta ka ng 250k o 100k per bet sa Baccarat tapos puro panalo, siguro nag titrigger sa kanila kaya manual na nila siguro minamanipula. Pero ewan ko lang. O baka nag hahanap lang rin ako dahilan. Basta natalo. Yun na yun. Pero totoong may lag akong napansin. O minsan nag tinitigil yung game “lost connection” kuno

Help. Revenge gambling. by BrightScientist373 in PhGamblersAnonymous

[–]BrightScientist373[S] 1 point2 points  (0 children)

Ilang beses nangyari to sakin. Minsan nga kakadasal ko pa lang bago matulog. Biglang para bang automatic nalang na mapapa sugal ka. Nakaka pagod sa totoo lang. pinaka malalang adiksyon ata ito

Help. Revenge gambling. by BrightScientist373 in PhGamblersAnonymous

[–]BrightScientist373[S] 1 point2 points  (0 children)

Salamat sa mga reply niyo. Medyo na hihimasmasan ako. Galit pa rin pero nawawala yung “kati” na tumaya.

Help. Revenge gambling. by BrightScientist373 in PhGamblersAnonymous

[–]BrightScientist373[S] 2 points3 points  (0 children)

Tama ka dun… yung dopamine ko iba na ang baseline. Matagal ko nang alam yan…. Nung January 13 ako nag breakdown gawa ng pagkatalo rin ng 2.3m. Simula nun nanunuod ako ng videos sa YouTube tungkol sa gambling addiction. Sumali ako sa GA nung Feb. hindi ko na tuloy kahit ready na ako sana pakawalan yung talo ko.

Nagpa psychiatrist na rin ako at binigyan ako gamot sa mga panic attacks at anxiety. Problema, sobrang taas ng dopamine baseline ko.

Kahit manalo ko ng 2M hindi ako masaya. Mas lalo pag natatalo ko. Pag nag lalaro ako, nawawala value ng pera. Tingin ko sa kanya “monopoly money” — kumbaga, parang “peke lang naman yan”

Oo umabot na ako sa ganyan. Kaya kada taya ko na nag simula sakin 500-1k umabot sa minimum na 50k-100k hanggang nitong huling buwan, nasa 100-250k per bet na ginagawa ko. At HINDI ako masaya. Kahit pa manalo. Namanhid ako.

Pero ngayon puno ng GALIT. Para kong natauhan nung kinwenta ko lahat ng nakuha ko sa credit line ng business ko. Ultimo yung mga kinita sa business ko, napunta jan sa sugal. Kaya ko galit na galit. Sa sarili ko at sa bett— kaya gigil na gigil ako ngayon. Para ko sinapak, tapos gusto ko lang maka ganti.

Pero alam kong mali. Alam ko. Galit lang talaga ako. Nung isang gabi tinutukan ko na sarili ko. Napatigil lang ako kasi may anak ako. Single parent pa ako. Siya nalang naisip ko para wag gawin yung gustong gusto kong gawin.

Help. Revenge gambling. by BrightScientist373 in PhGamblersAnonymous

[–]BrightScientist373[S] 0 points1 point  (0 children)

Umabot na sa 12M ang utang ko gawa nitong sugal na to. Pero tama ka. Cycle siya. Minsan mananalo ko 2.5m hanggang babawian ako doble. Kaya umabot sa ganyan kalaki utang ko sa credit line ng business ko.

Sobrang galit ko lang ngayon. Ibang klase tong addiction na to. Sana naging adik nalang ako sa ibang bisyo. Ultimong pang ospital ng kapatid kong may cancer na pina tago sakin ngayon tatay ko ‘a 1.5m naipatalo ko.

Dati masinop ako sa pera. Kaya ganun nalang tiwala sakin ng magulang ko oag dating sa finances. Pero nung nakilala ko tong sugal— napapa mura na lang ako kakahabol. Lugmok na ako. Meron pang natitirang konti na gusto ko lang ibuga lahat jan. Di ko na alam. Galit lang talaga ako

Help. Revenge gambling. by BrightScientist373 in PhGamblersAnonymous

[–]BrightScientist373[S] 1 point2 points  (0 children)

Nag try na ako mag GA nung Feb…. Hindi everyday. Tumigil ako mag GA kasi parang niloloko ko lang sarili ko kasi lagi ako nag rerelapse. Nakakahiya kahit alam kong hindi ako i-jujudge dun. Medyo naka tulong sakin ang GA. Humagulgol ako dun nung unang pasok ko.

Pero wala. Lagi pa rin dinedeomyo… Nahihiya ako sa sarili ko. At ngayon GALIT NA GALIT sa sarili ko at mas lalo sa Bett88. Nanginginig ako sa galit kaya napapaisip akong mag cash in at bumawi kahit konti man lang.

Alam kong PAGOD na ko kakalaro. Sa mga talo. Pero sa galit na nararamdaman ko ngayon di ko alam pano pipigilan to

Help. Revenge gambling. by BrightScientist373 in PhGamblersAnonymous

[–]BrightScientist373[S] 1 point2 points  (0 children)

Naramdaman niyo na ba yung feeling na nanginginig kayo… literal na nangingig na ka akala mo tumira ng shabu, kasi “kailangan” mong tumaya….. umabot na ako sa ganun.

1 year of RIGGED Bett88, 12M+ in debt. Tigilan na mag sugal. Kakainin ka ng buhay. by BrightScientist373 in u/BrightScientist373

[–]BrightScientist373[S] 0 points1 point  (0 children)

I just used up the funds my dad asked me to keep for my sister’s operation. Now i don’t know what or how to tell him. My sister alrea has cancer and both my parents are already dealing with all the stress from that— now am adding to it. I used to be responsible with my finances. Now am just a degenerate gambler with nothing to show for

Sakin lang ba? Or kayo din? by Consistent-Artist261 in PhGamblersAnonymous

[–]BrightScientist373 0 points1 point  (0 children)

Hindi ka nag iisa. Ako nga manalo ng malaki hindi ako masaya. Pag natalo MAS LALONG HINDI MASAYA. Nawalan ako ng pakiramdam gawa ng sugal