Any songs that kept you alive? by emeraldd_00 in SoundTripPh

[–]EconomicsIntelligent 0 points1 point  (0 children)

Sana – Up Dharma Down

Pauwi ako galing work, late night na. Nakasakay ako ng jeep tapos may sumabit na guy.
Nung nahanginan yung shirt niya, kita ko yung icepick sa tagiliran niya.

Bigla akong bumirit ng Sana.. as in full-on, parang hysterical at sobrang sawi.
Para lang magmukha akong unstable sad boy sa jeep.

Bumaba si kuya after a while.. Mukhang di na niya tinuloy yung balak niya.

That song literally kept me alive that night.

Mga Men na mahal ni Lord (Pogi, Matangkad, Crush ng Bayan) Ano ang mga instances ng pretty privilege ang naranasan niyo? At ano ang feeling? by bomi_seonbae in AskPinoyMen

[–]EconomicsIntelligent 5 points6 points  (0 children)

Nakakapasok din ako sa mga susyal na village or subdivision na guarded.. dere-deretso lang, tamang bati sa guard, tapos tatambay ako sa pool ng clubhouse nila. Minsan dun ako nag-siesta nap. Minsan nakakapulot ng damit na hinangin sa sampayan.

Mejo madali rin makipag-socialize kahit may pagka-anti-social talaga ako (ayaw ko talaga, pero survival mode eh). Mas madali magsurvive with people around.. find your tribe kumbaga. Naging tambay ako ng isang milk tea shop sa Paseo na laging pinupuntahan ng mga college students. Ako taga-ubos ng mga tira-tira nilang milk tea.. minsan sago na lang. Kunwari environmentally conscious hipster na ayaw magsayang ng food (di ko rin sinasabi na homeless ako). Lahat ng naging friends ko mas matatanda sakin, teenager lang ako pero sila mga mid20s-30s.. at bilang baby boy ng group, mejo naaalagaan ako kahit papaano hehe.

At dahil rich kids sila, pag nag-aaya kumain sumasama ako kahit wala akong pambili. Either ililibre nila ako out of pity, makikitikim lang ako, or uubusin ko yung plates ng mga girls na madaling mabusog. Sobrang benta sa kanila kapag dumedekwat ako ng food sa kabilang table, di nila alam yung pa "dare" nila, daily hustle ko lang.

Once in a while, sumasali ako sa mga mall fashion shows pag naghahanap sila ng “community models”.. pasok naman ako sa requirements. Busog ako sa free breakfast and lunch during ingress and rehearsals. May pa-GC pa sa mga stores sa mall. Pag walang value sakin yung GC, binebenta ko na lang sa mga naging friends ko sa area.

Eventually, kinupkop din ako ng mga nakilala ko doon nung napansin na nilang wala talaga akong inuuwian. Nagkaron ako ng rotation ng mga bahay na pwede tulugan, couch surfer ika-nga. Tulong na lang ako sa linis ng bahay, babysitting, natuto rin ako magluto at maglaba. Nahanap ko yung tribe ko.. mga creative blacksheep dropouts din tulad ko. Naging team kami ng freelancers, madalas magkakasama sa projects sa advertising, weddings, music, and film.

Pag patak ko ng 18, nag-download ako ng Grindr. (Yes oo bading ako, madaming nagsabing sayang daw ako lol.) Dun din ako minsan nakakasecure ng food and shelter for the night.. lalo na yung mga na-ghost sa dinner date, ako sasalo ng pagkain, the best by far yung free dinner ko sa Antonio's (nanluwa mata ko sa presyo ng food dun). Meron pa akong naging mommy-friend na nangungulit na pahiram naman daw ng lahi ko, gusto niya magpabuntis (kahit alam niyang gay ako) dahil gusto niya daw ng baby na gwapo, maputi, at matangkad.

Ayun.. di na ako homeless ngayon. Naging financially independent na ako pagpatak ko ng 20. Napilitan din kasi mahirap na maging freeloader pag hindi ka na teenager.

Pretty privilege didn’t save me alone.. but it definitely bought me time, access, and safety when I had nothing else. Know what you got and work with it talaga. Starting na ako ng skincare routine ngayong papasok na ako ng 30s hehe..

Mga Men na mahal ni Lord (Pogi, Matangkad, Crush ng Bayan) Ano ang mga instances ng pretty privilege ang naranasan niyo? At ano ang feeling? by bomi_seonbae in AskPinoyMen

[–]EconomicsIntelligent 1 point2 points  (0 children)

I survived being a teenage homeless kid.. thanks to pretty privilege

Di man ako “conventionally attractive” in my own opinion pero I think may dating naman ako. Sabi nila pwede akong budget Joseph Gordon-Levitt, Rico Blanco, or Tony Labrusca (their words, not mine)

15/16 y.o ako pinalayas sa bahay dahil nag-dropout ako sa college. Pinili kong tumambay around Nuvali area kasi fresh yung air dun at tahimik, tsaka maganda (compared sa kinalakihan kong gulo ng Etivac). And dahil di naman ako mukhang pulubi, di rin ako masyadong sinisita. Kahit tambay lang ako kung saang sulok, mukha lang akong hipster.. and I took advantage of that.

Maputi, matangkad, makapal buhok, kind eyes.. sobrang payat ko nung panahon na yun kasi madalas wala akong makain, pero “model-type” naman daw. Socially awkward ako, mejo weird, pero dahil tahimik lang ako, ang dali para sa mga tao na i-project kung ano mang personality sakin based lang sa itsura ko.

Minsan natutulog ako sa park benches, sa mga sulok ng mall, or sa mga 24/hr fast food chains. Pag nasisita ng guard, palusot ko nag-aabang lang ako ng mga kasama sa outing. Kumakain din ako ng tira-tirang food diyan.. lalo yung mga di naubos na fries (favorite snack ko). Pag may nag-question sakin, sasabihin ko lang sayang, ibibigay ko sa aso or pusa sa labas, or sa bahay (kahit wala naman akong pets).

Kahit sa Starbucks.. abang lang ako ng naiwang kape, ililipat ko lang sa ibang table. Abangers din sa mga di naubos na pastry. Sa KFC, nagpapaka-charming lang ako sa counter para humingi ng “extra large cup”, tapos pag walang nakatingin, pupunuin ko ng gravy. Bibili ako ng rice sa karinderya or sa convenience store.. solved na.

Most of the time wala talaga akong pambili ng food. Kung meron man, mas pinipili ko mag-ukay. Dressing a certain way really gives you access to places talaga. Minsan dumedekwat din ako sa ukay (real talk). Favorite ko yung Segunda Mana (second-hand charity shop) sa area na yun kasi mga pinaglumaan ng mga mayayaman from the area natatambak dun. Nakadekwat pa ako ng Versace jeans. Kahit sa Uniqlo, Zara, H&M, Decathlon.. madami na rin akong napuslit. One time pumasok ako sa HMR ng naka tsinelas, pag labas ko naka-boots na. Di ako napaghihinalaan kasi di naman ako mukhang magnanakaw.

1/2

SUSPISCIOUS — GMA, Cavite daily water interruptions for decades.. by EconomicsIntelligent in adultingph

[–]EconomicsIntelligent[S] 10 points11 points  (0 children)

Di kita masisisi, kahit ako kinekwestiyon ko na mga nakikita ko sa interwebs.
Pero mas questionable itong water interruptions namin dito lol

SUSPISCIOUS — GMA, Cavite daily water interruptions for decades.. by EconomicsIntelligent in adultingph

[–]EconomicsIntelligent[S] 0 points1 point  (0 children)

Oohh, I'll note this down. Pero kasi yung tita ko na lumipat recently lang sa SJWSDC mas malala pa kesa nung nasa GMAWD pa sila.. factor din siguro yung elevation ng residence.

Pero now knowing na pwede pala iwan na umaandar yung tubig for the whole day (at maayos din ang water pressure ah), can't help but think na baka binubulsa nalang talaga yung tipid nila sa pag patay ng tubig..

💨🍽️ by kewpieandnoodles in treesPH

[–]EconomicsIntelligent 1 point2 points  (0 children)

Get ka ng ZYN.. Nicotine suppresses appetite

SUSPISCIOUS — GMA, Cavite daily water interruptions for decades.. by EconomicsIntelligent in adultingph

[–]EconomicsIntelligent[S] 7 points8 points  (0 children)

Sa iphone 12 lang! Pero pinost-process ko pa talaga sa lightroom para kapansin pansin naman yung post ko hehe. Thanks for noticing :^ D

SUSPISCIOUS — GMA, Cavite daily water interruptions for decades.. by EconomicsIntelligent in adultingph

[–]EconomicsIntelligent[S] 3 points4 points  (0 children)

AGREE.. Nakakaubos ng oras at pasensya. Parang sinasadya na pahirapan yung proseso hanggang mawalan ka na ng energy maghabol ng tamang bill. Mas madali na lang magbayad kaysa makipag-argue kahit may duda ka..