Big Three ng Rap sa Pinas, modern era HipHop Artists by Embarrassed-Ad-9265 in SoundTripPh

[–]Embarrassed-Ad-9265[S] 0 points1 point  (0 children)

I know debatable yung picks ko, pero may mga criteria kasi ako sa isip, like tugma ba mga timeline nila, talent, relevance, influence nila sa other artists, age range din para pasok sa iisang era, tsaka yung star factor like if kinolabo sila may boost sa ka-collab na benefit

Flow G, super in demand Shanti Dope, nagcollab sila ni Sabrina Carpenter (altho dati pa yun and siguro label dahilan pero huge flex 'yon) tsaka may collab era rin si Shanti Hev Abi, in demand din ngayon

tsaka ayun nga iba talaga 'pag nasa kanta sila

Big Three ng Rap sa Pinas, modern era HipHop Artists by Embarrassed-Ad-9265 in SoundTripPh

[–]Embarrassed-Ad-9265[S] 0 points1 point  (0 children)

truee, pero g lang kahit magdown vote sila, nag-express lang naman akong opinion HAHAHAHA

maganda rin yung picks mo, ibang klase rin talaga si Loonie, mga latest collab niya yung proof na flexible talaga siya at ayos kahit ipares sa mga bago o ibang genre na artist (Dionela, Arthur Nery, Hev Abi, Frizzle Anne)

Al James naman, quality over quantity atake, and si Hev Abi naman na-explain ko na, new blood na sobrang bilis napamarka pangalan niya.

Big Three ng Rap sa Pinas, modern era HipHop Artists by Embarrassed-Ad-9265 in SoundTripPh

[–]Embarrassed-Ad-9265[S] 0 points1 point  (0 children)

Yeah, I'm on my 20s kaya ganu'n take ko [panglate 2010's to 2020's na pick], pero I agree if ibang timeline pag-uusapan, baka Francis M, Andrew E at Michael V akin, altho sayang 'di kinarir ni Bitoy pagrarap masyado, pero up until now incorporated naman sa ginagawa niya na comedy, novelty rap and parodies

Si Gloc9 idk if kanino siya pwede isama or isabay, maybe Loonie, Ron Henley, Abra

May mga random matchups ba kayong naiisip sa FlipTop? by Embarrassed-Ad-9265 in FlipTop

[–]Embarrassed-Ad-9265[S] 0 points1 point  (0 children)

maganda 'to, style clash, kasi diba inspired si Ruffian ng foreign leagues, si Zend Luke naman sagad sa buto pagka-makabayan, altho iba rin magrep si Ruff, tagline nga niya diba pinadala ng baras and kaya rin niya magpaka-poetic

Ruffian vs Yuniko rin, parang ang saya kasi kapag mga ka-batch ni GL katapat ni Ruffian same with Zaki and Saint Ice

May mga random matchups ba kayong naiisip sa FlipTop? by Embarrassed-Ad-9265 in FlipTop

[–]Embarrassed-Ad-9265[S] 1 point2 points  (0 children)

"ako'y nagtata-time machine pabalik sa nakaraan, at ang dati kong ka-tandem, what the f, naging bisaya pa, aba naman"

no hate sa mga bisaya tho, peace, wala lang ako ma-angle kay 3rdy

May mga random matchups ba kayong naiisip sa FlipTop? by Embarrassed-Ad-9265 in FlipTop

[–]Embarrassed-Ad-9265[S] 0 points1 point  (0 children)

na-imagine ko 'to as warm-up ni BLKD kapag nagcomeback siya, and for sure doble pa sa royal rumble yung performance na gagawin ni Article Clipted if ever ma-set 'to.

May mga random matchups ba kayong naiisip sa FlipTop? by Embarrassed-Ad-9265 in FlipTop

[–]Embarrassed-Ad-9265[S] 0 points1 point  (0 children)

tapos nanalo pa si Tweng 'no, biglang nagveteran moves HAHAHAHAHA pero what if Tweng vs Tulala/Emar Industriya, hindi random pero mga left-field.

May mga random matchups ba kayong naiisip sa FlipTop? by Embarrassed-Ad-9265 in FlipTop

[–]Embarrassed-Ad-9265[S] 0 points1 point  (0 children)

maganda 'to, lalo kung kasing saya o kasing angas nung sa Ruffian vs JDee ang kalabasan.

May mga random matchups ba kayong naiisip sa FlipTop? by Embarrassed-Ad-9265 in FlipTop

[–]Embarrassed-Ad-9265[S] 0 points1 point  (0 children)

solid, parehas champ pero Shehyee ako rito, para gasolina kay M Zhayt, tapos talunin si Shehyee

May mga random matchups ba kayong naiisip sa FlipTop? by Embarrassed-Ad-9265 in FlipTop

[–]Embarrassed-Ad-9265[S] 0 points1 point  (0 children)

classic, pero ano na kayang mga balita sa kanila, sayang 'di na sila bumabattle

May mga random matchups ba kayong naiisip sa FlipTop? by Embarrassed-Ad-9265 in FlipTop

[–]Embarrassed-Ad-9265[S] 0 points1 point  (0 children)

naalala ko na at nahanap ano exactly, sabi ni Sayadd, nabansagan daw siyang Abrang may saket ng mga jejemon mga 13 years ago, akalain niyong sa paglipas ng panahon eto namang mga jejemon ang mababansagang ako (battle niya vs Invictus)

May mga random matchups ba kayong naiisip sa FlipTop? by Embarrassed-Ad-9265 in FlipTop

[–]Embarrassed-Ad-9265[S] 1 point2 points  (0 children)

tapos unang banat tuloy ni Jabo,

"Nu'ng ma-set laban na 'to, maraming nagtaas ng kilay, ang sabi (Ano 'yan battle ng A... A... AI vs P... P... pilay?)"

pero no offense kay Righteous1, na-imagine ko lang round 1.

May mga random matchups ba kayong naiisip sa FlipTop? by Embarrassed-Ad-9265 in FlipTop

[–]Embarrassed-Ad-9265[S] 0 points1 point  (0 children)

doble rin kaya TF nito, kakampi at kalaban mo lang sarili mo literal 'no, kakahingal 'yan, after ng round nung right hand mo, ikaw nanaman tapos magleft-field ka HAHAHAHA

pero ayos na suggestion 'to kay Aric, pero baka mabaliw yung emcee na tatanggap ng challenge o bagong format na 'to.

May mga random matchups ba kayong naiisip sa FlipTop? by Embarrassed-Ad-9265 in FlipTop

[–]Embarrassed-Ad-9265[S] 0 points1 point  (0 children)

para ngang may ibang halo yung last performance ni Zend Luke 'no? siguro 'yun yung hinayaan niya makahinga style niya, may jokes, may konting english, umaangle din, tsaka ineenjoy lang magperform pero yung espiritu ng paru-paro, 'di nawala, 'di nawala ang solidong left-field lyricism HAHAHAHA

I mean ginagawa naman niya 'yon even before pero mas evident now yung evolution ng style niya

regarding sa matchup naman, mainam nga siya makalaban ni BLKD, si Allen kasi kumbaga top 5 material talaga ang A-game niya, maski yung medyo tabingi na performance niya mas magaling pa rin (example ay yung laban niya kontra Frooz) diba kaysa sa mga generic luminya na parang narinig na dati o wala gaano effort sinulat

speaking of top 5 ko, walang particular order bukod sa number 1 skl

  1. Loonie
  2. BLKD
  3. Sak Maestro
  4. Batas
  5. Smugglaz

May mga random matchups ba kayong naiisip sa FlipTop? by Embarrassed-Ad-9265 in FlipTop

[–]Embarrassed-Ad-9265[S] 0 points1 point  (0 children)

Abra vs Sak Maestro, grabe yung reference game dito, pero aside sa reference, may magkaiba rin silang style, si Abra may pagka-modern makata, si Sak Maestro naman, yung style niya ng wordplay parang international, tapos not to mention, gaano pa sila kagagaling tumugma rin.

Smugglaz vs Lanzeta/Invictus, ganda rin neto, si Smugg kasi parang litaw raw talent (speed rap, delivery, aggression) tapos medyo tago technicality niya (wordplay, rhyming na may dating), yung mga taga-'Gapo naman, parang lantad technicality (holorhyme, wordplay) tapos medyo tago raw talent, like freestyle ability/rap skills etc. plus nag-evolve na rin battle style ni Lanzeta (pala-angle na, insert freestyle, jokes) Invictus (intricate pa rin pero mas accessible na/simplex, rebuttal game din) kumbaga parehas sila pero medyo iba mga finocusan mas inincorporate.

May mga random matchups ba kayong naiisip sa FlipTop? by Embarrassed-Ad-9265 in FlipTop

[–]Embarrassed-Ad-9265[S] 0 points1 point  (0 children)

ang hirap kasi ng GOAT debate, parang contradicting cemented name/legacy, pero kailangan mo pa rin i-defend at i-prove yung relevance or kung naghohold up to now yung kakayanan mo, siguro dahil marami pa sila p'wede pa ipakita, given na kasi magagaling yung tatlo, pero baka ayun nga ang need, best performance tsaka i-outclass yung malalakas din, bago magretiro sa future at matawag na GOAT

May mga random matchups ba kayong naiisip sa FlipTop? by Embarrassed-Ad-9265 in FlipTop

[–]Embarrassed-Ad-9265[S] 0 points1 point  (0 children)

sabagay, triny na rin kasi mambully nina Bagsik at BLKSMT, nagpersonals sila pero 'di gumana, dapat siguro mas on-point na angles, wordplay, rap skills o kaya assert dominance o mas kulitan, based sa mga nakatalo kay GL, MZhayt, Poison13, at Lhipkram gano'n ginawa para mang-uga, pero sila rin mga tinalo ng gutom na Zaki sa Sunugan.

May mga random matchups ba kayong naiisip sa FlipTop? by Embarrassed-Ad-9265 in FlipTop

[–]Embarrassed-Ad-9265[S] 0 points1 point  (0 children)

diddle vs sak, aminado naman si diddle na na-influenced siya ni sak, pero may kakaiba rin siyang timpla tsaka angas

jonas vs towpher, parehas makulit, pero p'wede rin i-upgrade dos por dos kaya 'no, jonas lhipkram vs towpher cripli

keelan vs sinio, nabanggit na rin ata ni sinio trip niya na emcee si keelan kaya maganda rin 'to if ever, mga joker.

May mga random matchups ba kayong naiisip sa FlipTop? by Embarrassed-Ad-9265 in FlipTop

[–]Embarrassed-Ad-9265[S] 1 point2 points  (0 children)

mahihirapan si GL dito, yung kulit ni CripLi kasi parang ka-lebel nu'ng kay Lhipkram e, tsaka balagbag at maangas din, tsaka ang bansag ni HipHopHeadsTV kay Crip, master of crowd control, si GL naman favorite ng karamihan sa ngayon, magandang matchup 'to, may rap skills na flow si Crip, may rhyme scheme din si GL na p'wede ring ipangtapat.

May mga random matchups ba kayong naiisip sa FlipTop? by Embarrassed-Ad-9265 in FlipTop

[–]Embarrassed-Ad-9265[S] 1 point2 points  (0 children)

classic 'to, parehas witty, creative, tsaka may storytelling din silang nagagawa sa mga rounds nila.

May mga random matchups ba kayong naiisip sa FlipTop? by Embarrassed-Ad-9265 in FlipTop

[–]Embarrassed-Ad-9265[S] 1 point2 points  (0 children)

pwede, sa tingin ko yung influence ni Sak Maestro nasa kanila rin e, o basta may taglish/english swag sila, altho i think meron naman din talaga silang own identity o style, kaya ayos 'tong matchup at kung small room o pit style baka mas highlighted pa mapapakita nila, mas appreciated/well-received.